Chapter IV

How can I love the heartbreak, you’re the one I love
Please Subscribe to read the full chapter

Lumipas ang ilang araw wala pa rin akong usad kay Irene, I mean sa pag gusto ko sa kanya wala kasi lahat ng jokes ko na may malisya sa kanya lagi niya binabara pero besides that lalo kaming naging close. As a friend. 


After niya manalo as a student council President, I must say she's really doing a pretty good job and sinabi ko sa kanyang proud ako sa kanya. Hinampas niya lang ako after ko sabihin yun, wag daw akong nagsasabi ng mga kung ano ano. Di ko siya gets. Tinawanan ko nalang. 

 

Isa pang nalaman ko sa kanya, clingy siya. Ang hilig kumapit sa braso jusko! Hindi niya ba alam pag ginagawa niya sakin yun halos humiwalay na kaluluwa ko sa katawan ko?! Pag nagiging carefree siya nagiging clingy siya sakin and then suddenly maaalala niya na may gusto ako sa kanya bigla naman siya kakawala. Shuta.

 

 

Nandito kami ngayon sa may acacia sa may quad ng school nila Jeongyeon hinihintay matapos break time. Nag uusap lang, pero ako lipad isip ko. Naaalala ko kasi yung sinabi sakin ni Mama kahapon.

 

 

"Seul, tumawag Lolo mo. Hindi ka raw niya macontact kahapon." andito kami ngayon sa mall naglulunch after namin magsimba nang sabihin to ni mama.

 

"Baka po yun yung time nakaoff phone ko. Nasa training po ako, diba?" sabi ko habang nilalagyan pa ng pagkain kapatid ko sa plate niya.

 

"Hmm... He was asking you kung napag isipan mo na raw yung course mo for college." nagbuntong hininga si mama. "Anak, for me. Pursue what you want ha? Don't worry about your lolo." sabi ni mama ng abutin niya yung kamay ko at pinisil.

 

Actually, matagal na ko kinukulit ng Lolo to pursue Medicine. Dalawa kami actually ni Jeongyeon. Pero Jeong already straight up told him na wala siyang balak maging doctor. Atapang atao talaga 'tong hayop na 'to. Kaya siya pinakaleast na gustong apo eh. Never nakinig kay Lolo. Ako, I want to pursue music sana pero knowing my lolo and papa. They will never allow me. They want me to be a doctor kaya kung makakulit nalang lolo ko sakin, inam.

 

"Ma, you know I can't do that. Alam niyo naman si Jeong tinanggihan na agad yung idea so sakin na talaga aasa si lolo."

 

"Minsan talaga gusto ko nalang maging katulad mo si Jeongyeon pero naisip ko magiging spoiled ka masyado, wag nalang." nagtawanan naman kami.

 

"Don't worry ma, magugustuhan ko rin siguro yun. I'll give him a call later po."

 

 

 

Nagising ako sa pag iisip ng maramdaman ko yung index finger mo sa right cheek ko.

 

"Lalim nang iniisip ah?" sabi mo tinanggal mo na yung kamay mo malapit sa mukha ko.

 

"Wala, naisip ko lang yung course ko for college." sabi ko.

 

Naguusap usap pa rin sila Byul sa di ko na alam na topic nila.

 

"May two years ka pa naman to think about that. Enjoy mo muna 'to." ngumiti ka.

 

"Iiwan mo na 'ko next year." nag sad face ako, nagpapaawa pinipigil wag tumawa.

 

"Inang mukha yan Seul. Tigilan mo nga." sabi ni Jeong nang nahuli akong nagpapacute kay Irene. Tawanan naman kayo. Nagbell na at pumunta na tayo sa kanya kanyang room.

 

 

[1:02pm, Mon] Irene: Wag ka muna masyado magworry. Next year pa yun :)

Napangiti ako pagkabasa ko sa text mo.

[1:05pm, Mon] Seulgi: pero mamimiss kita huhu ngayon palang nga namimiss na kita :(

 

 

 

Medyo ang tagal mo magreply ah. Hanggang sa naalala ko bawal nga pala magphone at baka yun yung reason kaya di ka na nakareply.

 

Iniisip ko palang gagawin ko mamaya napapagod na 'ko. May training kasi kami ni Jeongyeon ngayon after ng class sa may school grounds lang naman may tournament kasi kaming sasalihan at bitbit namin name ng school. Sira na naman yung plano kong kasabay ka umuwi. Hay buhay parang life.

 

Natapos na yung class at nagliligpit na kami ng gamit. Mag papaiwan daw sila Byul gusto manood ng training tutal wala naman daw homeworks. Tetext ko na sana kapatid ko para sabihin na hintayin nalang niya si mama kasi susunduin siya ng nakita ko nagreply ka pala.

 

 

[3:49pm, Mon] Irene: Mamimiss din kita...

Pota kinikilig ako shet! Ay may isang text pa pala.

[3:50pm, Mon] Irene: As a friend :p

Naknampota talaga oh. Urong sulong!

 

 

 

Naglalatag kami ng mats ngayon ni Jeong sa grounds bago kami magstart magstretching. Sila Byul naman nasa court nakikipaglaro ng basketball. Napansin kong bukas pa room sa student council.

 

"Di pa umuuwi sila Nabs?" tanong ko kay Jeong matapos malagay yung huling mat.

 

"May tinatapos pa raw eh. Pero palabas na rin yan mamaya. Sabay daw sila uwi satin." ngumiti naman na nang aasar si kumag.

 

"Ano na naman yang ngiti na yan?" 



"Musta na kayo ni Irene?" pag iiba niya ng topic. Nagstart na kami magstretching.

 

"Close na kami. Pero yung pagkagusto ko sa kanya, ganon pa rin." 

 

Inakbayan ako ni Jeong "Bilisan mo kumilos. Balita ko liligawan daw siya ni Jaehyun." nagulat naman ako sa info na yun.

 

Nagjojog na kami paikot sa mat na ginawa namin. "Yung pretty boy dun sa kabilang section?"

 

Tumango lang 'to. Nabahala naman ako kasi pota kung straight ako malamang sa malamang jojowain ko yun. Kasi naman, ubod ng gwapo! Ano naman laban ko run, aber? 

 

Nagpaalam na umuwi si Joy and Wendy. Isasabay na rin daw nila si Chaeng. After naman pagkaalis nila nakita kong papunta na rin kayo nila Solar dito at paupo malapit sa court habang pinapanood kami. Tapos na maglaro sila Byul at nagkkwentuhan kayo.

 

"Tangina, anong gagawin ko Jeong?" tanong ko halata na worried.

 

"Step up your game! Ligawan mo na ng maayos." 

 

Naisip ko yung sinabi ni Jeong. Tama siya. Ngayong may potential na akong karibal sa'yo liligawan na kita ng maayos.

 

Dumidilim na at inilawan na yung school grounds. Nagsspar kami ngayon ni Jeongyeon. Alam kong di 'to magpapatalo lalo na nanonood si Nayeon. Asa naman siyang papatalo din ako no? Kailangan ko magpasikat kay Irene.

 

Inuulanan ako ngayon ng roundhouse ni Jeongyeon. Tanginang 'to? Nakalimutan ata na wala kaming gear na suot. Nakablock lang ako hanggang sa makakita ako sa kanya ng blind spot. Kinagat ko kaagad yun at binigyan siya ng axe kick pero instead na sa ulo ko niya papatamaan sa balikat nalang. Mahirap na, malapit na tournament. 

 

Napatumba siya at tumayo agad. Nag ngitian kami. Alam namin sa isa't isa na gusto namin magpaimpress. 

 

"Seu-" nang tumingin ako sa'yo dahil tinawag mo 'ko huli na ng maiwasan ko yung hook ni Jeongyeon at natumba ako. Putek!

 

 

" Seul! Sorry napalakas, kung saan saan ka kasi tumitingin." yakap yakap ako ni Jeongyeon at nag sosorry.

 

Lumapit kayo nila Nabs halatang worried. "Seul, okay ka lang?" sabi ni Solar. Tinignan kita, worried masyado yung expression mo.

 

"Oks lang, malayo sa bituka." sabi kong nakangiti.

 

"Seul, sorry. Tinawag kasi kita. Iccheer lang sana kita pero nadistract ka... sorry."

 

"Wala nga yun. Sanay na ako. Ganon talaga pag sparring." sumang ayon naman si Jeongyeon para di na kayo masyado magworry.

 

Nagliligpit na kami ngayon at magpapalit ng damit. Hahatid pa namin kayo. Si Byul nauna na.

 

 

 

 

Sa Sabado pa naman yung tournament kaya medyo may time pa kami to prepare nang maayos ng pinsan ko. At siguro sa gym nalang kami magttraining kinabukasan ni Jeong mukhang di magandang idea yung dito magtrain eh. Madali ako madistract. Lalo na kung ikaw yung nanonood. Para kasing may magnet yung mata ko pag nasa paligid ka eh. Ayaw maalis sayo.

 

Isa rin sa reason pag may laro ako, ayokong nanonood si Mama or si Yeji. Paano ba naman kas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sadpetxls
guys ill be gone for a week so yung update medyo matatagalan huhu pero a week lang naman... okay yun lang hehe keep safe all! X

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: update pls autornim huhuhu
kang_ddeul
#2
Chapter 10: huy ang sakeeeeeet huhu
heesica10 #3
Chapter 10: Updateeeee huhuhu
chomi5ever #4
Chapter 10: AWIT
MomolandFan #5
Chapter 10: Ang sakit sa heart ha wala bang panghilom dyan
niezyn97
#6
Chapter 10: wag naman ganun
kangcsy #7
Chapter 10: aray. so tzugi na ba ito?? thanks for the update author!
Adriane_d #8
Chapter 10: I'm guessing this is the part where Tzuyu comes in.
heesica10 #9
Chapter 9: Omggggg can’t wit for the update!!! Okay selosan
thelost_soul
#10
Chapter 8: SHUTA BITIN HAHAHAHAHAHAHAH JONKS THANK YOU PO SA UPDATE