Chapter II
How can I love the heartbreak, you’re the one I loveAfter ng klase namin napag usapan namin yung nangyari kanina sa caf habang papunta kami sa classroom nila Nayeon para sunduin 'to. Hinahatid kasi siya lagi pauwi ni Jeong. "Seryoso ka Seul? Si Irene talaga?" tanong ni Byul.
"Oo, malakas kutob ko pang forever na." tinawanan naman ako ng mga gago.
"Forever ampota. Hoy highschool ka palang!" sabi naman ni Joy tinatawanan pa rin ako.
"Hayaan niyo na 'tong pinsan ko. Alam niyo nang pihikan 'to eh." sabi ni Jeong na inakbayan ako. Si Chaeng naman nakasabit sa braso ko. Namiss talaga ako neto eh.
"Palibhasa pareho kayo eh. 4 years mo na nililigawan si Nayeon, nganga ka pa rin." this time si Wends naman sumawsaw.
"Isang taon nalang din naman magiging kami na. Mahal ako nun, wag niyo i-deny napapansin niyo rin clingy na siya sakin." nakangiting sabi naman ng inlababo kong pinsan.
Sabagay, nung elem kasi kami nung bago bago palang nanliligaw si Jeong kay Nayeon cold talaga siya kay Jeong. Actually di naman pumayag magpaligaw si Nayeon kay Jeongyeon, pero etong si kupal ayaw patinag, di tinigilan hanggang inaallow nalang din ni Nayeon. Yun nga lang maghihintay siya pag college. Okay naman kay Jeong, alam kong di niya lolokohin si Nayeon. Sa lahat samin, siya yung pinakaseryoso sa pag ibig. Di siya basta basta sumusugod kahit landian lang. Gusto niya raw yung sa kasal na mauuwi agad. Inaasar pa namin siya dati na corny pota yun din pala bagsak ko simula nung dumating ka.
[04:03pm, Mon] baby Yeji: ate wer r u? uwian na namin.
[04:04pm, Mon] Seulgi: wait us sa may guard. may dinaanan lang kami
[04:04, Mon] baby Yeji: okay po mwa
Dumating na kami sa classroom niyo at mukhang ready na rin kayo umuwi. Nginitian kita. Tinitigan mo lang ako. Wew.
"Nabs, I hope you don't mind. Sabay satin sila Seul and her sister pauwi." sabi ni Jeong habang tinulungan naman si Nayeon sa dalang gamit neto.
Di naman umangal si Nayeon at sabing mas okay nga raw yun. "Uy we'll go ahead na Jeong, Seul!" sabi naman ni Wends kasama si Joy. May kotse si Wendy kaya lagi sila ni Joy sabay tsaka same village lang sila nakatira.
"Una na rin kami ni Solar. May dadaanan pa kami eh." sabi naman ni Byul at sinundan sila Wends di pa rin sila gaanong nagpapansinan ni Solar. Si Chae naman alam kong until now sinusundo siya ng daddy niya kaya sasabay lang 'to until sa may guard. Si Irene wala pa kong idea if sinusundo ba siya.
"Irene, sabay ka na samin ulit ni Jeong ah." sabi ni Nayeon sa kanya habang naglalakad na kami papuntang guard.
"Hindi na Nabs, mukhang di na kasya eh."
"Maluwang pa Irene, don't worry di naman nangangagat yang pinsan ko." sabi ni Jeong nang aasar.
"Ah mukha kasi." sabi mo at natawa naman sila Nayeon. "Jeongyeon, thanks ah. Makakatipid ako." habol mong sabi.
Magsasalita na sana ako nang maputol yun nung tinawag ako ng kapatid ko. Pinakilala ko naman siya kay Nayeon di niya kasi nameet 'to dati tsaka na rin kay Irene. Pumunta na kami sa parking. Naupo sa passenger seat si Nayeon. Umuna ka pumasok sa likod susunod na sana ako kaso tinawag mo yung kapatid ko at siya yung pinaupo mo sa tabi mo. Napailing nalang ako.
Naunang hinatid ni Jeong si Nayeon kasi siya yung pinakamalapit na bahay, sa BF. Habang nasa byahe tayo pauwi naging friendly naman yung mood mo. Nalaman kong scholar ka pala sa Zobel kaya ka nakapasok. At sinabi mo ring di ka anak mayaman. Simple lang ang buhay niyo. Nung una ayaw mo tanggapin yung scholarship kasi iniisip mo na mabubully ka lang dun kasi ang pagkakaalam mo puro mayayaman at spoiled brats lang mga studyante dun.
Yung parents mo yung pumilit sayo at sa huli pumayag ka na rin at nagbago yung tingin mo nang makilala mo sila Nayeon. Nalaman ko rin na may isa kang kuya na nasa college. Sa UP, architect yung course. Nalaman ko rin na sobrang talino mo and active ka lagi sa school activities lalo na pag academic.
Nakarating na tayo sa bahay niyo. Sa Casimiro. Nag thank you ka kay Jeong pero bago ka makababa inunahan kita makababa para mapagbuksan kita ng pinto.
"Kaya ko naman Seulgi. Pero thanks." ngumiti ka, sa wakas nginitian mo na ko.
"Sige, see you tomorrow." kumaway ako pero bago ko makalimutan tinawag ulit kita.
"Bakit? May nakalimutan ba ko?" tanong mo at tumingin ka sa gamit mo if may naiwan ka.
"Ano kasi." kamot kamot ko yung ulo ko. Tangina kinakabahan ako. "Pwede ko ba makuha number mo?"
Napataas ka ng kilay. Bumisina namin si Jeong para bilisan ko. "Para san?" sabi mo.
"Ano... gusto lang kita makausap?" napangiti ka.
"Sorry Seul, maybe next time. Wala akong time." kumaway ka na at dumiretso sa bahay niyo. Simple lang yung bahay niyo parang ikaw lang.
Bumalik naman ako sa kotse ng nakasimangot. Tumawa lang si Jeong at tinap tap lang yung balikat ko. Tinabihan ko na siya sa harap. Si Yeji naman inaasar din ako at tinanong kung gusto ko ba. Di ako umimik wala na ko sa mood di kasi ako sanay maturn down.
Nakarating na kam
Comments