Chapter VI

How can I love the heartbreak, you’re the one I love
Please Subscribe to read the full chapter

Sa wakas eto na ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante ng zobel. First day palang at maaga na kaming andito sa school para sa opening ceremonies na pinangungunahan ng student council and para icheer kayo. 

 

After ng opening ceremony nagribbon cutting na for booths para tuluyan nang magsimula ang 1st day ng intrams. So far halos lahat ata ng students eh nagparticipate, ang dami ring booths kaya naglibot libot na kami magbabarkada minus Byul na super busy sa mga rehearsals nila for pageant. 

 

Una namin pinuntahan eh yung mga may pagkain na tindang booth bigla kasing nagyaya si Joy na bumili nang inumin. Pucha sabi inumin lang bibilhin, nagfoodtrip na pala agad ang mga timang. Habang hinihintay ko bumili ang mga PG napalingon ako sa katabing booth ng math club at napansin kong naghihiwa ng patatas yung kapatid ko.

 

 

"Yeji, what are you doing there? Mamaya mahiwa mo daliri mo." agad kong sabi nang makita kong yung kapatid ko na di naman marunong sa gawaing bahay eh naghihiwa.

 

"Ate? I'm doing my task and I'm being careful no need to worry."

 

"Ay hello po? Kayo po yung sister ni Yeji? I'm Chaeryoung po, the club president." singit naman nung babaeng nagluluto.

 

"Bakit niyo pinaghihiwa yung kapatid ko? Eh hindi naman marunong yan. Paano pag nasugatan yan?" 

 

"Ate!" pag awat sakin nang kapatid ko.

 

"Ah eh ano po. Don't worry po, we take turns po sa gawain dito. And lahat halos po kami dito eh hindi rin marunong." sabi netong Chaeryoung na alangan kung ngumiti.

 

"Uy Yeji! Wow you're participating pala sa booth niyo." sabi ni Wendy. Tapos na sila magfoodtrip. Binati nila yung kapatid ko.

 

Pinaalis na kami nung kapatid ko nang magstart na kami magkumpol sa booth nila at nakakaistorbo daw kami sa mga bumibili talaga. Naglibot pa kami sa mga booth. At ang daming pakulo ng mga clubs ah. Syempre, andyan pa rin yung mga di mawawalang booth na katulad ng marriage booth ng social club at jail booth ng compass club. Meron ding horror booth na pakulo ang student council at movie booth naman ng photography club at marami pang common na booth na di ko na babanggitin.

 

Nagkayayaan kami mag movie booth para palipas oras hanggang lunch time, practice na kasi kami mamaya for dance rally. Umakyat na kami sa second floor at napansin naming magkafloor lang ang movie booth at horror booth may isang pagitan lang na room. Dumaan muna kami sa horror booth ng student council bago kami manood sa movie booth. Andun sila Nayeon at Amber, napansin kong wala ka.

 

"Wala si Irene, kausap nila Ma'am Raquel sa faculty." agad namang sabi ni Amber nung pagkarating namin.

 

Awow. Nabasa agad tatanungin ko? Psychic ka ghorl? May powers?

 

"Ha? Di ko naman hinahanap ah." pag tatanggi ko.

 

"Lul mo Seulgi. Pagkakita ko palang sayo sa hallway alam ko na agad sino hahanapin mo." pang aasar netong baklang 'to. 


Ngumisi nalang ako.

 

"Nabs, sabay ka ba lunch?" rinig kong tanong ni Jeongyeon sa future jowa niya.

 

Napansin kong bumibili na ng tickets sila Chaeyoung sa movie booth para samin.

 

"Baka hindi. Need kami here eh. Sorry." sabi ni Nayeon habang nilalaro yung kamay ni Jeong.

 

Nagpaalam na kami na manonood na kami ng movie sa kabilang room. RomCom yung palabas at susme ang daming tao sa loob. Nagstart na pala agad yung movie. Infairness sa photog club ah may pa inflatable beds and pillows. Sa dulo kami pumwesto para madali lang lumabas.

 

 

 

 

Pagkalabas namin napansin kong andun ka na sa booth niyo at nag gugunting ng mga printed tickets. Pinuntahan ka namin at nag Hi sa'yo. Ngumiti ka samin at inayang pumasok sa horror booth. 

 

 

"Pasok na kayo. Ako na bahala sa ticket niyo." pag aaya mo samin.

 

Tumingin naman sakin sila Wendy. Nag aalinlangan at nang aasar na nakatitig. Alam ng mga kumag na duwag ako sa mga horror horror na yan. Naalala ko pa one time nagkayayaan kami magstar city bigla tapos pinilit nila akong pumasok sa gabi ng lagim. Susme, halos bangugutin ako nun at kinabukasan nga nilagnat ako. Ang mga gago naman tuwang tuwa.

 

"S-sige, una na kayo Joy. Sunod ako m-maya." sabi ko at pilit ang ngiti sa kanila.

 

"Weh susunod daw. Duw-mhmp" tinakpan ko na bibig ni Joy bago pa niya maibulgar kay Irene na duwag ako.

 

Tinulak ko nalang sila papasok sa loob ng booth para di na nila ako ilaglag. Tumingin ka naman sakin na medyo nalilito ka. Nagtatanong ang mga mata.

 

"Ah eh, wala yun! Eduwaw daw eduwaw." palusot ko dito at kamot kamot yung ulo ko.

 

Tumawa ka ng malakas. Di mo ata kinagat yung palusot ko.

 

"Takot ka ba Seul?" natatawa mong tanong.

 

"Ha? Mukha mo takot! Di no, wala lang ako sa mood."

 

"Takot ka ehh!"

 

"Hindi nga!" 

Nagulat ako bigla ng marinig ko yung mga sigawan sa loob nila Wends. Natakot ako lalo. Hindi ko na naitago.

 

"So takot ka nga?" tanong mo ulit pero this time wala nang halong pang aasar.

 

"Ayaw mo na ba sakin kung oo?"

 

Hinampas mo ko habang tumatawa ka. "Anong pinagsasabi mo dyan?! Para kang sira... Pasok ka na, di naman ganon nakakatakot. Low budget horror booth lang kami."

 

"Eh ba't sila sumisigaw kung di nakakatakot ha?"

 

"Mga oa lang yan. Inaasar ka lang." sumenyas ka naman kila Mina na busy nagsusulat sa tabi mo. "Tara na, sasamahan kita sa loob." 

 

Hila hila mo ko sa may entrance at medyo pumipiglas ako sa'yo. Pucha naman kasi! Dami daming booth na pwede itayo eto pa talaga naisipan niyo. Hinila mo na kong tuluyan papasok. Lechugas, sobrang dilim. Napasigaw agad ako ng may kumalabit sakin. Tangina, si Nayeon lang pala. Bwiset na 'to tawang tawa pa. Pinaluhod ako, apparently may maliit na tunnel pala at yun ang umpisa. Pinauna kong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sadpetxls
guys ill be gone for a week so yung update medyo matatagalan huhu pero a week lang naman... okay yun lang hehe keep safe all! X

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: update pls autornim huhuhu
kang_ddeul
#2
Chapter 10: huy ang sakeeeeeet huhu
heesica10 #3
Chapter 10: Updateeeee huhuhu
chomi5ever #4
Chapter 10: AWIT
MomolandFan #5
Chapter 10: Ang sakit sa heart ha wala bang panghilom dyan
niezyn97
#6
Chapter 10: wag naman ganun
kangcsy #7
Chapter 10: aray. so tzugi na ba ito?? thanks for the update author!
Adriane_d #8
Chapter 10: I'm guessing this is the part where Tzuyu comes in.
heesica10 #9
Chapter 9: Omggggg can’t wit for the update!!! Okay selosan
thelost_soul
#10
Chapter 8: SHUTA BITIN HAHAHAHAHAHAHAH JONKS THANK YOU PO SA UPDATE