Chapter I

How can I love the heartbreak, you’re the one I love
Please Subscribe to read the full chapter

“Kang Seulgi! Bangon na! Malalate na kayo ng kapatid mo!” Narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ko. 

 

Oo nga pala, unang araw ng pasukan ngayon at 3rd year high school na ako ngayon. Si Yeji naman yung kapatid ko 1st year high school. Actually kakatransfer lang namin ulit, yung huling school namin ay sa Palawan pa kung saan nakatira yung Papa namin ni Yeji. Grade 6 ako nung lumipat ako sa Palawan at pansamantalang kay Papa muna kami tumira ng kapatid ko.

 

“Ate Seulgi, bilisan mo nakaligo na ‘ko!” nakita kong kakalabas lang ng banyong si Yeji.

 

“Eto na, excited naman masyado ‘tong baby ko” sabay pisil ko sa pisngi niya.

 

Hiwalay ang parents namin kaya naman papalit-palit kami ng tutuluyan ng kapatid ko. Lalo na pag bakasyon. Sa situation naman namin, i guess hindi nalang ako nagrereklamo as long as hindi nila kami napapabayaan magkapatid. Sanayan nalang sa setting. Bata pa lang ako nung maagang naghiwalay sila mama at papa, yung reason nagkaroon daw ng ibang babae si papa. Nung una hindi ko tanggap syempre nagalit ako kay papa. Pero sabi ni mama, hindi niya na raw matotolerate na makasama pa si papa knowing na niloko siya nito. At sa huli, ayun nga nagdivorce sila.

 

“Nak, hindi ko kayo masusundo mamaya ha. Kukunin ko kasi sa airport yung parcel na bagong dating na gamot.” sabi ni Mama. Pharmacist ang work niya at may maliit kami na pharmacy na siya nagmamanage. Simula nung naghiwalay sila ni papa nagstart siya ulit ipursue yung career niya at yun nga ang pagiging pharmacist.

 

“Sumabay nalang muna kayo kay Jeongyeon”

 

“Opo” si Jeongyeon naman pinsan ko sa side ni Papa pero yung family niya na burgis dito na talaga nakatira sa Manila unlike kay Papa na sa Palawan lang nagstay talaga.

 

“Ma mauuna na ‘ko sa kotse” 

 

Sa DLSZ kami nag aaral. Dito rin yung dati kong school bago pa kami lumipat ni Yeji sa Palawan kaya naman di na kami bago pa dito. Paghatid samin ni Yeji agad ‘tong nagpaalam na pupunta na sa room nila. Hinayaan ko na tutal malaki na siya.

 

“Hintayin mo ‘ko mamaya sa room niyo pag uwian ah” kumaway nalang ‘to sakain habang mabilis na lumakad papunta sa building nila.

 

Papunta na 'ko sa room ng biglang may sumakal sa leeg ko galing likuran ko.

 

"Hoy ina ka! Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko nung nakaraan sa ATC eh!" sabi ni Byul habang nakapulupot pa rin yung leeg ko sa braso niya.

 

"Tangina mo masakit! Ack!" binitawan naman ako neto tapos niyakap. Isa si Byul sa mga malalapit kong barkada. Anim kaming magbabarkada kasama dito yung pinsan kong si Jeongyeon.

 

"Namiss kita Seul! Antagal mo nawala! Complete na naman tayo! Woo!" 

 

"Kang Seulgi!!!" narinig kong sigaw ni Joy na tumatakbo papunta samin. Nakasunod naman sa kanya si Jeongyeon, Wendy tsaka ang bunso sa barkada namin na si Chaeyoung.

 

Agad naman nila akong dinumog na lima. Di ko sila masisisi kung namiss talaga nila 'ko maliban kay Jeong. Bihira kasi ako magparamdam nung nasa Palawan ako. Sa groupchat namin seen lang gawa ko o kaya naman on read. Ewan ko ba, hindi talaga ako magaling makipag usap sa online alam naman yun nila kaya naiintindihan nila. Every summer naman umuuwi ako at nakikipagkita sa kanila. Since grade 3, tight na kaming anim. Nagstart yung barkada namin nang maigrupo kaming anim sa dance project sa PE. At yun nga nagclick kami agad. Lahat kami magkaka-age maliban kay Chaeyoung na bunso namin. Matanda kami sa kanya ng dalawang taon, accelerated kasi siya. 



"Kumusta? Anong ganap nung nawala ako?" pababa kami ngayon sa grounds para sa morning assembly. Hinahanap namin yung pila ng juniors. Nakita ko na sa harap na pala nakapwesto yung seniors. Usually kasi magkatabi ng pila yung juniors and seniors, I guess nabago na yun nung nawala ako.

 

"Wala naman masyado Seul, ganon pa rin. Gusto ko na grumaduate! Excited na ko magcollege." sabi ni Wendy na pumwesto na sa harapan ko. Nakapila na kami ng dalawang linya ng section ko. Isa sa mga babae isa naman sa mga lalake.

 

After namin maayos yung pila nagstart na yung morning assembly. Nagmamasid lang ako ngayon sa paligid ko kung sino mga bago nang madaan yung tingin ko sa harapang side kung saan yung mga seniors. 



Tangina parang tumigil yung mundo ko. Nakita ko na ata yung pinakamagandang babae sa tanan ng buhay ko. Sobrang ganda niya, siya yung nasa harap ng pila kasi malamang siya yung pinakamaliit.

Habang nakatitig lang ako sa kanya napansin niya atang may nakatingin sa kanya kaya tumingin 'to sa direksyon ko. Alam niyo yung tipong nakapause lahat tapos blurred lahat ng paligid tapos si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sadpetxls
guys ill be gone for a week so yung update medyo matatagalan huhu pero a week lang naman... okay yun lang hehe keep safe all! X

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: update pls autornim huhuhu
kang_ddeul
#2
Chapter 10: huy ang sakeeeeeet huhu
heesica10 #3
Chapter 10: Updateeeee huhuhu
chomi5ever #4
Chapter 10: AWIT
MomolandFan #5
Chapter 10: Ang sakit sa heart ha wala bang panghilom dyan
niezyn97
#6
Chapter 10: wag naman ganun
kangcsy #7
Chapter 10: aray. so tzugi na ba ito?? thanks for the update author!
Adriane_d #8
Chapter 10: I'm guessing this is the part where Tzuyu comes in.
heesica10 #9
Chapter 9: Omggggg can’t wit for the update!!! Okay selosan
thelost_soul
#10
Chapter 8: SHUTA BITIN HAHAHAHAHAHAHAH JONKS THANK YOU PO SA UPDATE