Chapter VII

How can I love the heartbreak, you’re the one I love
Please Subscribe to read the full chapter

Nandito kami ngayon sa bahay nila Jeongyeon nagreready na. Kakatapos lang ng huling rehearsal namin at ngayon inaayusan kami ni Joy. Onting make up lang naman nilagay niya samin. Wala halos umiimik na samin. Bakas ang kaba.


 

Bilib din ako dito kay Joy kasi super supportive niya samin simula nung nagregister kami dito sa competition hanggang sa pagpipili ng susuotin namin. Manager daw namin siya. Nung nagmall kami halos kung saan saan kami umikot para bumili ng susuotin namin. Gusto niya daw makuha yung look ng pinopotray namin na The Beatles.


 

Pinafit niya samin yung turtleneck na black at dress pants na itim yung medj bitin ang style. Kumuha din siya ng blazer na itim. Ano ba 'to? Parang sa patay lang pupunta. Reklamo kami ng reklamo sa kanya nun sabing isuot muna namin bago kami magreklamo. Pagkasuot namin walang umimik samin kasi pucha we look cool man! Tinaasan pa kami ni Joy nang kilay sabay banat nang told you so. Kala ko yun lang ang gastos namin. Yun ang akala ko, pumasok kami sa Dr. Martens at sinabi niya sa saleslady na kuhanan kaming lima ng black na lowcut. Shuta! Ubos ipon ko neto.

 

 

 

 

Nang maayusan niya na kaming lahat, tinipon niya kami at niyakap isa isa.

 

"Relax lang kayo, guys." sabi niya samin. "Alam ko nasa peak na yung kaba niyo... pero guys isipin niyo nalang mamaya na parang jamming session niyo lang 'to. Okay? Wag kayo mag alala, ako pinakamalakas cheer dun."

 

Tumango naman kami sa kanya.

 

 

Nagbihis naman kami pero yung dress pants lang muna. Napagkasunduan namin na sa school na suotin yung pangtaas namin kasi mainit at baka magusot agad. Sinakay na namin yung mga gamit namin sa van nila Chaeyoung pati yung keyboard na hindi provided ng school. Pinagdrive na kami ng daddy ni Chae papunta sa school.

 

 

 

[4:04pm, Wed] Irene: San na kayo? 5pm call time ah...

[4:06pm, Wed] Seulgi: otw na :)

[4:08pm, Wed] Irene: Ingat! Looking forward sa performance niyo :)

 

 

 

Hindi na ako nakareply ulit sayo kasi kausap kami ng daddy ni Chae, nililibang kami para kahit papano mawala yung kaba naming lima. Traffic pa, hay. Panay tawanan kami sa loob ng van daming kwento ni Tito na nakakatawa.

 

 

 

 

 

Dumating na kami sa school at dumiretso na kami sa room na assigned sa amin para dun magstay at mag ayos. Bago kami makadating sa room eh nadaanan namin yung gym na nakaayos na ang mga lights. Naka dim na. Pati yung mga intruments sa stage eh nakaset na. Nakita ko sila Nabs at napansin kong wala ka.

 


Pinagbihis na kami ni Joy ng pang itaas namin para pag tinawag kami eh wala ng problema.

 

"Tangina, grabe na yung kaba ko." sabi ni Jeong. "Para akong natatae."

 

"Ako din, ang lamig ng mga kamay ko." sabi naman ni Byul.

 

"O basta mamaya ah. Chill lang tayo guys." ingos ni Wendy. "Kunyari jamming lang 'to."

 

Lumapit naman sakin si Wendy at inabot yung glasses.

 

"Aanhin ko 'to?"

 

"Susuot mo malamang." sabi neto. "Para alam ng audience na ikaw si John Lennon." tawa tawang dagdag niya.

 

"Pota ka, pinatay mo pa ako!"

 

"Isuot mo nalang mamaya!" gatong ni Byul. "Hatak chicks yan, Seul!"

 

 

Narinig naman naming may kumatok sa pinto. Sasabihan na ata kami na malapit kaming tumugtog. Binuksan ni Chaeyoung yung pinto. Ikaw pala. 
 

Gulat kang tumingin sa aming lima. Pinagmamasdan mo mga suot namin at itsura. Natawa naman kami at umikot kami para makita mo ng buo yung buong outfit namin.

 

"Wow! Ang cute niyo!" takip bibig mong sabi samin. Amuse na amuse lang. "Nung sinabi ni Nabs na ang cool niyo tignan di ako naniwala." Natawa ka.

 

Inaya mo kami ng picture at nilabas mo phone mo. Pilit natin pinagkakasya sa frame tayong pito. Nakailang picture din tayo na putol putol ang isa satin sa frame nang kinuha ni Joy yung phone mo at nagvolunteer na siya na ang kukuha.

 

"O compress! Compress!" utos niya. "Ayan, good... Wait, isa pa. Akbay akbay kayo."

 

"Si Seul naman tsaka si Irene!" tukso ni Wendy.

 

Tututol na sana ako pero bigla akong tinulak ng mga timang sa tabi mo. Nagpicture na si Joy.
 

"Ano ba yan! Para kayong mga tuod." reklamo niya. "Para kayong di magkakilala mga teh."

 

Lumapit naman satin si Chaeyoung at akmang nilagay yung kamay ko sa kabilang balikat mo. "Ayan ate Seul, ganito." sabi niya. "Okay lang naman ate Irene diba?"

 

Tumango ka at natatawa tawa pa. Sinasakyan mga pang tutukso ng barkada ko.

 

"Hoy Seulgi! Ngumiti ka!" utos ulit ni Joy. At pansin kong dumami na mga kumukuha ng picture natin. Kung kanina si Joy lang, ngayon pati ang mga kupal kanya kanyang hawak ng phone at picture. 
 

"Wait, sa phone ko rin." nahihiya kong sabi.

 

Tumawa kayo. "Ayan, pabebe pa kanina. Jusko!" sabay abot ni Jeong sa phone ko.

 

"O tama na." ngisi mong sabi. "Malapit na kayo, baba na tayo kunin niyo na mga need niyong gamit."

 

 

Kinuha na namin mga gamit namin at pati yung keyboard. Naglalakad na tayo sa hallway papunta sa gym, nasa unahan natin sila Byul na bitbit yung keyboard. Nasa huli naman tayong dalawa, bitbit ko yung stand ng keyboard.

 

Naglalakad tayo ng bigla mong kinuha yung glasses sa nakasabit sa damit ko at sinuot mo yun.

 

"Bagay?" nakangiti mong tanong.

 

Cute mo putek! Huhu! Ngumiti ako sayo. "Oo, bagay tayo."

 

Tawa tawa kang hinahampas ako. "Para kang sira! Bakit di mo pa isuot?" tanong mo. "Isuot mo na, o eto." 
 

Mahinang pigil mo satin sa paglalakad at humarap ka sakin. Tumiin ka onti para ilagay sakin yung glasses. Napatingin ako sayo. Ang lapit ng mukha mo sakin. Tinitignan ko ang maamo mong mukha, yung nunal mo sa cheeks, yung eyelashes mong mahahaba. Napadaan yung tingin ko sa mga labi mo.

 

Napahinto ka rin after mong ilagay ito sa'kin at napansin mong magkalapit ang mga mukha natin. Gulat ang mga mata mong nakatitig din sakin. Naputol ang titigan natin ng sumigaw si Joy.

 

"Ano na? Anong ganap dyan ha?" pasigaw na asar satin ni Joy. Nakatingin na rin sila Jeong satin, tumatawa. Lumayo ka na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sadpetxls
guys ill be gone for a week so yung update medyo matatagalan huhu pero a week lang naman... okay yun lang hehe keep safe all! X

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 10: update pls autornim huhuhu
kang_ddeul
#2
Chapter 10: huy ang sakeeeeeet huhu
heesica10 #3
Chapter 10: Updateeeee huhuhu
chomi5ever #4
Chapter 10: AWIT
MomolandFan #5
Chapter 10: Ang sakit sa heart ha wala bang panghilom dyan
niezyn97
#6
Chapter 10: wag naman ganun
kangcsy #7
Chapter 10: aray. so tzugi na ba ito?? thanks for the update author!
Adriane_d #8
Chapter 10: I'm guessing this is the part where Tzuyu comes in.
heesica10 #9
Chapter 9: Omggggg can’t wit for the update!!! Okay selosan
thelost_soul
#10
Chapter 8: SHUTA BITIN HAHAHAHAHAHAHAH JONKS THANK YOU PO SA UPDATE