His Existence

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

DARA'S POV

Lumipas ang mga araw at naka isang linggo na ko sa Bang University.

 

Absent ngayon si Bom dahil kailangan niyang pumuntang Palawan para sa kaarawan ng lolo niya. Bago siya umalis ang dami niyang iniwang paalala.

"Bestfriend kakain ka on time, sabi saken ni manang di ka kumakain nung nagdaang araw. Huwag kang totopakin pagdating sa direksyon baka mawala ka na naman at sa gulo pumunta. Huwag kang magpapaapi kina Jessica, sampalin mo agad pag inaway ka. At higit sa lahat huwag mong susubukang lumapit sa lugar kung nasaan ang Big Bang. Magaling na ang sigurado. Di mo alam ang pwedeng mangyari pag napapasok ka sa mundo nila. Naiintindihan mo ba?"

"Opo Mommy Bommie :)"

Akala mo kasi nanay kung makapagbilin eh.

"Good... Oh pano ba yan, 1 week mo kong di makikita ha... Huwag mo kong mamimiss ha.. Ingat palagi bestfriend."

Niyakap na niya ko pagkatapos ng pag-uusap naming yun at agad na umalis.

Sinunod ko ang utos ni Bom. Umiiwas ako sa lugar kung saan ko pwedeng makita ang Big Bang. Mas mabuti na ang lumayo sa gulo. Kailangan kong makagraduate dito para may mapatunayan kay mama. Kung magagawa kong gumaraduate dito, siguro magkakaroon na siya ng oras umuwi para makita ako.

 

"Miss.."

 

Natigilan ako sa pag-iisip ng may naramdaman akong kumukulbit sa likod ko.

Pag harap ko nakita ko ang isang lalaki. Hindi naman ako ganun kaulyanin para hindi siya makilala. Siya yung  lalaking binugbog ng Big Bang. Kung titingnan siya mas ok na siyang tingnan ngayon kesa nung huli kong kita. Medyo nawala na ang mga pasa sa mukha niya. Putok pa rin ang kilay niya pero naghihilom na ito. Nakakatayo na rin siya ng ayos, di tulad nung halos hindi niya maituon ang tuhod niya.

 

"Buti naman ayos ka na." ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong sabihin yun.

 

Halata ang pagkagulat sa kanya.

 

"Naalala mo pa ko?"

 

"Hmm... Syempre naman ikaw lang ang nagpahirap saken nung unang araw ko dahil sa bigat mo."

Para naman siyang napahiya, mukhang hindi niya nakitang nagbibiro lang ako.

 

"Sorry, nagbibiro lang ako. hehe..."

 

"Hmm... ganun ba...

 

ah.... Miss gusto ko lang magpasalamat dahil sa pagtulong mo saken nung araw na yun. Siguro kung hindi mo ako natulungan, mahina pa rin ako hanggang sa ngayon."

 

"Wala yun, ano ka ba? Kahit sino naman ata gagawin yung ginawa ko kapag nakitang ganun ang sitwasyon."

 

"Hindi lahat miss, alam kong napansin mo ang sitwasyon noon. Masaya ang lahat nung nasasaktan ako."

 

Nakita ko ang pagngiti niya ng mapakla. Tama siya. Hindi lahat gagawin ang ginawa ko dahil mas namumuo sa kanila ang tuwa kaysa awa.

 

"Huwag mo na lang yung isipin... By the way, I'm Sandara Park. You can call me Dara."

 

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya muna ito at muling tumingin sa mga mata ko. Muli ko siyang nginitian at ngumiti rin siya.

 

"I'm Kevin Lee. It's nice to meet you Miss Dara."

 

"Just call me Dara. No need for formalities."

 

"Ah s-sige D-Dara."

 

"Yan... Mas ok di ba?"

 

Sabay na kaming naglakad papunta sa library. Wala ang first subject teacher ko kaya naisipan kong pumunta ng library.

 

"Wala ka din bang klase ngayon?"

Tanong ko lang, baka kasi may klase siya tapos di umattend para samahan ako bilang pasasalamat.

"Hmm.. Wala eh. Siguro by next week pa ako magkakaron ng klase."

"Ha? Bakit naman?"

Nakakapagtaka lang. Ang alam ko kasi responsible mga teachers dito. Base sa kuwento saken ni Bom, ayaw ng mga teachers na nawawala sila ng matagal. Kahit ata may seminar sila, pinipilit nila na 3 days lang ang pinakamatagal nila na mawawala para maturuan ang mga estudyante dito.

"I'm transferring."

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Nakita ko siyang ngumiti pero alam kong malungkot siya.

"Why? Dahil ba sa mga nambugbog sa'yo?"

Tumango lang siya.

"Why still need to transfer? Pwede namang iwasan mo na lang sila."

"Siguro nga pwede yun. Kaya lang sa eskuwelahang ito, sa oras na napagtripan ka ng Big Bang, buong mga esudyante dito kalaban mo na. Hindi ka nila titigilan hanggang di ka lumilipat ng eskuwelahan."

"Ha? Anong klaseng pag-iisip yan ng mga estudyante?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Oo alam kong kakaiba ang mga estudyante dito  pero hindi ko naisip na iisa sila ng utak pagdating sa paggawa ng kalokohan.

"Kailangan mong masanay sa ganung pag-iisip nila kung gusto mong makagraduate."

"Yun ata ang hindi ko makakasanayan."

"Kung ganun, magtransfer ka na ngayon pa lang."

Napatingin naman ako kay Kevin. Masyado siyang seryoso.

"Hindi pwede. Kailangan kong gumaraduate dito."

Tama...

 

 Kailangan... 

 

Para kay mama..

 

"Kung ganun wag kang gagaya saken. Kailangan mong maging matapang."

 

Ngumiti na ule siya. 

 

"Gusto mo bang kumain. Libre ko. Makabawi naman ako sa pagtulong mo sa akin."

 

"Oo ba. Basta ihanda mo yang wallet mo."

 

 

DAE'S POV

Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy............ Grabe ang sakit pa rin ng ulo ko. Ilang araw na kami na sunud-sunod na nasa bar. Ito naman kasing si Rie akala mo hindi mabubuhay pag hindi nakapagkama ng babae.

 

"Hey Dae, how's your night. Mukhang nahahawaan ka na ni Rie ah. Masarap ba?"

tsk... bwisit na singkit 'to. Igagaya pa 'ko kay panda.

"Gago. Di ako nagkama."

"Eh ano? Wag mong sabihing sa banyo din?"

pang-aasar pa niya.

"Ya!!! Bwisit ka Taeyang! Masakit pa ang ulo ko. Huwag ka ng dumagdag!"

"Haha... Easy lang Dae... Nagbibiro lang eh. Nanlalaki tuloy yang mata mo."

Tsk... Pinansin pa ang mata ko. Eh isa pa din naman ang mata niyang singkit.

"Wag nga kayong maingay. Dinaig nyo pa ang magsyotang nag-aaway."

Walang kagana-ganang sabi ni Top.

"Tsk... kasalanan mo 'to panda. Kung hindi mo ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet