When Everything's Gone

Please Subscribe to read further chapters

Description

Akala ko kaya ko na ang lahat as long as nandiyan siya...

Haharapin ko ang mga problema na kasama siya..

Magiging masaya ang istorya ang buhay ng kasama niya...

Ako ang prinsesa at siya ang prinsipe.

 

Pero mali ako, hindi ito ang istoryang ililigtas ako ng prinsipe ko sa kapahamakan. Dahil sa istoryang to, ang prinsipe ang kusang nagpatigil sa tibok ng puso ng prinsesa.

 

At sa muling pagmulat ng mata ng prinsesa sa matagal na pagkakatulog, tanging ang dragon lamang sa kanyang tabi ang kanyang nasilayan.. 

Ang dragong wala ng ginawa kundi titigan siya ng nakakapanindig balahibo. 

Ang dragong tuwang tuwang bugahan siya ng apoy...

Ang dragong hindi niya alam kung ano ba ang magiging parte sa kanyang buhay. 

 

 

________________________________________________________

A.N.

Yay... Hello po... idol ko po talaga  ang daragon.. please support po my story :)

 

Foreword

Iniintindi ko naman lahat...

 

Halos 2 linggo kang hindi nagparamdam. 

"Sorry di ako nagloload ngayon, medyo marami kasing ginagawa."

"Ayos lang, wag ka pakapagod."

 

Wala ka ng oras makipagkita.

"May ginagawa ako, sa ibang araw na lang tayo magkita."

"Ah ganun ba, gusto mo tulungan kita?"

"Hindi na."

"Pero.."

"Sige bye. Out na ko."

 

Kahit sinasabi nila na martir na ko, 

"Wag ka ngang pamartir effect. Di na uso yan ngayon!"

"Mahal niya ko."

"Grabe kakakilig siyang magmahal, sa totoo lang nakakapanginig nga eh, kasi sobrang lamig niya!"

"Mahal ko siya."

"Eh di wow. Ewan ko sa'yo. Sumama ka na lang dun sa Camp Sawi. Kabwisit ka!"

 

 

Okay lang...

 

Kaya ko...

 

Kaya kong tanggapin lahat...

 

Akala ko magiging sapat na yun, pero...

 

Flashback..

Andito ako ngayon sa Tierra Coffee Shop para tagpuin ang minamahal ko. Oo tama kayo ng iniisip, ang napakagwapo kong bf. Ang usapan naman is 8:00 pm pero 8:30 na. Di kasi agad ako makaalis ng bahay, si manang kasi di talaga ako payagan. Actually tumakas lang talaga ako.. Sorry manang. :(

Aixts... saka ko na lang isipin magiging sermon saken ni manang... Ang mahalaga ngayon magkikita kami ni babe. Nakangiti akong pumasok sa coffee shop, nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakaupo sa dulo. Grabe likod pa lang talaga ni babe gwapo na..

"Babe... pasensya ha, medyo nalate ako, ayaw kasi akong payagan ni manang."

Hinintay ko siyang magsalita, pero tumango lang siya, kaya naupo na lang ako.

"Babe umorder ka na ba?"

"No. I'm not hungry. If you like, iorder kita."

Winave ko naman agad ang dalawang kamay ko bilang pagtanggi. 

"N-no need. Kumain na din ako kanina."

"Ah okay."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. Masyado siyang tahimik, mukha na kong ewan dito na nakatitig lang sa kanya..

Is it part of his plan for this day? Is it part of a surprise? Na later maglalabasan na naman ang ilang dosena niyang bulaklak... Tsk... di man lang magbago ng technique..

Napapangiti ako sa iniisip ko.. 

"Dara..."

"Y-yes babe?" aligaga akong napatingin sa kanya.

"I have something to tell you."

Masyado siyang seryoso. Napalunok ako ng wala sa oras. Bakit kinakabahan ako ng ganito?

"What is it babe? Masyado ka naman atang seryoso?"

Tumitig siya sa mga mata ko. I can't help but to have again a different kind of feeling.

"Dara.."

"Babe don't call me Dara, you should call me babe, I'm not used to you calling me by my name."

I smiled at him eventhough nagkukumawala na ang puso sa kaba na hindi ko malaman ang dahilan.

"From now on I should call you by your name."

Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ko matapos niyang sabihin yun. Parang namumuo na ang laway ko sa lalamunan ko pero pinilit kong kontrolin ang sarili ko.

"Okay. If that's what you want you can call me anything which you are comfortable at." I give her again a smile.

He had a deep sigh.. and intently look into my eyes.

"Don't you get it?"

"O-Of course I get it. You just want to call me by my name, right?"

Yun lang naman yun di ba? "Dara", it's okay for me. Call me anything you want. I'm fine. I'm really fine.

 

"Dara....

 

 

 

 

"Let's break up."

 

 

Silence...

 

 

Halos nabingi ako pagkatapos kong marinig ang mga salitang yun... Is this a joke? Namumuo na ang tubig sa mga mata ko pero pinilit kong kontrolin ang sarili ko.

 

"Yah, Babe wag mo nga akong biruin ng ganito." pilit ang tawa kong hampas sa braso niya

tiningnan ko siya pero wala pa ring nagbabago sa reaksyon niya.

 

"I'm serious."

 

Napabitaw ako sa braso niya pagkatapos niyang sabihin yun. Napatungo na lang ako kasi pumatak na yung tubig na kanina ko pang pinipigilan. Bwisit... bakit ba ko umiiyak?

 

"Babe sumama ata pakiramdam ko, pwede bang bukas na lang tayo mag-usap." 

tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para matigilan ako.

"Kahit ngayon, bukas, o sa mga susunod pang araw pa tayo mag-usap, ito pa rin ang magiging desisyon ko. Kaya tapusin na natin ngayon."

 

"W-Why?"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mga mata ko.. 

"I just realized that I became unfair to you. Wala na kong oras sayo Dara."

"Pero ayos lang naman saken eh. Alam ko namang busy ka babe. I understand."

"Dara, alam kong nahihirapan ka na din kaya kung pwede lang itigil na natin to."

"Ayos nga lang ako eh. You don't have to worry about me."

Ano bang hindi niya maintindihan sa salitang AYOS LANG AKO. Pinipilit kong patigilin ang luhang ito,, pero ayaw pa ring makisama.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Babe okay naman tayo di ba? Hindi ako nahihirapan. Promise!"

Pero siya na mismo ang nagtanggal sa kamay ko.

"I'm tired Dara."

Hindi ko kaya... 

"P-Pagod ka na?. S-Sige pwede namang mag c-cool off muna tayo diba?"

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim. Hindi ko maintindihan pero gusto ko ng bumalik sa oras na hindi ako pinayagan ni manang umalis ng bahay. Sana nakinig na lang ako kay manang para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

"I'm not happy anymore. I don't wanna be with you."

Halos maubusan ako ng dugo sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko libu-libong kutsilyo ang isinaksak saken..

I can't take it anymore. I cried. Wala akong magawa kundi umiyak. I'm so helpless. Why? 

"Dara..."

He called me once again, and it hurts me more as I hear him calling me that way.

"I thought we'll be strong. But you're giving up now."

He didn't utter a word.

"Do you even remember the date today?"

His eyes met mine, and its obvious na nakalimutan niya. 

Napatawa na lang ako sa sarili ko. Dara you're so helpless.. How will he remember it if he can't even remember to text you?

Tumayo na ako, at hinarap siya. Masyado ng masakit. Bakit sa lahat ng tao ikaw pa?

"Happy 2nd and last anniversary Donghae."

I smiled at him. I can see the guilt in his eyes. This is what you want, right?

"Dara, I'm sorry."

Napahinga ako ng malalim. Ang sakit na eh... Pwede bang wag na lang siyang nagsasalita lalo akong nasasaktan eh.

I started to walk at tumigil ako sa gilid niya.

"I'm fine with it."

Pinipigilan ko ang paghikbi at pagluha...

"Call me Dara, and I call you Donghae. I think it's better to hear."

Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya sinabi ko. Doon na natapos ang pinahalagahan kong relasyon ng dalawang taon.

End of Flashback

 

Inakala ko na siya ang prinsipe sa istorya ng buhay ko na gagawin lahat para hindi ako masaktan pero hindi ko akalaing...

 

"Dara," 

 

Hindi ko pa rin matanggap.

 

"Yoo hoooo... Dara..."

 

Bakit ganun lang kadali para sa kanya.

 

"Ui Dara, ano ba mukha ka ng zombie dyan eh. Ang payat mo na nga tapos di ka pa kumakain. Masyado mo naman atang kinacareer ang pagiging National Tingting dito sa barangay natin."

 

Ang ingay pa rin talaga ng babaeng to. Kung di ko lang bestfriend, pinalayas ko na to. Kita namang heartbroken pa nga ako, grabehan pa kung makapagcomment. Kaya lang wala talaga ako ganang makipagtalo sa kanya sa ngayon kaya tinalikudan ko na lang siya habang nakahiga.

 

"Aba ang babaeng to, dinedma ang beauty ko. Hoi Dara, kung magpapakamatay ka, agarin mo na, hindi yung pinapatagal mo pa. Bwisit na to.. "

 

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Tumahimik na ang kuwarto ko, siguro naisip na niyang umuwe. Dalawang linggo na ring pabalik-balik si Bom sa bahay namen. Pinipilit niya lagi akong lumabas ng kuwarto kaya lang wala talaga siyang magawa sakin. Wala akong lakas para lumabas. Natatakot ako na makita siya.. Natatakot ako na makita yung lalaking minahal ko ng sobra-sobra.

Sa pag-iisip kong yun, di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Bwisit na luha, hindi na naubos. Hikbi ko lang ang naririnig sa buong kuwarto ng biglang...

 

"HOY BABAE BUMANGON KA DYAN! DINALHAN NA KITA NG LUBID PARA SIGURADONG WALANG SABLAY PAGSUSUICIDE MO!!!"

 

Tsk.. Bom, amplifier talaga... Tiningnan ko siyang maigi habang hawak-hawak ang isang taling napakakapal. Baliw pa rin talaga.

 

"Bommie, ano ba, gusto kong mapag isa."

 

"Kaya nga, dinalhan na kita ng lubid eh, para sure na mag-isa ka sa heaven. Hala. tayo dyan at ibitin mo na yang sarili mo. Kinapalan ko na tong kinuha kong tali para sure ball ka na."

 

Sinabi yun ni Bom habang hinihila ang magkabilang dulo ng taling hawak niya. Napahawak na lang ako sa ulo ko habang tinitingnan siya. 

 

"Bommie naman eh! Ano na naman bang trip mo?" para akong batang nagmamaktol.

 

 

"Bakit di yang sarili mo ang tanungin mo? Ano bang trip mo Dara? Ilang araw ka ng di kumakain, ang payat mo na nga dati, nagmukha ka pa ngayong tingting. Oi Dara kung magpapakamatay ka, gawin mo na, hindi yung pinapahirapan mo kaming ganyan ang hitsura mo!"

 

Galit siya. Di ko naman siya masisisi. Siguro napapagod na din siya sa akin... 

 

"Bakit ba di mo na lang din ako iwan? Sanay na naman ako eh. Lahat umaalis."

 

Di ko na napigilang umiyak ule pagkatapos kong sabihin ang mga linyang yun. Bakit ba napakaemosyonal ko? You're really a pathetic one Dara.

 

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Bom. Nakikita ko ang awa niya sa hitsura ko. 

 

"Dara..." lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

 

"Hindi ako gaga para iwan ka no. Ano ka ba naman? Bestfriend mo kaya ako. Ako na nga lang ang maganda mong kaibigan, iiwan paba naman kita?"

Tsk... nagawa pa talagang purihin ang sarili niya

 

" Isa pa, kung napapagod na ko sayo, unang araw pa lang na di mo pagpansin sa beauty ko ay itinapon na kita sa Mt. Makulot. Ang akin lang Dara is ayokong nakikita kang ganyan. I've known you for so long at sa nakikita ko, nawala na lang bigla ang Darang napakamasayahin."

 

"Bom..."

 

"Sandali nga lang, ano ba talagang nangyari at nagkakaganyan ka? Ilang araw na kong pumupunta dito pero ni ha ni ho wala ka namang kinukuwento. Nag-away na naman ba sina tita at tito?"

 

"No."

 

"Kung hindi yang mga magulang mo ang problema mo, ay sino? Teka don't tell me.."

 

"Yeah, It's about Donghae.."

 

Natigilan na lang bigla si Bom at ng magsasalita na sana ako..

 

"YA!!!!!!!!! NAG-IISIP KA BA DARA? BAKIT NINYO GINAWA YUN? PANO NA YAN? PANO NA ANG KINABUKASAN NINYO? PANO NA?

 

Parang baliw si Bom na nagsisisigaw sa harapan ko at parang problemadong problemado.

 

"Bommie, teka, ano bang pinagsasasabi--"

 

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw na naman siya. (-.-) Yah... Masanay ka na Dara, amplifier eh.

 

"ANONG PINAGSASABI KO? ALAM MO ANG IBIG KONG SABIHIN DARA. DAHIL SA GINAWA NINYO MASISIRA ANG BUHAY MO!"

 

"Oo Bommie, alam kong nasaktan ako pero hindi naman siguro.."

 

"BALIW! TALAGANG MASAKIT YUN. FIRST MO EH!!! SABI NILA MASAKIT DAW TALAGA YUN PAG FIRST, PERO MASASARAPAN KA DAW PAG NAGTAGAL. PERO KAHIT NA! DI NINYO PA RIN DAPAT GINAWA YUN!"

 

Teka parang nalilito na ko kay Bom. Oo alam ko masakit talaga yun kasi 1st bf ko si Donghae and we lasted for 2 years.. Masarap siyang magmahal, pero sa huli masakit nga pala talaga.. Hayys... alam ko concern lang sakin si Bom kaya ganyan pinagsasabi niya.

 

Paikot-ikot na si Bom sa kuwarto habang nginangatngat ang kuko niya.

 

"Dara, pano na yan?"

 

Di pa rin mapakali si Bom.

 

"Magiging ayos din ako."

 

"MAGIGING AYOS? HOI BAKA DI MO ALAM MAHAL NA ANG DIAPERS, ANG GATAS..."

 

Di na natapos ni Bom ang sinasabi niya ng pinatigil ko siya.

 

"Teka nga, pano naman napapasok ang usapan sa diapers at gatas?"

 

"Aba malamang babae, tutal naman ginawa ninyo yun, malamang na isipin mo na ang mga diapers."

 

"Ha????"

Litong lito na talaga ako sa mga sinasabi ni Bom. Tiningnan niya akong maigi ng mapansing hindi ko siya maintindihan. Napahawak siya sa may noo niya at hinimas ito na para bang iniisip kung pano ipapaliwanag sa akin ng maayos ang sinasabi niya.

 

"Bommie..."

 

"Dara, ganito kasi yun.." hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko at matiim akong tiningnan.

 

 "Ginawa ninyo yun, kaya malamang na mabuntis ka."

 

"Buntis? Ako?" tanong ko na hindi makapaniwala sa kabaliwang sinasabi nitong bestfriend ko.

 

"Hindi. Ako, ako, malamang ikaw, ikaw ang gumawa eh. Alangan namang ako ang mabuntis habang ikaw ang nasarapan."

 

"BOMMIE!!!!!!!!!!!"

 

Napatakip si Bom ng tenga niya sa pagsigaw ko.

 

"YA!!!! Bakit mo ba ako sinisigawan?"

kunot na kunot ang noo ni Bom, habang ako naman halos maghabol hininga sa inis. Bwisit na babae to kung anu-anong iniisip.

 

"Kasi baliw ka."

 

"Ako pa ngayon ang baliw, eh kayo nga to ni Donghae ang di nag-iisip. Lalo ka na, sinuko mo na agad ang perlas  ng silangan."

 

"Bommie! Ano ba! Walang nangyari samen!"

 

Mukha namang ewang natulala si Bom sa mga sinabi ko at unti-unting lumapit saken.

 

"So, it means hawak mo pa rin ang V card??"

 

"Malamang,,, di ako ganung babae, baliw."

 

Bigla namang kumislap ang mata nitong bestfriend ko at bigla na lang akong niyakap.

 

"Yah!!!Dara I'm so proud of you... Di ka nagpadala sa temptation.. Itaas ang bandera ng kababaihan........... whooooooooooooooooo.............."

 Kinuha ni Bom ang tuwalya ko na winawagayway na parang taong nakatakas sa mental. Pero bigla-bigla din naman siyang tumigil ng may maalala.  

 

Kailan ko ba naisip na gawing bestfriend tong baliw na to???

 

 

"So, kung di kayo nagtotoot no Donghae, what's your problem with him?"

 

Natahimik ako bigla, and out of nowhere, may isang tulong luha na naman ang pumatak sa mata ko?

 

"Hey Dara, what's the problem?"

 Ramdam ko ang pag-alala sa boses ni Bom.

 

"Donghae...

 

 

 

he broke up with me..."

 

And after that words,  hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinayaan na lamang umiyak na parang bata sa braso ng bestfriend ko. 

 

Hindi ko man makita, alam kong sobrang pag-aalala ni Bom. 

 

I'm sorry Bommie, I just can't help it.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet