Cause They're Big Bang

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

GD's POV

Agang aga nakapagpawis agad. Tsk.. hinubad ko na agad ang damit ko at nagsuot ng isang itim na t-shirt.

Bakit ba kasi ang daming tanga sa mundo? Maglalakad na lang, di pa tumitingin sa daan.

"Hey GD ok ka na ba?" sabi ng panda sa gilid ko.

"Tsk.. ang panget mo."

Nagulat naman siya sa sinabi ko at agad na humarap saken.

"Ako panget?! Baka di mo alam..." 

Tumayo ito at hinawak-hawakan ang baba niya at ipinungay ang mata na di malaman kung saan nakatingin. tsk.. sira ulo pa rin talaga

"maraming babae ang handang isuko ang Bataan para sa mukhang ito." pagpapatuloy niya.

"Pano hindi susuko? Eh tinututukan mo agad ng baril mo, tsk... kumbaga napilitan na lang kasi no choice." pang-aasar naman nitong si doraemon.

"YAh!!! Doraemon manahimik ka dyan! Sila ang lumalapit saken!"

"Talaga lang ha? Eh halos habulin mo na nga nung isang araw yung babaeng nakilala mo sa bar hanggang sa banyo eh." 

"Sira ulo ka! Sabi niya kasi she wants to try it in the C.R."

"Alin ang itatry nyo? Ang tamang posisyon sa pag-ihi? Haha... Nakakadiri ka talaga Rie, ni hindi ka marunong pumili ng lugar. Para kang aso kung saan na lang abutin ng libog. hahahah"

"Ikaw Doraemon ka! Sino ka para ikumpara ako sa aso?!"

Naghabulan sila na parang mga sira sa loob ng kwarto kung nasaan kami. Tsk ang aso at pusa na 'to ang sarap itapon sa labas.

Para silang mga takas sa mental na nagwrerestling.

"Stop it." mahinahong sabi ni Top. Habang hawak ang kanyang noo.

Pero patuloy pa rin ang dalawa sa kagaguhang ginagawa nila.

Pumikit si Top at pagmulat niya ay saktong tumama ang tingin ng dalawang gago sa kanya. 

"If I said stop, YOU SHOULD STOP!" mariing sabi ni Top. Tsk.. para namang mga naging tuta at kuting si Rie at si Dae pagkatapos masigawan ni Top.

Ano pa nga bang aasahan sa dalawang gagong ito, eh lagi naman silang nag-aasaran. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa pader para makapahinga.

Si Top hayun pinagpatuloy ang pagbabasa sa kung ano mang libro ang binabasa niya.

Si Rie at si Dae naman andun parehas sa sulok parang mga tuta at kuting na takot masigawan ng amo..

Tsk... mga sira ulo.. 

Napakamot ako sa ulo ko. Masyado na atang nagiging boring sa school na ito.. Wala ata akong masyadong nakakapagtuwaan ng nagdaang araw.

Makapagrequest kaya kay tanda na magtayo ng boxing ring sa school.. Mukhang magiging masaya yun pag nagkataon.

"Hey wanna see a nice scene?"

Napatingin naman kami kay Taeyang na nakaupo malapit sa may bintana at mukhang may tinitingnan sa baba.

"Why? Meron bang chika babes dyan?" agad namang nagtatakbo si Rie sa direksyon ni Taeyang at tiningnan kung ano ba ang tinutukoy nito...

Sumunod naman agad sa kanya si Dae.

"Ooohhhhhhhhh"

Namimilog ang nguso ng dalawang yun na di ko maintindihan ang dahilan. Wala akong pakealam. Tinatamad akong tumayo. Paniguradong mga na naman ang tintingnan ng mga yan kaya namimilog ang nguso.

"Nice, ngayon na lang ule ah." natatawang sabi ni Taeyang.

Ano bang tinitingnan ng mga 'to.

"Interesting... mukhang may gustong sumubok..." tuwang tuwang sabi ni Dae.

"She looks boring... but indeed has guts para makisali." nakatingin pa rin si Rie na mukhang aliw na aliw sa nakikita.

Narinig ko ang pagsarado ng libro ni Top. Masyado din siguro siyang nadadala sa mga pinagsasasabi ng tatlong ugok na yun.

Seryoso siyang tumingin sa baba at nagsmirk.

"I think somebody wants to join." bigla naman siyang tumingin sakin na nakangiti.

Kahit na tamad na tamad na ko, tumayo na ko at lumapit sa may bintana. At doon nakita ko kung ano ang kinaaaliwan nila.

Isang babae ang nagpupumilit bitbitin ang lalaking binugbog ko kanina. Mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko kung gaano siya nahihirapan sa ginagawa niya. Halos matumba siya sa pagtulong sa lalaking yun.

"Mukha siyang tanga." nasabi ko yun habang nakatingin sa babaeng yun. Mukhang pati kasama ko kumbinsido sa sinabi ko.

"Haha... Look at her. Para siyang kawayan na konti na lang mababali na." aliw na aliw na sabi ni Dae.

"Yeah,, but look at her I think she's somehow cute." sabi naman ng nakangiting si Taeyang.

Cute? Saang banda? Masyado na atang naniningkit ang mata nitong barkada ko.

"But cuteness will not be an exception para makaligtas sya sa ginagawa niyang kabastusan." nakikita kong seryoso si Top.

"Tama! Ang pagtulong niya sa lalaking yun ay nangangahulugan lamang na kinakalaban niya tayo." pagpapatuloy ni Dae na akala mo kung sinong makata.

"But she's still a girl." sambit ni Taeyang

"Tsk... andyan na naman ang good boy pagdating sa mga babae.." pasaring naman ni Rie.

"At least ako may pag-aalala pa rin sa babae."

"Tsk... ako din naman ah."

Napangisi naman si Taeyang sa sinabi ni Rie at bumaling agad dito.

"Oo nga eh... sa sobrang pag-aaalala mo sa kanila, sinasamahan mo kahit sa CR."

"hahahahahahahahahahaha...." di naman napigilan ni Dae ang pagtawa ng marinig ang sinabi ni Taeyang.

"Ya!!!! Doraemon! Tumigil ka sa pagtawa!"

"Hahaha... the best ka Taeyang.. hahahaha..." Halos mapaiyak na si Dae sa kakatawa na ikinainis naman ni Rie.

"Bwisit kang doraemon ka! Pangangatngatin kita ng tinik ngayon."

Sinunggaban agad ni Rie si Dae at hayun nagpangbuno na naman ang dalawa.

Humanap ka lang ng sira ulo paniguradong papasa ang dalawang 'to. While they are doing their agenda, I look at the girl from my distance. Tsk, I'll just waste my time to her. Another boring .

"Wala akong gana."

Napatigil naman ang dalawa at agad na tumingin saken.

"So you mean, palalampasin mo lang yan?"

Napatingin naman ako sa baba at tiningnan ang babae na ngayon ay kasama ng naglalakad ang lalaking binugbog ko.

"Do you like her?"

Agad namang n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet