Don't Mess With Them

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

DARA'S POV

Nakipagsiksikan ako hanggang makarating sa unahan. Gusto ko lang malaman kung ano bang pinagkakatuwaan nila. Nang nasa maayos na puwesto na ako tiningnan kong mabuti kung ano bang meron.

May limang lalaki ang nasa gitna ng nagkakatuwaang mga estudyante... Nakatalikod sila mula sa kinatatayuan ko. Iginalaw-galaw ko ang katawan ko upang makita kung ano ba ang ginagawa nila. 

Nang lilipat na sana ako ng pwesto dahil hindi ko makita ang dapat kong makita, biglang may tumilapong estudyante. Nagmula yun sa mga limang lalaking nasa gitna.

Nanlalaki ang mata ko sa nakikita ko.

Dugo... Napakaraming dugo...

Bugbog sarado ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Susubukan ko na sana siyang lapitan para tulungan pero biglang lumapit ang pinakamatangkad sa limang lalaki at tinapakan ang ulo nito. 

"Tsk.. ang boring." nagsmirk siya pagkatapos sabihin yun.

 

Hindi ako makagalaw. Masaya silang lahat habang nanonood. Sumisigaw sila sa tuwa. Ang mga estudyante dito, alam ba nila ang nangyayari? Bakit sila nagsasaya ng ganito.

"WHOOOOOOOOOOOOOO...................." sigaw ng ilang grupo ng kalalakihan.

Ano ba talagang???????????

"YAaaaaaaaaaaaaaa... Seungri babe I love you"

" Baby Top akin ka na lang, papabuntis na ako sa iyo."

WTF? Anong kalokohan yun?

"Dae,, you're so cute..."

Nasan? Nasan? Nasan ang cute? Bakit parang wala naman?

"Taeyang have a baby with me?"

Ano ba? Masyadong nagmamadali sa buhay? Anak agad?

Hindi tanggapin ng mga tenga ko ang naririnig ko sa mga baliw na babaeng ito.

"SHUT THE UP!!! YOU ES!!"

Halos natigil ang lahat ng kabaliwang pinagsisigaw nila. Isang sigaw niya lang pero halos kinain noon ang kaluluwa ko. Ni hindi ko maalis ang titig ko sa lalaking nanggagalaiti sa galit. Napakagulo ng damit nya pero hindi siya nagmumukhang madumi, nagpadagdag pa ito sa angas niya. Ang pula niyang buhok... teka bakit pula ang buhok nito? Hindi ba bawal yun sa eskwelahan? Nawala ang atensyon ko sa pag oobserba sa kanyang hitsura nang bigla niyang dakmain sa kuwelyo ang halos wala ng malay na lalaki sa paanan ng kasama niya.

"Sa lahat ng ayaw ko, yung nadudumihan ako dahil sa katangahan ng iba. Alam mo ba kung magkanong 'tong sapatos ko?"

Halos hindi na makapagsalita ang kawawang estudyante sa tanong ng lalaking pula ang buhok.

"H-Hindi ko....

 

 sinasadya."

 

Lalo pang hinigpitan ng lalaking pula ang buhok ang pagkakasakal sa kuwelyo ng estudyante. Nasan ba ang mga guro dito???

Nagpalinga-linga ako. Wala akong makitang guro. Tsk.. Saka ko lang naalala na sa unahang building tumitigil ang mga guro kapag break time. Tsk. Masyado yung malayo mula dito.

"Tulungan nyo siya." hinila ko ang braso ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya kilala pero lalaki sila at estudyante din dito. Hindi naman siguro masama kung tulungan niya ang kapwa nya estudyante?

Halata ang pagkagulat sa mukha ng lalaking hinila ko.

"Nababaliw ka na ba?" 

"Ano ba? Hindi mo ba nakikita binubugbog nila ang isang estudyante."

Tiningnan ako ng kausap ko na para bang sinasabi nitong isa akong baliw na nakatakas sa mental. 

"Teka transferee ka ba?" tanong nito.

"Mahalaga pa ba yun? Ano ka ba? Tulungan nyo siya!"

Alala akong tumingin sa estudyanteng halos hindi na makahinga.

"Tsk.. so transferee ka nga."

Naiinis na ako. Ano ba! Bakit walang tumutulong sa kanya.

"Kung ako sa'yo wag na wag kang makikialam sa kung anumang makita mo sa eskuwelahang to."

Napabalik naman ang tingin ko sa lalaking katabi ko.

"Kung gusto mo pang mabuhay ng maayos at matagal, manahimik ka na lang."

Umalis siya ng kaswal pagkatapos sabihin yun.

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya pero nanindig ang balahibo ko sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang pagbabanta ang bawat sinambit niya.

"ahHHH..... T-tama na... P-paki...usap..."

Nabalik ako sa reyalidad pagkatapos kong marinig ang boses ng naghihingalong lalaki. 

Bakit ayaw pa siyang tigilan ng mga lalaking ito? Papatayin ba nila siya? Sino ba sila?

Tiningnan ko ang mga lalaking nasa harapan ko. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Nakangiti silang lahat habang nakikitang nahihirapang huminga ang estudyante. Napabaling ang atensyon ko sa lalaking may pulang buhok. 

Ang mga mata niya... para siyang demonyong handang ubusin ang dugo ng estudyanteng hawak niya. Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayaw ko mang aminin pero natatakot ako habang tinititigan ang lalaking ito.

"Tsk... Mamamatay ka na ba?"

Natatawang tanong ng lalaking pula ang buhok. 

Dahan-dahan niyang binitawan ang pagkakahawak sa kuwelyo ng estudyante..

Napahinga ako ng maluwag sa pag-aakalang tapos na siya sa pagpapahirap sa estudyante. Pero mali ako dahil ng sandaling mauupo na ito sa sobrang hirap na nararamdaman ay bigla naman itong tinuhod ng lalaking may pulang buhok sa sikmura dahilan para mawalan ito ng malay.

"Sa susunod, wag kang tatanga tanga sa paglalakad." sinabi niya yun sa estudyanteng wala ng malay.

Wala silang awa... yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet