ALIEN

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

DARA'S POV

Di ko pa masyadong napaprocess lahat ng nalaman ko kay Bom. Hindi naman ganun kadami mga sinabi niya pero parang ang hirap tanggapin sa tenga.

Una na dun ang katotohanang wala talagang guidance sa school na ito. Ikalawa, natural lang dito ang bugbugan. Kung hindi mo kayang sikmurain ang ginagawa ng mga estudyante, malaya kang makalalabas ng gate at huwag ng susubukan pang bumalik. Ikatlo, walang pakialam ang mga guro sa gulong nangyayari sa eskuwelahan, tanging pagtuturo lamang ang kanilang binibigyang pansin. Nasa sa'yo na kung mag-aaral ka o hindi.

 

 At ang pinakamalala sa lahat, may isang grupo na hindi dapat banggain sa eskuwelahang ito. Kung gusto mong mamuhay ng tahimik at makapagtapos ng pag-aaral, huwag mong susubukang sumalubong sa kanilang daraanan. Binubuo sila ng limang miyembro.

 

Daesung aka Dae. 

Isa sa chinito ng grupo. 17 years old. Masayahin pero huwag susubukang galitin, di man ganung kagaling sa bugbugan, marami yang utusan na kaya kang lumpuhin. Nagmamay-ari ng naglalakihang mall sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. May kinaaadikan daw na cartoon na pusa ayon sa tsismis.

 

Seungrie aka Rie

Lover boy ng grupo. One Call Away ang theme song nyan pagdating sa mga babae. Kahit nasaan siya basta may magandang babaeng bibigay sa kanya ay walang pag-aalinlangang pupuntahan. Pinakamaingay sa limang miyembro. Ang ama niya ang nagpapalakad ng halos lahat ng bangko sa Pilipinas.

 

Taeyang aka Sol

Isa pa sa chinito. He has this so called killer smile. Handang makipagsabunutan ang mga babae, mapansin lang niya. He's the good boy in the group. Pero ang kabaitan niya ay nawawala kapag barkada na niya ang naaagrabyado. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng naglalakihang fashion agency.

 

TOP

The serious one in the group. Huwag kang magsusubok na mag-ingay kapag nagpapahinga o nagbabasa siya ng libro kung ayaw mong makita ang halimaw na tinatago niya. Kahit supladong tingnan maraming babae ang nagkakandarapa kahit makita lang ang dulo ng kuko niya. Nagmamay-ari ng business na may kinalaman sa mga luxury cars.

 

Kwon Jiyong aka GD

The leader. The hot tempered. The dragon. The monster. The red haired guy. Oo tama siya ang galit na galit ang buhok sa kulay pula. Walang nagtatangkang lumapit sa kanya maliban sa mga kagrupo niya. Huwag mong susubukang tumitig sa kanya dahil hilig niya ang mambugbog. Walang pinapalampas, siguradong duguan kang uuwi pag ikaw ang napagtripan. Nagmamay-ari ng naglalakihang kompanya sa Pilipinas at US at higit sa lahat apo ng may-ari ng Bang University.

 

At ano pa nga ba ang pangalan ng grupong ito? Walang iba kundi ang pinagtatawanan kong pangalan ng school na ito.

 

 

 

BIG BANG......... (-_-)

 

 

tsk.. ang grupong basagulero.

 

 

"Dara naintindihan mo ba ang mga sinabi ko?"

 

kanina pa kaming magkasama ni Bom at ipinaliwanag na niya saken lahat. Pinapakiusapan niya rin ako na lumayo sa lugar kung saan ko man maaaring makita ang Big Bang.

 

"Hmmm.." tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

 

Bumalik na ule kami sa aming classroom since magsisimula na muli ang klase.

 

Umupo na ako sa upuan ko at nakita ko na naman ang nandidiring tingin sakin ng grupo ni espasol.

 

"Hay naku... hirap ng maganda... Laging ninanakawan ng tingin eh. Alam mo yun Dara, sa sobrang ganda mo kahit babae, talagang they can't take their eyes off you."

 

Sinabi yun ni Bom habang nakaharap saken at biglang binalingan ng tingin ang grupo nina Jessica at binigyan ito ng matamis niyang ngiti pero alam ko sa sarili kong ngiting bruha..

 

"Huwag mo nang patulan Bommie" bulong ko kay Bom. 

"Duh... bakit ba??? wala pa naman akong ginagawa ah... salita pa lang yan bestfriend. Di pa makakapatay ng tao."

"Ayoko lang ng gulo. Ikaw ang may sabi saken na lumayo sa gulo, so ikaw din dapat."

Bigla naman akong niyakap ni Bom pagkatapos kong sabihin yun.

"Yaaaaaaaaaaa.......... You're so sweet talaga bestfriend... really concern.."

Di pa siya nakuntento sa pagkakayakap niya at talagang hinalikan pa ko sa pisngi.

"EEWWWWWWWWWWWWWWWWW..."

malakas na sabi ng isang espasol.

Nilingon naman agad siya ni Bom at nilapitan ito. Pipigilan ko sana siya kaya lang halatang di papipigil eh kaya ayun naupo na lang ako.

"What?"

mataray na tanong ng espasol na si Jessica kay Bom.

"Are you jealous?"

"What?!"

"Oh my gosh... sabihin mo saken kung di ka makaintindi ng English. What lang ata talaga alam mong sabihin eh. Okay... let me translate the question to tagalog. Ang sabi ko kung nagseselos ka?"

Nakita ko ang inis sa mukha ni Jessica. Ngumiti siya pero halatang pigil ang inis.

"Me? Of course not. And let me tell you, I can understand English."

"Oh really sorry ha. akala ko kasi what lang alam mong english."

"How dare you!"

Galit na tumayo si Jessica sa kinauupuan niya at mas hinarap pa si Bom. Napatayo na rin ako sa upuan kasi sa tingin ko hindi na maganda ang pupuntahan ng usapan nila.

"Ops ops..." itinaas ni Bom ang kamay nya.

"Wag kang masyadong lalapit baka puti mong kutis ay magturn ito another color. Sige ka."

Ipinakita pa ni Bom ang nakakuyom ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet