Best Friend's Side

When Everything's Gone
Please Subscribe to read the full chapter

Bom POV

 

WTF! yan lang talaga masasabi ko ngayon pagkatapos ko marinig kuwento ni Dara.

 

Walang time??? Gago ba siya? Dahilan na ba yun para iwanan ang bestfriend ko. Tsk... Kaya naman pala naging living zombie na lang ang babaeng yun eh. Sinabi na kasing huwag sobrang magmahal.. 

 

Hayys... sa bagay, sino ba namang makakaisip na maghihiwalay pa sila? eh almost perfect na relationship nila. Perfect couple nga kung ituring eh.

 

Ano ba naman!!!! Kakabaliw mag-isip. Naistress beauty ko pag nakikita si bestfriend na mukhang zombie eh. Pinabayaan na ang sarili eh. Mugtong mugto na ang mata tapos sinamahan pa ng malalaking eyebags, dinaig pa ang nasuntok ni Pacquiao.

 

"Tumahan ka na nga dyan. Walang kwenta yang iniiyakan mo."

Napatingala naman sa akin si Dara pagkatapos kong magsalita.

 

"Walang kwenta? Minahal ko siya Bom at hanggang ngayon mahal ko pa rin si Donghae at hindi na yun mawawala kahit ano pang gawin ko."

 

naghahalo ang galit at sakit sa mga mata niya habang tinitingnan ko siya.

 

"Gaga ka ba? Kay Donghae lang ba umiikot yang buhay mo? Oo sabihin na nating mahal mo siya. Eh ang tanong mahal ka ba talaga niya?"

 

Natigilan siya sa tanong ko at bumulong.

 

"Mahal niya ako."

 

"Talaga lang ha? Eh bakit mukhang hindi naman. Kahit dyan sa reaksyon mo mukhang di ka na sigurado eh."

 

"Bommie! Mahal niya ko alam ko yun! Nakita mo naman dati di ba kung paano niya ako inalagaan!"

 

Naiiyak siya habang nagsasalita. Sorry Dara but I can't control my emotion at this moment.

 

"DATI!! Tama inaalagaan ka niya DATI pero hindi na NGAYON! Gumising ka nga! Sinong matinong lalaking nagmamahal ang makikipagbreak sa gf niya dahil lang sa ano? Dahil sa marami siyang ginagawa? Dahil sa wala na siyang oras? Ano siya presidente ng Pilipinas sa kabusyhan? Gaguhan lang kung mahal ka niya talaga, gagawa at gagawa siya ng oras para makasama ka!"

 Nanggigil na talaga ako. Naiinis ako sa pagiging tanga ni Dara at nanggagalaiti ako sa kagaguhan ni Donghae.

 

Natahimik si Dara at ibinaling ang tingin sa sahig, patunay na tinatamaan siya sa mga sinasabi ko.

 

"Bommie busy lang siya. Maaayos naman siguro to kung bibigyan ko siya ng oras. Dapat ko lang hintayin na maayos ang schedule niya."

 

Sinabi pa rin niya yun na nakatungo. Napakagat na lang ako sa labi ko sa inis.

 

"Matalino ka naman Dara eh pero bakit pagdating kay Donghae nabobobo ka?"

 

"Di mo ko maiintindihan kasi di ka pa naman nakakaranas magmahal."

 

"Kung ganyan lang din naman magiging hitsura ko pag nainlove ako, eh sorry na lang sa mga lalaking nagkandarapa sa akin, di ko na susubukan."

 

"Bommie..."

 

Napahikbi siya pagkatapos tawagin ang pangalan ko. Ewan ko ba, pero kahit tanga tong bestfriend ko ay di ko pa rin magawang magalit sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap siya ng mahigpit. Ito lang ang kailangan niya sa tuwing nalulungkot siya. Kahit na nag-aaway sina tita at tito basta naramdaman niyang may tao pa ring nag-aalala sa kanya, gumagaan pakiramdam niya.

 

"Sorry Dara, nasigawan kita. Ikaw kasi ang bopols eh."

 

"Alam mo namang pagdating sa kanya mahina ako. Sa ngayon, intindihin mo muna ko." 

 

"Hayys... ano pa nga ba? Yun naman talaga role ng isang bestfriend eh, yung intindihin ang kaobohan at kagagahan ng bestfriend niya."

 

Bigla naman akong hinampas ni Dara pagkatapos kong sabihin yun.

 

"Ya!! kanina ka pa ha. Kanina mo pa akong sinasabihang bobo. Baka nakakalimutan mo kasama ako sa top sa school."

 

"Ay sorry ha... nakalimutan ko kasi. Yung Dara kasi na kaharap ko ngayon, hindi yung top sa school... top sa pagiging martyr.. kahit ata bala na tatama kay Rizal, sasanggahin mo na at sasabihing kaya mong tanggapin at intindihin ang lahat eh."

 

"Bommie naman eh... kanina ka pa."

 

"Oo kanina pa kong ngakngak ng ngakngak dito kaya gutom na ko. Hala bangon dyan nag-aalburoto na ang tiyan ko."

 

Binato ko siya ng unan sa mukha kaya naman parang ginusot na papel ang hitsura nito

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet