Ikaanim

Patungo sa Bagong Mundo

 

Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ni Taeyeon nang pumasok muli siya sa pamilyar na pintuan ng café. Sumalubong sa kaniya ang matamis na amoy ng mga bagong gawang tinapay at natatanging amoy ng mga kape. Kalahating oras pa bago tuluyang buksan ang café sakto lang ang dating niya para makatulong. 


“Oh Taeyeon buti maaga ka,” pagbati ni Jessica. Dahil nagt-training pa lang naman si Taeyeon ay inaasahan na darating ito sa saktong oras na magbubukas ang café ngunit maiigi na rin para malaman ang mga gagawin bago magbukas.


“Sooyoung halika muna rito,” lumapit naman ang isang matangkad na babae, may malalaking mata at makinis na balat. Pinahid niya ang mga kamay sa apron at inalok kay Taeyeon.


“Choi Sooyoung, ikaw siguro yung magt-training under me?”


“Ah, opo Kim Taeyeon,” nakipagkamay ito sa dalaga at kapansin-pansin ang pinagkaiba ng kanilang kamay, di hamak na mas maliit ang kay Taeyeon. 


“Mag-umpisa na kayo Sooyoung, siguraduhin mong maayos at makukuha niya agad mga tinuturo mo” 


“Aye! Aye!” tumango si Jessica at dumiretso sa kaniyang office.


“Ngayon Kim Taeyeon…” at ganoon na nga nag-umpisa ang training ni Taeyeon. Inumpisahan sa simple na madaling matandaan katulad ng tamang paraan ng paglilinis at pagsanitize sa isang mesa hanggang sa komplikadong paggamit ng iba’t-ibang mga makina. Hindi na nahirapan si Taeyeon dahil nga siya ang Demon Lord, sisiw sa kaniya ang ganitong mga bagay.


“Mabilis ka naman pala matuto Taeyeon. Kung ganoon, ihaharap na kita sa mga customer at ikaw muna sa counter.”


“Ayos! Uhm, may dapat ba akong sabihin sa kanila?” tanong ni Taeyeon habang inaayos ang kaniyang apron. 


“Ah! Ganito ang sabihin mo, Hi! I’m Taeyeon what’s your order?”


“Hi… I’m Taeyeon… what’s?? Ano susunod?” napakunot siya ng noo. Bahagyang natawa dito si Sooyoung.


“What’s your order ‘yun Taeyeon, ibig sabihin tinatanong mo yung order nila” tinapik siya ni Sooyoung at inisip kung tama ang kaniyang naging desisyon na agad ipuwesto dito si Taeyeon. Wala namang masamang sumubok. Isip nito.


“What’s your order?” muli niyang binaggit habang maingat na nakatingin kay Sooyoung para ikumpirma ito.


“Yan tama ‘yan ipagpatuloy mo lang dito muna ako sa kusina” pagpapaalam ni Sooyoung. Inikot na nito ang sign mula "Closed" sa "Open". Maya maya pa’t nagumpisa nang dumagsa ang mga tao. Kasama ang tatlo pang mga part timer ay maayos na nahandle ng café ang mga tao.

 

uwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwu

"Sis, sure ka ba dito andaming tao oh!"

 

"Kaya nga dito tayo eh! Ibig sabihin patok sa tao 'tong cafe atsaka di mo ba nakita yung bagong staff? Sobrang cute niya!"

"Ah talaga? Sige! Mukhang mabilis lang din naman yung pila"

 

Nakangiti pa rin si Taeyeon sa gitna ng maraming tao kahit na sa kaloob loob ay gusto na niyang ihagis ang machine na nasa harap niya. Mahirap pala ang ginagawa ni Seulgi araw-araw, kaya naman mas lalong umangat ang respeto niya rito. Dahil sa dami na rin ng tao, nagpatulong na si Sooyoung kay Kyungsoo sa kusina kaya't naiwan sila Jackson at Bobby sa pagseserve. 

Kahit na gahol sa oras ay sinigurado ni Taeyeon na tama ang lahat ng mga orders ng mga costumer. ito ang kaniyang unang araw sa pagtatrabaho at hindi niya dapat biguin ang kaniyang mga kasamahan lalo na si Seulgi na nagpasok sa kaniya dito.

 

Matapos ang hectic na peak hours ay nakahinga na ng maluwag si Taeyeon na may halos tatatlo na nakapila sa counter at iilan na lang ang kumakain. Naglilinis na ng mga bakanteng lamesa sila Jackson at Bobby, at si Sooyoung naman ay nagaayos-ayos na lang din sa kusina. Hinayaan na si Kyungsoo ang gumawa ng mga order.

"Here's your order Ma'am thank you and come again" bumuntang hininga si Taeyeon, iyon na ang huling costumer niya na mabuti na lang ay nagtakeout ng kaniyang order. 

Sa wakas ay naging payapa na ang cafe at bumalik na ito sa relaxing vibe nito. May kontentong ngiti sa mga labi ni Taeyeon masaya sa kaniyang trabaho at tahimik na pinuri ang sarili.

"Magaling Taeyeon..."

 

Isang magandang dalaga ang pumasok sa cafe, mahabang buhok, maputi at makinis na balat, balikngkinitang pangangatawan na pinaganda pa ng suot nitong black silk shirt at floral miniskirt. 

Napangiti si Taeyeon at inantay ang dalaga sa harap niya, inayos niya ang kaniyang postura at handa na itong sabihin ang ngayong sanay na sanay na niyang linya. 

 

Pero bago pa buksan ni Taeyeon ang kaniyang bibig ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. Sapat ang lakas para magmarka ito sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha. Napahangos ang lahat ng taong nakakita at nakarinig sa sampal. 

 

"Tiff what are you doing?" bulalas ni Jessica na kakalabas pa lamang ng kaniyang office. Kitang kita niya ang pagsampal ng kaibigan sa kaniyang empleyado.

Matalas ang tingin nito kay Taeyeon. Oo nga't maraming kasalanang nagawa si Taeyeon pero hindi naman sa mundong ito. Sinusubukan niyang maging mahusay, tapat at marangal na mamamayan sa mundong ito. 

"What are you doing here?" panunuro sa kaniya ng dalaga.

"H-huh?" napaturo na lang siya sa sarili niya. Anong ibig sabihin nito? 

Nag-aalalang lumapit si Jessica para pakalmahin ang kaibigan na halos patayin na sa tingin si Taeyeon.

"Mag-usap muna tayo sa office, Taeyeon sumunod ka na rin," mahinahon na pakiusap ni Jessica. Hinila niya ang kaibigan at binigyang tingin si Taeyeon na sumunod agad ito.

Sa loob ng office tahimik na hinihimas ni Taeyeon ang namumulang pisngi. Samantalang ang dalaga na dahilan nito ay masama pa ring nakatitig sa kaniya. 

"Bakit mo pa sinama dito ang babaeng 'yan?" matalas na sabi ng dalaga.

"Tiffany makinig ka sa'kin, si-" 

"And what is she doing here? Working part time? Is she that desperate to see me?" inikot nito ang kaniyang mata at padabog na sumandal sa kinauupuan.

Hindi man maitindihan ni Taeyeon ang pinagsasabi nito pero base sa pananalita nito ay iniinsulto siya nito. 

"Listen," bumuntong hininga si Jessica bago magsalita ulit, "this is Kim Taeyeon. And Taeyeon, siya naman si Tiffany Hwang." Sa pagkakataong ito, alam na ni Taeyeon ang tamang etiketa sa pagharap sa mga tao tulad ng pakikikamay at pagbati, pero dahil nga sa hindi maganda ang naging bungad ng dalawa naging maingat siya. 

"Kim Taeyeon? What are you saying? Obvious naman na siya ang walanghiyang Erika na 'yun!" 

 

"I have papers to prove it Tiff," inilabas ni Jessica mula sa ilalim ng kaniyang table ang mga papeles ng kaniyang mga empleyado at hinanap ang dokumento ng pagkakilanlan ni Taeyeon. Nang makita ay iniabot ito sa kaibigan. "Akala ko rin nung una niloloko lang ako or isa siyang relative pero ang sabi niya pinsan na lang ang kasama niya sa buhay." 

 

Binasa ni Tiffany ang impormasyon tungkol rito at malayong-malayo sa taong pinagkakamalan niya. Tiningnan ulit si Taeyeon mula ulo hanggang paa. Hindi siya maaaring magkamali.

 

Ngunit nang tiningnan niya ang mata nito. Nabigla siya ng makita ang mga inosenteng tingin nito. Nilibot ang paningin sa paligid ng office, pinagmamasadang maigi ang loob ng office na tila bago sa kaniya ang lahat. Pagkamangha at pagtataka ang makikita sa ekspresyon nito. Ito nga ba ang taong nanakit sa kaniya?

 

Nakaramdam siya ng guilt dahil nasampal pa niya ito sa harap ng mga tao. Malabo nga namang mangyari na puntahan pa ito ng dating kasintahan na nang iwan sa kaniya. Isang makasarili at masyadong bilib sa sarili ang taong kinamumuhian niya, malayo sa taong nasa harapan niya. Tiningnan niya ang dalaga na nakahawak sa kaniyang pisngi. Kahit anong anggulo ay magkamukhang magkamukha sila, syempre sanay na siya titigan ang mukha kahit nakapikit ay saulo niya ito. 

 

Natahimik si Tiffany na nakatingin lamang sa sahig. Marahil nga at may mga taong magkakamukha talaga at wala namang relasyon sa isa't-isa at base na rin sa huli niyang pagkakaalam ay masaya na sa kabilang panig ng mundo ang dati niyang karelasyon. Hihingi na ng paumanhin si Tiffany nang pangunahan siya ni Taeyeon.

 

"Mababayaran ba ako kapalit ng sampal?" Hindi makapaniwala ang tenga ni Tiffany, inosente pa ang tono ni Taeyeon kaya't hindi niya alam kung nagloloko lamang ito. Nadagdagan lamang nito ang galit niya at hindi na napigilang muling sampalin ang pisngi nito, sa kabilang parte naman sa pagkakataong ito.

 

"Argh! I don't want to see her anymore!" iniwan ni Tiffany ang bestfriend nito kasama ang empleyadong dahilan ng pagbago ng mood niya. Pumunta siya sa cafe ng kaibigan para sana makausap ito para sa isang pabor ngunit mukhang naantala ang pakay niya. 

 

Umalis na lamang siya at ipagpapabukas na lamang niya ang tunay na pakay pag nakahinga na siya at klaro na ang isip. 

 

"GOD! I hate her!"

 

uwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwu

 

Habang ginampanan na ni Taeyeon ang kaniyang unang tungkulin, nag-umpisa na ring gumalaw si Yuri. Kinailangan niyang maghanap ng impormasyon, kung meron man, tungkol sa mga kakaibang nilalang na tulad niya. Sa kasamaang palad, hindi niya alam kung saan magsisimula. Maaaring wala din siyang makita dahil sino nga naman ang magbibigay ng impormasyon sa isang lugar na malayo sa kanilang mundo?

 

"Imposible itong ginagawa ko" napabuntong hininga na lamang si Yuri habang nakatingin sa kawalan. Ilang kalye na rin ang nilakad niya ngunit wala pa rin siyang nakikitang maaaring sagot sa problema niya. Si Irene lang naiwan sa bahay kaya't siguro nga ay balikan na lamang niya at baka ano pa ang mangyari dito. Pag-ikot niya ay nakita niya ang isang pamilyar na lugar. 

 

"Teka, hindi ba dito dati yung pinagbentahan namin ng mga damit?" ang dating antique shop na binentahan nila ay iba na ang hitsura, malamang ay dahil sa may sapat nang pera ang may-ari para ipaayos ito. Naisipan niyang daanan muna ito at siguro ay kausapin ang may-ari, baka may alam itong lugar na mapaghahanapan niya ng impormasyon. 

 

"Moon Antique? Ganito din ba ang pangalan nito dati?" may kakaibang pakiramdam nang itapak ni Yuri ang kaniyang mga paa. Kakaibang pakiramdam ng tahanan

 

Isang dalaga ang bumati sa kaniya, medyo may katangkaran, maputi at may magagandang labi. "Welcome sa Moon Antique" bati nito na mayroon ding kakaibang boses, na mahahalintulad sa isang sariwang prutas, "anong maitutulong ko?"

 

"Ah, eh, gusto ko lang malaman kung nandito pa ang may-ari ng lugar na ito. Yung matandang lalaki, na may anak na babae? Yung nabalita sa TV?" marahang tanong nito.

 

"Ah, hindi na po siya ang may-ari nito. Pagkatapos siyang ibalita sa TV, ibinenta na niya ang lugar na ito sa'kin."

 

Bahagyang nadismaya dito si Yuri ngunit susubukan niya pa ring magtanong, "Kung ganoon, maarin mo ba akong tulungan? Naghahanap kasi ako ng lugar kung saan puwede maghanap ng libro na maaring maglaman ng mga impormasyon..." hindi sigurado si Yuri kung ano ang tamang sasabihin at baka iba ang isipin sa kaniya ng dalaga.

 

"Parang library?" 

 

"O.. oo! Parang ganoon na nga"

 

"Mayroon kaming lumang libro na puwede niyong hiramin, sana may dala kayong ID?" tumango si Yuri at sinundan ang dalaga. Tumungo sila sa isang isle at hinayaan na lamang si Yuri na mamili. Matapos ang maiiging pagitngin sa mga libro ay nakapili na siya at tumungo na sa dalaga.

 

"Itu-ito mga hihiramin ko" nilabas niya ang kaniyang ID at iniabot ito. Napansin niyang may bandahe ang dalaga sa dalawa nitong kamay, tinatakpan ang palad hanggang likod nito. Marahil ay gawa ng pagtatrabaho sa antique.

 

"Ito na po. Nakalagay po sa resibo kung kailan niyo ibabalik at mga contact number kung may problema po." inabot ng dalaga ang mga libro at ang ID nito. 

 

"Salamat"

 

Binasa ni Yuri ang resibo at binigyan siya ng hanggang dalawang linggo para ibalik ang mga libro. 

 

"Joy Park"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy