Ikalima

Patungo sa Bagong Mundo

 

“Magandang umaga sa’yo Seulgi…”

 

“Magandang umaga din sa’yo Ate Taeyeon! Sa hitsura mo ngayon parang hindi ka nakatulog kagabi”

 

Kalalabas pa lang ni Seulgi sa pinto ng unit nang maabutan niya si Taeyeon na kalalabas lang din. Kitang-kita ang itim sa paligid ng mga mata ni Taeyeon hindi rin ganoon kasigla ang boses nito na tila ba kulang na kulang sa pahinga.

 

 
“May… nangyari po ba kagabi?”

 

Isang malaking buntong hininga ang kaniyang binuga bago magumpisa magkwento...

 

 

 

Flashback

Matapos magpaalam ni Seulgi na papasok na siya sa trabaho, malaki ang pinagkaiba ng paligid. Matapos ang tangkang pagpaslang ni Irene kay Taeyeon ay mas naging maingat ang Demon Lord dito.

 

“Pasensya na talaga Demon Lord, hindi ko maitindihan, may bumubulong sa’kin na gawin ‘yun” pagmamakaawa ni Irene. Dahil para sa Diyosa naging isang malaking misteryo rin ito sa kaniya, tila may masamang enerhiya na pumipilit sa kaniyang gawin ang karumal-dumal na krimen.

 

Napaisip din si Taeyeon, marahil ang nailabas niyang maitim na enerhiya nang malaman niya ang nagaganap sa Paradiso ay may malaking epekto sa Diyosa. Malinis at puro ang puso ng isang Diyosa at hindi makakapag-isip ng kasamaan maliban na lang kung may napakamalakas na pumupwersa rito.

 

“Oo na pinapatawad na kita… sa isang kundisyon…” ngumisi si Taeyeon na ikinaba naman ni Irene. Kung anuman ang iniisip nito ay hindi ito magugustuhan ng Diyosa.

 

“IKAW! IRENE, ANG DIYOSA NG KAPAYAPAAN AY ANG MAGIGING ASAWA AT REYNA KO!” nanlaki ang mga mata ni Irene at ganoon din ang kay Yuri at dahil ito ang inaasahang reaksyon, nagpatuloy ang Demon Lord, “Ikaw ang magdadala ngASDFGHJKL-!”

 

“Tumigil ka nga sa kalokohan mo, tsk tsk umakto ka sa edad mo,” bago pa man matapos ni Taeyeon ang sasabihin ay binatukan siya ni Yuri, natawa ang Diyosa sa ekspresyon ni Taeyeon na hawak hawak na ang likod ng kaniyang ulo.

 

“At napakalaki ng pinagkaiba niyo! Unang-una Diyosa siya ng Kapayapaan at ikaw naman gumagawa ng gulo, kita mo ang TIMBANG ng pagkakaiba?” at ipinakita ni Yuri gamit ang kaniyang dalawang kamay ang tila timbangan na may malaking agwat “Nandito ka Taeyeon, sa ilalim…”

 

“Alam ko! Alam ko! Nagbibiro lang naman. Hmph! Pero syempre hindi ako papayag na walang kapalit.” Gamit ang kanang hintuturo ay tinapik ni Taeyeon ang kaniyang pisnge, bagay na ginagawa niya pag nag-iisip.

 

“AHA! Mukhang masarap ata na subuan habang kumakain, parang ikaw kanina. Akala ko nawala ang kakayahan mong gumamit ng kubyertos pero mukhang nagugustuhan mo lang tumitig sa mukha ni Seulgi… hmmm… kaya subuan mo ‘ko mamaya at bigyan ng masarap na masahe bago matulog, ayos ba?” itinaas niya ang kaniyang hinlalaki bagay na natutunan nila kay Seulgi.

 

Natupad ang gusto ni Taeyeon, para sa kaniya pinakamasarap ang pagkain pag sinusubuan ka ng isang Diyosa. Pagkatapos ay tinuruan nila maghugas ng pinggan si Irene bilang siya na ang magiging toka sa paghuhugas. At nagkaroon pa ng komosyon bago matulog.

 

“Paano tayo matutulog dalawa lang kutson natin…” pag-aalangan ni Taeyeon.

 

“Pagsasamahin natin ang mga kutson at magtatabi sa pagtulog” sabi ni Yuri na ganoon naman ang kanilang ginawa.

 

“Ako gitna!” wala nang magawa ang mga kampon ng kalangitan nang tumalon at ipuwesto na ni Taeyeon ang kaniyang sarili sa gitna. Ang unang naging pwesto ay Yuri, Taeyeon at Irene na kalaunan ay napalitan dahil sa pangungulit ni Taeyeon kay Yuri kaya’t ang naging huling posisyon ay Yuri, Irene at Taeyeon at isang “Ayaw kita katabi Taeyeon” mula kay Yuri.

 

Ang akala ni Taeyeon ay mahimbing na siyang makakatulog hanggang may pumulupot na braso sa kaniyang katawan at binting tumadyang sa kaniyang binti.

 

“Irene, galaw ka ng kaunti…” ngunit tila nakalimutan niyang ibang linggwahe ang kaniyang binabanggit o baka sobrang pagod na ang Diyosa para gumalaw pa hanggang sa hindi na siya tuluyan nakatulog.

 

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

 

“Hindi ako makagalaw buong gabi dahil kay Irene, ayoko pa namang napipigilan pag natutulog.” Bahagyang nalungkot si Seulgi sa sinabi ni Taeyeon. Siguro karamihan ng tao ayaw ng may katabi pag natutulog pero kay Seulgi iyon ang bagay na gusto niya ulit maramdaman. Medyo matagal na rin kasi nang huli siyang magkaroon ng katabi sa pagtulog.

 

Napansin ni Taeyeon ang pananahimik ni Seulgi at tumingin ito sa nakakabata. Nakita ang pagod sa mga mata nito at may halong pagkalungkot. Wala naman siguro siyang nasabi na masama.

 

“Seulgi may bumabagabag ba sa’yo? Mukhang malungkot ka…”

 

“HUH?! Ah! Wala ‘to! Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi…”

 

“Gusto mo bang ikuwento? Halika na, habang naglalakad tayo ikuwento mo” habang naglalakad ay ikinuwento ni Seulgi ang kaniyang napaganipan. Hindi tulad ng ibang panaginip ay tila mga imahe lamang ang kaniyang napaginipan, rehas, madilim na kuwarto, mga imaheng hindi niya malaman kung anong nilalang at duguang puting damit.

 

Pagkatapos ay hindi na siya makatulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata, bumabalik ang mga imahe. Kaya’t habang hinihintay ang paglabas ng araw ay nagbasa-basa na lamang siya para sa kaniyang klase. Hindi maganda ang dulot nito sa kaniya dahil hindi pa nga siya nakakaabot ng eskwelahan ay inaantok na siya.

 

Nagpatuloy pa sa paglalakad sila Taeyeon at Seulgi, naitanong ng nakakabata ang relasyon ni Irene sa kanila, kung sino nga ba ito sa kanilang mundo at bakit ito napunta sa kasalukuyang mundo. Malugod namang ikinuwento ni Taeyeon ang lahat dahil si Seulgi lang din naman ang natatanging mortal na pinakapinagkakatiwalaan nila. Hanggang umabot na sila sa kanto na kailangan na nilang maghiwalay.

 

“Ate Taeyeon, tinuro ko na sa’yo ang papuntang café, ikaw na ang bahala mula rito ha?”

 

“Oo naman kaya ko na ‘to. Ingat ka Seulgi at galingan mo sa klase!”

 

“Sige po dadaanan kita mamaya pagkauwi ko bye bye!” kumaway na si Seulgi at hinabol ang bus na pahinto na sa station niya. Inaantay na ni Taeyeon na maayos na makasakay si Seulgi bago dumiretso sa kaniyang patutunguhan.

 

“Heto na tayo!”

 

 

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

“Oh Seulgi! Sakto lang dating mo bumalik pa muna si Ma’am Cath may kukuhain daw suwerte ka ngayon!” bungad ni Kai na kasalukuyang lookout sa tapat ng pintuan na palihim na ring sumisilay sa mga babaeng dumadaan.

 

“Buti naman ako lang ba late?” nagmamadali na pumasok sa silid si Seulgi hinahanap ang best friend niya,

 

“Wendy!”

 

Nabigla ang tinawag na babae daling-dali lumingon at ngumiti nang makita ang kaibigan.

 

“Cramming pa! Siguro nag-overtime ka na naman kagabi?” naupo na si Seulgi sa tabi ng kaibigan at nilapag ang bag sa tabing upuan. Isa sa pinagkaiba ng kolehiyo ay ang kakaunting bilang ng estudyante sa isang klase lalo na’t kapag mahirap ang kurso.

 

“Hindi ah kinakabahan lang talaga ako… baka may makalimutan na naman ako,”

 

“Nako! Ikaw pa kaya mo na ‘yan tigilan mo na pagbabasa ipahinga mo na utak mo,” hinugot ni Seulgi ang notebook ni Wendy at saktong pagpasok naman ng kanilang guro. Pagakatapos ng ilang announcements ay nag-umpisa nang magpa-quiz.

 

Ganito kadalasan umiikot ang buhay ni Seulgi sa loob ng paaralan. Sa halos lahat ng pagkakataon si Wendy ang kasama niya kaya’t madalas na tinutukso silang magkarelasyon na mariing nilang tinatanggi. Dahil alam na rin ng nakakarami na si Wendy ay may gusto sa Biology student na si Sejeong. Maganda at may talento sa pagkanta ang nasabing dalaga kaya’t nahulog agad ang loob ni Wendy rito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na lapitan ito kaya’t hanggang ngayon hanggan ‘crush’ lang siya.

 

Sa usapang nagkakagusto hindi papatalo si Seulgi, wala siyang gusto o kahit ‘crush’ man lang sa kahit na sinuman pero siya ang ‘crush ng bayan’. Bawat department ay may nagkakagusto sa’kanya marami nang nagtapat ng kanilang nararamdaman ngunit isang matamis na ngiti at “pasensya na” ang kaniyang sagot.

 

Naging matunog ang pangalan niya nang isa siya sa pinakamataas na nakakuha ng score sa entrance exam at nang ipakita niya ang talento sa pagsayaw sa isang program. Masyadong nakatutok sa pag-aaral si Seulgi para magkaroon ng karelasyon.

 

Parehong scholar at nagtatrabaho sa iisang café sila Wendy at Seulgi. Unang nagkakilala nang malamang sila ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa entrance exam. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang mga magulang ni Wendy at nakatira sa bahay ni Jessica na kaniyang pinsan. Hindi niya kailangang magtrabaho pero kulang sa tauhan ang café at gusto niyang tulungan si Jessica para mabawasan naman ang pinoproblema nito. Pareho lamang ang shift nila ngunit magkaiba ng day off kaya naman masasabing magkasama sila sa buong araw.

 

Masayahin at halos hindi nauubusan ng kuwento si Wendy Shon kaya’t masaya si Seulgi sa tuwing kasama ito. Nakakapagusap sila nang mas malalim tungkol sa mga bagay-bagay sa tuwing napapatagal ang kwentuhan. Matatawag silang ‘soulmates’ at parang magkapatid ang turingan.

 

Kilalang kilala na ni Wendy si Seulgi. Tingin ng marami na perpekto itong nilalang matalino, maganda, at mabait pero ang hindi nila alam si Seulgi ay may pagkatanga sa ibang larangan. Sa tuwing maglalakad ito ay tila ba may pumapatid dito at nadadapa. May mga sitwasyon din na para bang nawawalang bata ang kaibigan. Mabuti na nga lang ay maiigi nitong napagaralan ang pagseserve sa cafe at natigil na ang patuloy na pagkasira ng kanilang mga kagamitan. Hindi ito ang nakikita ng nakakarami pero kay Wendy, ito ang totoong katangian ng kaibigan.

 

Alam din nito na ulilang lubos na si Seulgi at natatanging ang tita Kang Sora na lang ang kasama nito. Sinisigurado ni tita Sora na hindi mararamdaman ni Seulgi ang pagiging mag-isa kaya’t binigay nito ang lahat ng gusto ng kaniyang pamangkin ngunit bilang isang mabuting bata, ay hindi humihingi nang malaki si Seulgi. Nang dumating ang kolehiyo ay kinailangang lumuwas ni Seulgi kaya’t agad na bumili ng lupa’t bahay upang doon muna mamalagi at iyon na nga ang unit na kasalukuyan ding inuupahan ni Taeyeon at Yuri.

 

“Mukhang hindi ata maganda lagay mo ngayon ahh,” napansin ni Wendy na inaantok at hindi maka-focus ang kaibigan sa klase.

 

“Kulang lang sa tulog,” pumikit si Seulgi at minasahe ang pagitan ng kaniyang mga mata.

 

“Mag-off ka na muna ngayong araw papayag naman agad yun si Ate Jess basta ikaw” napabiro pa si Wendy ngunit halata dito ang pag-aalala.

 

“Hindi na kaya ko na ‘to atsaka nakakahiya kay ate Jessica,”

 

“Pero pag hindi mo na kaya kindatan mo na lang yun si ate halikan mo na rin sa pisnge pahihigain ka na agad ‘nun sa komportable niyang opisina gigisingin ka na lang pag out mo na,” tumawa na lang ito sa kaibigan pero alam naman ng lahat na totoo at posibleng gawin talaga ni Jessica ‘yon.

 

“Sabay na lang tayo mamaya pagpuntang café,” huling bulong ni Seulgi bago muling ibaling ang atensyon sa guro sa harapan.

 

“Syempre naman.”

 

 

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

 

“Nasabi ko na ba na ngayon ang unang araw ni Ate Taeyeon?”

 

“AH! Talaga ba? Buti naman siguro si Ate Soo ang nagt-train sa kaniya ngayon. Siya lang din naman available,”

 

“Sana maayos lang ang first day ni Ate,”

 

Mabuti na lamang ay walking distance lang din ang paaralan nila at ang café upang kahit na overtime ang prof sa pagtuturo ay hindi pa rin sila malalate.

 

Abot tanaw na ang café, kitang kita mula sa labas ang na kakaunti na lang ang mga tao, katatapos lang din kasi ng peak hours at malamang ay naging mahirap ito kay Sooyoung (Choi) dahil may trainee siya at nagse-serve  pa.

 

“Nakauwi na pala si Ate Tiffany,” Nakita ng dalawa ang pagpasok ng isang magandang babae, blonde ang buhok at may magandang pili sa pananamit. Dumiretso ito sa tapat ng counter at tila natigilan nang makita ang bagong empleyado na si Taeyeon. Maganda ang pagkakaturo ni Sooyoung dito dahil mukha itong natural.

 

Tinulak ng magkaibigan ang pinto at laking gulat nang may narinig na malakas na sampal. Mabuti na rin siguro na kaunti lang ang tao dahil hindi kapani-paniwala ang nangyari.

 

Nanlaki ang mga mata ni Sooyoung at Wendy na tila nakakita ang mga ito ng multo, napatakip naman ng bibig at gulat na gulat si Seulgi na kinakabahan sa nangyari.

 

Hawak-hawak ni Taeyeon ang kaliwang pisnge na namumula sa pagkakasampal.

Oo, sinampal siya ng babaeng hindi niya kilala. Tama naman ang pagkakasabi niya ng “Hello I’m Taeyeon, what’s your order Ma’am?” na itinuro ni Sooyoung at sa mata naman ito nakatingin… kaya’t bakit? Bakit siya sinampal?

 

“How dare you?”

 

“M-ma’am?”

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy