Ikatlo

Patungo sa Bagong Mundo

Italicized - ibang linggwahe

 

 

 

“Nakahanap na ba kayo ng papasukan niyo?” tanong ni Seulgi napakunot naman ng noo sila Taeyeon at Yuri.

Oo nga pala, kelangan pala namin makahanap ng kukuhaan ng pera, kaisip-isip ni Yuri.

“Kung wala pa kayong nahahanap may alam ako” mungkahi ni Seulgi.

 

Salamat sa tulong ni Seulgi, natapos na ang pamimili nila ng mga kinakailangan nilang gamit pero may isang problema, wala na silang pera. Siguro nga ay dapat na nilang tanggapin ang alok ni Seulgi, pero masyado nang maraming naitulong si Seulgi nakakahiya na.

“Ano ba kasing iniisip mo, sigurado naman akong gusto tayong tulungan ni Seulgi at hindi ba’t malulungkot siya kung hindi natin tatanggapin?” sabi ni Taeyeon

“Binabasa mo ba ang isip ko?!”

“Hindi ko maiwasan! Paano kung nagpaplano ka na pala na patayin ako ngayon lalo na’t kaya na ng mana mo!”

“Kanina wala pa, pero parang iba na ngayon!” akmang susuntukin na ni Yuri si Taeyeon pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi ito ang tamang panahon para makipagaway sa kaniya. Pero pag nakabalik na sila sa mundo ng Paradiso sisiguraduhin niyang matitiris niya ang kutong-lupa na ito.

“Haaaaay! Tulad nga ng sinasabi ko, magpatulong na tayo kay Seulgi sa huling pagkakataon, may alam ka bang ibang paraan para makahanap tayo ng trabaho?”

“Kung gayon, ako na lang ang magpapasama kay Seulgi at ikaw, maiwan ka rito”

“Ano?! Mukhang magkaiba tayo ng iniisip, ang mas nakakatanda ang dapat magtrabaho at ikaw maiwan ka dito”

“Hindi ka tatanggapin sa liit mong ‘yan mapagkakamalan kang bata!” nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ng dalawa.

“Aba! Maliit man ako mas marami naman akong kayang gawin!” lumiwanag ang palad ni Taeyeon at nakahanda nang atakihin si Yuri.

“Sige! Kung gusto mo ng ganitong away hindi kita uurungan!” iba naman sa kulay asul na liwanag sa kamay ni Taeyeon, dilaw naman ang kulay ng sa anghel.

“AAAAAAHHHHHHH!”

“AAAAAAHHHHHHH!”

Magsasalpukan na ang dalawa nang…

“Ate Taeyeon, ate Yuri?!” nanlaki ang mata ng dalawa nang makita si Seulgi na gulat na gulat sa kaniyang nasaksihan. Agad na nawala ang liwanag sa kanilang mga kamay at lumapit kay Seulgi. Napaatras ang nakakabata at palabas na ng pinto nang bigla itong kusang maglock.

“Hayaan mo kaming magpaliwanag”

Nang tiningnan ni Seulgi ang kanyang mga ate na balik na sa normal nilang hitsura ay kumalma na siya. Itinungo ang kaniyang ulo habang hawak-hawak ang kaniyang dibdib na malakas na tumitibok dahil sa kaba.

“Kumalma ka lang Seulgi at makinig sa’min” pagkakalma ni Yuri. Pinaupo ng dalawa si Seulgi at nag-umpisang magpaliwanag. May maikling katahamikan sa pagitan ng tatlo. Hindi alam ng dalawang nakatatanda kung paano uumpisahan.

“Hindi kami tao, kami ay mahihiwagang nilalang,” pag-uumpisa ni Yuri

“Nanggaling kami sa mundo ng Paradiso, isang lugar kung saan ang mga anghel at halimaw ay totoo,”

“Ako at ang ate Taeyeon ay mga mandirigma, isa syang halimaw at isa akong anghel,” napatingin si Seulgi sa kanila na tila ba biglang-bigla sa narinig.

“Malaki ang hidwaan ng mga uri namin kaya’t naiipit ang mga mortal ng aming mundo,”

“Sinundan ko ang Demon Lord na si Taeyeon sa mundong ‘to para pigilan siya. Pero di namin inaasahan na maiipit kami sa mundong ‘to,”

“Wala pa sana kaming balak magpatayan pero pinainit ni Yuri ang ulo ko,” napatingin ng masama si Taeyeon sa anghel.

“Naitindihan mo ba Seulgi?” napatango na lang si Seulgi

“Pero ‘wag kang matatakot sa’min Seulgi, nakikita mo naman kami ay mga normal na tao lang dito sa mundong ito. Uh, may natitira pang kapangyarihan pero hindi sapat para makapanira,” paninigurado ni Taeyeon. Tahimik lang si Seulgi na tila may ibang iniisip.

Napansin naman ito ni Yuri, “Ano masasabi mo Seulgi?”

Napahingang malalim si Seulgi at napakunot ang noo na tila may inaalala, “Meron akong napanaginipan noong gabing nagkilala ko kayo. May dalawang naglalaban sa ilalim ng buwan, hindi sila tumatapak sa lupa kaya medyo weird. Yung isa dun may malalaking pakpak at yung suot niya parang mga yung mga nasa movie ng avengers, puro bakal kamukhan kamukha mo Ate Yuri. Tapos yung isa naman mas nakakatakot tingnan. Itim at asul yung mga mata niya, wala siyang bakal sa katawan pero yung balat niya parang mga bakal na kaliskis, kamukha mo naman ‘yun Ate Taeyeon. Para naman siyang bampira kasi itim lahat ng suot niya at may kapa siya. Pareha na silang duguan na pero walang balak magpatalo,”

“Parang…”

“Yung huli nating laban bago mapunta dito. Pero paano mo ‘yun nalaman?”

“Huh? Totoo bang nangyari ‘yun? Akala ko imagination ko lang ‘yun. Madalas nga ako managinip ng mga kakaibang pangyayari,” napakamot ng batok si Seulgi. Hindi niya inakalang puwedeng totoong nangyari ang isang panaginip lang pero kung kakaibang nilalang pala ang mga ate niya, hindi na malabong puwede ngang mangyari’ yun.

“Iyon ang totoo naming kuwento, kaya sana matulungan mo kami sa mundong ‘to Seulgi,”

Napangiti si Seulgi sa mga ate niya, “maaasahan niyo!” at ipinakita ang hinlalaki ng kanan niyang kamay.

“Eh?!”

“Ah! Thumbs up tawag dito. HAHAHAHAHA gesture ‘to na payag kayo sa isang bagay. THUMBS UP!”

At sinubukan nga ito nila Yuri at Taeyeon, “Yay! Thumbs up!”

“Hehehe ang cute ng mga ate ko”

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

Kinabukasan…

 

“Bale, ang sasamahan ko mag-apply sa café ay si Ate Taeyeon at si Ate Yuri maiiwan dito para magresearch?”

“Haaaay, parang ganun na nga,”

“Eyyy, wag kang mag-alala Yuri. Kaya kita pinakausapan sa gawain na ‘yan ay dahil alam kong mas kaya mong matuto ng mga bagong kaalaman at magaling kang maghanap ng impormasyon. Nahanap mo nga lungga ko eh hehehehe,” painis na sabi ni Taeyeon tanda tanda ang paglusob ng anghel sa kaniyang kinaroroonan kasama ang hindi mabilang na kawal.

Dama ang tensyon sa paligid, napangiti na lang si Seulgi, “Ah eh, kelangan na nating umalis Ate Taeyeon.”

Umalis na ang dalawa hawak hawak ang mga pekeng dokumento na ginawa sa pamamagitan ng mahika. Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang Demon Lord ay ang manlinlang kaya’t sisiw lang ang mag-imbento ng impormasyon.

 

Simple at komportable ang café. Itim at puti ang tema ng mga kulay, ang bawat pader ay may mga nakasabit na frames na naglalaman ng mga kasabihan. Nahahalo sa itim at puti ang mga upuan at lamesa. Kahit na lamang ang kulay ng itim at puti, ang kulay ng natural na kahoy ay nagpadadag sa kagandahan ng lugar.

Napakarangya ng lugar na ito. Siguro mga mayayamang tao ang madalas dito.

 

“Wag kang kakabahan Ate, sagutin mo lang ang lahat ng tatanungin nila kagaya ng pinractice natin, okay?” paninigurado ni Seulgi. Hindi naman kinakabahan si Taeyeon humarap na siya sa mas malalakas na halimaw at mga hukbo ng anghel kaya’t wala siyang rason para kabahan. At sino ba ang mag-iinterview sa kaniya para kabahan siya?

“Ate Jessica!” kumaway si Seulgi sa babaeng nakaupo sa isang lamesa sa gilid ng café. May mga papeles, kape at isang lumiliwanag na kuwaderno sa harap nito na hindi alam ni Taeyeon ang tawag. Hinila ni Seulgi si Taeyeon papunta sa nasabing lamesa. Hindi niya alam pero may kilabot na naramdaman si Taeyeon. Masyado atang malamig sa lugar na ito.

“Kanina pa kita inaantay Seulgi. Pinag-intay mo si Ate Sica hmph!” aktong nalungkot ang dalaga ngumuso pa ito na tila nagtatampo sa nakakabata.

May gusto ba ‘to kay Seulgi? Medyo halata ahhh… kaisip-isip ni Taeyeon. Teka! Ilang taon na ba ‘tong Jessica na ‘to? Bata pa Seulgi namin!

“Pasensya na Ate Jessica, may nangyari lang sa bahay,” dahil nga sa nagtalo pa si Taeyeon at Yuri bago sila umalis, “Ah! Siya nga pala si Ate Taeyeon, siya po yung sinasabi kong gustong magtrabaho dito” nag iba ang ngiti ni Jessica nang lumingon ito kay Taeyeon. Napaatras nang bahagya si Taeyeon. Anong lakas meron ang babaeng ‘to?!

“M-magandang araw” iniabot ni Taeyeon ang mga dokumento niya sa nag-aabang na kamay ni Jessica. May kakaibang ngiti si Jessica nang makita nito ang mukha ni Taeyeon. Si Seulgi lang kasi tinitingnan kaya nabigla nang makita ako, hah!

“Nagkita na ba tayo dati?” tanong nito.

Teka lang parang ang layo naman ng tanong niya sa mga tinatanong ni Seulgi dati sa practice?

“Hindi pa… po”

“Wag mo na ko i-po at opo mas matanda ka sa’kin ng ilang buwan,”

“O-oh,”

“Nag-uumpisa na pala kayo, sige po mauuna na po ako. May klase pa po ako ng 10 am,”

“Hindi ka ba puwede kahit saglit lang? hmmm?” lalo pang nagpacute si Jessica.

Masusuka na ata ako!

“Pasensya na Ate pero may pasok po ako ng 10 am. Kailangan ko pa pong magreview, pero wag po kayo mag alala maaga po uwian naming kaya maaga na rin po ako papasok dito. Sige po mauna na po ako. Ate Taeyeon tinuro ko naman na sa inyo daan pauwi diba?”

“Wag ka na mag-alala sa ‘kin sige na pumasok ka na baka mahuli ka pa”

“Sige bye bye!” nang makalabas na ng café si Seulgi, muling naramdaman ni Taeyeon ang kakaibang lamig.

“Ngayon Taeyeon, sabihin mo sa’kin dati ka bang nakatira sa New York?” tanong ni Jessica at hindi maganda ang tingin na binibigay nito kay Taeyeon, para bang ipapapatay siya nito.

“N-nyerk? H-hindi pa ko nakakapunta sa ibang lugar,” sagot nito.

Napangiti si Jessica at iyon ang isa sa pinakanakakatakot na nakita ni Taeyeon. Walang sinabi ang isang hukbo ng mga anghel sa takot niya ngayon.

“Eh kamag-anak na nasa ibang lugar?” tanong ulit nito

“Wala na po akong ibang kamag-anak, pinsan lang po kasama ko,” pinagpapawisan na si Taeyeon kahit nilalamig siya. ‘Pag bumalik siya sa Paradiso hihilahin niya ang babaeng ‘to kasama niya at gagawin niyang heneral. Tiyak na kikilabutan ang mga anghel sa kaniya.

“Kung ganon, tanggap ka na. Pwede ka na mag-umpisa bukas,”

“Ganun lang ‘yun?”

“Hm?”

“Tapos na yung… interview ko?”

“Oo, agahan mo bukas ha,”

“S-sige… hehe”

 

UwUwUwUwUwUwUwUwU

 

“Kamusta yung interview?”

Kasalukuyang naghihiwa ng repolyo si Yuri habang pinapanuod lang siya ni Taeyeon. Nag-aral ng bagong recipe si Yuri para hindi na lang puro instant noodles ang pagkain nila.

“Nakakakaba yung nag-interview. Kahit anghel kikilabutan sa kaniya, iba ang awra na nilalabas niya. Malayo nga sa mga tanong ni Seulgi yung tinanong niya sakin. At isa pa pakiramdam ko may gusto siya kay Seulgi,”

“Ha? Paano mo naman nasabi?”

“Tumitinis yung boses niya pag kausap si Seulgi pero nung napakalalim nung tinatanong na ako. Kakaiba talaga ang babaeng ‘yon. Haaaay!” natawa si Yuri sa ekspresyon ni Taeyeon.

“Gusto ko siyang makita, para malaman kung ano ang nagpatiklop sa Demon Lord na si Taeyeon.”

“Hindi ka tatagal sa kaniya!” binato ni Taeyeon ang mansanas na nakakalat sa lamesa at tumama ito sa balikat ni Yuri.

“MASAKIT!!!” nagbato naman ng kidlat si Yuri. Mabuti at nakaiwas si Taeyeon.

“Walang batuhan ng KIDLAT!” muling pumulot ng mansanas si Taeyeon at binato kay Yuri.

 

Habang nag-aaway ang dalawa ay may kumatok sa pintuan.

 

“YAAAAAAH—uh, may tao sa pintuan,” napatigil si Yuri na akmang ibabato na ang kutsilyo na hawak.

“AKO NA! BAKA SEULGI!”

“AT TEKA!” nag-agawan pa ang dalawa na pumunta sa pintuan.

Binuksan ng dalawa ang pintuan at buong gulat nang…

“K-Keeper? At Demon Lord?”

“Ang Dyosa ng Kapayapaan!”

“I-Irene?”

“Anong ginagawa niyo?”

 


 

Hello!!! Sana nagustuhan niyo hahahahahaha korni ko talaga -_- kung may mga katanungan kayo itanong niyo lang hahahaha

Maraming maraming salamat nga pala sa lahat nang nagbabasa nito! Shoutout ko kayo isa isa next chapter hahahahaha. pero may malungkot akong balita T.T nagumpisa na po kasi sumer class namin at mas magiging busy ako pero uunti-untiin ko po ang sulat. mas magiging matagal ang pagiintay pasensya in advance. noobie writer lang po ako please be gentle i'm trying my very best para hindi siya tunog korni or smthing.. ulet maraming maraming salamat

See you soon ^.^

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy