Una

Patungo sa Bagong Mundo

Italicized - Linggwahe sa ibang mundo

 

 

 

 

“Tumingin ka sa kaawa-awa mong mukha! Gusto kitang tirisin!”

“Bilang isang alagad ng kalangitan, di yata’t masyado kang madilim!”

 

Sa kalagitnaan ng isang kalsada, dalawang anino pa ang tila walang balak magpahinga. Nasa kalagitanaan na ng gabi at may mga taong nagpapahinga na, tahimik na ang paligid at tanging mahihinang tunog na lamang ng mga nagdadaraang sasakyan ang maririnig.

Sa tindig ng dalawa, aakalaing sila ay nagmula sa isang pelikula kumpleto pa sa kanilang kakaibang pananamit. Bitbit ang kanilang tabak at kalong kalong ang kanilang mga kalasag, wala sa dalawa ang balak magpatinag.

“Excuse me lang mga iha” isang nakakasilaw na liwanag ang tumapat sa kanilang mga mukha, dahil dito hindi nila maaninag ang tao sa likod nito.

 

“Alisin mo yang nakakainis na bagay na yan sa pagmumukha ko!” sigaw ng balingkinitang babae.

 

“Aba! Ikaw ang mas maliit pero ikaw ang matapang ha!” sagot nito.

“Teka pare, mukhang galing ‘to sa shooting dun ng Engkantado ng ina mo!” paalala ng isa pang mama na kababa pa lamang sa sasakyan na may nakasaulat na ‘PULISYA’ sa gilid nito.

 

“Naiitindihan mo ba ang pinagsasabi ng mga ito?” tanong ng balingkinitang babae.

“Nagugulumihanan din ako tulad mo”

 

“Pare, nakakaintidi ka ba ng bisaya?”

“Hindi ei, pero pare hindi bisaya yan”

“Ganun ba, eh kahit anong linggwahe pa yang sinasabi nyo kelangan nyong sumama samin mga iha” akmang lalapit na ang mama nang ibaling ng balingkinitang babae ang sandata nito sa kaniya. Buti na lamang ay mabilis na umaksyon ang isa pang babae bago pa nito tuluyang masaktan ang mama.

 

“Maiigi nang sundan natin sila, Demon Lord. Hindi natin alam ang lugar na ito at alam kong nararamdaman mo ang kakaibang awra sa paligid natin.”

“Ayoko mang pumayag ngunit mukhang tama ka sa ngayon, Keeper”

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

 

“Kumakain ka ba ng instant noodles?” unang beses pa lamang niya ito Nakita. Mahahabang piraso na tila lubid ang nakababad sa umuusok pang sabaw, kapansin-pansin din ang mga lumulutang na berdeng gulay at maliliit na hiwa ng karne. Nakakalasap ang amoy nito ngunit wala siyang ibang magawa kundi titigan lang ito.

“Kakaiba yang pandak mong kaibigan ha.” Paninimula ng mama ngunit napansin niyang hindi siya binibigyang atensyon nito at nakatutok lamang sa pagkain sa harapan niya.

“Uh, sige kumain ka iha libre lang ‘di pa naman expired yan” umalis na ang lalaki, naiwanan ang Keeper sa isang mangkok ng instant noodles. Naguguluhan siya dahil nakakaramdam sya ng kakaiba mula sa kaniyan tiyan. Ano ‘tong pakiramdam na ito?, tanong nito sa sarili. Tila tinatawag siya ng bagay sa harapan niya, isang pakiramdam na nais niya itong ilagay sa kaniyang bibig at tikman ito. Kakaiba? Dahil sa lugar na kaniyang pinagmulan, ang isang anghel na tulad niya ay hindi kailangang kumain. Hindi sila tulad ng mga mortal na umaasa sa pagkain at sa totoo lamang ay hindi pa siya nakakakita ng mortal na kumakain, dahil isa itong sagradong proseso para sa mga tulad niya. Ngunit nakakita na siya ng kumakain na halimaw, ganoon nga siguro kumain. Gamit ang kaniyang dalawang kamay sinubo niya ang laman ng mangkok. Kaliwa, kanan hindi niya pinagsisihan ang desisyon.

 

 

Sa kabilang kwarto…

“Heto, instant noodles Nissan yan ha. Yan lang binebenta jan sa labas”

Hindi tulad ng Keeper sa kabilang kwarto, maingat ang Demon Lord sa kaniyang mga galaw. Wala siyang dapat pagkatiwalaan kundi ang sarili niya. Naiitindihan niya ang kaniyang sitwasyon, isa itong lugar na kung saan ay may nagatatanong na awtoridad o mas nakakataas. Wala naman nang mas nakakataas sa kaniya dahil siya nga ang Demon Lord ngunit nasa mundo siyang hindi niya pamilyar at may mga bagay na hindi kaya ng kaniyang pangunawa. Nanatili siyang kalmado.

“Alam mo miss, mukhang foreigner ka- aahk!” umilaw ang mga mata ng lalaki. Ginamit ng Demon Lord and natitira niyang enerhiya para makapasok sa isip ng lalaki. Nahihirapan man ngunit kailangan tiisin ng Demon Lord ang sakit ng paglabas ng lahat ng kaniyan natitirang enerhiya. Unti-unti niyang naiitindihan ag lahat-lahat, ang lugar kung nasaan siya, ang mga tao sa paligid niya at ang sitwasyon na kinalalagyan niya. Nakuha niya rin ang kinakailangan na impormasyon katulad ng linggwahe, kultura at iba pa. Matapos ang ilang minuto, nawalan ng malay ang lalaki. Dali-dali siyang umalis iwan-iwan ang lalaki sa sahig.

 

“Halika na! Aalis na tayo dito!”

“*ssssluuuuurrp* Hmmm??”

Hindi pa man tapos kumain ang Keeper na tila nahulog na sa sarap ng instant noodles, dali-dali na siyang hinila ng Demon Lord. Dala-dala ang kanilang mga sandata nagmamadaling nilisan ng dalawa ang lugar na tinatawag na “Police Station”.

Gamit ang kakaunting enerhiya hinawakan ng Demon Lord ang batok ng Keeper at hinila ito papalapit sa kaniya. Nagtagpo ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mga mata ng Keeper dama-dama ang lambot sa kaniyang mga labi.

“PWE! Ano bang pumasok sa kokote mo at kailangan mong gawin yan? PWE! PWE!” nabigla ang Keeper sa kaniyang nasambit. Isang bagong linggwahe na ngayon niya lang narinig ngunit naiitindihan niya.

“Pasalamat ka na lang iyan lang ang kaya ng kakayahan ko para ipasa ang lahat ng nalaman ko” sabat ng Demon Lord habang pinapahid ang kaniyang mga labi.

“Saan na tayo pupunta?” tanong ng Keeper

“Sa registration office”

 

Wala nang ibang magagawa ang Keeper kundi sundan ang Demon Lord. Gusto niyang magtanong ng maraming bagay ngunit hindi kakayanin ng oras. Hindi sapat ang impormasyon na natanggap niya mula sa Demon Lord ngunit hindi ito ang tamang oras para magtanong pa. Kailangan na nilang magdali kundi baka maabutan pa sila ng mga pulisya at tanungin ulet sila na iniiwasan nilang mangyari ulit.

 

“Kailangan nating magpalit. Hindi kaaya-aya ang suot natin sa mundong ito” sabi ng Demon Lord na lumilibot ang paningin.

“Anong sinasabi mo? Eh matagal na nating sinusuot ‘to! Sagisag ito ng ating pagiging magiting!”

“Kailangan nating magpalit nagmumukha tayong tanga”

“Haaay, susundan lang kita Demon Lord”

Hindi sa kalayuan ay may nakita ang Demon Lord na isang antique shop na bukas pa. Isang lalaking may katandaan na ang sumalubong sa kanila. Hawak ang isang baso ng kape na maingat niyang iniinom upang hindi mamantsahan ang kanyang mahabang bigote.

“Gusto naming ipagpalit ang aming mga damit!” demanda ng Demon Lord

“Ang lakas ng boses mo para sa liit mong iyan iha” marahan na sagot ng matanda. Ngayon na naiitindihan ng Demon Lord ang ibig sabihin ng maliit ay bahagya na nitong pinapainit ang kaniyang ulo.

Huminga siya ng malalim at sa pagkakataong ito marahan niyang sinabi, “Gusto po naming ipagpalit ang aming mga damit… po”

Napangiti ang matanda at inobserbahan ang kanilang mga suot.

“Hmmm… mukhang hindi ko naman mapagkakaitaan ‘yan”

“ANO?! Ang mga ito ay nagmula pa sa isla ng Paradiso maiiging tinahi ng mga gnomes gamit ang ngipin ng mga dragon! Wala kang karapatan na sabihan itong walang silbi! Malamang ay mas mahal pa ito sa buhay mo!” bulyaw ng Demon Lord.

“Osige, sige. Hindi ko man alam kung saang lugar ‘yan at sigurado ka bang gnomes ang gumawa jan? Parang galing lang yan sa shooting ng Engkantado ng ina mo!. Anyway, dahil gusto ko yung design kaya kitang bigyan ng 10,000 at pwede ko pang dagdagan para sa swords at shields, pwede na ba ‘yon?”

“Sige. Pero hindi namin isasama ang kalasag at tabak.”

“Ibibigay ko na lang sa inyo ang mga damit ng anak ko bilang giveaway.”

 

 

Pagkatapos ng pag-uusap ay nakalikom ng 50,000 ang dalawa galing sa pinagsama nilang mga damit at dagdag pa ang mga sapatos. At bilang kapalit ay nakatanggap sila ng black pants at puting v-neck shirt para sa Keeper at pink shirt, cardigan at knee-high short naman para sa Demon Lord. Isang rider ang anak ng matanda at masyado na itong maraming damit kaya’t ganoon na lang ang ibinigay niya.

Dahil na rin sa direksyon na binigay ng matanda ay nakarating na sila sa registration office.

“Puwede ko bang malaman ang mga pangalan niyo?”

“Uh…” may naiisip nang pangalan ang Demon Lord pero mukhang masyado itong kakaiba. Whitefang Silvertooth ay isang magandang pangalan para sa kaniya, naipapakita nito ang lakas at kapangyarihan niya. Precious Irish Lane naman ang babagay sa Keeper dahil tunog anghel ito, bagay na bagay sa isang anghel sa kanilang mundo.

“Whi-“

“Ako po si Kwon Yuri at siya ang aking pinsan si Kim Taeyeon”

 

At simula noon, naging si Kim Taeyeon na ang Demon Lord at Kwon Yuri ang Keeper.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy