Ika-apat

Patungo sa Bagong Mundo

Italicized - ibang linggwahe

Bold italicized - thoughts (mostly kay Seulgi)

 

--

 

“Huwag na kayo babalik ng Paradiso, hindi na ligtas ang lugar na ‘yon para sa lahat”

“Bakit? Hindi ba dapat nagdidiwang na kayo dahil nabawasan na ang pwersa ng mga kampon ko?” pagtataka ni Taeyeon. Alam niyang hindi basta susuko ang kaniyang mga heneral ngunit hindi makakaila na malaki ang pagkakaiba ng kaniyang pamumuno kumpara sa mga heneral lamang. Ngunit ang pinagtataka niya, bakit nais ni Irene na manatili na lamang sila sa mundong iyon. Hindi ba dapat pa nga ay tulungan nito ang Keeper na makabalik at lipulin ang masasamang kampon?

“Dahil…” nag-aalangang sabi ni Irene na bahagyang tumitingin sa mata ni Yuri na tila ba isa itong sikreto.

“May lihim na operasyon ang Magistrate, ang ‘Mutation’,” pagpapatuloy ni Yuri, “… isang eksperimento para makagawa ng mga nilalang na may parehong katangian ng mga anghel at demonyo. Ngayon na wala na ako sa Paradiso wala nang makakapigil sa kaniya.”

“Labag sa batas ng Paradiso ang proseso ng Mutation, maraming buhay ang nasasayang at hanggang ngayon hindi pa ito nagtatagumpay,”

Nananahimik lamang sa tabi si Taeyeon at kanina pa siya tinitingnan ni Yuri. Ang itim na awra na inilalabas ng Demon Lord ay hindi basta basta.

Ang Mutation ay isang proseso gamit ang ipinagbabawal na mahika, wala itong kasiguraduhan at sinasabing hindi magiging maganda ang resulta nito.

“Wala nang kawala ang lahat kahit ang iba pang mga Diyos. Inaprubahan ng Diyos ng Digmaan ang Mutation para makagawa ng hukbong walang makakatalo. Pinakawalan ako ng Protector at pinapunta dito para balaan kayo.”

“Teka Taeyeon, ayos ka lang ba?” nag-aalala na si Yuri sa lakas ng itim na awra ni Taeyeon at ganoon din si Irene.

“Ayos lang ba siya?”

“Hindi puwede…” laking gulat nila Yuri at Irene nang makita ang hitsura ni Taeyeon. Nanlilisik na asul na mga mata, malalim na boses, mahahabang pangil at mga marka ng Demon Lord. “Hindi ito pwede…” bumagsak si Taeyeon na tila ba wala nang lakas ang mga binti nito. Namumutla at bumalik na sa dating anyo si Taeyeon.

“Nagamit niya ang kaniyang buong lakas”

“Siya talaga ang Demon Lord…” napangiti si Yuri habang tinitingnan nang may paghanga si Taeyeon, “mahirap siguro ang trabaho niya bilang pinuno…”

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

*

“Tandaan mo Irene, wag kang magpapapasok ng ibang tao hangga’t wala ako naiitindihan mo ba? Bibili lang ako ng gamot para makatulong pag nagising na ang Demon Lord, naitindihan mo ba?”

“Oo na! Naitindihan ko na bilisan mo na lang, ayaw kong makasama ng matagal ang Demon Lord”

 

Kalahating oras pa lang simula nang umalis sa unit ang Keeper hindi na natutuwa si Irene. Mahimbing pa ring natutulog ang Demon Lord at wala namang magagawa si Irene kundi panuorin ito. Sinipat nito ang bagong anyo ng Demon Lord, mas maliit ito kumpara sa hitsura nito sa Paradiso, may malambot at makinis na balat kabaligtaran ng maladragon nitong kaliskis, at napakapayapa ng mukha na tila ba hindi kayang gumawa ng masama. Napailing ang Diyosa hindi dapat siya malinlang sa anyo nito dahil kahit anong mangyari libo libo pa rin ang pinaslang nito at hindi mabilang na pinsala sa Paradiso. Dumilim ang tingin nito sa walang malay na babae. Walang makakaalam kung papaslangin niya ang sanhi ng pagkwala ng tiwala ng tao sa kapayapaan, sa kaniya. Tumayo si Irene at kinuha ang kutsilyong nakita niya sa lamesa. Walang ekspresyon sa mga mata nito at determinado sa planong pumaslang.

“Paalam Demon Lord”

“T-TEKA ANONG GINAGAWA MO?” nagmamadaling hinarangan ni Seulgi ang babaeng akmang sasaksakin ang natutulog na si Taeyeon. Pumasok na agad si Seulgi sa unit matapos ang ilang beses na pagkatok. Akala niya ay busy lang ang mga ate niya, nagsabi na rin ito na dadaan sa unit para ibigay ang uniform ni Taeyeon mula sa café.

Tumaas ang kilay ng Diyosa paanong may nakapasok na mortal dito?

“Wag kang mag-alala mortal ikaw ang susunod, kaya tumabi ka na muna”

Kumunot ang noo ni Seulgi nakakapagtakang naitindihan niya ang sinabi nito ngunit ngayon niya lang narinig ang nasabing linggwahe. Naiitindihan niya ito pero hindi niya mabanggit, hindi niya alam kung papaano.

“H-huwag! D-daan ka muna s-sa’kin” nanginginig na si Seulgi sa takot dahil sa hitsura ng dalaga ay balak niya talagang wakasan ang buhay ni Taeyeon.

“Kung ‘yan ang gusto mo” itinaas ng dalaga ang kanyang mga braso hawak hawak ang patalim sa kaniyang mga kamay, “Paalam”

Pumikit si Seulgi nagdadasal sa lahat ng santong alam niya. Ito na ba ang katapusan ko? Hindi na ata ako makakapagpaalam kay tita. Makakasama ko na ba ulit sila Mama at Papa? Yung assignment ko dapat pinahiram ko na kay Seungwan para siya na rin magpasa, mukhang hindi na ako aabutan ng kinabukasan. Paalam na!

“Irene!” nang makita ang pangyayari, dali-daling lumapit si Yuri kay Irene at ibinaba ang kamay nito kasabay ng pagkuha sa kutsilyo.

“Ano bang nasa isip mo?”

“Ito na ang una nating hakbang! Kung wala nang Demon Lord, mapapanumbalik ang lahat! Ang kapayapaan!” bumagsak na ang mga luha ng Diyosa ng Kapayapaan, matagal na niya itong pinipigilan. Hindi maaaring magpakita ng kahinaan ang kahit na sinumang Diyos, sila ang representasyon ng katatagan at nagbibigay liwanag sa mga tao. Sila ang mga makakapangyarihan na kayang gumawa ng milagro, kayang magbigay ng pag-asa, at kayang magbigay ng kapayapaan sa isip ng tao. Ngunit matagal nang sumuko ang Diyosa, simula nang nawalan na ng pag-asa ang tao sa kapayapaan. Matapos ang sunod-sunod at hindi na mabilang na kaharasan maiitindihan pa ba nila ang konsepto ng kapayapaan?

Parang batang humagulgol si Irene, buhos buhos ang sakit na nararamdaman, ang pagkadismaya sa sarili dahil wala man lang siyang kayang magawa. Ito ang unang beses na pumatak ang luha ng Diyosa. Malungkot na nakatingin si Yuri at Seulgi dama nila ang pighati sa bawat pagsinghap ng dalaga. Hindi na pinansin ni Seulgi ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod at ang malakas na pagpintig ng kaniyang puso nang tumayo siya at yakapin ang umiiyak na Diyosa.

Natulala si Yuri sa katapangan ni Seulgi. Kani-kanina lang bago siya pumasok sa pinto ay akmang wawakasan na ni Irene ang buhay ng mortal kaya’t hindi niya lubos maisip na yayakapin niya ang humahagulgol na Diyosa.

“Sssshhhh… tahan na, ako na humihingi ng pasensya sa kahit anumang nagawa ni Ate Taeyeon sa’yo. Siguro may dahilan din siya para gawin ang lahat nang ‘yun,” kahit na alam ni Seulgi na hindi siya maiitindihan nito, sinubukan niya pa rin, gamit ang pinakamahinahong tonong kaya niyang magawa para kahit man lang ang tono niya ay makapagbigay ng kaginhawahan.

Unti-unting tumila ang pagtulo ng luha ng Diyosa at ganun na rin ang pagbalik ng paghinga nito sa normal. Malamang ay malaki na rin ang naitulong ng marahang paghagod ng mortal sa kaniyang likod, hindi niya maitindihan ngunit nagbigay ito ng kapayapaan sa kaniyang isip at sa kaniyang emosyon. Matapos ang ilang natitirang pagsinghap lumayo sa pagkakayakap ang mortal, na kaniyang ikinadismaya.

“Yan! Mukhang tumahan ka naman na!” kumalas si seulgi sa pagkakayakap at tumingin sa mukha ng dalaga.

Sobrang ganda niya… para siyang isang… Diyosa…

Matagal pang napatitig si Seulgi sa dalaga, maraang pinagmamasdan at pinag-aaralan ang paglaperpekto ng mukha nito. Wala nang balak pa alisin ni Seulgi ang kaniyang mga mata ngunit sumigaw ang tiyan ng dalaga sa kaniyang harapan. Tumawa siya ng marahan ganoon din si Yuri sa tabi, pagtataka ang nakapinta sa mukha ng dalaga.

“Gutom ka na ata, teka lang tingnan ko lang kung ano meron dito. May gusto ka bang kainin?” tanong ni Seulgi at tinapik ng marahan ang kanang braso ng dalaga bago pa dumiretso sa kusina. Buti na lang at nabasa ni Yuri ang sitwasyon nang makita na tila lumalim ang pagtataka ng Diyosa.

“Kumain ka na muna” alok ni Yuri na tumungo na rin sa kusina.

Sumunod na lang ang Diyosa at nadatnan na naghahanda ng makakain ang mortal.

“Buti na lang pala nakapagsaing na kayo kanina ate Yuri ako na bahala sa ulam. Uhm, sana kumakain ng omelet yung bisita niyo. Teka ano nga palang pangalan ng bisita niyo?”

“Irene ang pangalan niya at oo kahit ano ihanda mo kakainin niya” may ngiti sa mga labi ni Yuri habang pinapanuod ang nakakabata na aligaga na naghahanda ng pagkain na hindi man lang nito napansin ang pagpasok ng dalaga.

“Irene? Dito sa mundong ‘to may Diyosa na ganyan din pangalan. Diyosa ng Kapayapaan”

“Dahil siya ang Diyosa ng kapayapaan…” sagot ni Yuri na walang bahid ng pagsisinungaling

“O… Oh…”

“’Sya, iwan ko na muna kayo titingnan ko muna lagay ni Taeyeon,” at iniwan na ni Yuri ang dalawa dala dala ang supot ng gamot na binili niya para kay Taeyeon.

 

Natapos nang maghanda ni Seulgi, isang plato ng kanin at mainit-init pa na omelet. Malaki ang ngiti nito inaantay ang reaksyon ng dalaga.

“Tada! Special omelet ko yan, sariling recipe, sana magustuhan mo rin” ngunit imbes na umpisahang kumain ay tiningnan lang ito ni Irene.

“Teka baka hindi mo alam kung paano kumain gamit ang kutsara at tinidor. Sige susubuan na muna kita,” sumandok ng kanin at pinatungan ito ng omelet sabay angat ng kaniyan kamay sa tapat ng bibig ni Irene. “Aaaaaaaaa…” matagumpay niyang naipasubo ang pagkain at ipinakita pa nito ang tamang pagnguya na ginaya naman ni irene.

Para siyang Baby! Mama! Puwede bang siya na lang baby ko? TEKA! TEKA! Ano ba ‘tong pinag-iisip ko erase erase Seulgi.

 

Sakto naman ang pagdating ni Yuri at gising na si Taeyeon.

“Kamusta na pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong nito.

Mahina naming sumagot si Taeyeon, “Ayos lang… Pero parang kanina may malakas na enerhiya na gumigising sa’kin”

“Gusto kang patayin ni Irene pero buti na lang pinigilan ni Seulgi. Niligtas ka ng batang ‘yun dapat kang magpasalamat. Halika na samahan na natin sila kumain”

Tumungo si Taeyeon at sinubukang tumayo na tinulugan ni Yuri. Nang makarating sila sa kusina ay bumungad sa kanila ang tuwang tuwa na si Irene na sinusubuan ni Seulgi.

“Huh?! Marunong naman gumamit ng kubyertos si Irene ahhh…” pero imbes na pagsang-ayon ay isang malakas na siko ang natanggap ni Taeyeon “AHCK!”

“Oh mga ate nandito na pala kayo. Ate Taeyeon naghanda na rin ako ng sabaw para sa’yo. Teka lang,” tumayo sa kinauupuan si Seulgi at inilagay ang kubyertos sa kamay ni Irene, “Kaya mo na siguro yan mag-isa” at nginitian ng napakalaki si Irene. Habang abala sa paghahanda ng sabaw si Seulgi ay napadaan ang tingin ni Taeyeon sa Diyosa. Iniiwasan siya nito ng tingin ngunit halata ang pagsisisi sa ginawa, siguro ay natauhan na ito. Naupo na ang dalawang nakatatanda at hinaingan ng makakain ni Seulgi. Nang maayos na ang lahat ay bumalik na si Seulgi at pinagmasdan na maayos na kumakain si Irene at ganoon na rin ang kaniyang mga ate.

“Kumain ka na rin Seulgi,” alok ni Yuri

“Hindi na po kumain na ‘ko bago pumunta dito. Uhm, mga ate may tanong ako…” pinaglalaruan ni Seulgi ang bulsa ng hoodie niya, pinagiisipan kung magiging obvious siya sa itatanong niya.

“Kahit ano Seulgi sasagutin ka namin,wag kang mahiya.” paninigurado ni Taeyeon.

“Paano niyo… napag-aralan yung linggwahe naming ng ganun kabilis?” natandaan ni Seulgi nung nila na galing sila sa ibang mundo at walang kalam-alam sa mundon ito kaya’t nagtataka siya kung paano ang naging proseso nila.

“Gamit ang huli kong kapangyarihan, kumuha ako ng impormasyon sa guard, gamit ‘tong palad ko” ipinakita ni Taeyeon ang palad niya na may mga kakaibang marka. Bilang isang Demon Lord may iba't-iba siyang kakayahan at makikita ito sa dami ng marka nuya sa katawan. Dahil nga lang nasa ibang mundo siya, nagbago ang kaniyang anyo ganun din ang kaniyang mga marka. Ngunit may mga markang nanatili at isa na ang nasa palad niya.

“Ahhh… eh pano naman nalaman ni Ate Yuri? ‘Di ba di ka kampon ng kasamaan…”

“Hinalikan niya ‘ko” walang atubiling sagot ni Yuri “wala din akong kakayahan na tulad ng kanila” sabay ipinakita ang dalawa niyang palad.

Hindi man lang namalayan ni Seulgi na tumama na ang mga mata nito sa kamay ni Irene at sinipat kung may mga marka ito ngunit kahit anong anggulo niya pa ito tingnan wala siyang makitang marka.

“Hi… nalikan…” natulala si Seulgi sa direksyon kamay ni Irene na hinihiling na makasulayap ng kahit na anong marka.

“Kung gusto mong turuan si Irene magpahalik ka na lang sa kaniya…” suhestyon ni Yuri

“HA?!”

 

 

“Hatdog…

 

 

 

 

Tama ba pasok ko? Narinig ko kanina sa café”


 

Nako! Taeyeon, Taeyeon, Taeyeon... wag ka nga masyado sa kalsada dami mong nalalaman.

So hi guys!!! Bale pinakilala na si Irene *clap *claps *claps kumpleto na ang gang! Kumpleto na nga ba? Hmmm.... 

Then yung Paradiso... yung tawag dun sa mundo nila Taeyeon, Yuri at Irene. Bale dun sa mundo nila may Demons, Angels and Gods and Godesses. Syempre malalaman natin ang kuwento ng Paradiso sa mga susunod na chapters.

At ano nga ba ang magiging papel ni Seulgi sa buhay ng TaengYulRene? Pay attention sa pinakamaliliit na details hahahahahaha

More characters to come, wait for them baka si Dani gurl magpacameo din hahahahah di natin alam

 

Uhm, gusto kong malaman kung nakakasukot na ba yung writing style ko hehehehe please let me know kung cringey siya para maagapan.

P.S.

Gusto ko lang inote 20190707 2AM KST NAGLIVE SI WENDY!!! BANGGANDA NG BOSES~ AMEN!

Currently Light Me Up kinakanta niya... Di niya ata alam yung orig lyrics 

"Oh boy..." dapat yun eii

"Oh girl..." talaga yung kaniya...

 

hahahahahaha sorry about that... so please comment po kayo kung okay lang ba tong story ko ehehehehe... i'm actually preparing for a retention exam so baka matagal pa next update pero kapit lang mga besh

A/N: may inedit lang ako ehehehehe

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy