Ikalawa

Patungo sa Bagong Mundo

UwUwUwUwUwUwUwU

 

“Okay, Kim Taeyeon at Kwon Yuri welcome sa Brgy. ITNW. Yehey…” kahit na nagyehey si kuya ay wala pa ring emosyon ang pagsabi niya rito. Napatango na lang ang dalawa bilang pagbibigay galang sa energy ni kuya.

“Kaya lang mga iha, wala pang available na mapaguupahan sa ngayon kaya’t ipabukas niyo na lang. Puwede naman kayo matulog sa lobby, wala namang ibang pumupunta dun at safe naman kayo para ngayong gabi dito. Enjoy your stay.”

At dahil nga sa wala namang ibang magagawa pa ang dalawa ay nanitili muna sila sa registration office para sa gabi na iyon. Hindi makatulog ang dalawa, iniisip kung paano sila mabubuhay nang magkasama. Ang dakilang Keeper at ang mortal nitong kaaway na Demon Lord ay magkasama sa isang mundong hindi nila alam.

Kung nasa mundo sila ng Paradiso ay hawak na nila ang leeg ng isa’t-isa gagawin ang lahat mapatay lang ang isa. Dala ang paniniwala ng bawat panig sa kanilang mga sandata, patutunayan nila ang lakas ng kanilang paninindigan, isa lang ang dapat mabuhay.

“Kaawa-awa”

“Hindi ngayon ang tamang panahon para kaawaan ang sarili mo Demon Lord”

“At bakit hindi? Sugo ako ng kadiliman! Ako ang pinakakinatatakutan ng lahat pero tingnan mo ang nangyari! Naipit ako sa mahinang katawan na ito… mas matangkad ka pa nga sa’kin” pabulong na binigkas ng Demon Lord ang huling parte.

Napangiti ang Keeper, dahil totoo nga na nakakatawa ang sitwasyon nila ngayon at mahirap isipin na kailangang mabuhay nang magkasama ang dalawang magkaaway pero maaaring ito ang maging umpisa ng bagong simula.

“Matulog ka na nga lang dyan ang ingay-ingay mo pandak”

“HOY! Sinong may sabi sa’yo na tawagin mo ‘kong pandak?”

“Hay nako! Kahit wala namang magsabi halata naman”

“Hindi porket mas malaki ka ga-“ napatigil ang Demon Lord nang yakapin ito ng Keeper.

“Maaga pa tayo bukas Taeyeon”

Tila narinig ni Yuri ang takot sa kaniyang puso dahil ang pinakakailangan niya sa oras na ito ay kasiguraduhan. Paninigurado na magiging maayos ang lahat at hindi siya nagiisa. Ibinalik ni Taeyeon ang yakap ni Yuri.

“Magiging maayos ang lahat, diba Yuri”

 

UwUwUwUwUwUwUwU

 

 Kinabukasan…

“Puwede na siguro dito, tingin mo Yuri”

“’Di hamak na mas mura at mas maayos dito, mukhang wala na tayong ibang magagwa pa”

“Aba’y dapat lang kanina niyo pa ako pinapaikot-ikot dito balak niyo lang ata maglibot” umiling si Mr. Park, ang empleyado ng registration office na pumayag tulungan ang dalawa sa paghahanap ng mauupahan. Pagkatapos kumpirmahin ang napiling uupahan ay pinuntahan nila ang may ari upang pag-usapan ang pag-uupa.

 

“Magandang hapon Miss Kang, ito na nga pala ang mga gustong umupa sa bakanteng pwesto niyo”

Ngumiti ang dalawa kay Miss Kang. Nakaka-intimidate ang postura ni Miss Kang, sobra ang make-up niya upang itago ang mga taba sa kaniyang mukha, mukha pang pinilit na maipagkasya ang damit sa kaniya ngunit maganda ang mukha ni Miss Kang, maaaring maraming nagkakagusto sa kaniya dati.

“Hmmm… 5,000 kada buwan ang upa sa bahay hindi pa kasama ang kuryente at tubig”

“5,000? Pero ang sabi po dito 7,000 ang upa” tanong ni Taeyeon

“Parang ayaw niyo pa ata ha? Ehdi sige kung gusto niyo”

“Hindi na hehehehe, nagbibiro lang ang pinsan ko. Okay na kami sa 5,000”

“Maigi kung ganon, para may kasama na rin ang pamangkin ko. Siya ang nakatira sa tabing unit kaya dapat na bantayan niyo na rin siya. Naiitindihan niyo ba?”

“O-opo”

Studio-type ang napili nilang upahan, malaki ang espasyo at may banyo at may pader na naghihiwalay sa sala at kusina. Maliwanag naman ang mga ilaw at malakas pa ang ceiling fan. Wala pa naman silang ganoong karaming gamit at hindi na nagbabalak na bumili ng marami. Kaya pala dalawa ang pinto mula sa labas, isa ay para sa unit nila at isa ay para sa pamangkin ni Miss Kang. Napagdesisyunan nila na mag-advance ng bayad para sa tatlong buwan at okupahin na agad ang unit.

“Tinawagan ko na ang pamangkin ko, dadaanan niya kayo pagkauwi niya galing school para magpakilala. Maging mabait kayo sa kaniya ha”

“Hindi ko masisigurado…” bulong ni Taeyeon

“Opo! Makakaasa kayo”

Sinundo pa ng dalawa si Miss Kang hanggang sa makasakay ito sa sasakyan niya. Nang makasigurado nang malayo ito, nagumpisa na ang kademonyohan ng Demon Lord. Hindi siya Demon Lord nang walang dahilan.

“Ang laki ni Miss Kang”

“Nako Taeyeon parang ngayon ka lang nakakita ng ganun kalaki. Mas malaki pa nga mga halimaw mo sa kaniya”

“Totoo! Puwede na syang makapasa para maging halimaw ko. Tska nakita mo ba yung pintura sa mukha niya? Bagay talaga!”

“Binawasan na nga ni Miss Kang ang upa tapos kung anu-ano pa sinasabi mo” pag-iiling ni Yuri sabay talikod kay Taeyeon papasok sa unit.

“Sinasabi ko lang naman! Paano pa kaya kung mas malaki pa sa kaniya yung pamangkin niya? Nako Yuri lumipat na tayo ha!”

 

 

Pababa na ang araw at mukhang hindi pa umuuwi ang pamangkin ni Miss Kang, mabuti na lang at natutunan nilang ihanda ang instant noodle mula sa MiniShop convenient store sa kabilang kalye.

“Mas masarap ‘tong beef kaysa sa seafoods mo”

“Seafoods pa rin!”

“Nga pala, nararamdaman mo ba na parang matagal na nating kilala si Miss Kang?”

“Yuri wag mo sabihin sa’kin na nagkakagusto ka na kay Miss Kang? Ikaw ha! Ligawan mo nga para makabawas-bawas tayo sa upa”

“Hindi noh! Sinasabi ko lang na komportable kasama si Miss Kang!”

“Nako Yuri, sinasabi ko sayo ha. Tsk tsk”

Habang nagtatalo ang dalawa ay may kumakatok sa pintuan.

“Oh! Yan na ata yung pamangkin ni Miss Kang! Pagbuksan mo na!”

Dahil sa mabait at masunurin si Yuri (at dahil na rin sa sipa ni Taeyeon) ay pinagbuksan niya ng pinto ang tao sa labas.

“Magandang gabi po ak-“

“Ikaw yung pamangkin ni Miss Kang?” hindi naman sa may inaasahang hitsura si Yuri sa pamangkin ni Miss Kang pero nakakabigla na napakalaki ng pagkakaiba nila.

“Opo, ako po si Seulgi”

“Pasok ka” bilang na rin sa natutunan ni Yuri sa kakaunting impormasyon na nakuha niya galing kay Taeyeon nalaman niyang isang kagandahang-loob ang pag-alok sa mga bisita.

“Yuri, siya na ba yung-“ natulala si Taeyeon, iba sa kanyang inaasahan ang kanyang nakita. Si Seulgi ay may balingkinitan na pangangatawan, maliit ang mukha na sakto sa proposyon ng kaniyang katawan. Mga mata na maikukumpara sa tigre ngunit ang bilugan niyang mukha at bilugang tenga ang nagbigay sa kaniya ng hitsura na tulad sa oso.

“Hehehe opo ako po si Kang Seulgi”

“Ako nga pala si Kwon Yuri at siya ang pinsan ko si Kim Taeyeon.”

“Hello po!”

“Wow! Ang laki ng pinagka-asdagajfjlsgkfjd!”

“Hehehehe wag mo na lang pansinin tong si Taeyeon” pangiting sinabi ni Yuri habang tintakpan ang bibig ni Taeyeon na kanina pa niya gustong sabunin.

“Ah, hehe” sumilip si Seulgi sa likuran ng dalawa at nakita ang dalawang cup noodles sa lamesa, “mukhang, inumpisahan niyo nang kumain. May dala akong pagkain para sa hapunan, magsalo-salo na tayo dito.”

 

Pinagsaluhan ng tatlo ang dalang pagkain ni Seulgi. Nagtanong sila ng mga simpleng bagay tungkol kay Seulgi at maligaya naman itong sinagot ng nakakabata. Dahil sa estudyante pa lamang si Seulgi ay tinatawag niyang ate ang dalawa.

“Teka nga Seulgi sabihin mo nga sa’kin pamangkin ka ba talaga ni Miss Kang?” binatukan ni Yuri ang kalokohang tanong ni Taeyeon

“Hahahahaha base sa pagkakaalam ko, opo pamangkin niya po talaga ako.” Nasundan pa ng tawanan at kuwentuhan ang hapunan ng tatlo. Sa hindi malamang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ni Taeyeon at Yuri. Napansin nila ito dahil sabay silang nagkatinginan sa isa’t-isa, tila ba may malakas na enerhiya ang pumapasok sa kanila na dumadagdag sa kanilang mana.

 

“Maraming salamat sa’yo Seulgi ha, masarap ‘tong dinala mo para sa’min” napagdesisyunan ni Taeyeon at Yuri na itago muna ang totoo nilang katauhan kay Seulgi. Sa ngayon ay wala muna dapat makaalam kung sino talaga sila.

“Ayos lang po ‘yon. Masaya po ako na may kasamang kumain”

“Oh! Gusto mo sama-sama na tayong kumain dito” pipigilan na sana ni Yuri si Taeyeon nang masiglang umoo si Seulgi at ngumiti nang napakalaki. Hindi niya kayang alisin ang ngiti sa nakakabata kaya’t hinayaan niya na lang ito. Kahit na alam naman niya na ang talagang habol ni Taeyeon ay ang libreng pagkain ni Seulgi.

“Mukhang wala pa kayong masyadong gamit dito” nilibot ni Seulgi ng tingin ang paligid at medyo malungkot ito tingnan. “Kung gusto niyo sasamahan ko kayong tumingin ng mga gamit bukas, wala naman po akong pasok nun”

“Ayos lang ba sa’yo yun? Parang masyado ka na naming iniistorbo” ani Taeyeon.

“Ayos lang po talaga masaya ako na kasama kayo”

 

Nagpaalam na si Seulgi sa bago niyang mga ate. Ayaw man niyang umalis pero may mga assignments pa siyang gagawin para sa gayon ay wala na siyang gagawin kinabukasan. Sobrang saya niya na nakilala niya si Ate Yuri at Ate Taeyeon niya.

“Alam kong naramdaman mo ‘yon” seryosong tanong ni Yuri

“Puwede palang madagdagan pa ang mana natin sa mundong ‘to” binuksan ni Taeyeon ang palad niya at lumabas ang maliit na apoy mula rito.

“W-wag kang magsayang ng mana!”

“Alam ko! Pero paano nangyari ‘to?” sinara ni Taeyeon ang palad niya at idinerekta ang mana sa kanyang katawan para maiwasan pang masayang ito.

 

UwUwUwUwUwUwUwUwUwU

 

Kinabukasan sa mall…

“Palakihan na ng TV ngayon, presyo na lang talaga ang labanan” ani Seulgi.

“Ah… oo hehe” sagot ni Yuri na nakiki-oo na lang

“Wow! TV pala tawag dito” manghang sabi ni Taeyeon na nakatanggap ng facepalm kay Yuri at :D kay Seulgi.

 

“Breaking news… Bida ngayon sa exhibit ang dalawang sinaunang kasuotang pandigma na may kakaibang tekstura. Sinasabing kakaiba daw ang pinagmulan nito at hindi basta-basta ang mga ginamit para gawin ito. Ayon sa auction nagkakahalaga na ito sa ngayon ng 100 milyon. Masaya naman ang may-ari nito na dating tindero ng isang antique shop. Ang sabi pa niya, nakuha niya ito sa dalawang authentic collectors at nagpapasalamat siya sa mga ito.”

Nanlaki ang mata nila Yuri at Taeyeon dahil ipinapakita sa TV ang kanilang mga damit. Nanlumo sila sa presyo. Hindi nila alam na maloloko sila ng ganoon.

 

“Napakamahal naman niyan para sa damit” sambit ni Seulgi. “Anong magagawa mo sa damit na ‘yan?”

“T-t-tama” sagot ni Taeyeon. Sobrang panlulumo ang nararamdaman ni Yuri kaya’t hindi na siya nakapagsalita pa.

 


Hello! Hahahahahaha magiging less pormal na ako sa mga susunod na chapter. Sana naienjoy niyo hahahahahaha

 

Salamat! UwU

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Ayos to hehehehehe
jessicawearsbra
#2
Chapter 4: andami mong uwu bes ㅋㅋㅋ binabasa ko din XD
jessicawearsbra
#3
Wow! Hahaha nice!
1Ilicitaffairs
#4
Chapter 4: Ha..Hotdog? Hahaha
1Ilicitaffairs
#5
Chapter 3: Sica may Irene na si Seulgi. Hahahaha Ipasok nyo na si Fany authornim. : D
Ryaen_762 #6
Chapter 2: Hahhahah parang hawig to sa isang anime na napanood ko ah ahahahahhah
Ryaen_762 #7
Salamat may tagalog na fanfic den hahaha
1Ilicitaffairs
#8
ahhh salamat naman may nahanap na akung Tagalog seulrene fic.
dreamwityou #9
Chapter 1: uy nice! something different. wala pa ko nababasa na tagalog fic na fantasy