The Hallway (4)

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 8-shō (Chapter Eight) -The Hallway (4)

[A/N: Sorry na sabi ko dudugtungan ko the other day pero ito nilapat ko nalang for a new chapter kasi mahaba at may twist ng konte. Hope you enjoy. (^-^)v]

-Later on-

            Nagising siya na maliwanag na ang paligid. Mataas ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana. Sumakit ang mata niya at pinilit niyang i-adjust ang paningin niya at sabay inilibot sa buong kwarto. Naalala niya si Mikasa.

Kei: "MIKASA!!"

            Babangon sana siya pero napigilan siya ng benda at semento sa paa at kanang kamay niya. Naangat ang kaliwang paa at kanang kamay na nakasemento. Pinigilan din siya ng mga kamay at nakita niya na ang mga katulong nila ito. Nasa ospital na pala siya.

Kei: "Wag niyo nga akong hawakan. Pano ano nakapunta dito!?"

            Halatang natakot sa kanya ang mga katulong nila. Halos mga pitong katulong na nakamaid outfit ang nakabantay sa kanya. Natawa siya kasi ni isa dito hindi niya kilala.

Kei: "Ano!? Sagot!"

            Tumikhim muna ang maid na nakasalamin na nakatayo sa may paanan ng higaan niya bago nagsalita.

Maid 1: "Nakita ka po ng mga bypassers na nakalumpasay kayo likod po ng isang bar at nakita nila ang cellphone mo at tumawag sa bahay, pero nadala kana nila sa ospital. Pasensya kana po kasi sila ang nag-admit sayo dito, bukas po papapalitan ko ng VIP room."

Kei: "Wala akong pakialam! Kailangan kong hanapin ang kaibigan ko!"

Maid  2: "Young Master, pasensya na po. Utos po talaga kasi ni Master Keichi na bantayan ka namin at wag kang hayaang mapahamak."

Kei: "Wala akong pakialam sa kung ano mang sinabi niya. Kailangan kong mahanap si Mikasa!!"

            Pilit nagpupumiglas sa hawak ng mga katulong at tinatanggan ang mga nakakabit sa kanya pero ng nawalan na siya ng lakas ay nagsimula nalang na umiyak si Kei. Itinapon niya sa sahig ang baso at gamot na nakita niya sa side table. Lumayo naman ang mga katulong.  Wala siyang nagawa para kay Mikasa. Sa huli ito parin ang nagsakripisyo sa kanilang dalawa. Napakahina niyang lalaki. Gusto niyang umalis at hanapin si Mikasa pero, hindi siya makagalaw sa mga semento sa katawan niya.

            Napatigil siya ng biglang may kumatok sa pinto. Hindi niya gustong makita kung sino ang bisita lalo na kung ang mama niya o papa niya iyon. Tiningnan niyang lumapit ang isa sa maid niya sa pinto. Nakatakip sa kanya ang bukas ng pinto kaya hindi niya makita kung sino ang bisita. Inisip niya na baka nurse lang iyon, ng bigla itong magsalita.

Unknown: "Uhhmm. Anjan po ba si Kei?"

            MIKASA! Boses ni Mikasa ang narinig niya. Lumakas ang tibok ng puso niya. Gusto niyang tumakbo papunta dito pero hindi niya magawa. Kaya itinawag niya ang isa sa maid na malapit sa kanya.

Maid 3: "Ano po yun, Young Master?"

Kei: "Papasukin mo ang nasa pinto bilisan mo!"

Maid 3: "Opo."

            Nataranta naman ito at lumapit ito sa pinto at binulungan ang maid na nagbukas ng pinto. Nilawakan nito ang pagkakabukas ng pinto at lumakas ang tibok ng puso niya ng makita niya si Mikasa na pumasok dito. Halatang nagulat ito sa nasa paligid. Pito kasing maid na naka maid outfit ang nandun nakatayo sa magkabilang gilid ng hospital bed niya. Masaya siya, kasi ligtas si Mikasa. Wala siyang nakitang ano mang pasa o sugat dito, maliban nalang sa malungkot na mata nito na nakatingin sa kanya.

Mikasa: "Kei?"

Kei: "Uhh Hi."

            Sinenyasan ni Kei ang mga katulong na lumabas muna ng kwarto at sumunod agad ang mga ito hanggang sila nalang ni Mikasa. Nakatayo padin ito sa may pinto hanggang naglakas loob na itong lumapit sa kanya.

Mikasa: "Kei, kumusta ka?"

Kei: "Eto, stuck dito."

Mikasa: "Ang dami palang nagbabantay sayo."

Kei: "Psshh, ayoko nga ng presensya nila dito. Si Papa kasi"

Mikasa: "Uhh..pangalawang beses na to, una clinic ngayon ospital na talaga."

Kei: "Mas gusto ko naman na ikaw nalang magbantay, kahit mas mabubugbog mo pa ako lalo kapag ikaw ang nurse ko."

            Tumawa siya ng mahina, pero tinigil niya din kasi nakatungo lang si Mikasa at malungkot ang itsura.

Kei: "Mikasa? Sorry, di ko sinasadya, magaling ka namang nurse eh. Pasensya na."

            Hindi padin nagsalita si Mikasa. Hindi niya alam kung ano pang sasabihin dahil kahit ano pang gawin nilang pagpapagaan ng mood, ay grabe padin talaga ang trauma na nangyari dun sa Bar. Hindi niya pa pala natatanong kung ano na nangyari.

Kei: "Mikasa, yung nangyari kahapon. Pasensya na di kita naligtas."

Mikasa: "Kei, hindi yun kahapon."

Kei: "Ano!? Anong ibig mong sabihin?"

Mikasa: "Limang araw ng nakakalipas yun."

            Naguguluhan si Kei. Limang araw siyang tulog? Limang araw niyang pinabayaan si Mikasa? Pano nalang kung may mga ginawa na palang masama ang Ippo na yun kay Mikasa?

Kei: "Ano nangyari pagkatapos kong mahimatay?"

            Ang sakit ng nararamdaman ni Kei. Gusto niyang maglaho, kasi kahit ayaw niya malaman ay kailangan niyang itanong. Ipinangako niya na poprotektahan niya si Mikasa, pero binigo niya ito. Kahit na maghire pa siya ng mga bodyguards para dito gagawin niya, habang andito pa siya sa ospital.

Kei: "Ginugulo ka pa din ba nung Ippo na yun? Di ko na alam kung ano pang sumunod pero masaya akong nakalaya ka sa kanila. Akala ko tuluyan kana nilang kinuha sakin."

            Hindi padin sumasagot si Mikasa pero nakita niyang tumulo ang luha nito.

Kei: "Uhh, eh. Natatakot ka padin ba? Pasensya ka na di kita mapoprotektahan ngayon pero maghihire ako ng bodyguards para bantayan ka. Kung gusto mo."

            He gestured for her to come closer but she remains still. Nanatili itong nakatayo sa may harap ng hospital bed niya at nakatungo.

Kei: "Mikasa? Natatakot ka ba?"

            Hindi padin ito samasagot pero patuloy padin ang pagtulo ng mga luha nito.

Kei: "Mikasa? May ginawa ba sayo ang mga h***p  na yun?"

            Silence.

Kei: "Mikasa?"

            Tumikhim si Mikasa at huminga ng malalim. Pagkatapos ay pinunasan nito ang mga luha at hinarap siya.

Mikasa: "Kei..."

            She raised her head and looked straight at him. Her tears started to fall again but she immediately wiped it off. She took another deep breath and started to speak.

Mikasa: "Let's not be friends anymore."

            Kei was stunned. Hindi niya alam kung paano magrereact sa sinabi sa kanya ni Mikasa. Bakit bigla bigla nalang ayaw nito maging kaibigan siya?

Kei: "Mikasa bakit?"

Mikasa: "Don't ask why!? Basta wag kanang lalapit pa sakin o kausapin ako."

Kei: "Dahil ba to sa kanila? Sinabi ba to sayo ng Ippo na yun na layuan ako?"

            Yumuko si Mikasa.

Mikasa: "Para sa ikabubuti mo to Kei. Goodbye"

            Tumalikod na si Mikasa at tumakbo na palabas ng pinto bago paman makapagsalita si Kei. Hindi niya namalayan na tumulo na ang luha niya. Hindi niya alam kung bakit ang mga minamahal niyang babae ay iniiwan siya, gaya ng kanyang ina. Ngayon naman si Mikasa. Ang sakit sa kanya napalagi nalang siyang hindi pinipili.

 

-Sa School-

            Isang buwan ng nakakalipas matapos ang insidenteng iyon ay bumalik na si Kei sa dati. Palagi na ulit siyang mag-isa at mas dumagdag pa ang pakikipagaway niya. Pakiramdam niya may namuong butas sa puso niya pagkatapos ng insidenteng yun. Kung hindi sa pakikipag-away niya, hindi sana mawawala si Mikasa.

            May mga pagkakataon na nakakasalubong niya ito at tinatry niyang lapitan ito ngunit mabilis itong umiiwas. Madaming beses siyang nag-attempt na kausapin ito pero nakakahanap agad si Mikasa ng paraan para makalayo bago pa sya tuluyang makalapit.

            Isang araw habang naglalakad na siya pauwi ng school ay nakita niya na sinundo si Mikasa ng grupo nila Ippo sa labas ng school gate. Gusto niyang lumapit lalo na ng makita niyang nakatungo si Mikasa at halatang naiilang padin sa mga ito at may bahid ng takot sa mukha.

Ippo: "Tara na babe?"

            Matagal bago makasagot si Mikasa at ng makita siya nito ay nilihis nito ang tingin nito sa kanya at tumango sabay na umangkas sa motor at yumakap sa bewang ni Ippo.

            Kumirot ang puso niya sa nakita. Nakita niya pa itong lumingon ulit sa kanya ng magsimula ng umandar ang sasakyan ni Ippo. Walang bakas ng kasiyahan sa mukha ni Mikasa.  Pakiramdam niya napipilitan lang itong gawin ang mga bagay na iyon. Pero bakit?

Student 1: "Ay si Mikasa ba yun. Diba boyfriend niya si Kei?"

Student2: "Oo alam ko dati pero ngayon dun na siya sa mukhang yakuza na nakamotorsiklo."

Student1: "Ay talaga? Parang ang hilig niya sa mga basagulero."

Student2: "Oo nga, at balita ko, pinagpalit ni Mikasa si Kei diyan sa naka-motorsiklo."

Student1: "Ay ang landi naman pala niyan, akala ko mabait."

            Hindi na maatim ni Kei na bina-backstab na si Mikasa ng kung sino-sino lalo na't puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi ng mga ito. Lumapit siya sa dalawang babaeng pinaguusapan si Mikasa at hinugot niya ang kwelyo ng isa sa mga ito.

Student1: "Aahh! Ano ginagawa mo?

Student2: "Bitawan mo siya!?"

Kei: "Sa susunod na magchi-tsismisan kayong dalawa siguraduhin niyong totoo. At kapag narinig ko na ang mga tsismis niyong yan na kumalat sa school, babalikan ko kayo."

Student1: "Oo na sorry. Please bitawan mo na ako. Huhuhu"

            Sabay umiyak na ang babae. Binitawan niya na ang kwelyo nito at tinulak sabay tinalikuran. Ayaw na ayaw niya talagang nakakakita ng umiiyak na babae.

>2months later...

            Palagi niya pading nakikita si Mikasa na sinusundo ni Ippo after school. Masakit man pero kailangan niya pading bantayan siya kahit sa malayo. Napansin niya ang pag-iiba ng ugali ni Mikasa sa bawat araw na lumilipas. Patuloy padin siya sa pagtry na iapproach ito pero palagi padin itong umiiwas.

            Naisipan niyang tumambay sa may gate nila habang inaantay si Mikasa na lumabas. Habang nagaantay ay mabilis itong nakalampas at halatang excited. Mukhang nagmamadali at meron itong hawak na box ng chocolates. Nagtaka siya pero naalala niya na Valentines pala ngayon. Pero binibigyan niya si Ippo? Nakapagtataka.

            He watched her as she runs towards Ippo and she even gave him a peck on the lips. The kiss hit him. He felt a pinch of jealousy. It was as if he wanted to run to them and punch Ippo on the face and grab Mikasa away from him.

            Nakayukom na ang palad niya habang pinagmamasdan si Mikasa at Ippo. Iniaabot ni Mikasa ang chocolates dito at kinuha naman ni Ippo na halatang natuwa din pero biglang lumipat ang tingin ni Ippo sa kanya at ngumisi ito. Gusto niya iiwas ang tingin niya dito pero nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Niyakap nito si Mikasa ng mahigpit habang ang mga kamay nito ay hinihimas sa likod ni Mikasa. Yumakap na din si Mikasa sa leeg nito at nakita niyang inamoy ni Ippo ang leeg nito paakyat at saka kinagat ang tenga nito.

            Napansin niyang nagtitinginan na ang mga tao sa gawi nila Ippo. Gusto man niyang pigilan pero wala siyang magawa. Hindi din alam ni Kei kung bakit hinahayaan ni Mikasa na gawin ito sa kanya. Hanggang na lumipat ang mga kamay ni Ippo sa magkabilang bewang ni Mikasa at pinasok nito ang isang kamay sa blouse nito. Nabigla siya sa ginawa nito. Umapaw ang galit sa dibdib ni Kei. He was about to go directly to their direction when suddenly, a group of seven men with big motorbikes arrived and had a sharp stop infront of Mikasa and Ippo.Sa pagkakatanda niya kasama ito ni Ippo sa gang. Napatigil siya at binalik at tingin kila Ippo, hindi na ito magkayakap at nakaangkas na din si Mikasa sa bike nito at nakayakap sa bewang nito.

            B

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet