Close your mouth

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 2-shō (Chapter Two) - Close your mouth

Sa Nagashima Residence-

7:01am

                Ayos na ang lahat ng gamit ni Soichiro para sa pagpasok sa Ōmori High. Palabas na siya ng kwarto nang biglang kumatok at pumasok sa kwarto niya ang kanyang ama.

Soichiro: "Otousan."

CG Nagashima: "Anak, handa kana ba sa eskwela?"

Soichiro: "Opo, handa na rin akong hanapin ang isa sa leader ng Notorious Five sa Ōmori High."

CG Nagashima: "That's the spirit son!"

                Tinapik siya sa balikat at niyakap siya ng kanyang ama. Bakas sa mga mata nito ang pagkagalak. Alam ni Soichiro na sobra ang tiwala sakanya ng kanyang ama sa misyong ito. Hindi niya ito bibiguin. Ipinangako niya sa sarili, na hahanapin niya ang isa sa leader bago pa matapos ang first term ng school.

Soichiro: "Sisiguraduhin ko po na mahahanap ko siya bago magtapos ang first term."

CG Nagashima: "Ayan. Ganyan nga anak. Kaya tiwala talaga ako sayo. Bakit ba hindi rin naging katulad mo ang kuya mo. Sayang. Eh di sana dalawa kayong ipinagmamalaki ko."

                Nagulat si Soichiro sa sinabi ng ama at mas lalo siyang nagulat ng makita niya na napatigil sa may pinto ng kwarto niya ang kanyang Kuya Haruki at alam niyang narinig nito ang sinabi ng kanilang ama. Masaya siya dahil proud sa kanya ang kanyang ama, subalit ayaw niya namang agawin lahat ng ito, pati na ang sa Kuya niya.

                Business Management kasi ang kinuha na kurso ng Kuya Haruki niya. Matalino ito kaya nga pasok ito sa Tokyo University. Alam niya na ayaw ng Kuya niya ang magulong mundo ng pulisya. Kaya naiintindihan niya ito.

Soichiro:  "Ah Eh. Magaling naman po si Kuya Haruki. Kaya niya nga po kinuha ang Business Management para siya na ang mamahala sa negosyo ni Okasan. Eh di si Kuya Haruki sa negosyo ni Okasan at ako naman sa profession mo."

CG Nagashima: "Kalokohan. Negosyong Coffee Shop? Pwede namang magbayad ng manager para mamahala doon. Kahit kailan talaga, sakit ng ulo yang kuya mo."

                Hindi alam ni Soichiro ang gagawin. Nakita niya na malungkot ang itsura na tumalikod at bumaba ng hagdan ang Kuya niya. Ngumiti pa ito sa kanya na parang nagpapasalamat sa pagtatanggol niya pero wala parin siyang magagawa doon. Matalim ang mga binitawang salita ng kanyang ama.

Soichiro: "Hindi naman po Otousan. Ah sige na po malalate na pala ako sa first day ko."

CG Nagashima: "Oh sige. Mag-ingat ka anak."

                Lumabas na siya ng bahay nila at naglakad na papuntang Hatanodai Station.  Dahil taga-Shinagawa siya malapit lang sa kanila ang Tōkyū Ikegami Line, kailangan niya lang bumaba ng Ikegami Station at about nine minutes walk papuntang Mori High, na nasa vicinity ng ng Ota, Tokyo.

***Note: Stations and Places.

                Ang "Shinagawa, Tokyo" ay subsection ng City of Tokyo. Parang "Metro Manila" din ang "Tokyo" na may Cubao, Makati City, Pasig etc., ang pagkakaiba lang hindi talaga City ang "Shinagawa", consider siya as subsection or ward. Taga Shinagawa si Soichiro. Ang  "Tōkyū Ikegami Line (TIL)" ay parang "MRT". Malapit si Soichiro sa Hatanodai Station at bababa siya ng Ikegami Station, about 15mins ride it. Malapit na dito ang Omori High School.  Ang Omori High School ay nasa part ng  Ota, Tokyo another subsection.

             

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet