Introduction and Seatmate

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 3-shō (Chapter Three) Introduction and Seatmate

 

Matapos ang Opening Ceremony ay  dumiretso na siya sa Teacher's Faculty para hanapin ang kanyang homeroom teacher. Ang instruction kasi sa kanya ay sasabay siya sa guro niya papunta sa classroom niya at doon din siya ii-introduce sa klase. Nahanap na niya si Teacher Mika Oshigawa (Oshigawa Sensei) at sabay na silang naglakad patungo sa classroom nila.

Teacher Oshigawa: "Soichiro, nareview ko ang mga grades mo sa previous school mo at nakita ko na magaganda ang grades mo dun."

Soichiro: "Salamat po."

Teacher Oshigawa: "Sinisigurado ko sayo na matutuwa ka sa mga kaklase mo. Napaka-organized nila bilang kaklase din nila ang Student Council President. Alam ko din na anak ka ni CG Nagashima, kaya alam kong disiplinado ka rin."

Soichiro: "Salamat po Oshigawa Sensei. "

Teacher Oshigawa: "Napapormal mo naman. Relax ka lang. Oh andito na tayo. Tatawagin kita mamaya diyan ka muna sa may pinto."

                Pumasok na si Teacher Oshigawa at siya ay naiwan sa labas habang hinihintay niyang tawagin siya nito.

                Sumilip siya ng konti sa pinto at una niyang nakita ang President ng Student Council na nakaupo sa dulo ng frontrow malapit sa bintana. Hindi niya talaga maintindihan pero bigla na namang sumakit ang tiyan niya. Nakatingin ito sa labas ng bintana habang nakaipit sa gitna ng bibig at ilong nito ang ballpen.

                Tinawag na rin siya ni Teacher Oshigawa at pumasok na siya. Lalong sumakit ang tiyan niya ng lumingon na si Ryukyu sa direksyon nya habang binubuksan niya ang pinto. Iniwas niya ang tingin dito at binaling sa harap ng klase.

Soichiro: "Ohayou! Ako pala si Soichiro Nagashima ang bago niyong kaklase. Ikinagagalak ko kayong makilala lahat."

                Sabay nag-bow si Soichiro.

Teacher Oshigawa: "Okay Soichiro, doon kana lang umupo sa tabi ni Kei sa dulo ng first row sa may bintana."

Soichiro: "Okay, po."

                Pumunta na si Soichiro sa upuan na inassign sa kanya. Napansin niya na ang sinasabi ng teacher niya na si Kei ay parang basagulero. Nanghinala agad siya na baka ito na ang hinahanap niya. Every student in the school is a suspect para sa kanya. Nakataas ang paa nito sa mesa, mahaba at pula ang buhok nito na nakatali. May hikaw si Kei sa may labi at meron ding sugat dun. Pakiramdam niya, galing palang to sa away.

(Picture ni Kei >>>>)

                Tahimik siyang umupo sa upuan niya at sinundan siya ni Kei ng tingin hanggang  maisabit na niya ang kanyang bag at nagsalita na ang teacher niya.

Soichiro: "Ang sama makatingin nito ah. Pakiramdam ko isa siya sa mga hinahanap ko."

Kei: "Uupakan ko tong baguhan na to mamaya. Ang sama makatingin akala ko kung sino. Lagot to sakin, isasama ko ito sa mga estudyante na nabugbog ko sa school na to."

                Lumalalim na ang tension sa pagitan nina Soichiro at Kei, kahit hindi naman sila nag-uusap at yun palang ang una nilang pagkikita. Palingon-lingon si Soichiro dito at hinahanapan ng pwedeng ibidensya na myembro ito ng isang gang. Nakita niya ang isang tattoo sa may likuran ng tenga nito pababa sa may leeg. Bilog ito na hugis dragon. Lumakas ang panghihinala ni Soichiro at napatagal ang titig niya dito. Hinihinala niya na isa itong simbolo ng isang yakuza.

                Napansin ni Kei na nakatitig sa kanya ang baguhan kaya pikon siyang nilingon ito. Paglingon niya ay nakita niya na nakatingin ito sa tattoo niya sa bandang leeg. Ibinaba niya ang nakatali niyang buhok ta hinarap ito. Bawal kasi sa school nila at dahil mainit ang panahon, hindi niya mapigilang itali ang buhok niya. Pabulong niyang kinausap ito.

Kei: "Hoy baguhan, kitain mo ako sa rooftop mamayang Lunch Break. Paghindi ka dumating sa sahig ka uupo at papuputukin ko yang labi mo."

                Yun lang ang sinabi niya at bumaling na ulit siya sa guro nila.

>Lunch Break

                Natuwa si Soichiro dahil makakausap na niya ang hinihinalang yakuza member na si Kei. Pakiramdam niya matatapos ng maaga ang assignment ng kanyang ama sa 1st day of school palang nila. Siguradong matutuwa ang kanyang ama dahil sa mabilis niyang pag-aksyon. Dala niya ang bento (packed lunch) niya ay pumanhik na siya papuntang rooftop. Mabuti yun para walang ibang makakita sa kanila kung sakaling atakihin siya nito or uminit ang tension sa pagitan nila.

-Sa Rooftop-

            Binuksan na niya ang pinto papapuntang rooftop at sumilip muna siya bago tuluyang pumasok. Alerto siya sa paligid at sinara na niya ang pinto.  Di pa man niya tuluyang nasara ang pinto naramdaman na niya ang presensya palapit sakanya. Paglingon niya sinalubong agad siya ng kamao ni Kei.

Kei: "Buti naman nakarating ka!"

            Nasangga ni Soichiro ang kamao ni Kei

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet