The Hallway (2)

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 6-shō (Chapter Six) -The Hallway (2)

 

  Natigil ang pagmumuni-muni niya ng marinig niya na tinawag siya ng baguhan. Nasa right side niya ito. Galit siyang nilingon ito.

Kei: "Ano kailangan mo, duwag?"

Soichiro: "Duwag na kung duwag basta malinis ang record."

Kei: "Huh! Duwag ka talaga! At ano ang pauso mo?"

Soichiro: "Kelangang wala kang sasabihin sa mga itinanong ko sayo."

Kei: "Ang alin? Kung gangster ako?"

Soichiro: "Oo. Hindi ka nga ba kasama sa gangster?"

Kei: "Ang kulit mo naman! Sarap mong bugbugin! Gusto mo hamapasin kita nitong timba!?"

Soichiro: "Kung kaya mo. Para mas dagdag parusa sayo ng President."

Kei: "Wala naman akong pakialam dun. Ikaw lang naman tong takot."

Soichiro: 'Hindi ako takot. Kailangan ko lang maging low profile."

Kei: "Walang low profile na basagulero, pre."

Soichiro: "Ako na yun ngayon."

Kei: "Ano ba talaga problema mo sa gangster? Hindi ka naman mukhang gangster. Spy ka ba nila?"

Soichiro: "Hindi."

Kei: "Kalaban mo ba ang isang grupo ng gang?"

Soichiro: "Hindi."

Kei: "Eh Pucha ano nga!?"

            Tumikhim si Soichiro. Hindi niya alam kung tama ba na sabihin ito dito. Pero pakiramdam niya hindi ito titigil hanggang di nito nalalaman. Pakiramdam nya, mas mapapagkatiwalaan niya ito ng walang sasabihin kapag inamin niya ang totoo. Malalim munang nag-isip si Soichiro kung paano niya uumpisahan ang sasabihin. Pinagmasdan niya ang tubig sa timba niya. Paano kung nagpapanggap lang palang walang alam tong lalaki na to. Pagkatapos, kapag inamin niya baka ibuko siya sa kapwa nito gang?

Kei: "Bukas ka pa ba magsasalita?"

            Naiinip na ang mukha ni Kei. Pero kailangan niyang mag-isip at pagdesisyunan ng maigi ang sasabihin. Kailangang wag siyang padalos-dalos gaya ng ginawa nito kanina. First day palang, mahaba pa ang school year. Kailangan niyang magrelax muna ng kaunti. Napagdesisyonan na niya, sasabihin na niya ito.

Soichiro: "Pre.."

Kei: "Hindi kita pare, gago."

            Hindi niya pinansin ang pagiging sarkastiko nito.

Soichiro: "Tinutugis ko ang gang."

            Tumawa ito ng mahina na parang hindi siya pinaniniwalaan.

Kei: "tsk. Goodluck, sayo."

Soichiro: "Salamat."

Kei: "Gago, alam mo bang sinasabi mo o baliw ka lang. Kakalabanin mo ang gang!?"

            Lumalakas ang boses nito. Kaya tiningnan niya ito na nagpapahiwatig na huwag lakasan ang boses.

Soichiro: "Kilala mo ba ako?"

Kei: "Alam mo sarap mong kutusan! Paki ko ba sayo!"

Soichiro: "Hindi siguro pero ang tatay ko kilalang-kilala siya."

Kei: "Wow. Family Tree ba ang umpisa nito? Wag nalang oy."

Soichiro: "Kailangan ko ng tulong mo."

Kei: "Sorry. Mag-isa ka jan sa ilusyon mo."

            Nagsisimula ng mapikon si Soichiro ngunit kailangan siyang pigilan ito.

Soichiro: "Kung nababalitaan mo, na tinutugis ng pulisya ang mga youth gang."

Kei: "Oh so, isa ka dun sa tinutugis ng pulis?"

Soichiro: "Hindi, isa nga ako sa tumutugis."

Kei: "May sayad kana talaga."

Soichiro: "Ang tatay ko ang Commisioner General ng National Police Agency."

            Hindi na ito nagsalita. Siguro naintindihan na din nito, kaya nga patuloy siya sa pagsasalita.

Soichiro: "Secreto ang mission ko. Ito ang unang mission na binigay sakin ng Tatay ko kaya I can't afford to blew my cover up, most especially on the first day. I have been waiting for this opportunity. Kaya ganun nalang ang pagmamadali kong mahanap ang leader ng gang na pumapasok sa school na to, kasi gusto kong maimpress ang Tatay ko. Pangarap ko kasing maging gaya niya.

            "Ayokong maging si pabigat sa kanya, kaya pinili ko na gawin ang consequences kanina kesa malaman ang sekreto ko. Pasensya kana pre. Ako nalang ang gagawa nun. Papakiusapan ko si Ms. President na wag kana isama dun at ako nalang ang parusahan niya."

            Tumawa ng mahina si Kei at nilingon niya ito. Nakatingin lang ito ng diretso.

Kei: "Anong akala mo sakin mahina? Na magpapasalba sayo!? Psssh!"

Soichiro: "Sana hindi na to makarating sa iba. At sana din maging kaibigan kita dito sa school."

Kei: "Baduy mo, pre."

Soichiro: "Salamat."

            Parehas na silang tumawa. Madami na silang napagusapan at parang gumaan na din ang loob ni Soichiro na pagkatiwalaan si Kei. Parang nakita niya ang Kuya niya dito, madami ding hinanakit sa ama.

 

            Hindi na mapakali si Kei. Grabe na ang pangangalay ng  magkabilang braso niya, magiisang oras na silang nakatayo doon ni Soichiro. Naiinis padin siya kasi pakiramdam niya binabaan niya ang kanyang dignidad na tumanggap ng parusa kesa dumiretso sa Guidance. Nagmukha tuloy siyang mahina.

            Iniiisip niya padin ang sinabi sakanya ni Soichiro, yakuza ang kinakalaban nito. Alam niya kung gaano katuso ang mga ito, kahit na ang mga youth gang. Kung totoo nga na andito ang isa sa mga leader ng notorious gangs, para na din silang pinagmamatyagan ng palihim. Lalo na siya na basagulero sa school.  Naisip niya, kapag yung leader ng Ippo-Motorcycle Gang yun, siya mismo maglilibing sa lalaking yun. Siya din ang dahilan kaya nawala ang matalik niyang kaibigan at ang unang babaeng minahal niya.

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet