The Hallway (3)

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 7-shō (Chapter Seven) -The Hallway (3)

Continuation of Flash Back...

Unknown: "Hoy gumising ka!"

Kei: "uurrghh.."

            Mahinang dumaing si Kei. Naramdaman niyang nakatali siya at hindi niya maigalaw ang mga braso niya. Minulat niya ang mata niya at iniangat ang kanyang ulo. Nag-aadjust pa ang paningin niya. Malabo parin pero may mga naaaninag na siyang mga pigura na nakatayo sa harap niya, meron ding lalaking nakaupo sa may likod ng mga ito at sa may paanan nito ay may isang babae. 'MIKASA'. Dinilat niya ang mata niya para luminaw ang paningin niya. Nakita niya si Mikasa, nag-aalalang nakatingin sa kanya.

Kei: "Mikasa!.."

            Sinubukan niyang lumapit pero pinigilan  siya ng mga lalaki. Napaluhod siya pinilit niyang galawin ang mga braso niyang nakagapos patalikod. Masyadong mahigpit ang pagkakatali nito.

            Puno ng galit ang puso niya. Tiningnin niya ulit si Mikasa at nakita niyang tumutulo ang luha nito. Ito ang unang beses niyang nakita itong umiiyak. Simula pa noon palagi siyang gumagawa ng paraan para hindi ito malungkot, kahit pa minsan wala talaga siya sa wisyo. Pero ngayon umiiyak ito at kasalanan niya ito. Nakita niyang ipinatong ng lalaking nakaupo ang kanang kamay nito sa ulo ni Mikasa at hinihimas ito na parang pusa.

Lalaki: "There... there.. bakit ka umiiyak? Pinaiyak kaba ng lalaking yan?"

            Bakas sa mukha ni Mikasa ang takot, pilit nitong nilalayo ang ulo sa lalaki, hanggang hinila nito ang ulo ni Mikasa.

Mikasa: "Ahhh!!"

            Biglang napatayo si Kei.

Kei: "Wag mo siyang hahawakan!!!"

            Sinalubong naman siya ng tadgyak ng lalaking nasa kaliwa niya. Ang sakit ng tama sa kanya pero ininda niya ito.

            Nilibot niya ang paningin niya at nakita niyang halos, sampung lalaking nakajacket na maong ang mga nandito. Mahahaba ang buhok, may ibang nakamohawk at may mga tattoo sa braso.Kung tatantiyahin parang mga college or senior high students ang mga ito. Nakita niya din ang lalaking binugbog niya na nakaupo di kalayuan sa mga lalaking nakatayo. Nakangiti ito. Binalik niya ang tingin sa lalaking nakaupo. Tumayo ito at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Nakaschool uniform at sa pagkakatanda niya ganito ang uniform ng mga taga Jitsugyo High. Nakatali ang itim na buhok at may hawak na malalaking chains. Tumigil ito at nakatingin sa kanya habang siya naman at nakatingala dito.

Lalaki: "Ito ba ang bumugbog sayo Furuta?"

Furuta: "Oo, Boss Ippo."

Lalaki: "Ang liit ng lalaking ito! Nagpabugbog ka!?"

            Sabay inihampas nito ang chains na hawak kay Furuta. Nagmukha itong lubid at bumalik ulet sa kamay ng tinawag nitong Boss Ippo. Mabuti nalang at nakaiwas si Furuta.

Boss Ippo: "Hoy ikaw! Ang lakas din naman ng loob mong banggain ang grupo ko ha!"

            Sabay sipa sa sikmura ni Kei.

Mikasa: "Kei!!"

            Nilingon nito si Mikasa at ngumiti.

Boss Ippo: "Wag kang mag-alala, papatayin ko to para akin kana."

            Pagkarinig nun ni Kei ay bigla siyang tumayo at binagga niya ang sikmura nito gamit ang ulo niya.

Kei: "Wag mo siyang gagalawin!"

            Napasinghap si Ippo at sabay sabay namang inawat siya ng mga lalaki at bumalik sa pagkakaluhod.

Miyembro: "BOSS!!"

            Iniangat niya ulit ang tingin dito.

Boss Ippo:  " Hay hay. Nakita mo ginawa mo sa uniform ko? Dinumihan mo."

            Ipinatong nito ang paa nito sa kaliwang balikat ni Kei at sinampal siya nito gamit ang likod ng sapatos at binalik ang paa sa balikat niya.

Boss Ippo: "San kang miyembro ha!?"

Kei: "I work solo and I don't f*****n care about your uniform! Give me back Mikasa!!"

            Tumawa ito ng malakas at hinampas si Kei ng kadenang hawak.

Kei: "Aahhgh!"

Boss Ippo: "Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? Gusto mo bang kaladkarin kita gamit ang bike ko habang hila-hila ka ng kadena na ito sa leeg?"

Kei: "I don't f*****n care what you will do with me basta pakawalan mo na si Mikasa."

Mikasa: "Kei..."

Boss Ippo: "Actually hindi ganun kadali yun. Kasi papahirapan ka pa namin.AHAHAHA"

            Tumawa ito ng malakas habang hinahampas si Kei ng chains ng paulit-ulit. Hindi mabilang na magkaliwang sampal ng kadena ang natamo niya at lampas sampung hampas sa likod. Bumagsak na siya sa sahig, una mukha habang nakaluhod padin. Gamit ang kwelyo niya ay hinila siya ng isa sa kasamahan nito para iangat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet