Student Council Office

Ai (love) or Justice
Please Subscribe to read the full chapter

Dai 4-shō (Chapter Four) - Student Council Office

            Nakaupo si Ryukyu at nakatitig sa orasan ng Student Council Office nila.

12:20pm

            Sampung minuto nalang ay kelangang nasa labas na ng office nila ang dalawang nanggulo kanina. Naturingang Class A pa naman at kaklase niya pa. Naiirita siya sa mga ito. Nanggugulo sa unang araw ng klase. Inalala niya ang nangyari kanina bago pa niya akyatin ang rooftop.

>>Flashback 1hour ago

            Naglalakad si Ryukyu galing sa cafeteria, busog na busog siya sa bento na ipinabaon sakanya ng kanyang ina. Kasama niya ang bestfriend niya ang VP ng Student Council at bestfriend niya na si Miwa Kinoa.  Napapikit pa siya at nakangiting naglalakad habang hawak ang busog niyang tiyan.

Ryukyu: "Hayy, ang sarap talagang kumain. Nalalasahan ko pa din sila sa mga dila ko. Ang lutong ng Fish Katsu at ang linamnam ng lobster! Ahhh.."

Miwa: "Nako ang dami nga nangbaon mo pang tatlong tao eh. Wag mong sabihin na gutom kapa niyan."

Ryukyu: "Nagugutom ako sa isip lang. Pero inaappreciate ko lang ang sarap ng pagkain, dapat ganun."

Miwa: "Takaw mo, doon na tayo sa labas. Gusto ko muna tumambay sa field."

Ryukyu: "Sige tara, gusto ko din marelax habang lunch break pa natin, nakakastress ang firstday."

Miwa: "Sinabi mo pa."

            Naglakad na sila palabas ng building, malakas ang hangin kaya napatigil sila muna sa may entrance para labanan ang lakas nito. Sakto naman na may tumulo na kung anong liquid sa mukha niya mula sa itaas. Tumingala siya para tinginan kung saan nanggaling iyon at nanlaki ang mata niya sa nakita. Kitang-kita niya na isang estudyanteng lalaki ang pilit na ihinuhulog sa school building nila. Nanlaki ang mata niya at nagagalit dahil na din alam na niya na kung hindi pawis ay laway yung tumulo sa kanya.

Miwa: " Hala diba si Kei yan?

Ryukyu: "Bakero!! Arrgh!"

            Sabay tumakbo si Ryukyu pabalik sa loob ng school building papunta sa hagdan. Patakbong pumanhik siya paakyat ng hagdan.

Ryukyu: "Argh! Ang sarap sana ng siyesta ko nito, pero hindi ginulo niyo. Mga walang hiya! Lagot kayo saakin!"

            Hanggang makarating siya sa harap ng pinto ng rooftop.Nagbuntong hininga muna sya at mahigpit na hinawakan ang megaphone niya at ang harisen. Sabay sinipa niya pabukas ang pinto.

"Tumigil ka diyan!!!!!"

>>>End of flashback

 

            Tiningnan niya ulet ang orasan.

12:28pm

            Dalawang minuto na lang. Tumayo na siya at kinuha ang harisen niya. Tumayo na siya sa harap ng pinto ng office nila. Iniisip na niya kung anong gagawin niya pagwala pa ang mga ito sa harap ng pinto pagpatak ng 12:30. Pwede niyang hampasin magkabilaan ng harisen ang pagmumukha nung dalawa. Napangiti siya, naisip niya na masaya iyon Pwede din niyang paglinisin ang dalawa ng buong school grounds.  Pero mas masaya kung ihulog na lang niya ang dalawa mula sa rooftop. Napahagikhik siya. Alam niyang bawal din iyon, pero nangangati ang paa niyang sumipa ng estudyante sa school building o sa tulay o kaya sa may riles ng tren habang papalapit ito.

            Nakakunot na ang noo niya. Naiisip niya na napakabrutal ng mga naiisip niya, baka sunod siya naman ang ipatawag sa guidance office. Tiningnan niya ulit ang orasan at 12:25:50pm na. Sampung segundo nalang. Nagumpisa na siyang magbilang.

9...

8...

7...

6...

5...

4...

3...

2...

1

            Binuksan na niya ang sliding door at tumambad sa kanya ang dalawang lalaki na ang isa ay puro pasa ang mukha. Mukha na naman silang maayos hindi tulad kanina pawisan at hingal na hingal.

            Tiningnan niya si Kei ng nakataas ang kilay, nakauyoko ito. Nakita niya na pumutok ang labi nito at may bandage na sa may kilay. Inisip niya sa siguro pumunta na ito sa clinic para magpalinis ng sugat.

 Binaling niya naman ang tingin sa baguhan at nagkataong kaklase pa niya. Soichiro Nagashima ang pangalan nito. Natatandaan niya ito. Siya yung lalaking kinaladkad niya bago ang flag ceremony. Napakatuwid ng tindig nito, at diretsong nakatingin. Pakiramdam niya tuloy parang nasa army training sila at si Soichiro ang cadet. Nagtaka siya dahil ni walang bahid ng anumang tama ang mukha o katawan nila, maliban lang sa konting dumi lang sa blazer nito. Hindi ito gaya ng kay Kei na nakasabit lang ang blazer sa balikat at naka- ang tatlong butones sa taas ng polo. Maayos itong tingnan at di halatang galing lang sa pakikipag-away.

            Napaisip siya, mukhang nakahanap na ng katapat ang isa sa kilalang basagulero sa school nila. Inaantay niyang tumingin sakanya si Soichiro ngunit diretso pa din ang tingin nito.

Ryukyu: "Mabuti naman at on time kayo."

            Gumilid siya ng konte sa pinto para bigyang ng daanan ang dalawa papasok.

Ryukyu: "Pumasok kayo at may pipirmahan kayo sa logbook."

            Pumasok din ang dalawa, sumunod siya sa likod. Pumwesto siya sa table nya at umupo doon. Sinenyasan nya na maupo ang dalawa sa magkabilang upuan na nakapwesto sa harap ng table niya. Kinuha niya ang logbook ng mga studyante na pumupunta sa guidance office. Ganun ang patakaran sa kanila, pupunta muna sa student council saka iccheck kung yung actions nung estudyante kung nangangailangan ng Guidance Councelor or pwede naman iresolba ng student council.

Ryukyu: "Alam niyo naman kung bakit kayo andito diba?"

            Tumango lang ang dalawa. Binuksan niya ang logbook at iniabot sa dalawa kasama ang isang ballpen.

Ryukyu: "Mabuti. Eto pumirma kayo dito at paguusapan natin kung ano ang nangyari."

 

            Kinuha na ni Soichiro ang logbook at isinulat ang pangalan niya. Ayos lang naman sa kanya ang mapunta sa Guidance office kaso hindi iyon sangayon sa kanyang ama. Simula bata ay hindi napatawag ang magulang niya sa Guidance Office. Ayaw niyang madisappoint ang ama niya. Bilang undercover, kailangang low profile lang siya sa eskwelahan nila. Masyado syang nagpabaya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Magbayad kaya siya ng magpapanggap na tatay niya. Pero alam naman siguro at kilala ang kanyan ama. May title ang ama niya sa unahan ng pangalan na Commissioner General, hindi maaring hindi makilala ang kanyang ama. Sa bigat ng offense niya ay hindi papayagan ng matigas na student president na ito na sa loob lang ng student council makakaabot ito.

            Lunch time palang nagiisip na siya ng pwedeng gawin ngunit hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung pano reresolbahin ang nangyari, nang hindi nakakaabot sa kanyang ama.

Ryukyu: "Alam niyo naman na mabigat na offense ang ginawa niyo? Lalo na ikaw Soichiro Nagashima."

            Ibinaling niya ang tingin kay Soichiro at iniangat din nito ang ulo mula sa pagkakatitig sa logbook. Nagkasalubong ang tingin nila. Hindi alam ni Ryukyu at parang biglang nagdelay ang paghinga niya ng 5 seconds. Nangungusap kasi ang mga mata nito at mariing nakatitig sa kanya. Hindi niya alam pero parang tumatagos hanggan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet