Chapter 2

Nakalimutan Na Po ata Kita

 

CHAPTER 2

 

"Hmmmmnnn" dinilat ko ang aking mga mata. Mukhang napasarap ata tulog ko aa.

Medyo blurry pa ang paningin ko. Nag aadjust siguro sa ilaw.

Nagbago ba nang pinta ang kwarto ko? Pagkakaalala ko ocean blue ang wall ko and sky blue ang ceiling nang kwarto ko.

"Princess? Bro! ChiiChii is awake." Boses ni Yukino yun aa. Ang alam mo nasa japan yun ngayon. Wag mong sabihin bumyahe ako nang tulog??

Oh eeem! Pinuslit ba nila ako? Kasi alam nilang ayaw ko pa bumalik nang japan?

"Are you okay?" Naaninag ko ang mukha ni Yukino. Na agad hinawi ni Yuan

"Princess pinag alala mo ako! Ano bang nangyari sayo?" Pansin sa boses niya ang pag aalala.

Hah? Pinag alala? Bakit ano bang ginawa ko? Last thingI remember is pauwi na kami nun nang mga coparmates ko galing murok.. Tapos... Tapos...

"A-aray" biglang sumakit ang ulo ko. Nakabenda?

"Wag mo nang piliting makaalala princess, ang mahalaga maayos ka na. Buti nga hindi malala ang injury mo. Dapat talaga hindi ka na sumama sa lakad na yun" sermon ni Yuan

"Onii naman eh. Minsan na nga lang..."

"Oo nga minsan na nga lang eh napapahamak ka pa. You know that we can't afford losing our only girl right? Ingat naman princess" di ko alam kung iiyak ba ako dahil pinapagalitan ako o dahil sa natatats ako sa sinasabi ni Jethro

"Buti na lang andun si Kei para alalayan ka." Dagdag pa niya. Agad naman akong napatingin sa bumukas na pinto. At iniluwa nito si EJ.

"Cheebo! Akala ko kung ano nang nangyari sayo. Nag alala ako alam mo ba yun?" Aaaww nag alala daw siya.

Ay putakte! Ba't tuwang tuwa ako kay ngayon nag alala siya? Halaaaaa!

"O-okay lang naman ako EJ."

"Ano ba kasing nangyari bigla ka na lang nagre...." Hindi na natuloy ni EJ yung sinasabi niya. Pinutol kasi ni Kei

"Blanche. Kinakamusta ka nang barkada. Magtatagal ka ba daw dito sa hospital? Kasi bibisitahin ka daw nila." Hah? Ano daw hospital?

"Nasa hospital pala ako?" Kaya pala puti yung buong paligid.

"Slow lang?" Natatawang panunukso niJethro. Sinapok naman siya ni Yuan

"Sorry naman. Akala ko kasi kwarto ni Ak.." Napatigil ako sa pagsasalita nang kumirot na naman ang sugat ko.

"Wag na nga kayong masyadong makulit. Baka mapano pa tong si Princess eh. Lagot tayo" saway ni Yuan

"Tama. Princess do you like apples?" Tanong ni Yukino. Nagnod lang ako.

"About dun sa stay mo dito. Oobserbahan ka pa raw. If okay ka na. Baka sakaling monday pwede ka na ulit pumasok. Okay na rin yun dito ka, weekends naman eh" kumento ni Yuan

"Hala weekends na pala? Parang kanina friday pa eh." Haba pala nang tulog ko. Pero kung ganon. Paanong andito si EJ?

"EJ? Paanon... Bakit ka pala nandito?"

"Bakit? Ayaw mo bang andito ako? Binisita kita, timing naman na nagising ka na" Saad nito at naupo sa may gilid nang kama ko.

"H-hindi naman sa ganun. Di ka na kasi dapat nag abala pa. Andito naman ang mga kuya ko. Thanks anyway sa concern" inabutan ako ni Yukino nang apple slice na kinagatan ko agad.

"Hmmmnn ooooiisshhiii desu!" Sarap nung apple

"Haha. Wala yun. Ikaw pa."

Makalipas ang ilang araw na stay sa hospital eh pumayag na din silang umuwi na kami sa bahay. Hindi na lang din namin ito ipinaalam kay oppa.

Bzzzt~

From: Ej

I hope you have a good day. See you around. Cheebo

Aaww sweet. ilang araw na din ganito ang set up namin ni EJ, constant texting and phone time. Binibisita niya din ako sa hospital at kinekwentuhan nang nangyayari sa org.

Tinatawag niya akong "cheebo" short for Cheek Bones. Malaman daw kasi eh, hmmmp >o<

"Blanche! Itutuloy mo ba ang pag eenrol dun sa review program for May?" Tanonh sa akin ni Sasha. Pinag uusapan kasi namin ang board exams. Hanep no? Di pa nga nakagraduate, board agad.

"Aah basta ako november na ako magtake" ani Sidney

"Ako undecided pa." Dagdag pa ni Kairine

"Basta ako magtatake na ako! Why prolong the agony? Kung para sayo ang lisensya para sayo talaga" kumento ni Sasha. Napatango nga naman ako. Eh ako? Ano bang balak ko?

"Natanong ko naman na din sila Oppa and Onii. Ako na daw bahala. Kung ready na daw ako eh magtake na daw ako. Siguro i'll test the water na lang muna." Sagot ko at binayaran na yung inorder ko dun sa cafeteria.

"Kayo na talaga malakas ang loob!" Saad pa ni Sidney

"Oo na-- arayy ko naman" natabig kasi ako nung kuyang biglang dumaan.

"Hala. Sorry miss. Kaw kasi Carlo!" Nagsorry naman yung kasunod ni kuya bago sila umalis. Inisnob lang ako ni kuyang bumangga talaga. Inirapan ko na lang.

"Ewan? Malay ko? Basta gutom ako. At kakainin na ako." Actually wala lang naman sa akin yung matabig ako o ano. Basta magsorry lang pagtapos. Tch. Pasalamat si kuya nagsorry yung kasama niya.

"Balita ko blanche! Lagi daw may sunod nang sunod sayo? Ayiiiieeh!" Kinikilig na panunuya ni Kairine

"May stalker ka na naman blance?!" Nag aalalang tanong ni Sidney

"Ano bang stalker sinasabi mo jan Sidney? Baka manliligaw na this time? Ayiiiieeeh" sagot ni Sasha

"Ano bang sinasabi---" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang nag ring yung phone ko

"Hello?"

(Hi cheebo! Naiistorbo ba kita?)

"Ah eh? Hindi naman."

(Anon ginagawa mo ngayon?)

" Kumakain lang ako sa cafeteria kasama friends ko. Why man?"

(Wala. Gusto ko lang malaman whereabouts mo. Sige pasok na ako sa drafting class ko.. Ingat cheebo ko)

"Okay iii---"

(Beeep... Beeeep)

"Ayun na yun eh! Phonepals na din! Lumelevel up ang kuya na yan aa" panunuya ni Kairine

"Lumalove life ang ating blanche. Hahaha ayiiieeh! haba ng hair ateeeee! chineck pa talaga kung ano ng ginagawa" nakisama na sa panunuya si Sidney

"Mga baliw! Wag nga kayong ano. Baka di na makakain si Blanche nang maayos dahil sa blush niya oh" sabay hawi ni sasha sa buhok kong natatakpan ang cheeks ko.

"Hoooy. T-tama na nga yan" saway ko. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Nagbablush ba ako? Mainit lang siguro

"Kaibigan ko lang si EJ noh"

"Kaibigan sa ngayon, baka bukas hindi naaaa. Ayiiieeeh" kumento ni sasha

"Kain na nga tayo" di ko na lang sila pinansin at kumain na lang. May meeting pala kami mamaya sa Nihon.

Natapos ang araw na yun nang maayos. Buti na lang at tumigil na sa panunuya sina Kairine.

Bzzzt~

From: EJ

Nakauwi ka na cheebo?

Magrereply ba ako? Ano naman irereply ko? Syempre yung katotohanan.

To: EJ

Opo. Kakarating lang.

May copar na naman pala kami next week. Kumusta na kaya yung community namin? Nagsisimula na kaya sila sa hanging garden nila? Bisitahin ko kaya? Walking distance lang naman yun dito eh

From: EJ

busy ka ba? Pupunta nga pala si Dara sa bahay mamaya. Baka gusto mong sumama? Para makilala mo na si mama

Ay papakilala ang nanay? Bakit? May occassion ba?

From: Dara

Nay! Busy ka? Samahan mo ko kina Eric! Kunin ko lang yung pinapagawa kong props. Pleeeeaaaase?

-_-

>/////<

Para makilala mo na si mama

Para makilala mo na si mama

Para makilala mo na si mama

At bakit bigla akong kinilig?? Huh?

To: Dara

Okay sige. Kita tayo sa may pasukan sa may amin.

To: EJ

Saan magkikita? Pinapunta ko na si Dara sa may amin. Para sabay na kami. 3pm pa kami matatapos so mga 4 na hah.

Hala!

Bakit ako pumayag?

"Hime chan! Okaeri! Genki desu?" Bati sa akin ni Yukino-kun pagdating niya

"Arigatou onii. Genki desune! Pagod lang." Sagot ko. Nakahilata kasi ako sa sofa. Wala kasi akong pasok ngayon.

-bzzzt-

From: Dara

Nay saan ka na? Andito na ako sa may pasukan sa street ninyo.

What?! Ambilis naman! Agad akong tumakbo sa kwarto at nagbihis.

"Onii. I'll be out for a while. I'll accompany my friend okay?" Paalam ko kay yukino at nagnod lang siya.

Bakit nga ba ako pumayag dito in the first place? This sudden changes. This weird feeling that gives off a creepy aura. lol!

Binilisan ko ang paglalakad at nang medyo natanaw ko na si Dara eh kinawayan ko na para magmeet kami half way.

"Kaasan! I miss you! Sorry di kita nadalaw sa hospital. Busy ako masyado eh." Niyakap ako ni dara bigla.

"Ganyan ka naman lagi eh. Pero okay lang yun. naiintindihan ko naman eh." I acted sad.

"Kaasan naman. Gomen! Hahaha magkapitbahay kayo ni Eric?" natatawa lang ako sa ichura niya. Parang di matae na ano. So I smiled to say na okay lang naman na di siya nakadalaw.

"Hah? Malay. Di ko naman alam saan bahay nila." Magkapitbahay daw kami? Di ko naman yun siya nakakasabay dito aa. I mean nagkita na kami minsan dito. Pero once lang yun, baka napadaan lang.

"Sus. Deny ka pa. Nakwento ka nga daw nang nanay niya sa kanya!" NAnay niya? Eh di ko pa nga nakikilala nanay niya.

"Hah? Di kita gets!" I looked at her puzzled.

"Wala! Lika na. Pedicab na lang tayo hah" tumawag na kami nang pedicab at sumakay

"Hoy dara! Siguraduhin mong di tayo mawawala." Mukha ngang magkapitbahay kami ni EJ, yung dinadaanan nang pedicab eh daanan din papunta sa bahay namin. Di nga lang lumiko sa may amin.

"Baba na kami dito kuya." Tumigil naman yung pedicab at bumaba na kami.

Naglakad kami papasok sa may eskinita.

Hala! Bakit dito? Dito yung community namin sa copar eh! Dont tell me!

"Mam Blanche! Mapadaan kayo?" Bati nung isa naming client

"Kukunin lang yun mga pinatahi ng kasama ko"

"Pinatahi po ba? Yung cosplay po ba yan? So dun po kayo kina Josephine papunta?"

"Po?"

"Si josephine lang naman yung tumatanggap nang panahi dito eh. Tapos yung anak niya naman yung gumagawa ng kung ano anong props. Sige mam blanche ingat po kayo"

"Sikat ka pala dito nay?"

"Community namin sa Copar to eh"

"Dito na nay. ERIC! ERIC! LUMABAS KA JAN!" nagsisigaw si Dara sa harap nang bahay ni. Hala! Bahay nga to ni mam Josephine. Di kaya?! Hala!m

Bigla namang may lumabas sa may terrace. At si Mam Josephine nga yun.

"EJ! andito na yung mga kaibigan mo. Kasama si mam blanche" agad namang sumulpot si EJ sa tapat nang gate.

"Hoy ! Natagalan kayo ah. Hi Chi!"

"Bastos ka! Dapat nga dinideliver mo yang orders hindi kay pinipick up nang customer!"

"Tinatamad ako magdeliver eh. Tsaka okay nading strategy to" Speechless ako. Anong klaseng coincidence to?! Bakit di ko napansin? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Chos!

"Mang. Si Chiisa pala. Chiisa, mama ko,"

"Anong chiisa? Si Mam Blanche yan eh" nakipagshakehands yung nanay ni EJ sa akin

"Pangalan ko din po yun. So siya po pala yung tinutukoy niyong anak niyo? Na facebook friend ko?"

"Oo siya nga? Nagulat nga ako nung sabihin niyang magkakilala kayo"
Napawow na lang ako. Na overwhelm ako sa nangyayari.

Nilapagan kami nang juice nang nanay ni EJ

"Girlfriend ka ba nang anak ko Mam blanche?" Muntik ko nang mabuga yun juice na ininom ko.

"Ma naman. Dun tayo sa itaas. Andun na yung sword mo Dara"

"Yipeee"

"Hindi niya po ako girlfriend. Baka siya po" Turo k okay Dara na tumawa lang bago umakyat

"Ganun ba? Akala ko girlfriend ka niya. ssabi niya kasi papakilaala niya sa akin ang girlfriend niya. Pero sana nga girlfriend ka niya." Natatawang komento nang nanay ni EJ bago siya lumabas nang bahay

"Anak! Ikaw na bahala sa bisita hah"

"Opo"

Pumasok kami sa kwarto ni EJ. Andami niyang artworks na nakasabit. Medals and ribbons.. Di na ako nagtataka. Narinig ko minsan kay Dara na achiever siya eh

"Ganda nang kwarto mo EJ,. Punong puno nang buhay. Di ko talaga maiisip na addict ka kay Zoro nang onepiece hahah" halos lahat kasi nang drawings eh one piece at usually si Zoro

"Favorite ko siya eh"

"Sabi ko nga"

"Wow! Ganda nang pagkagawa! Salamat !" Sabay wasiwas ni Dara nang pinagawa niyang sword. Actually. Maganda talaga siya. Makokonsiderang katana na nga eh.

"Ingat dara. Baka makapatay ka niyan hah. Hahahaha"

Hindi kami masyadong nagtagal sa bahay nila EJ. May curfew kasi si Dara. Nauna na nga itong sumakay at di na nagpahatid sa may labasan kasi nagtricy na lang

Ang ending tuloy. Kami ni EJ ang naiwang naglalakad mag isa dito.

"EJ...."

"Po?"

"Nagugutom ako." Sabay tunog nang sikmura ko

~krrrruuuuuu----krrruuuuuuu~

Mukhang nagulat naman siya sa ginawang tunog ang dragon sa loob nang tiyan ko.

"May tindahan sa banda dun. Masarap yung kwek kwek at fishball nila" suggestion ko

"Sige" medyo binilisan namin yung paglalakad para makaabot na ako dun.

"Manong sampung order nga po ng fishball at kwekwek nga po" agad naman sinalang sa kalan ni manong ang order ko. Kilala na ako ni manong eh.

"Oh blanche order mo iha. May table ka na ba?. Asan nga pala si suzy bakit mag isa ka ata?" Inabot ko naman ang order.

"Palista ulit manong hah? Baka madagdagan pa. Meron na po akong table. Tsaka si suzy pinagtaksilan ako, may date. Di naman ako mag i..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang agawin ni EJ ang tray nang order ko.

"Ako na.." Sabay bitbit nito

"May kasama ka naman pala iha. Bago yan aa. Boyfriend mo na ba yan? Kasi nung huli mga pinsan mo yung kasama mo, di naman siya isa sa mga yun diba?"

"Hala si manong. Issue maker! Wala nga akong manliligaw boyfriend pa kaya? Patawa aa?"

Tinawanan lang ako ni manong.

"Bakit di ka pa nagsimulang kumain?" Tanong ko sa naghihintay na si EJ.

"Ang rude naman kung kakain ako nang wala ka pa" medyo uminit ang pisngi ko.

"Kain na tayo."

"Sige"

"Nga pala chiisa."

"Whaaanoo?" Medyo di maayos kasi kumakain ako habang sumagot

"Ano na bang status natin?"

"Uhuh! Uhuh!" Nabilaukan ako. Tubiiig! Agad naman akong nainom nang tubig na kinuha ko kanina bago maupo

"Ano ba namang tanong yan EJ! ano tayo? Facebook? Para magkastatus?" Naglinis muna ako ng bibig bago ako magsalita.

"Hindi naman sa ganun. Tinatanong ko kang at sinisigurado kung ano nang standing ko. Kung may pag asa ba ako?" He said seriously. Teka! Parang ayaw ko ng kahahantungan nito

"Pag asa? Diba opisina yun? yung nagbibigay info tungkol sa lagay ng panahon? Teka nga, Ano bang sinasabi mo?" I tried to get away with the topic.

"Pag asa sayo. Hindi pa ba obvious? Nililigawan kita chiisa. Hindi ako madalas sumama sa isang babae. Hindi ko gawain ang mga ginagawa ko para sayo. Hindi mo ba talaga napapansin? Nililigawan na kita." Napanganga ako sa sinabi niya. Ano? Nililigawan? Kailan? Saan? Paano?..... Bakeeeeeet?

"Ano?!" Napatingin naman yung mga taong kumakain sa amin

"Gusto kita chiisa! Matagal na kitang gusto? Narealize ko yun nung una tayong magkita. Iba ka eh. Hindi ikaw yun ordinaryong babae na usual na nakakasalubong ko. May something sayo na wala sa iba." Hindi raw ako ordinaryo? Edi...

"Ayy grabe siya! Anong iba? Di naman ako alien eh. Tsaka teka lang hah! Teka kang talaga! Naguguluhan ako. Ano nga ulit? Pwedeng dahan dahanin mo naman?"

Agad naman siyang tumayo sa kinauupan niya at lumuhod sa may tapat ko.

"Gusto kita chiisa blanche, at nung una pa lang tayong magkakilala eh napagdesisyonan ko nang ligawan ka. So basically 3 months na kitang nililigawan."

"Sagutin mo na miss!"

"Public confession!"

"Whoooh! Tapang mo koyaaa!"

"Ikaw na brad!"

Sigawan nung mga nakarinig....

"What?!"

"See you tomorrow guys! Wag kalimutan may program tayo bukas aa" pagtatapos nang C.I. namin sa duty today. Napagod akong magpalakad lakad sa may nmarket kanina kasama si Suzy. Naghanapmkasi kami nang pwedeng prizes bukas. Para sa mga nanay nan sumali sa hanging garden.

Buti na lang early kami nadismis ngayon. Phew! Ansakit pa nang paa ko.

"Sorry na Blanche." Si suzy yan. Di ko kasi pinapansin simula kaninang nakabalik kami. Traydor kasi hindi ba naman ako sasabayang umuwi. Palibhasa kasi dumating ang nobyo. Hmp!

Actually di naman ako galit sa kanya. Wala alang talaga ako sa mood makipag usap ngayon. Kung bakit? Ewan! Mood swings siguro. Baliw kasi ako.

"Okay na nga eh. Uuwi na ako byers"

"Sure ka ba? Galit ka eeeh!"

"Sure nga! Bitaw! Uuwi na ako."

"Hindi eh! Galit ka eh."

"Isa pang hatak suzy at sasapakin kita. Okay na nga?! Tinext ko na sila kuya na abangan ako dun sa may scary na kanto. Na ikaw lang naman ang takot daanan." At tumalikod na ako sa kanya't naglakad. Hmmmn. 1pm pa lang naman eh.

Para akong emo naglalakad nang mag isa. Wala naman kasi gaanong tao. Malamang ung iba nasa school, trabaho, bahay natutulog. Ako lang ata ang tao ngayon eh. PInaparamdam talaga sa aking mag isa ako

"Chiisa!" Huh? Nilingon ko naman ang tumawag sa akin.

"Kei. Bakit?" Si kei lang pala. Bakit napadpad siya dito?

Napakamot pa ito sa ulo bago sumagot

"Aah.. Kasii.. ano... Ihahatid na lang kita sa inyo. Sinabihan kasi ako ni Suzy na mag isa ka lang daw at nag aalala siya."

Baliw na suzy, nandamay pa nang ibang tao.

"Hala kei, I appreciate it talaga. Pero kaya ko namang umuwi mag isa. Tinext ko naman na si Jethro na sunduin ako."

"Yun nga din eh. Tinext ako ni jethro na ihatid ka. Kasi di ka daw masusundo."

"What?! Tamad talaga nun. Isusumbong ko yun kay Marco. Hala sorry talaga sa abala kei, pero totoo. Kaya ko namang mauwi mag isa."

"Hindi na. Wag na matigas ang ulo. At nakaalis naman din yung ibang rotmates natin. Ihahatid na kita. No buts. Okay?" Nagulat naman ako sa pag shift nang boses ni kei from nahihiya to bossey!

"O...key. KEi" Nagsimula na kaming maglakad. Tahimik nang paligid ang tahimik pa nang kasama ko.

"Kei"

"Hmmmn" tugon niya sabay lingon

"Bakit wala kang girlfriend?" Bigla ko kang naisip. Pambasag katahimikan.

"Kasi wala lang talaga" simple niyang sagot

"Ganon? Akala ko noon nililigawan mo si suzy?" Ang alam ko nung 2nd year college kami nun eh. Balitang balita nga sa buong block namin na nagkakamabutihan na sila. Then poof, biglang nawala yung issue. Ang sabi sabi binasted daw ni suzy

"Hindi naman siya ang gusto ko eh"

"Sino pala? Kilala ko ba?" Nacurious tuloy ako sa sagot niya. Kung di si suzy, sino? Tsaka bakit kay suzy siya nalink kung di naman si suzy? Labo talaga ng balita! Dagdag bawas eh!

"Kilalang kilala. Tsaka di kami pwede. Labag sa batas" medyo naging off ang tono nang boses niya

"Grabe naman yang makalabag sa batas. lang naman. Teka?! yan?!"

"Hindi naman sa ganun. Basta labag sa sinumpaan ko dati" wala namang rule sa love eh. Kung mahal mo then pursue her/him. Teka ang pangit pakinggan pag pursue him aa. Sige her lang.

"Hmmp., mukhang di naman kita mapipilit sabihin eh. Basta ako sayo follow your heart. Mas maganda na yung nagawa mo yung gusto mo atleast di ka magsisisi na sana ginawa ko to, sana ginawa ko yun. Mga ganong bagay"

"Sana ganun nga kadali, gaya nang sinasabi mo." Sabay gulo niya nang buhok ko.

"Bakit? Masyado ba yung mahirap?" Kinuha ko yung suklay ko sa bag at sinuklayan ang ginulo kong buhok at nabali ang suklay sa sobrang tigas ng buhok ko. de joke! hindi ako nagdadala ng suklay.

"Siguro. Masyado ka lang bata"

"Aba! Makapagsalita! Magkaedad lang tayo aa" hinampas ko siya nang mahina nung suklay.

"Haha hindi kaya! Kuya mo ako remember?"

"Huwaah! Perstaym kita makitang tumawa Kei! Ulit nga ulit!" Si kei kasi yung taong laging nakaserious 'i don't care' face

"Hahaha ikaw talaga. Kakausap natin, di mo namalayan andito na tayo sa tapat nang bahay niyo" sabay turo niya sa blue gate na bahay nga talaga namin.

"Hala talaga? Ambilis naman! Pasok ka kaya muna Kei?"

"Hindi na"

"I insist! Sige ka magtatampo ako."

"Sige po mahal na prinsesa! Haha"

"Huwaah! Ang gwapo mo naman pala tumawa kei eh! Patok yan sa mga sisiw!" Sabay bukas ko nung gate. Di na naman nakalock. Paano na lang kung manakawan kami? Ang mga pinsan ko talaga!

"Sisiw? Ano yun?" Walang muwang na tanong ni Kei habang naghuhubad ng sapatos

"Mga babae" sagot ko sabay abot sa kanya ng room shoes

"Thank you. Paano naman narelate ang sisiw sa inyong mga babae?"

"Chicks ba! Tagalog nang chicks is sisiw diba?" pagpasok namin sa bahay, aba malinis ngayon aa. Nasaan kaya ang mga pinsan ko

"Baliw ka talaga"

"Andito na pala kayo?" Bungad ni Yuan sa amin

"Onii! Si jethro! Tinext ko na sunduin ako, di na naman ako sinundo!"

"Haha ganon ba? Alam mo namang ganun talaga yun. Maupo muna kayo at magmeryenda. Maaga ata dismisal niyo hah? 1:30 pa lang. Dont tell me tumakas kayo!?"

"Hindi aah! Early kami nadismiss! Diba kei?"

"Oo"

"Kitams? Di kami tumakas noh! Good girl and boy na lang namin ni kei." Inabot ko yung nilapag ni yuan na juice sa mesa.

NORMAL POV

ngumiti lang si Kei sa inakto ng dalaga.

"Onii nasaan nga pala sila?" tanong ni Blanche kay Yuan na naupo kasama nila

"Malay ko din, kakagising ko lang nga rin eeh" sagot ng binata

"Saan na naman kaya nagsusuot yung mga yun" nag aalalang tanong ni Blanche sa sarili

"Malay ko din" sagot ni Yuan at tumayo ito at naglakad papuntang kusina. KInuha naman ni Kei ang pagkakataong ito para itanong kay Blanche

"Blanche. Balita ko... ano.... nagkakamabutihan na daw kayo nung Eric ?" nahihiyang tanong nito.

'Please tell me, I'm wrong' sabi nito sa sarili

"SSSshhhh! Ano ka ba! Wag kang maingay, marinig ka ni Onii eh. Ang totoo niyan. Nanliligaw na siya"

"Ganun ba." ang tanging nasagot ng binata sa narinig mula kay Blanche

*END OF FLASHBACKS*

Hanggang dun na lang muna. Hindi na ata kaya ng isip kong mag isip pa ng mga nangyari sa amin. Maybe I should just move on and let my mind and heart slowly and completely forget about him.

-------

Sushi's Note:

Oh! Welcome back! How was this chapter? Nagustuhan mo ba? Hahah pasensya na sa crappy style. Still a beginner tho. Anyways, thank you for reading :)
Saranghamnida <3

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet