Nakalimutan Na Po ata Kita

Description

"As they said. It's much better to face what you fear the most than ran away from it forever. Memories. Why do the keep on coming back? I pushed them away.. out of my life. Are they back to remind me? Or to haunt me?"
  - Chiisa
  Can somebody really move on? And recover from a heart break? Can you really fix a broken heart when you can't even remember how, why and what broke it?

Foreword

Prologue

"Welcome Back"

Yan yung last word na nasabi ko sa kanya pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang...

"I'm sorry...Nakakapagod na Chii. Itigil na natin to."

dumurog sa pag asa kong may happily ever after. Sabi nga nila ang luha parang pawis. Hindi man parehong galing sa mata.

"A-anong ibig mong sabihin??"

Pero parehas na tumutulo kapag pagod ka na. Parang tumigil ang mundo ko ng mga oras na yun. Hindi ako makahinga, parang nalulunod ako sa sarili kong emosyon. Hindi ko alam kung anong gagawin. Parang mababaliw na ako sa sobrang sakit pero wala pa rin akong masabi. Saka ko lang napatunayan na....

"Simple lang.. Sumusuko na ako"

walang FOREVER.

Naranasan mo na bang magmahal nang taong wala namang balak magmahal ng iba bukod sa sarili niya?

"Pagod na ako. Ayaw na kitang ligawan."

Ako kasi oo.

"Dahil pa rin ba sa away na yun? Nagsorry na ako diba? Akala ko ba okay na?"

Ako kasi yung taong mapaniwala sa mga fairy tales and happy endings. Yung tipong umaasang balang araw mahahanap ko rin ang aking prince charming.

"Akala ko din.."

Kahit na wala na siyang magandang kastilyo, makisig na kabayo o malashampoo comercial na buhok. Eh okay lang para sa akin

"B-bakit?? M-may i-iba na ba? Sabihin mo may iba ka na bang nahanap sa pagbabakasyon mo hah?"

Basta mahalin niya lang ako. Lahat naman siguro ng tao gustong magkaroon ng love story na gaya ng kina Snow white, Cinderella, at sleeping beauty lahat may nakalaang prince charming na magdadala sa kanila sa happily ever after na they always dreamt of.

"Ano?! bakit di ka makasagot? May iba na ano? Tangna naman Eric! Tangna talaga! Alam mo ba anong ginawa ko habang wala ka? Nagtaray ako sa lahat nang lalakeng umaaligid sa akin! Wala akong ibang ginawa kundi ang mamiss ka! Tapos ito? Ito ang makukuha sa mga araw na tiniis ko? Sa mga araw na wala akong ibang gustong makausap kundi ikaw?"

Pero di pala ganun kadali. Hindi gaya nang mga nasusulat sa libro o napapanood sa tv ay nangyayari sa totoong buhay, dahil ang inaakala kong magiging prince charming ko ay ang wicked witch pala sa buhay ko. It's better to make the best decision now than to have to regret something undone afterwards. 

"Chii.."

"Wag mo kong matawag tawag na Chi!.... Wag na wag!.... Wala kang karapatan! Wala!"

Dakilang paasa din ano?

"I'm sorry Chii.."

Pero ang totoo niyan, isa ako sa biktima nang POREBER na yan.

"Sorry? Yan lang ba? I deserve better than your sorry! Sinaktan mo lang naman ako! Pinaniwala mo ako na iba ka! Pero yun pala isa ka lang din sa kanila! ! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko para maniwala sa isang tulad mo!"

Akala ko kasi nun na pag crush o mahal mo yung tao eh dapat crush o mahal ka din niya. Respeto ba.

Pero di naman pala ganun. Laki ko kasing tanga.

"I'm sorry Chii. Sorry. Please! Tigilan mo na ako. Move on!"

"Pero..."

"Stop it Chiisa. Face it! You and I can never be an item. Kung ano mang meron sa atin noon parte na yun nang kahapon"

"Sabi ni.. Sabi niya. Tunay daw na maha--"

"Ano ba! Hindi nga kita nagustuhan! This is just a game. Naisipan ko lang ligawan ka. Yun lang yun. Walang emosyong kasama. Kaya please stop this nonsense! Hindi kita mahal! Wag kang fee--"

.....

Ang gabing yun ang pinakamasakit sa lahat ng gabing umasa akong magugustuhan din niya ako.

"Let's go" tanong ko sa kagabi pang nag aalala kong pinsan.

"Are you sure about this?" tanong niya

Na gaya sa ibang wattpad stories magbago ang isip niya at magawa niya akong mapansin.

"Calling all passengers of flight J511, Cebu to Zamboanga. The boarding gates are now open"

Pero hindi nga pala ito kagaya nang wattpad stories. Dahil ito..

"Absolutelly. Ikemashou?" (Lets go?)

Ito ang nangyayari sa totoong buhay ko. Truth is Life is but a couple of choices, both good and bad, for the better or worst. All we have to do is to weigh things up and make the RIGHT decision.

Decisions that can make you...

or..

Destroy you..

Ikaw? Ano bang gagawin mo? Move on and find another one o mananatili ka na lang sa nakaraan?

--

Author's Note:

Sabi nang kasama ko, why don't I make a schedule na lang sa update. Pag iisipan ko na lang po. I'll update you to that na lang po. Mean while, ano pong masasabi niyo sa prologue? Paki-comment na lang po. Salamat. Sana tulungan niyo po akong matapos to

-Sushiified

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet