TRIP 7

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HIS POV]

 

“wahh! Sakit ng ulo ko.” Napahawak ako sa ulo ko. Hang-over pa ako ng dahil sa pag-iinom namin ng barkada. Ang hina ko talaga pagdating sa inuman.

 

Nag-unat ako at bumangon na para makainom ng malamig ng tubig.

 

Sakit talaga ng ulo ko. Naparami ata ang inom ko kagabi.

 

“oh? Sakit ng ulo mo noh?” napatingin ako kay Janiel na nakaupo sa may sofa at naglalaro sa cellphone ko. Hindi manlang siya tumingin sakin.

 

May cellphone na pala ako ngayon. Dati wala, kahit pa sabihing walang tao ang hindi nagmamay-ari ng cellphone. Ano ako hindi tao? Napangiti naman ako sa tanong ko sa sarili ko.

 

Lahat nalang nabago mula ng makilala ko yun.

 

Biglang kumirot na naman ang ulo ko. Grabe namang hang-over to. Pahirap!

 

“oo. Paano mawala tong sakit ng ulo ko?”

 

“inom ka ulit.” Parang walang na sagot nung nakakabatang kapatid ko na yun.

 

“loko ka ba? Masakit na nga ulo ko tapos papainumin mo pa ako.” pasaway talaga tong kapatid ko na to. Gusto niya bang sumakit pa lalo ang ulo ko?

 

“ay naku. Ayaw maniwala. Ganun daw yun. Oh eto cellphone mo.” Tumayo siya at ipinatong sa table yung cellphone. “lobat na kasi, hehe.”

 

“kaw talaga.” Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan.

 

Bakit kaya naadik ang mga tao sa paggamit ng bagay na to? Ako kasi tamad na tamad eh. Nung una lang ako nagtetext pero nung tumagal minsan nalang. Tapos may time pa na na nakakalimutan kong magreply.

 

Yung tipong may katext ako tapos magtatanong ako dun sa katext ko kung nagreply na ba ako dun sa taong yun.

 

Ang dami ko ngang natatanggap na load galing sa classmate ni Janiel. Gusto daw nila akong makatext but unfortunately tinatamad talaga ko.

 

May time din na nakakalimutan kung kunin sa barkada ko. Nilalaro kasi nila minsan kapag walang magawa kami. Ako naman tong bigay agad.

 

Bakit nga ba ako nagcellphone?

 

Natutuwa lang naman kasi akong katext si Chelsea. Natutuwa rin ako sa group message niya.

 

Binasa ko na yung mga text sakin este mga group message. Maniniwala ba kayong hindi ako marunong mag group message dati? Iniisa isa ko pa yung send before. Nakakahiya ang pagiging ignorant ko sa mga ganitong bagay na kahit elemtary student ay alam na.

 

Puro kay Chelsea. Kagabi pa yung iba.

 

Di napapagod tong si Chelsea sa pagtetext.

 

Habang binabasa ko yun ay napapangiti ako. Nakakatuwa siyang kiligin kapag nakikita niya yung crush niya. Ginigiem niya kasi.

 

Sino kaya crush neto?

 

Pero nagtataka ako. Ang haba haba ng text niya kapag group message pero kapag personal message ang ikli na halos wala na akong maireply sa kanya. Sabi niya nga parang open diary niya daw yung pag-gugroup message.

 

----flashback---

 

Text conversation

 

Chelsea: bakit laging may ganito text mo ‘!’

Me: eh bakit ikaw ang ikli mong magtext? Konti lang ba characters ng cp mo?

Chelsea: ahh! Ganunan? Balikan ng tanong? Kasi naman parang kang galit lagi kapag mag exclamation point.

Me: para may feelings. Para kasi walang kafeeling feeling kapag hindi ko nilagyan.

Chelsea: ok ok.

 

 Another text conversation

 

Me: tinamad na akong magtext. Nakakalimutan ko na nga na may cp ako.

Chelsea: hala! Eh sino ng makakatext ko?

Me: wala ka bang nakakatext?

Chelsea: walang nagtyatyagang makatext ako. nauubusan sila ng sasabihin sakin.

Me: habaan mo kasi ang text mo.

Chelsea: hinahabaan na nga eh. Pero naiilang naman sila. Mataray ba ang approach ng text type ko?

Me: medyo.

Chelsea: di ko na kasi mababago yun eh.

Me: wag kang mag-alala. Tetext pa rin naman kita. May cellphone pa naman ako.

Chelsea: talaga?

Me: yap.

 

 Another text conversation:

 

Chelsea: eh di naman dapat problemahin yun. Yaan mong mamroblema sayo yung problema. Dapat wag ng isipin yun. Ma-i-stress ka lang kapag iniisip ang problema.

Me: good vibes ka lagi noh?

Chelsea: oo naman. Enjoy life. Di dapat iniisip ang makakapagpalungkot.

Me: tama.                                                               

 

--EndOfFlasback--

 

 

Nakakagood vibes talaga siya. Kasi di niya talaga iniisip mga problema na dumadating sa kanya.

 

Sa una lang siya mamomroblema pero after an hour okay na siya. Lively na ulit mga group message niya.

 

“oo pala. Samahan mo akong bumili ng damit?”

 

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa pagkagulat. Tiningnan ko ng masama si Janiel na nakangiti sakin ng nakakaloko.

 

“bakit bigla bigla ka nalang diyang nagsasalita?” pagalit kong tanong.

  

“psshh. Kanina pa kaya ako dito. Nagsalita lang ako dahil mukha kang timang diyan habang ngumingiti. Sino iniisip mo? “ lumapit siya sakin,”sino katext mo?” tinatry niyang kunin yung cellphone ko nahawak hawak ko.

 

“ayoko nga. Kanina pa sayo to eh. Bawal makialam. Hindi mo ba alam ang salitang privacy?” Tinataas ko yung cellphone para hindi niya abot. Maliit lang kasi siyang babae.

 

“kelan ka pa natutu ng privacy? Lahat naman sayo alam ko. Patingin na kasi.” Tumatalon na siya para lang makuha yung cellphone.

 

“magbihis ka na nga dun at sasamahan na kitang bumili ng kung ano man yang pinapabili mo.” Sabi ko nalang para tumigil siya. Nakalimutan ko ang sakit ng ulo ko sa sobrang kulit ng sister ko na to.

 

“talaga?” nanlaki ang mata niya sa sobrang excitement. “yyeeyyy!!” tumakbo na siya sa kwarto niya.

 

Hay naku. Ubos na naman ang pera ko sa mga bibilhin niya.

 

 

////

 

“wait lang Janiel. May titingnan lang ako dun sa store na yun.” Turo ko dun sa isang shop ng mall, “text mo nalang ako kung tapos ka ng pumili diyan ha?”

 

“okay.” Sagot niya sakin habang busy sa pagpili ng mga damit.

 

Umalis na ako dun sa shop at pumunta na dun sa pupuntahan ko.

 

Habang naglalakad naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

 

Don’t tell me tapos na agad siyang pumili.

 

Tiningnan ko kung sino yung nagtext habang naglalakad.

 

Chelsea: gala gala daw kahit minsan. Gm.sea

 

Group message lang pala ni Chelsea.

 

Ibubulsa ko na sana yung cellphone ko ng may nakabunggo ako. nahulog yung cellphone namin pareho nung nakabangga namin.

 

“sorry po! Sorry po!” di magkandaugaga yung babaeng nakabunggo ko at kinuha niya pareho yung cellphone na nahulog at binigay sakin yung isa.

 

“okay lang.” sabi ko at tinanggap ko yung cellphone.

 

“sorry po talaga. Di po kasi ako nakatingin sa daanan.” Hingi uli ng paumanhin sakin nung babae.  Habang inaayos niya yung salamin niya. Nakatakip din sa mata nung babae yung bangs niya. Nakatungo lang siya at hindi manlang ako tiningnan.

 

Umalis na yung babae, habang naiwan akong nakatingin sa kanya.

 

Nagkibit balikat nalang ako at binulsa ko na yung cellphone ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3