TRIP 6

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HER POV]

 

Dahil hindi na siya masyadong gumagamit ng cellphone kaya sa facebook nalang kami lagi nag-uusap. Not in personal message but wall to wall.

 

As I log-in, kinlick ko na agad yung notification. Isang tao lang naman ang iniintay kong mag-appear ang name niya sa mga notification ko.

 

Si Boyfie.

 

Pero hindi niya alam na boyfriend ko siya.

 

Ang alam lang niya is friend ko siya at magka-in-a-relationship kami sa facebook.

 

Yun lang. No more, no less at yun yung masaklap kasi habang tumatagal nahuhulog na ako ng bongga sa kanya kahit alam kong imposibleng magustuhan niya ako.

 

Notification

Drew commented on his photo.

 

Kinlick ko na agad yun at hindi ko na pinansin yung ibang notification.

 

[pictures]

Comment:

Chelsea: sino yang katabi mo?

Mark Andrew:  alin ba? Si  TJ ba? Type mo?

Chelsea: di ah! Pinapatanung lang nung friend ko.

Mark Andrew: haha! sabihin mo dun sa friend mo na ako nalang.

Chelsea: haha! hindi ka pwede.

Mark Andrew: wag na yung si Tim.

Chelsea: bakit naman? Eh sino naman yang nasa likod mo?

Mark Andrew:  si Sthepen yan. Bestfriend ko.

Chelsea: ok ok. Hehe. Cute

Mark Andrew: online ka nga. Chat tayo.

  

Napanganga naman daw ako sa nabasa ko.

 

Gusto niya akong makachat eh. Dapat na ba akong kiligin sa simpleng pagyaya niya saking makipagchat?

 

Yang palang conversation namin ay ibat-ibang time. Remember? Hindi kami nagkakasabay mag-online. Dahil cellphone lang gamit ko lagi. MInsan kasi ang Kuya ko ang gumagamit ng laptop.

 

Late ko na nabasa yun. Sana lang naka-ol pa siya. Sixteen minutes ago palang naman yung. At dahil nga cellphone lang gamit ko. Hindi ko alam kung online pa siya.

 

Nagcomment muna ako.

 

Chelsea: bakit? Miss mo na ako? hehe

 

Pero ang totoo, ako ang nakakamiss sa kanya.

 

Nag-out na ako sa facebook mobile at inopen ko naman yung chat facebook apps sa cellphone ko. Excited pa akong nag-log-in. Nagbabakasakaling makakachat ko siya.

 

Nang makapaglog-in na ako ay hinanap ko na yung pangalan niya.

 

Nalungkot ako. Wala kasi akong Mark Andrew na nabasa.

 

Hay! Sobrang panghihinayang ang naramdaman ko. Nag-intay ako na mag-online siya uli.

 

5 minutes passed

 

10 minutes

 

15 minutes

 

20 minutes...

 

Naglog-out na ako dun sa facebook chat. Isa na namang pagkakataon ang nalampasan ko.

 

 Kailan ba kasi kami magtatagpo? Di paba talaga ngayon?

 

Nagpost nalang ako sa wall niya

 

Mark Andrew’s Wall

Chelssea: ui! hindi ka naman nakaol.

 

-----------------------------------------------------------------------------------------

 

Andito na ako sa University kung saan ako nag-aaral at nakita ko na agad na nakapaupo sa may pabilog na table si Sy at Tet.

 

Bakit kaya nadito si Tet? Di na kasi kami magkaclassmate. Magkaiba na kami ng section.

 

“Oh bakit andito ka? Di ba, mamaya pa klase niyo?” tanong ko ng makaupo na ako.

 

“May ginawa kasi ako.”

 

“Okay.”

 

“Ui Chel, sino yang boyfriend mo na sinasabi ni Sy?” Tet

 

Napatingin ako kay Sy. ”Ano yun?” pagmamaangan ko. Siguro nakalimutan na ni Tet nung nakita nila sa cellphone ko yung picture ni Boyfie kaya nagtatanong siya ngayon.

 

“Sabihin mo na.” Sy.

 

“Hindi ko naman yun boyfriend eh,”malungkot kung sagot.

 

“Eh magka-in-a-relationship daw kayo.”

 

“RelationTRIP kamo. Haist! Joke joke lang naman yun eh. Napagtripan lang namin.” Ang lungkot naman talagang isipin na trip-trip lang yun pero ako seryoso na sa kanya kahit hindi ko pa siya nakikita.

 

“Paano ba nangyari yun? Sino ba yung nagsuggest na maging kayo sa facebook?”

 

“Hindi ko na tanda kung sino unang nag-open na maging in a relationship kami. Pero ako yung nagnotify sa kanya. Siya lang nag-aaccept. Hindi niya daw kasi alam. Di kasi daw yun nagfefacebook. Ako may gawa nung facebook niya. At hindi pa siya familiar sa facebook, that time. Di ko nga siya inadd nung gawin ko yun eh. Nahihiya ako pero sabi niya i-add ko daw siya.” Kapag naalala ko yun. Napapangiti ako pero nakita ko na madami siyang facebook nung isang gabi. Di ko na alam tuloy kung sino papaniwalaan ko.

 

“Ahh! Pero nahuhulog ka na sa kanya noh?”

 

“Oohmn,” amin ko. Kahit nakakahiya mang aminin.

 

“Okay lang yan. Malay natin mainlove din siya sayo.”

 

Malabo naman ata yung mangyari. Pero winiwish ko pa rin na mangyari yun.

 

 

---------------------------------------------------------------------------------------------

 

Kakatapos lang naming maglaba ng nanay ko kaya nagsasampay na ako sa may balcony ng taas ng bahay namin.

 

Beep

 

Kinuha ko yung cellphone ko kahit medyo basa pa ang kamay ko.

 

Janiel: hello pink

 

Tumigil muna ako sa pagsasamapay at nireplyan ko muna si Janiel.

 

Me: hi din. Hehe. Bakit pink?

 

Janiel: wala lang. hehe. Kaw ba pink yung nagtatanong ng pangalan ni TJ?

 

Me: oo. Hehe. Paano mo nalaman?

 

Janiel: narinig ko lang nung nag-uusap sila. Sinabi niya na may nagpapatanong ng pangalan nila.

 

Me: hala! Sinabi niya? Jezz! Kakahiya naman yun.

 

Binibilisan ko ang ginagawa ko para makapagreply agad sa kanya.

 

Janiel: don’t worry pink di naman niya sinabi na ikaw yung nagpapatanong eh.

 

Me: buti naman. Nakakahiya kasi hehe.

 

Janiel: nahiya ka pa. Hehe

 

Me: syempre. Hehe. Meron naman ako nun kahit papano. Haha

 

Janiel: crush mo ba si TJ?

 

Me: hndi ahh! Alam mo naman kung sino gusto ko eh.

 

Janiel: oo nga pala. Hehe. Akala ko pinalitan mo na.

 

Me: di yun mangyayari noh.

 

Janiel: haha! may kamukha ka daw sabi ni loko.

 

Me: sino naman?

 

Napaisip naman daw ako dun. Wala naman kasi akong kamukha maliban sa nanay ko.

 

Janiel: international. Hehe. Naks pink. Pang-international ka pala.

 

Me: eh? Sino?

 

Wala akong maisip eh.

 

Janiel: si Carly Rae. Narinig ko pa yun nung lasing siya. Hindi pa naman siya nagsasabi ng ganyan kapag matino.

 

Me: parang hindi naman. Niloloko mo lang ata ako eh. Baka nga lasing lang talaga siya kaya niya nasabi yun.

 

Pero deep inside kinikilig na ako haha! Mamaya sisigaw na ako dito. Kapag wala ng tao sa bahay.

 

Janiel: hindi ah. Seryoso yun kapag nakainom.

 

Me: di nga pink?

 

Wahh!! Nagtatalon na ako sa sobrang kilig. Ipit na ipit din ang boses ko sa pagsigaw. Baka isipin nila kung napapano na ako kapag sumigaw ako ng pagkalakas lakas. Kahit sino naman eh.

 

Sa sobrang kilig ko pumasok ako sa kwarto ko at dun ko itinuloy ang pagtatalon. Iniwan ko muna yung mga isasampay ko.

 

Kinikilig talaga ako,.my goodness!

 

Andung humiga ako sa higaan ko at nagpagulong gulong sa kama tapos biglang tatayo at tatalon. May kasama pa yung sigaw ahh.

 

Nang makabawi na ako sa sobrang kakiligan ay binasa ko na yung text ni Pink.

 

Janiel: oo nga pink. Yaw pa maniwala. Hehe. Tiningnan ko nga. May pagkakahawig nga kayo nun.

 

Eiihhh!! Kahit hindi ako naniniwala ay kinikilig pa rin ako. Haha! kaw ba naman ang sabihan ni boyfie na kamukha ko yun. Kahit pa feeling ko ang pangit pangit ko. Ngayon ang pakiramdam ko ang ganda ganda ko,

 

Hayy!! Tinitingnan niya ba mga pictures ko kaya niya naconclude na may kamukha ako?

 

Waahh!! Ngayon lang ako kinilig ng bongga.

 

My goodness! My goodness!

 

Aigoo! Aigoo! Otoke? Kinikilig talaga ako.

 

--

mensahe ni michii_michie

the word otoke is di talaga yan ang spelling pero ganyan ang pagkakabas hehe .. eottokkeo ata right speeling nun. meaning nun is what shoul I do? paano na yun? mga ganyan..

gets?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3