TRIP 3

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HIS POV]

 

Ako ang taong hindi ata nahihilig sa isang networking site na tinatawag na Facebook.  Wala akong account niyan dati pero kapag nagsearch ka. Makikita mo na andami kong account and I do not know who is responsible for those account.

 

Mark Andrew Yoshida is the name.

 

Twenty years old. Graduating student in college.

 

I have this band. Tumutugtug kami sa bar ng isa kong kabandmate. Friend ko sila and bandmates pero may isa pa akong grupo ng kaibigan. Our band called Swifty Rocks since most of our songs are sung and wrote by Taylor Swift. Ang ganda lang kasing tugtugin at gawing rock song yung kanta niya. Tapos ang ganda pa ni Taylor. Crush ko yun eh.

 

 Yung mga kaibigan kong yun maliban naman sa Swifty Rocks ay tinatawag ng mga fans namin na Dreamguyz. Di ko alam kung bakit kami nagkafans eh di naman kami nagpeperform.

 

“Hey! Peram ng laptop. May titingnan lang ako sa facebook ko.” Tawag ko dun sa isa sa kabanda kong si Leo..

 

“May facebook ka? Pinagloloko mo naman ako. Kailan ba nagkaroon ng facebook si Andrew?” hindi makapaniwalang sabi ni Leo.

 

“Matagal na akong may facebook. Someone made it for me.” I am talking about Chelsea. Di ko pa yun nakikita pero matagal na kaming magkakilala pero kilala siya ni Janiel. Si Janiel ay kapatid ko.

 

“Who?” tanong naman ni Edward.

 

“May babae ka na naman?” OA na tanong ni Leo na akala mo ay everyday ako nagpapalit ng babae.

 

“Hindi ko siya babae. Kaibigan siya ng kapatid ko. Itulad mo pa ako sayo Edward.” Di totoo na may mga babae ako. I don’t have one pagkatapos nung break-up ko dun sa long time girlfriend ko.

 

“Anong babaeng pinag-uusapan niyo?” kakapasok lang ni Aina sa studio namin.

 

“Si Drew may babae na bago.” Edward

 

“Para namang paibaiba ako ng babae. Nakakalimutan mo atang ikaw tong maraming babae.” Sagot ko kay Edward.

 

“Ui, sino yun?” usisa naman ni Aina.

 

“Wala!” ayokong pinag-uusapan yung sakin eh. At wala naman kasi talaga. Ang hirap ng magtiwala ngayon sa babae.

 

“Oh sya, eto na para makapag-update ka sa sa FACEBOOK mo.” Binigay sakin ni Leo ang laptop niya. Pinakadidiinan pa niya ang facebook na word.

 

“May facebook ka? Kelan? May facebook ka na pala ngayon.” Sunod-sunod na tanong sakin ni Aina at lumapit pa sakin at nakitingin habang binubuksan ko ang laptop.

 

“Matagal na.” sagot ko habang nakatingin sa laptop.

 

“Ahh!" tumatangong sabi ni Aina. "Biruin niyo yun nagkaroon na siya ng facebook. Hahaha. Nakakatuwa talaga!”

 

Nagtatype na ako ng email add ko ng maramdaman konng andaming nakikitingin sa laptop.

 

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Aina, Leo and Edward na nakikitingin din. Di ko tuloy maituloy ang pagtatype.

 

“Bakit kayo andyan?” tanong ko sa kanilang tatlo. Hay naku. Makikichismiss pa ata tong mga to sa facebook ko. May facebook naman silang kanila.

 

“Syempre! Titingnan ko kung totoong may facebook ka na.” palusot ni Edward.

 

“Tss! What do you think of me? Lying?” suplado kong sagot.

 

“Nope. I think your thinking of a girl." nakangising sabi ni Edawrd "Who’s that?” dugtong pa niya.

 

“Why are you so interested? I don’t have any.” Itinuloy ko na ang pagtatype at ng makalog-in na. wala naman silang makikitang censored sa facebook ko.

 

“Sino yan Drew?” Leo, sabay turo sa may ibaba ng display picture ko.

 

“Alin? Alisin mo kaya ang kamay mo ng makita ko.” Inalis naman niya at nakita ko na yung tinituro niya.

 

“In a relationship with Chealsea Love.” Basa ni Edward. ”wohh! Wala daw babae pero may ka-in-a-relationship.” ngumiti si Edward sakin ng nakakaloko.

 

“Aino yan Drew? May girlfriend ka pala hindi mo manlang pinapakilala,” kunwaring tampo ni Aina.

 

“Secret,” sagot ko nalang. Di ko na sila pinansin dahil ang kulit lang. Hindi na lang ako nagsasalita.

 

“Andami namang notification, friend request and message. Bago palang tong facebook ko pero andami ng agad ng mga ganito,” reklamo ko. Sabog na naman ang facebook ko. Lagi nalang kapag nag-oopen ako. Kaya nakakatamad i-open eh.

 

“Aabog ah.” comment ni Leo.

 

“Oo nga eh.” Hinanap ko nalang yung notification galing kay Chelsea at siguradong nagreply na yun. Nang makita ko ay kinlick ko na. natabunan ang nag-iisa niyang notification para sakin eh.

 

Nagsialisan naman sa likod ko yung tatlo. Nabore na siguro dahil di ko naman kinakausap. Busy kaya ako sa pagfefacebook.

 

[picture]

Chelsea: sino yang katabi mo?

Mark Andrew:  alin ba? Si TJ ba? Type mo?

Chelsea: di ah! Pinapatanung lang nung friend ko.

 

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Siguro dahil ang cute lang ng babaeng to. Napakapositive niya sa buhay. Lagi siyang masaya. I started writing my reply na lalo pang nakapagpangiti sakin.

 

Nag-out na ako at isinauli ko na ang laptop dun sa hiniraman ko para makapagpractise na rin ako. nagpapapractise na kasi yung tatlo.

 

-----------------------------------------------------------------------------------------

 [HER POV]

 

“Alam mo na pangalan niya?“ tanong sakin ni Sy ng hindi nakatingin.

 

“Oo.” Sagot ko ng mahina.

  

“Ahh!” wala sa sariling sagot ni Sy. “ano ulit? Alam mo na pangalan niya?” biglang naging excited ang loka. Ano kaya iniisip neto at parang tulalers?

 

“TJ o JT. Hehe. Basta alin sa dalawa.” Nalito naman daw ako bigla.

 

“Ayy! Sige. Hahanapin ko nalang facebook nung TJ o JT na yun. Pogi eh. Papalitan ko na si crush ko. Gravity kasi eh. Ipagpalit ba naman ako. Hindi naman kagandahan ang pinalit sakin. Ang sakit sakit pa dahil iniintay niya sa room nung babaeng yung babaeng yun!” sunod-sunod na buga ni Sy.

 

Natawa naman ako. “Gravity nga! Nobela eh. Pinagpalit talaga? Eh di naman niya alam na may crush ka sa kanya.”

 

“Kahit na! dapat nafefeel niya na tinitingnan ko siya kapag nakikita ko siya!”

 

“Aigoo! Aigoo! Wag ka ngang feeling na mapapansin ka niya.”

 

“Yabang! Palibhasa may boyfie.”

 

Nalungkot ako sa narinig ko pero hindi ko pinahalata, “Boyfie.. wag niya lang malaman at baka magbreak kami. At wag lang sana siyang makipagbreak.” Parang ayoko atang isipin na magbebreak kami sa facebook. Kahit na sabihing di totoo yun. Yun na nga lang ang nagkokonekta samin.

 

“Sabihin mo na kasing gusto mo siya.”

 

“Buti sana kung ganun yun kadali. Hiyang-hiya nga akong humingi ng extra ketchup sa McDo  or Jolibee, magtapat pa kaya kay boyfie. Ayoko ng rejection. Tsaka hello? Gwapo gwapo nun eh. Parang anlabong magkagusto yun sakin.”

 

“Malay natin. Ka-in-a-relationship mo nga diba?”

 

“Kahit na. Trip trip lang naman kasi yun eh. Buti sana kung may kasamang feeling.”

 

“Maging masaya kana. Atleast kayo nakakapag-usap pa. Eh kami ng mga crush ko? Wala. Hanggang tingin lang.”

 

“Tss! Yung sayo naman basta gwapo inlove ka na agad eh.”

 

“Eeiihh.. kelan kaya tayo magkakaboyfriend nang totoo? Yung hindi sa imagination lang?”

 

“Hindi ko alam.”

 

 

------

mensahe ni michii_michie

yung ibang word is korean. hihi. mahilig kasi si Chelsea at Sy sa korean drama..haha! kaya naadopt nila.

for those who don't know

araseo= understand

omo= omy

aigoo= kind of expression

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3