TRIP 1

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HER POV]



"Woi! Gusto mong makita ang boyfie ko?"
 tanong ko kay Sy habang hawak hawak ko ang cellphone ko. Name niya talaga is Daisy. Classmate ko this year. Classmate ko rin siya nung mga nakaraang sem. Dalawa lang kaming magkasama this semester dahil nahiwalay kami ng section sa mga friends namin. Ewan ko ba kung bakit nahiwalay kami. Nakakasawa na nga ang pagmumukha niyan. Haha. Choss lang.



Pero seryoso. Okay na rin na kami lang dalawa magkasama. Kami lang nagkakaintindihan eh. Kahit sa mga kalokohan. Kahit sa mga crushie pero mas grabe siya sa crushness.



Ay naku!



Speaking of crush. Andami niyang crush. Pero hanggang crush lang yan hindi pa yan nagkakaboyfriend. Ako, nagkaboyfriend na eh. Isa lang naman at ang pangit ng aking karanasan sa aking first love. Balik tayo kay Sy (ayokong pag-usapan ang love life ko na tapos na), over yang kiligin sa mga crush niyan. Halos mamaga nga ang braso ko dahil sa mga pahampas-hampas niya kapag nakikita niya yung crush niya.



Buti nga ngayon, nagbago na eh. Pinipigilan na niyang maghampas. Ako naman tong nanghahamapas sa braso niya o kaya nasasabunutan ko siya kapag napag-uusapan namin yung mga crush namin. Nakiki-share ako ng crush eh. Di naman niya maangkin ang mga crush niya dahil it's either, hindi niya kilala o kaya nakita niya lang na dumadaan sa hallway ng building.



Ako naman si Chelsea Love. College student. Mahirap lang ako. haha. So poor. Pareho lang kami kaya medyo kuripot kami pero mas kuripot yang si Sy. Kahit piso ang utang namin sa isa nagsisingilan kami. Yung ultimong pinang-paxerox lang ng aming mga notes, binabayaran namin kung sino man ang nagpauna ng bayad samin. Every peso counts daw eh.



Nandito pala kami sa Mall ni Sy. Wala kasi kaming klase ngayon dahil absent si Prof kaya niyaya ko si Sy na magmall nalang. Kakatapos ko lang kumain ng ice cream na dahilan ng pagyayaya ko sa kanya dito sa Mall. Gusto ko kasi yung Brownie Ala Mode na yun eh.



Sarap nun! Kahit wala kaming masyadong pera, nakakabili pa rin kami nun. Thirty lang naman yun pero yung thirty na yun, malaki na para samin. Pero dahil minsan lang naman kaming makapag-Mall kaya gorabels na. Lagi kasing may pang-gabi kami kaya no time for malling.



"Sige. Hindi ko yan natitingnan eh," sagot naman niya. Di pa siya tapos sa ice cream niya. Inuubo pa siya ngayon pero pinilit ko lang siyang mag-ice cream. Gamot yun eh. Hahaha!



"Wait lang, iko-connect ko lang sa wifi." May wifi ang cellphone ko. Ito nga ang ginagamit ko kapag nagfefacebook ako. Hindi ako gumagamit ng computer dahil wala kami nun at ayaw ko namang pumunta sa mga internet cafe. Kahit naman mahirap ako may wifi ang cellphone ko. Hehe. Bigay lang yun eh.



"Okay."



"Oo pala, may new upload siyang photo kasama ang mga friends niya. Pero hindi ko pa natitingnan." 
Hindi ko naman talaga tinitingnan profile ni boyfie. Nakita ko lang sa news feed na may new upload siya.



"Oh? Gwapo ba mga friends niya?"



Napa-isip ako. Di ko kasi masyadong nakita yung photo. Ako kasi yung tipo ng taong di pinapansin ang mga picture na ina-upload ng mga friends ko sa facebook dahil opera mini ang gamit kong browser. "Siguro, tingnan mo nalang oh!" binigay ko sa kanya ang cellphone ko.



"Alin dito ang boyfie mo?"



"Yung may white headset. Bawal ng pagpantasyahan yan. Akin na yan. Hahaha!"



"Etong mukhang babae? Hindi ko type ang ganyan. Yung katabi niya ang gusto ko."




Tiningnan ko kung sino ang tinutukoy niya, "hindi ko rin naman type yang gusto mo." Si boyfie lang ang gusto ko wala ng iba. Kahit pa sabihing tumingin ako sa mas gwapo, si boyfie lang ang gusto ko wala ng iba.



"Ano kayang pangalan niya?" tanong ni Sy.



"Hindi ko alam. Tanungin ko nalang si boyfie, kaso hindi siya masyadong nagtetext ngayon eh. Tapos minsan lang siyang magfacebook," sagot ko. Tamad kasi yung boyfie ko na yun magtext at magfacebook.



"Sabihin mo nalang sakin kapag alam mo na. Paano na to? Ambagal ng net. Tapos ang liit pa nung picture. Hindi ko tuloy makita masyado."



"Akina nga." 
Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya.



Tinry ko. Pero ayaw nga. Opera mini gamit kong browser kaya kapag pinapalaki ko yung picture is nagdadownload siya. Pero ayaw talaga.



"Ano na bang oras?" tanong ko.



"Malapit ng mag-eight. Uwi na ba tayo?" tanong niya at inayos na niya ang bag niya kahit hindi pa naman ako umu-oo na uuwi na kami.



"Oo nalang. Sa bahay nalang ako magnenet. Ida-download ko nalang para makita mo bukas." I am talking about the photos of my boyfie and his friends.



"Oh sige sige."



So yun. Umuwi na nga kami.



Nang makauwi na ako ay ginawa ko na ang mga pangkaraniwang kong ginagawa.



Pahinga konti.



Kain.



Nood tv habang kumakain.



Hugas plato ng pinagkainan namin. Ako kasi ang tagapaghugas ng plato kapag gabi. And since, ako lang naman ang kahuli hulihang natutulog kaya nakatoka na yun sakin.



Nakaupo ako ng makita ko yung wifi pocket ng kuya ko na nakapatong sa may katabi ng TV.



Oo nga pala. Magfefacebook nga pala ako. Muntik ko ng makalimutan.



Ini-on ko na yung wifi and wait na maconnect sa cellphone ko.



Hay! Araw araw naman akong nagfefacebook pero tuwing gabi lang yun. 11 to 12 midnight ng gabi. Wala lang naman akong ginagawa. Nakasanayan lang na tingnan.



Nagfefacebook na ako. Nagcocomment lang ako sa mga status na nakatag sakin.



Like-like lang kapag nagustuhan ang post.



Nakaka-one hour na ako ng maalala ko yung picture ni Boyfie. Muntik ko ng makalimutan eh.



Makakalimutin ako, pansin niyo?



Sinimulan ko ng tingnan ang profile ni boyfie.



Hay! Ang gwapo niya talaga. Kapag nagkita kaya kami neto, magustuhan niya kaya ako as a true girlfriend? May pag-asa kaya na magustuhan niya ako? tss! Asa naman. Pero umaasa talaga ako.



Oo pala, hindi ko totoong boyfriend si boyfie. I am calling him boyfie kasi boyrfiend ko sa siya sa facebook, in a relationship kami dun. Almost two months na rin siguro pero ngayon lang ako kinikilig kapag napag-uusapan si boyfie. Di naman kasi talaga namin yan pinag-uusapan. Di ko rin sinasabi sa kanila. And hindi naman nila napapansin na may ka-in-a-relationship ako sa facebook kahit nakapublic yun.



Paano ko siya nakilala?



Kapatid niya kasi yung friend ko. Nakilala ko lang yung kapatid niya sa isang group sa facebook and eventually naging close kami nung kapatid niya na si Janiel. Malayo pala ang place ni Janiel sa place ko kaya hindi kami laging nagkikita.



Nalaman ko lang na may kapatid siyang lalaki na mas matanda sa kanya nung mag-group message siya na ang cool daw nung kapatid niya habang nag-gigitara sa may balcony ng bahay nila. Pinagtitinginan daw ng mga babaeng kapitbahay nila. Nagtext agad ako sa kanya nun na sakin nalang Kuya niya kahit di ko naman kilala. Haha! Sabi niya oo daw.



Oo lang siya ng oo sakin kapag nagjojoke ako ng ganun kasi sinusuportahan niya ako kapag nagkakagusto ako. Alam niya kasi na hindi pa ako nagkakaboyfriend at that time.



After noon, nakalimutan ko na na may kapatid siyang lalaki. Di rin naman kasi namin napag-uusapan ni Janiel.



"Chel (read it as tsel), wag ka masyadong magtatagal sa pag-iinternet baka lumaki bayarin ko. hindi ka naman nagbabayad niyan."



"Ay!" 
nagulat pa ako. Gising pa pala ang kuya ko. Naistorbo tuloy ang pag-aala-ala ko kung bakit kami nagkakilala ni boyfie. "Oo, matatapos na ako," sabi ko nalang.



Tapos na pala ako ng pagdadownload ng mga larawan ni boyfie. Magcocomment nalang ako sa picture na to para malaman ko ang name nung friends niya.



[picture] 

Comment:

Me:
 sino yang katabi mo?



Sana sumagot siya agad. Gusto kong malaman ang name nun para may iba naman pagpantasyahan si Sy. Puro imaginary character lang kasi nagugustuhan niya ngayon at broken siya dahil nakita niyang may girlfriend na ang crush niya.



Tulog na nga ako.



Umaasa ako na sana may comment back na sakin si boyfie.



Natulog na ako. hindi ko alam na nung araw na pala na yun masisimula na akong mafall ng tuluyan kay boyfie.



Hindi ko rin alam na after that day. Aaraw-arawin ko na ang pagbisita sa profile ni boyfie para lang masilayan kahit ang mukha niya lang sa cellphone ko.



And hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3