TRIP 2

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HER POV] 



"Sumagot na siya? Nasabi na ba niya sayo kung anong pangalan nung friend niya?"




Naka-ilang tanong na yan sakin ni Sy. Ang kulit lang ng lahi niya eh. Ilang beses ko na ring sinagot yan at pare-pareho lang ang sagot ko.



"Uso ang maghintay Sy. Kapag sumagot na yun, di mo na ako kailangang kulitin dahil sasabihin ko agad sayo. Araseo [Understand]?" nagsasalita kami ng korean language ni Sy dahil adik kami sa korean drama. Napapagaya kami pero yung mga one word lang ang alam namin.



"Okay. Excited lang. hihi," kinikilig na sabi neto. Basta talaga lalaki ang pinag-uusapan laging kinikilig to.



"Lagi naman. Uy! andun pala sila Diane. Lapit tayo." Yaya ko kay Sy. Sila Fenina, Tet, Janine at Diane ang iba pa naming friends na dapat kasama namin sa iisang klase. I mean, dapat magka-classmate kami kaso nahiwalay kami netong year na to. Yung JPIA officer ang gumagawa ng section samin kaya hindi kami nakakapamili. Nakakapili lang kami kapag may problema sa time katulad ng mga working student.



Haist! Mas masaya sana kung sama-sama kami.



Lumapit nga kami sa kanila.



"Anong oras klase nyo?" tanong ko ng makalapit kami sa kanila.



"Six pa. Kayo?" sagot at tanong naman ni Diane.



"Six din. Hehe." sagot ko.



Usap-usap kami ng kung anu-ano lang. Mga nonsense pero ang saya.



"Ano yang tinitingnan nyo sa cellphone?" usisa ni Tet ng mapansin niyang tinitingnan ni Sy ang hawak hawak kong cellphone



"Ah-eh, wala lang to. Hehe." Di ko alam sasabihin. Secret lang kasi na hindi hehe.



"Sus! Nahiya ka pa. Patingin na." pangungulit ni Tet.



Wala na akong magawa kaya binigay ko na sa kanila. Picture pa naman yung nila boyfie. Si Sy kasi ang kulit, gusto niya daw makita ulit para ma-memorize niya ang mukha nung taong gusto niya.



Psshh! Di nila alam yun eh. Ngayon lang nila malalaman.



"Oh, sino tong mga to?" tanong ni Diane. Nakitingin na rin kasi siya.


"Pili na kayo dyan. Hehe." I'd try to joke para di masyadong awkward.



"Ang gwapo naman nila. Ano sila?" busy sila sa pagtingin ng pictures. Dami pa naman nun.



"Boyfriend yan ni Chelsea haha!" tumatawang parang lokaret si Sy.



"Sshhh! Wag kang maingay." Bulong ko kay Sy sabay siko sa kanya. Ingay-ingay eh. "Tao sila haha!" biro ko ulit kay Diane.



"Di nga? Alin dito?" Janine. Di pinansin yung sinabi ko. Nagjojoke ako pero walang pumansin? Saklap men.



"Type ko yung may headset." Fenina.



"Wag yun! Akin yun eh!" nasabi ko agad. Huli na para takpan ko ang bibig ko dahil nadulas na ako. Automatic nagreact eh.



"Iba nalang piliin niyo. Boyfie na yan ni Chel at akin naman yung katabi nun." natatawang sabi ni Sy. Di yan papaagaw. Inaangkin na niya kahit di naman alam nung taong inaangkin niya na sa kanya na yung taong yun.



"Totoong boyfriend mo to?" gulat na tanong ni Diane,



"Sana hehe, choss lang. Ka-in-a-relationship ko lang siya sa facebook pero hindi kami. Ano... ahmn... trip trip lang yan namin. Oo.. trip trip lang yan. Hehe." Di ako magkandaugaga sa pag-eexplain eh. "RelationTRIP." mahina kong sabi.



Nakakahiya eh. Pero di ko naman kinakahiya si boyfie. Di ko kinahihiya na ka-in-a-relationship ko siya. Wahh! Basta yun na yun.



"In-accept niya?" gulat pa rin na tanong niya Diane.



"Oo. Pinag-usapan nga eh," sagot ko.



"Buti pumayag," Diane



Ay! Ouch naman! Ganun ba ako kapangit para hindi siya pumayag?



Ganun ba kaimposibleng magustuhan ako nun?



Well he's too handsome for me. Ordinary lang naman kasi ang pez ko. Hindi ako yung napapansin agad kapag nakasalubong kasi hindi naman talaga ako kapansin-pansin.



"Andyan na pala Prof namin. Sige!" nasabi ko nung makita ko yung Prof namin. Buti nalang at dumating yung prof na yun. Save by the Prof. Hehe "ui Sy. Tara na!" iniwan ko na si Sy. Ang tagal tumayo sa pagkakaupo niya eh.



-------------------------------------------------------------------------------------------



Sa bahay*



Time na para magfacebook. Maya na ako mag-aaral after neto.



Log-in



13 notification 



Favorite number ko pa hehe.



*click



Sy commented on her status
Sy commented on your status
Sy liked your comments on her status
Sy liked your status
Sy, Tanya and other 2 friends like your status




Wag na kayong magtaka kung bakit puro si Sy ang nasa notification ko. Di kasi kami maubos-ubosan ng pinagkukwentuhan kaya hanggang facebook nagdadaldalan kami. Haha! Ewan ko ba.



Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa sa notification. Wala akong game request dahil ini-off ko yun lahat.



Drew commented on his photo



Omo! Omo! Sumagot na sa comment ko si boyfie.



Kinlick ko agad yun. Hindi ko na pinansin yung ibang notification sakin.


[picture]

me: sino yung katabi mo?
Drew: alin dyan? Si TJ? Type mo?
24 minutes ago



Wahh! Sayang! Di ko siya naabutang online. Dapat pala kanina pa ako nagfacebook.



Gusto kong magwala dahil hindi ko siya naabutang online. Oo, alam kong OA na ampeg ko pero OA lang talaga ako kapag siya ang pinag-uusapan.


Nanghihinayang talaga ako. Hay naku! Lagi ko nalang syang hindi naabutang online.



Nag-type na ako ng isasagot ko kay boyfie.



Chelsea: di ah! Kaw ang type ko eh. Wala ng iba. Pinapatanong lang nung friend ko. Type nya kasi.



Yiy! kinikilig ako. wew! Dati hindi naman. Kahit magkatext kami lagi.





----flashback----



I was broken at that time. My first boyfiend and I broke-up and I am moving on. Tama na pagpapakatanga ko dun sa ex kong yun. Mahal ko pa naman ang sarili ko.



Nakakatext ko pa rin si Janiel kahit hindi kami nagkikita. Hindi na rin namin napag-usapan yung kuya nya. Nakalimutan ko na nga yung kuya niyang yun at hindi ko rin naman kasi alam ang pangalan nun.



Minsan lang naman kasi kaming nagkakatext. Di niya ako natatagalang katext dahil ang ikli ko daw magreply. Kaya okay lang kahit di siya nagrereply dahil alam kong nakakatamad akong katext.



I have this reporting about ion, suicidal, drug addict etc. Group project siya for finals.



Me and Janine ang partner sa suicidal and ion kaya para mapadali ay nag-group message ako sa lahat ng nakaphonebook sakin baka sakaling may makatulong.



Hello? Need some help. Sino may kakilalang nakapag-attempt na magsuicide?
Need lang namin mag-interview.
Textbck sa may kakilala.
Salamat
Gm.chelsea




Sana may pumansin sa gm ko. 



Beep



Buti may nagreply.



Aa: wala akong kakilala eh.



Tss! Sana di nalang siya sa nagreply sa group message ko. Wala naman pala eh.



Beep



Another text. Sana matino.



Bb: ako! hehe. Juk lang.



Hay naku! Seryoso ako. Hindi ko nalang sila nireplyan.



Beep



Nitatamad akong basahin yung text at baka wala na namang kwenta kaya inilagay ko nalang sa bag ko yung cellphone ko.



"Text nalang kita, Ja kapag may alam na ako ha?" paalam ko kay Janine at umalis na ako. Uwian na namin eh.



Nang makauwi na ako ay tiningnan ko na ang cellphone ko para magfacebook.



1 message received



May text nga pala.



Janiel: ako pink.



Napakunot-noo ako. Hindi ko gets yung text nya.



Me: ano yun?



Janiel: pwede akong interviewhin. Suicidal ako eh. Hehe



Nagulat ako sa text niya. Two years ko na rin siyang kakilala pero ngayon ko lang yun nalaman. Nagreply ako agad ng mabasa ko yun.



Me: talaga pink? Hala! Buti hindi ka pa natutuluyan.



I'm just kidding when I texted that. Pampa-easy lang sa usapan. Ibang klase din pala tong si Pink. Ang tapang para magtangka sa buhay niya. Ako kasi, sa turok pa lang ng karayom natatakot na ako ng bongga eh.



Janiel: yeah. Ayaw matuluyan eh. Hehe



Me: cge .. kelan ka free? Saturday?



Janiel: sure





-------------------------------------------------------------------------------------



Magkikita na kami ngayon sa isa sa mga Mall.



Natapos ang interview na maayos at marami pa akong nalaman about sa kanya.



"Hindi ba, Pink sasamahan mo pa kami kung saan pwede kaming makapag-interview naman ng e?" tanong ko sa kanya. Pink ang call sign namin.



"Oo. Tara. Sakay na tayo ng jeep." Janiel



Sumakay na kami ng jeep. At dahil malapit ng mag-seven kaya may bukas ng bar. Pumara na kami sa jeep ng makita namin yung mga nakahilerang mga KTV bar.



Nang bumaba kami ay nagkakahiyaan pa kami kung sino sa amin ni Janine ang magtatanong kung sino ang pwedeng ma-interview.



"Ja, Ikaw na magtanong. Nahihiya ako eh," Sabi ko kay Janine.



"Nahihiya din ako eh," sabi naman ni Janine.



"Pink, pwede bang intay ka lang ng konti?" nakaupo lang kasi siya dun sa may Angels burger sa may tapat ng mga KTV bar. Nakakahiya naman kasi kay Janiel kung pinaghihintay namin siya.



"Okay lang," nakangiting sabi ni Janiel.



Dahil matagal na kaming nakatayo dun sa harap ng bar ay lumapit na rin kami ni Janine dun sa babaeng andun at okay lang naman pala sa kanila na magpa-interview. Pero hindi yung mga bata kung hindi mga nasa thirty's na yung na interview namin. Ayaw nung mga kasing edadan namin eh, nahihiya.



"Pink. Salamat ha?" pasasalamat ko kay Janiel.



"Okay. Uwi na tayo?" tanong naman ni Janiel.



"Oo. Hehe. Salamat talaga."



Ngumiti lang si Janiel sakin.



"Ui Janiel, may kapatid ka bang lalaki?" tanong naman ni Janine kay Janiel.



Natawa naman ako sa tanong ni Janine. Naghahanap siya ng lalaki. Haha!



"Meron. Bakit?" Nagtataka namang tanong ni Janiel.



"Pakilala mo naman ako." Janine



"Kay Pink na yun eh." Janiel.



Nagulat ako sa sagot ni Janiel kay Janine. Hindi ko ineexpect na naaalala niya pa yun. Napangiti ako.



"Akin na nga yun Ja. Hehe. Iba nalang sayo haha." Biro ko kay Ja.




"Ay. Okay."



--endofflashback---






Napapangiti talaga ako kapag naalala ko yun. Hehe. Kahit kasi hindi ko pa nakikilala yung kapatid niya ay alam ni Janiel na sakin na yun. Sana alam din niya na sakin na siya.



Kaya dapat di siya magjowa. Haha!



Binasa ko ulit yung icocoment ko.



Chelsea: di ah! Kaw ang type ko eh. Wala ng iba. Pinapatanong lang nung friend ko. Type nya kasi.



Nanlaki ang mata ko. Tsk! Muntik na. buti nalang at binasa ko ulit bago ko iclick yung post Dinelete ko yung una kong tinype and started to type again.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3