TRIP 10

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HIS POV]

 

Kinuha ko yung cellphone na nasa bulsa ko ng maalala ko na baka nagtext na sakin yung magaling kong kapatid na taga-ubos ng allowance ko.

 

“pink?” nagtaka ako sa nakuha kong cellphone sa bulsa ko dahil pink ang theme nun.

 

Oo nga pala. May nakabunggo ako kanina at dali dali niyang binigay sakin tong cellphone. Ako naman tong sabay tanggap without looking kung sakin nga ba talaga yung cellphone na nabigay.

 

Iniunlock ko yung cellphone at tiningnan. Nacurious lang naman ako ng maalala ko na sa bawal nga palang makialam ng cellphone ng may cellphone baka may itinatagong dapat itago dito yung babaeng nakabunggo ko.

 

Lalo naman daw akong nacurious. But anyway, hindi ko nalang itinuloy ang pangangalikot sa cellphone.

 

I started typing my number para tawagan using this cellphone.

 

Calling Mark Andrew Yoshida...

 

Nagtaka ako dun sa nabasa ko dahil buong pangalan ko talaga yung nag-appear.

 

Knows ko ba yung babaeng nakabunggo ko kanina o baka isa sa mga fans ko? pero ang alam nung mga fans ko is Drew Yoshida lang not Mark Andrew.

 

Nakakapagtaka dahil kung kakilala ko o isa sa mga fans ko ay siguradong papansinin nila ako at kakausapin. Lalo na kung isa sa mga fans ko.

 

“ahh!!” may naisip ako. Di ko muna tatawagan ang cellphone ko at titingnan ko lang kung kanino tong cellphone na hawak ko.

 

Pumunta ako sa inbox at ang daming message.

 

“good morning. Have a nice day. Gm.” Message 1

 

 “ingat-ingat sa may lakad.gm.” message 2

 

“kamusta kayo? Gm.” Message 3

 

Puro group message naman ang nababasa ko. Wala ba siyang nakakatext? Pero ang dami namang mga message. Tinatamad siguro tong magdelete ng mga mensahe.

 

Dahil tinatamad na akong magbasa ng message dahil puro group message naman ay sa photo section nalang ako pumunta. Kung isa siya sa mga fans ko siguradong di ko matatandaan pero malay natin maalala ko.

 

“eh?” puro picture naman ng bata yung nakita ko.

 

Hayy! Wala manlang identity kung kanino tong cellphone. Tawagan ko na nga lang ulit ang cellphone ko baka sakalin sagutin na niya.

 

First attempt sa pagdial pero di pa rin sinasagot.

 

Second attempt. Wala pa rin.

 

Puntahan ko na nga lang muna yung kapatid ko at baka malagot ako dun kapag wala pa ako dun parang dragon kasi yung magalit.

 

Ibinulsa ko na lang ulit yung cellphone at naglakad na papuntang shop kung saan ko iniwan si Janiel.

 

Nang makapasok na ako ay nakita ko si Janiel na nakaupo dun sa isa mga upuan sa loob ng shop habang sinesway ang kanyang paa. Hindi muna ako nagpakita sa kanya.

 

Nakita kong nakasimangot siya habang nakatingin sa cellphone niya.

 

Haha! ang cute talaga ng kapatid kong ito parang batang nawawala o batang nag-iintay lang ng mommy dahil sinabihan na babalikan siya.

 

“asan na ba yung lokong yun! Lagot yun sakin mamaya pagdating niya.” Narinig kong sinabi ni Janiel. Inis na inis na siya. She’s not calling me Kuya. Loko tawag niya sakin ever since. Napakagalang na kapaitd noh?

 

Umupo ako sa tabi niya.

 

“tapos ka na?” malumanay kong tanong habang nakangiti sa kanya.

 

Tumingin siya sakin ng pagalit. “kanina pa ahh! F.Y.I. mag-iisang oras na kitang tenetext. Tinawagan pa kita once pero hindi mo sinasagot! Saang lupalop ka ba ng mall pumunta ha? Wala ka bang cellphone ha? Ipamigay mo na nga yang cellphone mo walang pakinabang.”

 

“hinga ka muna.” Biro ko sa kanya dahil para siyang hindi humihinga habang nagsasalita kanina. hindi ko pinansin yung inis niya. I used to it already.

 

“tse! Bayaran mo na lahat yan. Kasalanan mo yan kaya dumami yang napili ko.” Tinuro niya sakin yung nasa tabi niyang upuan sa right. Nasa left ako.

 

“ang dami naman niyan! Mamumulubi talaga ko sayo. Tsk!” sabi ko at kinuha ko na yung damit para ibigay dun sa isa sa mga sales lady.

 

“kasalanan mo yan! Wag kang magbabawas kahit isa lang diyan ha? Bilang ko yan!”  banta niya pa sakin.

 

“sinabi ko bang babawasan ko?”

 

 “sinasabi ko lang. knowing you.”

 

“tsk! Tsk! Ubos ang padala sakin ng ama kong Yakusa.” Japanese kasi yung ama kung yun. Hindi kami magkapatid sa ama ni Janiel. “sige magbabayad lang ako.”

 

 

 

-----

“may bibilhin ka pa ba?” tanong ko sa kanya. Ginamit ko nalang yung credit card ko kanina at baka maubos allowance ko kung yun ang ibabayad ko.

 

“make-up.”

 

“wag ka ng magmake-up.” Okay naman ang ang itsura niya kahit walang make-up.

 

“alam ko! Pero kailangan ko pa rin yun.”

  

“tsk! Sige na! saan ka ba bibili?”

 

May tinuro lang siya na shop.

 

“balikan nalang kita ha?”

  

“na naman?”

 

“may kailangan lang akong tawagan.” Naalala ko na yung cellphone ko.

 

“bilisan mo!”

 

“yes boss!”

 

Tumalikod na ako kay Janiel habang napapailing. Kababaing tao, nakakatakot. Buti hindi siya hinihiwalayan ng boyfriend niya. Dinaig pa ako nung kapatid kong yun. Wala akong girlfriend eh.

 

Pumunta ako kung saan ko siya nakabunggo nagbabakasakaling napansin niya na na iba ang cellphone na nakuha niya kaso wala dun babaeng na nakasuot katulad nung nakabunggo ko kanina.

 

Tinawagan ko nalang siya ulit using her phone.

 

Dial lang ako ng dial.

 

-hello?

  

“finally! I’ve been calling my cellphone for so many times.”  Sabi ko kahit tatlong beses palang naman akong nag-attempt na tawagan siya. Pero  salamat naman na rin at sinagot na niya yung call ko.

 

Nag-hintay ako na sumagot siya pero ang ingay sa kabilang line. Parang nag-uusap pa ata sila ng kasama niya.

 

 “hello?” tawag ko ulit para maalala niya na may kausap pa siya.

 

-ah-eh? Di k-ko alam na ikaw po yung tumatawag pero hinahanap ka po namin. Di ko kasi napansin na nagkapalit tayo ng cellphone. Sorry.

 

haha! it’s okay. Punta ka nalang dito kung saan tayo nagkabunggo. I’ll wait for you.” Parang bata yung kausap ko. Ang liit ng boses. Tapos pinopo pa ako. kaya natuwa ako. siya lang nagpopo sakin. Kahit mga bata hindi ako pinopo.

 

-. . .

 

 “hello?”sabi ko dahil hindi na naman sumagot yung babae.

 

-ha-eh? Opo. Sige po.

 

 

inend ko na yung call.

 

 

Nakapamulsa lang ako habang nag-iintay ng babaeng lalapit sakin. Napangiti ako. para kasing makikipag-eyeball ako sa lagay na to eh. Hindi ko naman yun gawain dahil puro kakilala ko lang naman ang tinetext ko.

 

 

“kuya may hinihintay ka?” tanong sakin nung babaeng ang kapal ng make-up. Mas maganda sa babae kapag wala masyadong nilalagay sa mukha.

 

 

“meron.” Maikli lang ang sagot ko dahil hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kakilala.

 

 

“ay kuya katextmate? Kaw ba si Mr. P? Ako po si Supaldita.” Ang laki ng pagkakangiti nung babae,

 

 

“I’m sorry pero hindi ako yung Mr. P. Whatsoever. I’m waiting for someone I knew.” Di ko napigilang sabihin. Pagkamalan ba? Mukha ba akong pumapatol sa mga ganung set-up?

 

 

“ay Inglesero ang Kuya. Sorry.” Tumalikod na yung babae nang bigla siyang humarap ulit sakin. “kuya penge number mo. Textmate tayo.” Sabi niya habang pinapakita ang cellphone niya. Nakangiti siya sakin na. bakas na bakas sa mukha niya na makukuha niya ang number ko.

 

 

Umiling lang ako. hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil bumalik pa talaga yung babae para hingin yung number ko.

 

 

“ayy!” tumalikod na ng tuluyan yung babae at hinanap na siguro yung kakatagpuin niya.

 

 

Pinagtitinginan na ako ng mga grupo ng mga babaeng dumadaan sa harap ko. di ko nalang pinansin at tumungo na lang ako. I placed my right hand inside my pocket. Habang nag-iintay ay tinatop ko yung tip ng right feet ko sa floor. Ganito ako kapag may iniintay lalo na kapag naiinip na ako.

 

 

“excuse me?”

 

 

Tumingin ako dun sa babaeng nasa harapan ko. she’s wearing maong pants ang yellow raffles  blouse.

 

 

“ano..” nahihiya pa yung babaeng magsalita. Ako naman nag-iintay lang ng sasabihin.

 

 

“yes?” nagtanong na ako. ang likot ng mga mata nung babae. Kung saan saan tumitingin. Halatang nahihiya siya.

 

 

“oh?” inilhad niya sakin yung kamay niya na may hawak na cellphone.

 

 

Nakatingin lang ako sa kamay niya na may hawak na cellphone habang nakakunot ang noo.

 

 

“ano kasi kuya. Ano. Ahmm..” napakamot sa ulo yung babae sa harap ko. “aist!”

 

 

Hinihintay ko lang siyang magsalita.

 

 

“tss! Dapat di na ako pumayag. Chelsea kasi.” Narinig kong bulong nung babae. Tumingin na sakin ng tuwid yung babae at nag-smile.

 

 

Nag-smile na rin ako para masabi na niya yung dapat sasabihin niya.

 

 

ako po nagsauli ng phone mo dahil nahihiya yung kaibigan ko na ibigay sayo. Di niya po alam na nagkapalit kayo. Sorry daw po.”  Sabi niya. “lagot ka talaga sakin mamaya Chelsea.” Bulong pa niya.

 

 

“ahh! Nagtataka ako kung bakit ikaw yung nagbigay. Nahihiya pala siya. Don’t worry, sabihin mo okay lang. Naisauli naman eh.” Nakangiti kong sagot.

 

 

“hehe. Oo kuya! Disgrasyada yung babaeng yun eh. Kung sino sino nabubunggo. Buti nalang at ikaw yun bunggo niya.”

 

 

Nagtaka ako sa sinabi niya. Yung word na buti nalang at ikaw yung nabunggo niya “bakit?”

 

 

“madalas po kasing madisgrasya yung nabubunggo niya. Buti nalang at cellphone mo lang po yung nahulog at hindi ikaw yung nasaktan.”

 

 

“wag mo na akong po-in.” Feeling ko ang tanda tanda ko na kapag pinopo ako.

 

 

“ayy! Sorry. Hehe. But anyway. Thank you for understanding.”

 

 

Ngumiti ako at kinuha ko na yung cellphone sa kamay niya. Tapos kinuha ko naman yung cellphone sa bulsa ko at binigay sa kanya.

 

 

“pakisabi sa kaibigan mo. Nagamit ko ang load niyan pantawag sa cellphone niya. Wala akong magamit na ibang pantawag eh.”

 

 

“ay okay lang yun. Inaamag na nga load niya dahil hindi niya ginagamit. Tamad kasi yung babaeng yung makipagtext pero ang sipag niyang mag group message. Pili lang nun yung nirereplyan niya.”

 

 

Natawa ako sa sinabi niya. Kaya pala puro group message yung nasa inbox nung cellphone niya. “oo pala. Asan yung friend mo?”

 

 

“andun po oh?” tinuro niya yung direction sa likod ko. “nagtatago lang po yun. Nahihiya kasi.”

 

 

“ahh okay. Okay. “ hinanap ko yung babaeng nakabunggo ko pero ang galing magtago.

 

 

“sige Kuya. Thank you.” Tumalikod na yung babae. Kaya naglakad na rin ako pabalik dun sa shop kung saan ko iniwan si Janiel.

 

 

“Kuya!”

 

 

Napalingon ako dun sa babae ulit. Sumigaw kasi yun. Actually hindi lang ako yung napalingon sa kanya. Sumigaw ba naman sa loob ng mall.

 

 

“Daisy po pala ang pangalan ko. ikaw po?” sigaw niya pa.

 

 

“Drew.” Sagot ko naman. Kahit kanino talaga Drew lang ang pagpapakilala ko.

 

 

Ngumiti siya. Nagbabye lang sakin yung babae na nagpakilalang Daisy. Parang kanina lang naiilang siyang kausapin ako tapos naging at easy na agad siya pagkatapos kong sabihin na okay lang lahat. Natakot rin siguro siya na magalit ako dahil nagkapalit ng cellphone.

 

 

Nakakatakot naman daw talaga ako kapag seryoso ang face.

 

 

 

 

 

----

 

 

“di ka pa tapos?” tanong ko kay Janiel. Gusto ko ng umuwi. Hindi na ako nag-eenjoy dahil dumarami ng utang ko ng dahil sa kasama ko.

 

 

“wait.” Walang anumang sabi niya habang busy sa pagpili kung anong lipstick ang pipiliin niya.

 

 

Lumabas nalang muna ako ng shop at tiningnan ko ang cellphone ko.

 

 

Tiningnan ko yung Log ng mga calls.

 

 

Received calls

Chelsea

 

Missed calls

Chelsea

0915*******

 

 

*flashback

 

“tss! Dapat di na ako pumayag. Chelsea kasi.” Narinig kong bulong nung babae. Tumingin na sakin ng tuwid yung babae at nag-smile.

 

*endof Flashback

 

 

Tama! Sabi na nga ba at kakilala ko yung may ari nung cellphone eh. Si Chelsea pala yun. Yung friend ni Janiel. Di niya siguro ako nakilala kaya hindi siya ang humarap sakin.

 

 

Sabagay,  hindi pa naman kami nagkikita nun .Tinatanggihan ba naman ako kapag niyaya ko siya. Siya lang ang tumatanggi sakin eh. Ang gwapo ko naman para tanggihan lang.

 

 

 Actually two time na niya na akong tinanggihan. Ewan ko lang kung aware siya dun sa first. Hindi kasi siya nagreply nun eh.

 

 

Kaya yun, nahiya na ako na yayain siya.

 

 

-------

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3