TRIP 4

RelationTRIP turn to RelationSHIP??

[HER POV]

 

Facebook conversation.

Chelsea: sino yang katabi mo?

Mark Andrew:  alin ba? Si  TJ ba? Type mo?

Chelsea: di ah! Pinapatanung lang nung friend ko.

Mark Andrew: haha! sabihin mo dun sa friend mo na ako nalang.

 

Napasimangot ako sa nabasa ko. Hindi ko man siya natyetyempuhang online okay na rin to. Atleast sumasagot siya mga message ko sa facebook niya.

 

Pero bakit naman ganyan mababasa ko? Hindi siya pwede!

 

Sakin na siya eh!

 

Anebeyen!

 

Kasi naman. Hindi ko siya pwedeng ipamigay kahit kanino dahil akin lang siya.

 

Sakin nga siya naka-in-a-relationship eh. Musta naman yun?

 

Ang haba haba na tuloy ng nguso ko dahil sa nabasa ko. Hay naku naman oh!

 

Nagreply na ako sa comment niya.

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------

At school**

 

“Sa kanya ka nalang daw,” mataray kong bungad kay Sy ng makita ko siya na nakaupo sa may tapat ng classroom namin mamaya.

 

“Ha?” clueless siya kung anong pinagsasabi ko. Bungaran ko daw ba ng ganun.

 

“Nagreply siya, sabi ni Boyfie sa kanya ka nalang daw. Wag nalang daw kay TJ,” nakasimangot kong sabi.

 

“Sige akin nalang siya.” Tumatawa pa ang loka. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako ng bonggang bongga, kahit biro lang yun?

 

“Tss! Sayo nalang? Si TJ gusto mo di ba? Tsaka akin lang siya noh?” pagtataray ko sa kanya.

 

“Alam niya bang sayo lang siya?” nakangising tanong niya.

 

“Yun lang.” napatungo ako. Hindi naman niya alam, so papaano na kaya kapag nagkaroon siya ng totoong girlfriend who is near to him. Ang layo layo ko naman kasi sa kanya eh. Kung pwede lang lumipat ng school. Kaso di ko afford yung  school nila. Mahal ng tuition dun compared dito sa school ko ay token lang ang binabayaran kaya keri pa ni Mader.

 

Tumawa na naman si Sy. “Don’t worry Chelsea. Hindi ko gusto yang boyfie mo. Ayoko na mas maganda pa sakin ang boyfie ko.”

 

“Mukha ba talaga siyang babae?” hindi kasi ako marunong tumingin kung mukhang babae ang isang lalaki eh.

 

“Oo kaya. Mas gusto ko pa rin si TJ. Mas mukhang lalaki. Kapag minake-upan natin yun magmumukha pa siyang babae satin eh.”

 

“Baka magmukha lang akong katulong kapag kasama siya ahh.” Pero Malabo naman kaming magkasama nun eh. Maganda na ako kapag nangyari yun.

 

“Hahaha! Oo nga. Kaya dapat iba nalang magustuhan mo. Dami diyan eh. Tingin tingin din sa paligid.”

 

Napaismid ako sa narinig ko kay Sy, “ayoko nga. Siya lang ang gusto ko eh. Ayoko sa iba.”

 

“Kapag nagka-girlfriend yang boyfie mo baka ma-ouch ka lang ng bongga.”

 

“Hindi siya magkakagirlfriend. Busy person kaya siya. Kung magka-girlfriend man baka magbreak din agad dahil hindi maiintindihan ng girlfriend niya ang pagiging busy ni boyfie.”

 

“Eh kaw maiintindihan mo ba?”

 

“Oo naman. Understanding kaya ako.”

 

“Iba na yan.”

 

Nagsmile nalang ako kahit napapaisip na talaga ako.

 

Paano nga kung magka-girfriend na siya?

 

 ------------------------------------------------------------------------------------------------

Uwian time**

 

“Oo pala. Nagsesearch ako ng facebook ni TJ wala akong makita.” Sy.

 

“Sige hahanapin ko rin mamaya. Sa mga friends ni boyfie? Hinanap mo?”

 

“Oo, kaso nakaprivate naman mga friends niya eh.”

 

“Ganun?”

 

“Mahilig pala sa pink si boyfie mo.”

 

Napatingin ako kay Sy, “paano mo nalaman?” hindi ko kasi alam.

 

“Nakita ko sa mga pictures niya. Naghahanap nga kasi ako ng pictures ni TJ kaya dun ako naghanap sa profile ni boyfie mo.”

 

“Ahh! Hindi ko kasi tinitingnan mga pictures niya eh. Hindi ko rin naman vinivisite profile niya.” Okay na kasi sakin na ka-in-a-relationship ko siya.

 

“Tingnan mo. Oo pala., ang dami naman facebook ni boyfie mo?”

 

“Eh?” napa-isip ako. “Paano mangyayari yun eh di naman yun marunong magfacebook at tsaka tamad kaya yun.” pagtatataka ko. Mamaya titingnan ko. Sana maalala ko na titingnan ko.

 

“Hindi ko alam. Kapag kasi tinatayp ko sa search bar yung pangalan niya ang daming lumalabas eh.”

 

“Di nga?” niloloko lang ba ako ni boyfie na wala siyang facebook? Is he making fun of me dahil madali akong maniwala?

 

------------------------------------------------------------------------------------------

 

Gabi na, time na for facebook. Eleven or twelve midnight kasi ako nagfefacebook eh. Konti lang nakaonline kapag ganito. Oo pala, may laptop na akong ginagamit kaya mas madali na saking man-stalk ng profile. Nakakalimutan ko lang talagang mang-stalk.

 

Nang makalog-in na ako ay pumunta na agad ako sa profile ko. Tinitigan ko lang muna ng konting seconds yung profile ko.

 

Ang ganda lang kasing tingnan na naka-in-a-relationship ako kay Mark Andrew. Pero mas maganda sana kung totoong kami.

 

Yung tipong magpapalitan kami ng  mga i love you sa isa’t-isa.

 

Yung wanto sawa kaming magkakatext.

 

Kaso hindi naman yung mangyayari at tsaka parang malabo pa sa putikan na maging kami.

 

Possible niya kaya akong magustuhan kahit hindi naman ako kagandahan? Hindi rin naman ako pangit. I am just like an ordinary person. Maliit pa ako tapos siya ang tangkad niya pero di ba ang maliliit na babae ay para sa matatangkad na lalaki?

 

 

----flashback----

 

It was Thursday evening, Advance Accounting 2 namin ngayon at ang prof namin ay yung crush namin ni Sy na Professor. Cute niya kasi. Hoho! tsaka kakapasa pa lang niya sa board exam.

 

Tsaka hindi nagkakalayo edad namin. Siguro mga three to four years lang tanda nun samin. Cute niya talaga. Akala ko nga dati nung first meeting namin dito sa AdvAc namin ay classmate lang namin siya, Professor pala.

 

Ayan tuloy, kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya about sa lecture namin ay nakatingin lang ako sa kanya.

 

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa may bulsa ko.

 

Kinuha ko yun at palihim na tinignan ang nagtext. 

 

Janiel: Pink, gusto mong makatext si loko?

 

Yung loko na tinutukoy niya is yung kapatid niya. Naexcite naman ako sa nabasa ko. Nagreply naman ako agad.

 

Me: sure pink.

 

Janiel: sige. Bigay ko muna sa kanya tong cellphone ko.

 

Me: sige sige

 

Konting minute lang inintay ko at nagtext na siya. May klase nga pala sa unahan habang busy ako sa pagtetext muntik ko ng makalimutan.

 

Janiel: hello!

 

Me: hi naman!

 

Hahabaan ko ang reply ko para kahit papano ganahan siyang makipagtext sakin.

 

Janiel: anong pangalan mo?

 

Me: Chelsea. Kaw?

 

Janiel: Mark Andrew.

 

Simula na yun ng pagiging magkatext namin. Wala siyang cellphone kaya hinihiram niya lang yung cellphone ni Pink kapag nakakatext ko siya. Hindi daw kasi mahilig magcellphone yung isang yun. Kahit facebook wala rin.

 

Days passed**

 

Beep*

 

Janiel: alam mo pink lagi ng tinitingnan ni loko yung cellphone ko magmula ng nakatext ka niya.

 

Napangiti naman ako dun sa text niya. May patutunguhan kaya kami nung loko na yun? Wala pa naman akog boyfriend ngayon. Hahaha at gwapo pa naman daw yung Mark Andrew na yun sabi nung kapatid niya.

 

Me: talaga? Wow naman. Pero pink baka nababasa niya mga giem ko? Eh puro kalandian pa naman yung iba sa giem ko.

 

Janiel: haha! don’t wori iniba ko pangalan mo.

 

Me: good. Hehe

 

Kasi naman kapag nakakakita ako ng gwapo o kaya kapag nakikita ko yung crush ko todo giem (group message) ako. Yung tipong sobrang shinishare ang kiligness na nararamdaman ko.

 

Simula na yun ng pagiging magkatext namin ni Mark Andrew.

 

----endOfFlashback----

 

Hindi ko talaga makalimutan yung time na nakatext ko siya at nakilala. Hindi man sa personal, pero atleast we know that we exist.

 

Oo nga pala, sabi ni Sy andami daw facebook ni boyfie.

 

Tinayp ko na sa search bar yung pangalan niya at ang dami nga.

 

Hala! Bakit nga ang dami ng facebook nya?

 

Jinojoke lang niya ba ako nung sinabi niyang wala siyang facebook?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kkeuchi
#1
<3