Anong Nangyari kay Angry Bird?

Wish Upon a Star
Chapter 19
 
 
Suho: Powie, matagal ka pa ba sa CR?
 
 
 
 
 
Isa ko pang problema.
 
 
 
 
 
 
Hindi nila pwedeng makita yung pads ko.
 
 
 
 
 
DROP THAT LIFE.
 
 
 
 
 
Ako: H-hyung, mianhae. *hawak sa puson*
Suho: Okay ka lang ba? Nanghihina ka ata.
Ako: Okay lang, hyung. *weak*
 
Pumunta ako agad sa la cocina para kumuha ng mainit na tubig at bote. Alternative yun pag may dysmenorrhea. Pero sana may mefenamic acid ako para mas mabilis.
 
Humiga ako agad sa kwarto at nagkulong. Tinago ko pa yung shorts ko na may mantsa. Buti nalang aalis silang lahat for another photoshoot. Ewan ko lang kung saan. As usual, forever alone na naman ako.
 
Nilalagay ko sa puson ko yung bote para di malamigan. Naiiyak ako sa sakit talaga. At 3-5 days pa itey. Nyeta lang. Pucha.
 
Ako: Aray... Ahhh.. Ang init!
 
Napapaso ako ng onti sa hot water pero kailangang tiisin. And what's worse is..
 
Kris: What the ..
Ako: *hides* ANONG GINAGAWA MO DITO?!
Kris: Iniwan mong bukas ang pinto at naririnig kitang umuungol. By any chance, are you.. Pleasuring yourself?
 
Ako: PUTA HINDI! *shows the bottle* Di ko ginagawa yun!
Kris: Oh relax. Nagtatanong lang.
Ako: Akala ko ba may photoshoot kayo?
Kris: Di ako sumama. Masakit ulo ko.
Ako: Ah.
Kris: Para saan yang bote?
Ako: Alternative sa hot compress.
Kris: Bakit?
Ako: Uhm. Meron ako.
Kris: Aww. Meron akong hot and cold compress dun. Gusto mong hiramin?
Ako: Who are you and what did you do to Kris Wu?
Kris: Sira, ako pa rin 'to.
Ako: *hawak sa puson* Putangina ang sakit. *sobs*
Kris: Gusto mo hilutin ko?
Ako: H-hindi. Diba sabi mo, di mo na ko papakelaman..
 
Mas lalong humapdi yung puson ko. I was already holding my blanket tightly.
 
Kris: Hindi kita matiiis, okay? Kaya wag ka nang choosy pa.
 
Medyo nakakahiya man, pero tinaas ko ng onti yung shirt ko at binaba yung shorts ko. He was making hilot to me that time walang malisya.
 
Kris: Ang hirap maging babae no?
Ako: Oo. Sobra. Sana naging lalaki nalang ako. At least pag na-circumsized na kayo, tapos na.
Kris: Kung naging lalaki ka eh di hindi pwedeng.. [mahalin kita..]
Ako: Di pwede ang alin?
Kris: Wala. Ano, masakit pa rin?
Ako: *weak* Medyo.
Kris: Ano bang usually na ginagawa mo para mawala?
Ako: Dinadaan ko sa tulog muna. Tapos kumakain ako para makainom ng mefenamic acid. Tapos naglalagay ng herbal medicine sa puson ko.
Kris: Di ba masama pag umiinom ng gamot?
Ako: Hindi naman. Pero kasi, di ko na maendure eh.
 
Niyakap ako ng mahigpit ni Kris at binigyan ako ng jacket. I blushed and held him as well.
 
Kris: Ayan. Para di ka malamigan.
Ako: Gomawo, oppa.
Kris: Hyung dapat, diba?
Ako: Wala namang makakarinig kundi ikaw.
Kris: Sabagay.
Ako: Galit ka pa rin ba sakin, oppa? Sorry na oh.
Kris: Maka-oppa naman 'to, wagas. Hindi na ko galit.
Ako: Hindi na ko manonood ng .
Kris: Di naman maiiwasan yun pero, bias mo kasi yun eh.
Ako: Basta, sorry na. Alam ko namang may concern ka lang sakin eh.
Kris: Meron talaga. [Kasi mahal kita.]
Ako: Kaya lang, nasaktan ako sa sinabi mo sakin na malandi ako. *frowns* 
Kris: Sorry na. Nadala lang ng emosyon.
Ako: Si Kai naman kasi yung lumalapit eh. Oppa, nanliligaw siya sakin.
Kris: Alam na ba niya?
Ako: *nods* M-mianhae.
Kris: Malakas kasing makahalata si Kai eh. Kaya nga gusto ko ikaw room mate ko eh. Diba gusto mo rin siya? Bakit di mo siya sagutin?
Ako: Ilang beses niya na ko sinabihan ng I love you, pero di ko magawang magsabing mahal ko rin siya. Kasi, feeling ko hindi pa love itong nararamdaman ko. And besides, 2 months lang ako dito. Malapit na kong umalis.
Kris: Sabagay. Pero kung sakaling mahalin mo siya, eh di sasagutin mo siya?
Ako: Hindi ko nga alam kung hahantong pa sa love 'to eh. Ayoko naman na mambasted eh di pa nanliligaw nun.
Kris: Ang caring mo rin eh, no?
Ako: Ganun talaga.
Kris: Gutom ka na ba?
Ako: Medyo.
Kris: Okay lang na ako magluto? Di ako kasing galing ni D.O.
Ako: Magiging choosy pa ba ko kung gutom ako? =))
 
May I pause for a moment and admire Kris Wu?
 
Nakapambahay lang siya. A long sleeved shirt and leggings pero grabe, he can pull off a runaway without trying too hard. Yung blonde hair niya, reminds me of an anime character. Siya ang live version.
 
He was the complete definition of perfection. Tall, white and handsome. The only problem is, he's not mine.
 
Oh my gosh napapa-English ako ng wala sa oras I can't explain what I feel I lost my mind Luhan Sehun Kris Tao Chen Kai Baekhyun Chanyeol D.O Suho get in sLay motion EXO manager Xiumin asdfghjkl.
 
Kris: Breakfast's ready. *wink*
 
Puta Kris. Wag. Medyo red day ako ngayon at hindi maganda na pinapaexcite mo ko ng di oras gago ka.
 
Ako: *blush* G-gomawo..
 
Ang lakas ng tibok ng puso ko. The way he gave me the plate na may bacon and eggs, .
 
Parang gusto nang sumabog ng puso ko sa kilig.
 
Bakit kakaiba ang aking nadarama?
 
Di makatulog sa gabi sa kaiisip. Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip, o bakit si Kris Wu ang siyang laging laman, ng isip ko?
 
Kris: Powie. Anong nangyayari sayo?
Ako: .....
Kris: Hoy!
Ako: O.O
 
Sobrang lutang ako nung mga oras na yun. I was like a paralyzed girl.
 
To make things worse, Kris moved closer, touched my face and kissed my lips.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
U-Know
#1
Chapter 31: nice! laugh trip ako dito
Nananono0408
#2
sa wakas!! isang tagalog story! makakapagtagalog na rin ako ditey ^_^
lushine
#3
update soon author