Pangarap Ko'y Ikaw

Wish Upon a Star
Chapter 1
 
This is it. Oh my gosh. Grabe, I can't explain what I feel. Ito na eh. Nalalapit na ko sa pangarap ko na makapunta ng Seoul. Paano ko napush itey? Well, syempre nagtiyaga ako na makaipon at since sembreak, pwedeng pwede akong magtagal sa bansang yun.
 
Thank God pinayagan ako ni umma na magtravel on my own sa Seoul tutal 18 na ko at independent akong tao at thank God may isang tao dun na kaclose ko. Si Ate Jasmin. Matagal na siya sa Seoul at willing siyang patuluyin ako. So bale pagkain nalang at kung ano pang keme poproblemahin ko.
 
Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan o hanggang saan ang mararating ko. Basta, ang mahalaga sa'kin, makita ang Super Junior at EXO lalo na ang mga bias ko.
 
Parang ako si Christopher Columbus e no? Pero I took the risk. Eto na eh. Nakahanda na ko. Palalampasin ko ba ang pagkakataon?
 
Nasa NAIA na ko ngayon, hawak ang aking passport, plane ticket at VISA. Shet, goodluck naman sa akin.
 
Umupo muna ako sa lounge kung saan may free wifi at pwedeng magpahinga saglit o maghintay para sa boarding. Kinuha ko sa bag ang hinanda kong sisig with rice pati ang juice ko. Nagtitipid kasi ako, at mamimiss ko ang pagkaing Pinoy.
 
Nagtake ako ng selca, at nagupdate ng social networking sites pero saglit lang. Mahirap malowbat sa mga panahong ito lalo na I have to contact Ate Jasmin.
 
Nag-board na ko sa eroplano. Taray, Philippine Airlines. Namiss ko ring magtravel in fairness. Di bale, pag gumraduate ako at naging isang Registered Psychometrician at HR manager, lilibutin ko ang buong mundo.
 
Tapos magmamaster's degree ako para maging professor ako. Gusto kong iturong subject yung Industrial and Organization Psychology o kaya naman yung Management of Human Resources. Dati di ko kasi hilig ang workplace, pero habang tumatagal, napapamahal ako sa course ko.
 
Enough said. Basta yun ang pangarap ko at syempre ang maging writer. I've been writing stories since I was seven, and until now I enjoy doing do. It's my way of releasing my emotions din kasi eh. Ayun.
 
Bilang nagring ang cellphone ko during the last minute. It was Ate Jasmin.
 
Ako: Hello? *sinagot agad*
Ate Jasmin: Uy ___! Ingat sa byahe!
Ako: Unnie, in three to four hours, parating na ko diyan! I'm so excited!
 
Laking ngiti ko ng sinabi ko sa kanya. My wish is turning into a reality. Like omg.
 
Ate Jasmin: Oo nga eh! I can't wait. For sure, magiging worth it ang pagpunta mo dito!
Ako: Sana nga. Makita ko lang ang Super Junior at EXO, solve na. Haha. Maghahanda na ko ng maleta para iuwi sila. Sige, unnie! Lilipad na ang plane eh. Hasta Luego!
 
Pinatay ko na ang cellphone ko that time at tinignan ang view sa maliit na bintanang nasa tabi ko. So far, wala akong katabi. Until..
 
 
 
 
 
May isang gwapong lalaki who sat beside me right before my very eyes.
 
 
 
 
 
Oh my gosh.
 
 
 
 
 
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
 
 
 
 
 
Pati yung pulmonary veins ko, capillaries, cytoplasm at red blood cells kumekembot na.
 
 
 
 
Kalma. Kalma. Calm your ovaries girl.
 
 
 
 
At hindi lang basta gwapo yun..
 
 
 
 
 
 
It was my one true love..
 
 
 
 
 
 
 
San Marino Corned Tuna.
 
 
 
 
 
 
 
Hindi!! Siya... Siya lang naman ang lalaking sumisira ng obaryo ko...
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
U-Know
#1
Chapter 31: nice! laugh trip ako dito
Nananono0408
#2
sa wakas!! isang tagalog story! makakapagtagalog na rin ako ditey ^_^
lushine
#3
update soon author