Meet

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

Tinakbo ni Lisa at Rosé ang kahabaan ng school corridor ng Grade 11 building.

 

Pagkarating nila sa kanto ng Class E room, may mga naalala si Lisa. Kung tama ang natatandaan niya, last month lang nagpakita si Jennie sa Manoban family, at last month lang din siya nagtransfer dito. Pagkatransfer niya nakapasok siya sa Class A Grade 11 dahil sa mataas niyang entrance exam scores.

 

Simula ng pagkapasok niya sa bahay ng mga Manoban, marami na ang nangyari pagkatapos ng sampung araw.

 

Una, ang pang brainwash ni Jessi kay Lisa simula araw at gabi. Pinakilala niya ang nanay ni Jennie bilang isang tao na mahilig sa pera at mahilig manira ng pamilya. Pagkatapos niyan pinasok din niya sa utak ng panganay na parehong pareho si Jennie sa walang kwentang nanay niya. 

 

Ang pinapakitang ugali raw ni Jennie sa labas na mahinhin at inosente, ay para lang mas paboran siya ng tatay nila at sakanya ibigay ang kayamanan ng mga Manoban.

 

Dahil dito ang galit ni Lisa kay Jennie ay nagsimula sa 0% hanggang umabot na sa 20%.

 

Pangalawa, 'yung mga followers ni Lisa ay nagrereport sakanya tungkol sa mga chismis at ikinikilos ni Jennie sa campus. 

 

For example, pagkarating na pagkarating ni Jennie sa classroom ay sumipsip siya kaagad sa mga teachers at naging teacher's pet siya. Maraming lalaki ang nagaagawan sakanya, at dahil dito, maraming mga babae naman ang kinaseselosan siya. 

 

May chismis pa na may nagbreak na magjowa dahil sa kagandahan niya. May sabi-sabi rin na ikinikwento ni Jennie ang pambubully sakanya ng step-sister niya sa mga kaklase kaya gustong-gusto siya ng Class A, at kinamumuhian naman si Lisa.

 

Dahil diyan, naging 50% na ang galit ni Lisa kay Jennie.

 

Kinaumagahan ng kahapon, si Lisa na hindi pa reborn, ay nakita si Jennie na inabutan ng tubig at tuwalyang pamunas si Jungkook.

 

Si Jungkook 'yung crush ni Lisa! Base sa kinilos ni Jennie, napatunayan nga ni Lisa na tama ang sinabi ng mom, at mga chismis sa school tungkol sa pagiging malandi niya.

 

Sa oras na 'yun, dumaan si Lisa sa harapan ni Jennie. Napatigil ang nakababatang kapatid at binati siya gamit ang mahinhin niyang boses. "Ate..."

 

Si Lisa na umabot na ng 100% ang galit ay tumalikod at sinampal siya sa mukha. "Sino ka para tawagin akong ate? Kadiri!"

 

Kitang-kita mo sa mukha ni Jennie na hindi niya aakalaing gagawin 'yun ng 'ate' niya. Hindi pa siya nakakabalik sa realidad nang bigla niyang maramdaman ang tulak ni Lisa at napa-upo siya sa damuhan.

 

"Pinagkakalat mo na binubully kita? Sige kung 'yan ang gusto mo, ipapakita ko sa'yo kung ano ang totoong bullying!" 

 

Ang pinakamalalang ginawa ni Lisa kay Jennie dati ay lagyan ng caterpillar ang pencil case nito, pero simula ngayon mas lalala na ang mararanasan niya sa kapatid. Sa sobrang galit ni Lisa, inannounce niya sa mga taong nakapaligid sakanila. "Ipagkalat niyo 'to. Lahat ng kakausap at lalapit kay Jennie Kim ay humanda sa'kin. Si Jennie Kim ay target ko na. Lahat ng balak tumulong sakanya, isipin niyo muna sarili ninyo. Kaya niyo ba akong kalabanin?"

 

Pagkatapos sabihin ito ni Lisa, dumikit sa gilid niya ang kanyang mga followers at tinakot ang mga taong nakapaligid sakanila.

 

Tinignan lang ni Lisa si Jennie na parang basura at binulungan ang ibang followers niya. 

 

"Kayo na bahala kay Jennie simula ngayon." At tahimik siyang umalis.

 

*****

 

Binilisan ni Lisa ang pagtakbo niya at nahaluan na rin ito ng pagtalon sa hagdanan para lang maabutan si Jennie. Naalala niya ang huling bilin niya sa kanyang followers: "Kayo na bahala kay Jennie simula ngayon."  Napasapo na lang siya ng kanyang ulo at hiniling na sana mamatay ulit siya para mabalikan 'yung pangyayari.

 

Mukhang pinaglalaruan siya ng Diyos at talagang sa pangatlong araw ng start ng bullying ni Jennie siya binalik ulit.

 

Sa unang half ng first month, hate na talaga ni Lisa si Jennie, pero ang pinakamalalang ginawa niya dito ay sabihan lang ng sarcastic remarks ang babae. 

 

Pero dahil sinabihan niya ang kanyang followers na "Kayo na ang bahala." hindi niya maisip kung ano ang ginawa nila kay Jennie nang patago. Sa dulo ng lahat, kasalanan parin ni Lisa ang mangyayaring pambubully kay Jennie!

 

Ang kahinaan ng dating Lisa ay masyado niyang pinagkakatiwalaan ang mga tao sa paligid niya, hindi niya pinansin ang malalang bullying na naranasan ni Jennie mula sa kanyang followers.

 

Simula noong bata siya, mahilig siya manood ng mga action movies. Dahil dito mas gusto niyang harapin ang mga kalaban niya ng kamao sa kamao, kaysa maging sneaky o kaya pakitaan ng mga underhanded na bagay behind their back. Naniniwala siyang hindi niya ito style at mawawalan siya ng respeto sakanyang sarili.

 

Kaya kahit gaano pa kasama si Lisa, may prinsipyo parin siyang tao na mahilig makipag-away pero pinapaupo parin ang matatanda sa upuan sa bus.

 

Akala niya kilala na siya ng followers niya sa tagal ng pinagsamahan nila, at magegets nila kung paano siya mambully. Pero hindi niya aakalain na may masama sakanila na gustong mapahamak hindi lang si Jennie kung hindi si Lisa rin!

 

*****

 

Nakarating na ang dalawa sa kanto papuntang women's restroom. Didiretso na sana si Rosé pero biglang tumama ang kanyang mukha sa likod ni Lisa, na biglaang tumigil.

 

"Rosé pakihanap si ma'am Kukulang." 

 

"Sorry boss hindi ko sinasadya." Nag sorry si Rosé sa pagkakatama niya sa likod ni Lisa. Pagkatapos ay tinanong niya ang boss niya. "Paano mo alam na nandito pa si ma'am Cindy Ti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA