Bye

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

Ever since bumisita si Ahyeon, si Lisa na nasa kulungan ay naging depressed, at halos araw-araw na rin umiiyak.

 

Halos isang buwan din naging miserable si Lisa, bumalik na siya sa pagiging mayabang at matapang pagkatapos maranasan na wala nang luha ang lumalabas sa mga mata niya.

 

May mangilan-ngilan na sinusubukan siyang saktan at apihin sa kulungan, pero hindi niya hinayaan mangyari 'yun. Pagkatapos ng confrontations, gagamitin niya ang kanyang mga kamay at paa para labanan ang mga nagtatangkang bugbugin siya.

 

Madalas siyang nabubugbog hanggang mabali ang ilong niya at mamaga ang mukha, pero ito talaga ang gusto niya, mailabas ang inis mula sa paguusap nila ni Ahyeon, at madistract mula sa mga sinabi nito.

 

Kumalma lang siya pagkatapos makulong sa isang solitary cell.

 

*****

 

One day, a year later.

 

Nagtipon ang mga bilanggo sa tapat ng TV para manood ng balita as usual, habang si Lisa naman ay nakaupo sa gilid at nakatulala sa hangin.

 

Ang press conference para sa Kim Group's acquisition ng Manoban Industry ay nakabroadcast sa TV.

 

Nagsimula magsalita ang mga taong nasa harap:

 

"Grabe, tignan niyo, sobrang ganda niya oh. Bagong debut lang ba siyang artista? Bakit hindi ko pa siya nakita dati? May nakakaalam ba sainyo ng pangalan niya?"

 

"Tanga mo, seryosong corporate merger at acquisition press conference ito. Bakit naman sila magiimbita ng artista sa ganitong klaseng bagay? Pero, hindi naman siya siguro kabit ng isang mayamang businessman para umattend 'no?"

 

"Parang hindi. Sinong kabit ang may nakakatakot na expression sa mukha, tapos ang mga katabing businessman niya naman ay nakangiti sakanya parang sumisipsip. Mukha ngang tinatrato siyang reyna ng mga 'yan."

 

"Hala! Tignan niyo, umakyat siya sa stage at umupo sa gitnang upuan! Hmm, ang title na naka display sa subtitle ay-- Kim Group CEO, Jennie... Kim?"

 

"Mukhang peke, isang bata at magandang babae kayang maging CEO ng Kim Group? Huh, hindi ako naniniwala. May kinama siguro 'yan para mapunta sa pwesto niya, obvious naman sa mukha."

 

"Magselos ka lang diyan sa gilid. Maraming nakakaalam na hindi pwedeng umasa lang sa ganyan para maupo bilang CEO ng Kim Group. Bukod sa dapat marami kang connections at maraming pera, kailangan aasa ka rin sa abilidad mo para maging successful ka sa Kim Group."

 

"Oh edi ikaw na may alam-- hoy ano ba! Bakit ka nanunulak?!"

 

Si Lisa na nakaupo lang sa gilid at nakatulala sa hangin ay biglang kumibo pagkatapos marinig paulit-ulit ang pangalang "Manoban" at "Jennie Kim" mula sa mga taong nasa kulungan.

 

Para bang manok na pinugutan ng ulo, ay hindi mapakaling tumayo at dumiretso siya sa harap ng TV.  Tinitigan niya ang babaeng nasa TV na nakaupo sa gitna at napapalibutan ng mga tanyag na tao sa mundo ng business. Dahan-dahang binasa ng babaeng 'yun ang laman ng papel at pinirmahan ito sa harap ng mga tao, makikita mo sa kilos pa lang ay napaka elegante niya. Pati paghinga at pag pikit ng kanyang mga mata.

 

Namumukhan na siya konti ni Lisa at inisip Si Jennie! Si Jennie nga! Si Jennie na kilala ko!!

 

Bakit... bakit ang laki ng pinagbago ng babaeng ito?!

 

Hindi mapigilan ni Lisa mapag-isip. Habang nasa kulungan siya, ano ang naranasan ni Jennie sa labas at ano ang nangyari sakanya?

 

Saglit, more than a year na rin pala. Hindi na nagkita si Jennie at Lisa for about three years.

 

Pagkatapos umalis ni Jennie sa Manoban family three years ago, naputol na rin ang contact niya dito. Sa madaling sali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA