Reborn

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

YG International ay isang private school na matatagpuan sa pinakagitna ng city. Kumpleto ang mga facilities nito, mga buildings, maganda ang kapaligiran, mahusay na mga teachers, at mahal na tuition. May tatlong klase ng estudyante ang matatagpuan dito: rich but smart students, poor but smart students, at ang huli kung saan nabibilang si Lisa, rich bad students.

 

Kinatanghalian ng first year ng senior high, ang mainit na araw ay tumatama sa bintana ng Class E.

 

"Mitochondria is the powerhouse of the cell..."

 

Dahan-dahang minulat ni Lisa ang kanyang mga mata, napupuno ng boses ng mga nagchichismisang teenagers ang tenga.

 

Wala sa wisyong tumingin siya sa kanyang harap, pagkatapos ng ilang minuto, nagprocess na sa utak niya na napapaligiran siya ng mga estudyante. Pakiramdam niya tumira siya sa ibang mundo.

 

Sa oras na ito, naka-upo siya sa huling row ng classroom malapit sa pintuan. 'Yung lamesa sa harap niya ay punong-puno ng mga text books na aakalain mong bagong bili dahil halatang hindi pa ito binubuksan.

 

Inikot niya ang paningin niya at namumukhaan ang mga kaklaseng hindi niya alam ang pangalan na nagchichismisan, hindi nakikinig sa teacher, nagcecellphone, at napansin din ang teacher nila na nasa harap ng whiteboard na matalim na nakatingin sakanya.

 

"Lalisa Manoban!" Sigaw ng teacher niya.

 

Si Lisa na nasanay na sa buhay niya sa loob ng kulungan ay sariling kumilos ang katawan dahil sa instinct at kaagad na sinabi: "Here! Sentence number 2034--"

 

Binagsak ng guro niya ang hawak-hawak na libro sa desk para patigilin siya. "Anong pinagsasasabi mo? Nananaginip ka parin ba?"

 

Doon lang natauhan si Lisa. Hindi niya maiwasang ma-impress sa teacher na nasa harap niya. "Pagkatapos ng mahabang panahon, bumibisita ka parin pala sa panaginip ko ma'am Kukulang. Anong klaseng bangungot ito..."

 

Maririnig mo sa paligid ang mga boses ng estudyanteng gustong-gusto tumawa pero pinipigilan ang sarili nila.

 

Karamihan sa mga mag-aaral dito ay galing sa mga prominenteng pamilya. Wala silang ibang kinakatakutan dahil alam nilang kaya sagutin ng pera lahat, pwera na lang kay ma'am Cindy Tiu na nasa harapan nila.

 

Si Lisa lang ang walang takot sakanya dahil confident siya sa Manoban family. Alam niyang walang magagawa sakanya si ma'am Kukulang. Heto na rin ang rason bakit niya kayang ipagsigawan ang nickname ni ma'am Cindy Tiu na ma'am Kukulang nang walang preno.

 

"Bakit kayo tumatawa? At sino nagsabi na tumigil kayo magbasa? Keep reading!" Sumigaw si ma'am Cindy Tiu sa mga estudyante at pinagalitan si Lisa: "Kung wala kang ibang magawa sa klase ko kung hindi matulog at managinip, lumabas ka at tumayo sa gilid! Diyan ka lang hangga't matapos ang klase!"

 

Tahimik na sumagot si Lisa: "Sige po." At dumiretso sa labas.

 

Biglang napasimangot si Cindy Tiu at tinitigan ang papalabas na katawan ni Lisa. "Bakit naging masunurin siya ngayon? Kadalasan sisigawan niya ako pabalik ah?"

 

Lumabas si Lisa habang may klase pa, kaya naman wala siyang  nakikitang tao sa labas ng mga classrooms. Tumigil siya sa harap ng railing at tinignan ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa field para sa P.E. class nila.

 

Ibinaba niya ang kamay niya sa hita at kinurot ito nang madiin. Napasinghap lang siya sa naramdamang sakit, at kinurot naman ang braso niya. "Aray huhu." Minasahe niya ang kinurot niya at sinabi sa mababang boses: "Oh my God, hindi nga ako nananaginip."

 

So ano ito? Nabuhay ulit sa past? Parang sa mga pelikula at mga libro?

 

Lumingon siya sa likod niya at tinignan ang class number sa taas ng pintuan: Class E, Grade 11.

 

Tinignan naman niya ang blue at white na scho

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA