Smoothly

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

Alam na ni Lisa na hindi siya kabilang sa Manoban family. Para hindi maulit ang pagtatake advantage sakanya at hindi rin makulong eventually, napagdesisyunan niyang umalis na sa pamilyang 'yon as soon as possible. Pero bago 'yan, marami pa siyang kailangan gawin--ayusin nang dahan-dahan.

 

Walang kinalaman ang kasalukuyang nasa kulungan na Lisa, sa pagiging bankrupt ng Manoban Industry sa dati niyang buhay. Pero pakiramdam niya, may kinalaman dito si Jennie!

 

Kaya sa buhay na ito, kahit na gusto niyang halikan ang paa ni Jennie at tawagin siyang mommy, hindi niya binalak ituloy ito at baka matrigger niya ang butterfly effect. 

 

Well dahil nasimulan na ang pambubully at nasaktan na ang nakababatang kapatid, mahirap nang sumipsip sakanya kaya hahayaan na lang ni Lisa na kamuhian siya ni Jennie.

 

Balak ni Lisa sundan ang dating sequence of events sa dati nilang buhay. Kamuhian siya at ang pamilya niya ni Jennie, at gamitin ang galit na 'yun para maabot ang power na hawak niya at patumbahin ulit ang Manoban family. 

 

Si Lisa naman ay magiimpake at tahimik na iiwan ang gulong 'yan. Lahat ng ito para makaganti siya sa kanyang 'pamilya'.

 

Pero... what if hindi rin siya palampasin ni Jennie? What if sundan siya nito hanggang sa dulo ng mundo para gantihan din?

 

Napagtanto ni Lisa ang isang bagay: Itutuloy ko parin ang bullying, pero hindi na sobrang lala. Kapag tumagal na, dahan-dahan niyang babawasan ito at hindi na magpapakita kahit kailan kay Jennie. Para makalimutan na siya ng tuluyan.

 

*****

 

Sa loob ng cubicle, silang dalawa na lang ang natira.

 

Dahil wala nang humahawak sa kamay at paa ni Jennie, umatras siya nang bahagya at dahan-dahang inayos ang magulo niyang uniform habang tinitignan ang mata ni Lisa.

 

Lumapit si Lisa hanggang maging isang dangkal na lang ang pagitan nila. Habang palapit siya, ay itinago ni Jennie ang kanyang mga kamay sa likod.

 

Masamang tinignan ni Jennie si Lisa at tinanong niya: "Ano bang gusto mo mangyari?" Pagkasabi nito, nakafocus ang kaniyang mata sa hawak-hawak na DV recorder ng ate niya.

 

Sinundan niya ang tingin ni Jennie at naintindihan kaagad ang concern nito. Kaya inilapag niya ito sa sahig at hinarangan ang pintuan ng cubicle. "Sabi nila iniinsulto mo raw ako. Anong sinabi mo tungkol sa'kin?"

 

Ibinaba ni Jennie ang tingin niya sa DV recorder at mahinang sinabi: "Hindi kita ininsulto."

 

Tumango si Lisa. "Well, naniniwala ako sa'yo. Isang good student na tulad mo, na kasing hinhin mo, alam kong hindi mo kayang mang insulto ng iba." Ibinaba rin niya ang tingin sa kamay na nasa likod ni Jennie, at itinuloy ang sasabihin: "Ininvite kita dito kasi may gusto sana akong itanong."

 

"Ininvite? Mas maganda sigurong gamit ang salitang 'pinwersa'." Tumigil saglit si Jennie at tinignan sa mata si Lisa. "Ito ba 'yung unique way mo ate Lili para gumawa ng appointment sa ibang tao?"

 

Alam niya na kapag tinawag niyang 'ate' si Lisa ay sasampalin siya nito, what more kung 'ate Lili' pa? Pero sinadya niya talaga ito para sa plano niya.

 

Nagulat si Lisa at hindi kaagad naka-imik. Pagkatapos ng 5 seconds, ay nginitian niya si Jennie. "Sobrang galang naman ng kapatid ko. Gusto ko 'yung tawag mo sa akin. 'Ate Lili', ang cute parang ako talaga."

 

Nararamdaman na ni Jennie ang hininga ni Lisa sa kanyang leeg, at dahil dito sobrang uncomfortable na siya. "Please huwag ka na lumapit."

 

Hindi natinag ang ngiti ni Lisa. Ang totoo niyan sobrang kabado na talaga siya.  Ayaw niyang lumapit dito at pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa nerbyos. Pero may dahilan siya kung bakit siya lalong lumalapit kay Jennie!

 

"Sabi ko..." Bago matapos ni Lisa ang sasabihin niya, ipinalibot niya ang kanyang kamay sa katawan ni Jennie at mahigpit siyang niyakap.

 

"A-ano ba!" 

 

Nakapatong ang baba ni Lisa sa balikat ni Jennie at hinablot ang kutsilyong nakatago sa longsleeves nito.

 

Na-caught off guard si Jennie at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

 

Si Lisa na matagumpay na nakuha ang kutsilyo ay ngayon lang nakahinga nang maluwag. Umatras siya, pinaglaruan ang kutsilyo sa kamay, at parang ate na pinapagalitan ang bunso ay pinagsabihan si Jennie. "Hindi dapat pinaglalaru

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA