Have A Meal

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi ko alam kung nilagyan mo ito ng lason. Kaya dapat umupo ka at sabayan ako kumain!"

 

Hinila ni Lisa si Jennie sa tabi niya.

 

Walang choice si Jennie kung hindi hawakan ulit chopsticks niya at tikman ang kanyang niluto. Pagkasubo ni Jennie, tinanong siya ng nakatatandang kapatid: "Oh ano? Okay ba? Safe?"

 

Inilapit naman ni Lisa 'yung mangkok na may lamang bagong saing kanin at sinabing: "Subukan mo rin 'to."

 

"..." Hindi alam ni Jennie kung ano balak ng kanyang kapatid pero sinunod parin niya ito at sumubo ng kanin. Kahit niluto niya ito, wala naman siyang balak patayin si Lisa.

 

Pagkatapos tikman, sumigaw ng pagka-oa si Lisa: "Ano ba 'yan, nilawayan mo na 'yung kanin ko. Ayoko na kainin ito! Pati 'yung mga ulam hinawakan mo na rin!"

 

Humigpit ang pagkakahawak ni Jennie sa chopsticks niya nang marinig ang mga sinabi ni Lisa, at makikita mo rin 'yung talas ng tingin niya sa nakakatandang kapatid.

 

Lumapit si Lisa at hinawakan ang chopsticks na para sakanya. "Tignan mo 'to, ito nalagyan mo ng laway, pati ito, at ito, at 'yan. Oh bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo nang umalis dito? Eh wala ka nang tinira para sa'kin, kainin mo lahat nang ito at papaalisin na kita!"

 

Nagulat si Jennie at bago man makapagsalita, inilunok niya ang mga gusto sabihin kay Lisa. Hindi niya magets kung ano gusto gawin nito.

 

Pagkatapos magsalita ni Lisa, tumakbo siya sa rice cooker at pinuno ang bagong kuhang mangkok para sa sarili niya. Umupo siya sa tabi ni Jennie at tinikman ang nilutong gulay ng kapatid. 

 

"Mmm!" Siguro dahil ito ang muling pagkakataong nakakain siya ng lutong bahay, pagkatapos makulong ng sobrang tagal sa kulungan ay medyo naluha si Lisa. Ibang-iba ang pagkain sa bilangguan kumpara sa luto ni Jennie.

 

Oh my God, anong klaseng kamay ang meron si Jennie?! Sobrang sarap huhu.

 

"May problema ba ate?" Si Jennie na katabi niya nagtatakang tumingin sakanya. 

 

"Hindi masarap! Sobrang pangit ng lasa!" Sigaw ni Lisa habang patuloy na sumusubo. Mukha na siyang hamster na nagtatabi ng pagkain sa kanyang bibig.

 

"Itong sweet and sour pork ribs mo walang lasa!" Sumubo si Lisa ng dalawang piraso at sinundan ng kanin.

 

"Itong shrimp garlic broccoli mo naman maalat!" Dalawang matatabang hipon ang sinubo ni Lisa at sinundan din ng dalawang pirasong brocolli.

 

"Tapos itong sinampalukang manok mo lasang medyas!" Dahil nabilaukan si Lisa, ginamit niyang panulak ang sabaw at kitang kita mo sa mukha niya na nasasarapan siya.

 

"..." Tahimik lang na tinitignan ni Jennie si Lisa. May tao bang sasabihing pangit lasa ng pagkain pero patuloy parin ang paglamon... binawi niya ang tingin niya at kumain na rin.

 

Habang kumakain, hindi niya maiwasang isipin 'yung mukha ng ate niya na sobrang laki ng pisngi at nagrereklamo. Napangiti nang palihim si Jennie.

 

"Ahh~" Pagkatapos laklakin ni Lisa 'yung sabaw ay pinagsabihan niya si Jennie.

 

"Tandaan mo, tinuturuan kita bilang ate mo na dapat mong sundin ang rules ng Manoban family. Isa na dito na huwag mong aksayahin ang pagkain, kaya tatabihan kita hangga't maubos mo lahat ng 'to!"

 

Obviously masarap ang pagkain, pero dahil sa mga reklamo kanina ni Lisa, inisip ng mga kasambahay na hindi ito masarap at tinuloy niya ang pagpapahirap sa kapatid. Ngumiti lang sila at ipinaalam kay Jessi ang ginawa ni Lisa.

 

Hindi na siya pinansin ni Jennie at nagsimula nang kumain ito. Inayos niya ang pagkakaupo at binigay lahat ng atensyon sa pagkain niya. Itong bagong lutong mga pagkain ay mas okay kaysa doo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA