Happy

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

Inayos ni Lisa ang expression ng mukha niya bago lumabas ng CR.

 

"Bakit kayo nagaaway-away?" 

 

Pagkabukas niya ng pinto, heto ang bumungad sakanya.

 

May limang babaeng may iba't-ibang kulay ng buhok ang nakaharang sa pintuan. May red, may yellow, may blue, may green, at may gray ang nakapalibot kay Rosé.

 

Sa limang nakapalibot kay Rosé, 'yung babaeng green na buhok na may-ari ng DV recorder ang nakahawak sa kuwelyo nito. Tumalikod ito at hinarap si Lisa. "Boss itong higanteng 'to ay isang traydor. Gusto niya pumasok kanina para iligtas 'yung esang si Jennie, pero buti na lang pinigilan ko!"

 

Lumaki mata ni Rosé at agad-agad niyang itinanggi. "Boss hindi ko..."

 

Inunahan 'nung babaeng pula ang buhok magsalita si Rosé at itinuloy: "Anong hindi? Sabi ni boss maghintay daw kami dito sa labas. Tapos pagkarating na pagkarating mo, gusto mo kaagad pumasok dahil sumigaw si Jennie? Obvious naman na gusto mong pigilan si boss Lisa. Aminin mo nga, may problema ka ba sa mga gawain ni boss? Kanino ka ba talaga kampi?" Pagkatapos niya sabihin ito, punong-puno ng tuwa 'yung mukha niya.

 

Obviously, dahil sa malakas na sigaw ni Jennie, akala nilang lahat na binugbog ito ni Lisa nang malakas.

 

Tumahimik lalo si Rosé at hindi parin niya madefend sarili niya. "Hindi... hindi ko..."

 

"Ano?!" Inexpect ng lahat ang reaksyon na ito ni Lisa. Sumabog siya sa galit "Park Chaeyoung!" sa 'inis' niya malakas na ibinalibag ni Lisa ang hawak-hawak niyang DV recorder na pagmamay-ari ni Green. Pagkatama na pagkatama nito sa sahig ay parang fireworks sa dami ng piraso ang kumalat sa sahig.

 

Lahat sila ay natakot at umatras sa kinatatayuan nila. Except kay Green na biglang napaiyak.

 

"Ah! Boss kakabili ko lang niyang DV huhu."

 

Pinigilan ni Lisa ang ngiting gustong lumabas sa mga labi niya. Lumakad siya papunta kay Rosé at 'tinulak' ang limang babaeng nakapalibot dito.

 

Mahigpit na hinawakan ni Lisa ang braso ni Rosé at sinabi sa isang nakakatakot na tono ng boses: "Sumunod ka sakin!" At umalis na silang dalawa nang walang pasabi.

 

Nakatayo lang si Green at tinitignan 'yung pira-piraso niyang DV recorder. Gusto niya magalit pero hindi niya magawang magalit sa boss niya.

 

Tinitignan lang siya 'nung apat at iniisip kung papaano i-comfort ang kaibigan nila. Hindi nila kayang i-backstab si Lisa sa harap nito, dahil kaya gawin ng boss nila ang lahat kapag galit siya. Sanay na sila doon. Dahil dito, medyo nakaramdam sila ng awa para doon sa higanteng utusan na hinila ng boss nila.

 

Naghanap ng ibang paglalabasan ng galit si Green at naalala 'yung target nila kanina. "Nasa loob parin si Jennie, tara!"

 

Mabilis na naglakad ang dalawang matangkad na babae sa hagdanan sa gilid. Hindi sila bumaba pero sinabihan niya si Rosé na tumahimik. Hinila niya ito papunta sa third floor at tumigil sila banda doon sa handrail, nakikita nila 'yung pintuan ng CR sa pwesto na ito.

 

Pagkatapos ng ilang seconds, si ma'am Cindy Tiu o gaya ng tawag ni Lisa na ma'am Kukulang ay papunta na sa CR kasama ang isa pang lalaking teacher na nakaduty rin. Pumunta sila dito dahil sa malakas na ingay na narinig nila kanina.

 

Kita mo sa mukha ni Rosé 'yung takot at sinabi sa boss niya: "May teachers na dumating! Alis na tayo boss!"

 

Tinakpan ni Lisa ang bibig ni Rosé, umiling, at sinabihan siyang huwag na magsalita.

 

Sa oras na 'to wala kang makikitang galit sa mukha ni Lisa, 'yung gilid ng labi niya ay naka-angat parang pusa na nakanakaw ng ulam.

 

Napatitig si Rosé sa mukha ng boss niya. Pakiramdam niya hindi naman pala nakakatakot si Lisa gaya ng nasa isip niya.

 

Naputol lang ang pagtitig ni Rosé nang biglang sumigaw si ma'am Cindy Tiu: "Hoy anong ginagawa niyo dito? Huwag na kayo magtago, buhok niyo pa lang alam ko na pangalan at section ninyo. Lumabas kayo dito at pumila!"

 

Pagkalabas ng mga tao ay biglang lumambot ang tono ni ma'am Kukulang. "Uy Jennie, bakit hindi ka pa umuuwi? Hala anong nangyari sa'yo?! Ang gulo ng buhok at lukot-lukot uniform mo!"

 

Na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA