Determination

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

"Pero itong sabaw... kinain ko rin." Sabi ni Jennie.

 

Walang masabi si Lisa at tumitig lang sa kaharap niyang buhat buhat ang mangkok na may lamang sinigang. 

 

"Kumain ka na lang diyan, hindi mo ba alam 'yung kasabihan na don't talk when your mouth is full?" Sinamaan lang ng tingin ni Lisa si Jennie.

 

Si Jennie na walang laman ang bibig "..." 

 

Ibinalik na lang niya ang kanyang tingin sa pagkain at paminsan-minsan ay tinitignan din 'yung "galit" na ate niya nang patago.

 

Sa mata ni Lisa, 'yung pasimpleng pagsulyap sakanya ni Jennie ay sign na naiinis ang nakababatang kapatid sakanya. Kaya proud na proud siya sa sarili niya.

 

Ayan tama 'yan kamuhian at magalit ka sa'kin. Dahil  masama akong tao hehe.

 

Pagkatapos kumain ni Jennie, sumandal si Lisa sa kanyang upuan at tinanong siya: "Busog ka na ba?"

 

"Huh?" Biglang napatingin si Jennie kay Lisa at kita mo ang pagtataka sa kanyang mukha.

 

"!!" Narealize ni Lisa na nadulas siya at nagpakita ng 'pag-aalala' kaya sinalba niya ang sarili. Hinampas ang table nila at sinabing: "Tinatanong kita kung kinain mo na ba lahat ng pagkain?! Hindi ka pwede umalis dito hangga't may butil pa ng kanin sa plato mo!"

 

Hindi pinansin ni Jennie ang outburst ni Lisa at tumango siya. "Opo, kinain ko na lahat."

 

"Weh? Hindi ako naniniwala!" Para matakpan ang pag-aalala ni Lisa kanina, naghahanap siya ng palusot para makalimutan ni Jennie 'yung nangyari. 

 

Kinuha ni Lisa 'yung ginamit niyang chopsticks at nakita na may 'tira' pa 'yung shrimp garlic brocolli. 'Yung natira ay hipon na kasing laki lang ng kuko sa hinliliit.

 

Matamis na ngumiti si Lisa at iniharap ito kay Jennie. "Hoy tignan mo 'to, ano tawag mo dito? Tapang mo ah, harap-harapan kang nagsisinungaling!"

 

"..." Iniwas lang ni Jennie ang tingin niya kay Lisa, kasi natetempt na talaga siyang buksan ang ulo ng ate niya at tignan kung may nakatira bang kindergartener sa utak nito.

 

"Dali, buksan mo bibig mo."

 

Sinundan lang ni Jennie ang utos ni Lisa at binuksan slight 'yung bibig niya.

 

Sinubuan na ni Lisa si Jennie at ibinaba ang kanyang chopsticks sa plato. "Okay ngayong tapos ka na kumain, ituturo ko naman sa'yo 'yung house rules natin. Hindi ka pwedeng kumontra sa mga sasabihin ko!"

 

Inosenteng nagtanong si Jennie: "Kailan ba kita kinontra ate Lisa?"

 

"Ikaw..." Napaisip si Lisa at narealize niya na never ngang umangal or kumontra si Jennie sa mga ginagawa at inuutos nito sakanya. Nagluluto siya kapag pinapaluto, kumakain siya pag pinapakain. Sobrang well-behaved niya at masunurin! Kumunot noo niya at tinanong: "Never ka bang kumontra sa'kin?"

 

Jennie: "Kinontra na ba kita?"

 

Lisa: "...hindi ba?"

 

Jennie: "Kinontra kita?"

 

Lisa: "Oo!"

 

Jennie: "Kailan?"

 

Lisa: "Ngayon! Hindi ba itong pagtatanong mo sa'kin ay pangongontra ang tawag?!"

 

"Oh..." Binaba ni Jennie ang tingin niya at hindi makita ni Lisa ang expression nito sa mukha.

 

Dahil sa ginawa niya, nakikita ni Lisa na sincere si Jennie sa pag-amin na 'mali' siya. Kaya tumayo na ito at nag "hmp" nang malakas at umakyat na sa kanyang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA