Chug! Chug! Chug!
Hi, Mommy: The Motherhood Chronicles
“I got rejected.”
A teary Giselle greeted Winter when she opened the door. Tiningnan ni Winter ang kaibigan niya na may dalang dalawang bote ng white wine at yung make up niyang sabog.
Alam na.
“Win, sino yan?”
Pinapasok ni Winter si Giselle and took the bottles from her. “Si Gi. Rejected daw.”
Karina appeared with Luna in tow, basa pa ang kamay dahil naghuhugas siya. Giselle pouted at Karina when she saw her friend and went in for a hug at humagulgol sa balikat ni Karina.
Winter and Karina shared a knowing look. Tumango lang si Winter at dali-dali ang pagdial ng phone. Kailangan pa nila na isa pang back-up: si Ning.
Confused naman si Luna na nakitangala sa bagong dating. When Giselle noticed the baby, she quickly bent down and picked her up. “Luna, Tita Gigi is sad, baby!”
Kakatapos lang nila mag lunch and Karina already felt tired sa mangyayari. A heartbroken Giselle is…something else. Mahirap patahanin.
Hindi rin nagtagal at dumating si Ning na may dalang munchkins.
Parang walang mga trabaho ang mga bisita nila. Wednesday na Wednesday at naka-upo silang apat sa sala habang si Ginger at si Luna ay naglalaro sa playpen. Buti na lang at off si Karina. Madadamayan niya ang kaibigan niyang heartbroken.
Puno pa ng munchkin ang bunganga ni Giselle habang umiiyak. Gusto na ngang tumawa ni Winter pero pinanlakihan lang siya ng mata ni Karina.
Parang nag telepathy ang mag partner using their eyes.
Wag kang tatawa.
I’m trying not to!
Pigilan mo yan Winter Kim!
Tingnan mo nga mukha niya!
Napatingin si Karina kay Giselle and just as she looked at her friend, sumubo ng dalawang munchkin si Giselle which made Karina laugh out loud. Hindi na niya napigilan. Ang funny lang kasi. Giselle’s mascara was starting to run down her face.
“Ako pa talaga pinagsabihan mong wag tumawa!” Umiiling na sabi ni Winter at tuluyan na rin tumawa along with Karina.
“Ang sama niyong mag-jowa! Bakit niyo ako tinatawanan?” Pagmamaktol ni Giselle.
Surprisingly, ang tahimik ni Ning. Siya minsan ang nauuna sa mga ganitong eksena. Pero kasi naman, Ning has been the sole tagapagsalo ng heartbroken Giselle lately kasi busy ang mga mommies kaya hindi na to bago para sa kanya. If anything, pagod na siya.
“Ano ba kasi nangyari Giselle?” Tanong ni Ning. “Pang-ilang rejection na to this month? Ang hina mo naman!”
“Nagkulang ba ako Ning? Niligawan ko naman sila ng mabuti! I took them to dinner. We went golfing! We even went to an art show! Ano pa bang klaseng panliligaw gagawin ko para mapasaakin sila?”
Ning rolled her eyes. “Gi, baka panget yung inoffer mong deal sa kanila kaya ka nirereject.”
Umiyak lang naman ulit si Giselle sabay subo ng munchkin.
Giselle works as a Business Acquisition Specialist sa company ng daddy niya. Ang mga nililigawan niya ay small businesses, particularly restaurants. Magaling naman si Giselle sa trabaho niya pero kapag nirereject siya, she takes it to heart. Grabe lang kung umiyak.
“I really wanted that restaurant, Ning! Walang ibang restaurant like them dito sa Metro Manila! It’s very niche and I was confident na mapalaki ko ang business nila! What more do they want ba?”
Finally, both mommies came down from their laughter and straightened themselves. Si Karina naman ang nagtanong, “What restaurant is it ba?”
“It’s a family owned restau
Comments