Yakap

Katha

 

San Juan Arena - FilOil Flying V Center

2014

 

Winter

 

Hindi mo sigurado kung tama ba itong binabaan mo, napakamot-ulo ka. Basta nakisuyo ka lang sa konduktor ng bus na ibaba ka kamo sa sinabing lugar ng kaklase / new found college friends mo sa text.

 

Tinuro sayo ng konduktor yung kabilang side, tatawid ka raw at doon makikita mo na yang arena. Palinga-linga ka sa paligid pagakatawid mo, nung mabasa mo yung signage sa tuktok, nakahinga ka ng maluwag nasa tamang lugar ka.

 

Pero di gaya ng sabi ng mga kaklase mo parang wala namang pila. Naalala mong sinabihan ka nila to come early kasi raw mahaba ang pila. Mahaba ang pila dahil Ateneo vs La Salle daw ang laro sa UAAP Women’s Volleyball.

 

Personally, hindi mo alam kung bakit, una kasi lahat hindi ka mahilig sa sports at pangalawa, hindi ka taga-Maynila. Lumuwas ka lang naman dito para mag-aral. Isa pa, hindi mo pa rin gets bakit sila manonood eh tagaPUP kayo?

 

Kaso fan daw sila ng mga volleyball players na maglalaro. Niyaya ka nila manood, pangtanggal stress daw dahil katatapos lang ng finals niyo. Ito yung panget sayo, you never seemed to be good at saying no, hindi ka makatanggi. 

 

Idagdag mo pa na sila ang mga naging una mong kaibigan dito sa Maynila, freshman ka palang at for sure maging magka-block kayo hanggang fourth year at ayaw mong mag-iwan ng panget na impresyon. Kaya pumayag ka, nung una nga sa kagustuhan nilang isama ka talaga ay susunduin ka raw nila dorm mo. Pero syempre nahiya ka naman, sinabihan mo sila na itext ka nalang kase sa totoo lang hiyang-hiya ka na kay Ningning na lagi kang nililibre. 

 

Actually, mas bata sya sa iyo pero ang hilig nyang itreat ka na parang bata kasi raw nung unang kita nya sayo na nakaupo sa dulo at dahil late sya ay tumabi ito gilid sa mo, akala niya maliit ka lang daw based sa pagkakatanaw nya sayo mula sa pinto. Di pa rin siya makapaniwala na mas matangkad ka sa kanya kaya she likes to baby you kasi hindi raw mawala sa isipan nya yung maliit na bata ka na nasa classroom nung first day.

 

Instantly, naging magkaibigan kayo thank you dahil madaldal siya pati lagi kang niyayakag sa susunod na klase at di kalaunan she was also able to befriend other students like Ryujin and Yujin. Oo, si Ryujin na napakalikot at Yujin na matangkad pero saksakan din ng kulit. Kahit saglit palang kayong nagkakasama, sila yung maituturing mong mga kaibigan at hindi lang kaklase kaya ayaw mo namang madisappoint sila kung tatanggi ka man sa pag-aaya nila.

 

Crush na crush kasi ni Ryujin yung isang blocker daw ng admu si Yeji tapos itong si Yujin si Wonyoung daw ng dlsu ang idol nya. Coincidentally, the three of them share the same interest sa volleyball kasi si Ningning din, parang kumislap ang mata when they said na sakto dahil la salle at ateneo raw ang maglalaro that day. Pinaalalahan ka nila na gumising ng maaga for sure daw kasi patayan sa tickets.

 

Kaya di ka mapalayag at bakit parang wala namang pila sa ticket booth. Nagchat ka sa gc, mga tulog pa ba sila? 10 am na kaya tapos wala pa sila akala mo ba dapat agahan sila naman itong mga tokis!

 

Aamagin ka na rito wala pang nagrereply kaya you decided na pumunta na sa ticket booth. Surprisingly, nakaorder ka naman ng matiwasay at nang makuha mo yung ticket. Buti pumasok ka na kasi malamig di gaya dun sa labas matutusta ka ng de oras.

 

Ayyy bat ganun! Ibang-iba talaga sa dinescribe nila Ningning ito, wala halos nanonood. Pero teka, bakit parang hindi naman mga babae yung naglalaro?

 

Sheett, palatak mo sa isip mo at napatingin sa ticket. 

 

Men’s volleyball

 

Mali! Hindi pala pang women’s vball yung nabili mong ticket. Tanga mo rin sa part na hindi mo sila hinitay sumagot sa chat mo pero kasi kesa naman mamatai ka sa init don.

 

Maupo ka nalang siguro at manood. Kahit wala kang naiintidihan, umupo ka na yung malapit lang sa labasan para you can exit agad after. Pramis, sinubukan mo naman manood pero pagwala ka siguro talagang alam sa laro o sa rules nito ay maboboring este hindi ka makakasunod kaya naman you settle by playing sudoku sa phone mo.

 

Nakatapos ka na ng isang laro sa phone mo ay hindi pa rin natatapos itong naabutan mong volleyball game ang tagal pa nito.

 

“Seems like you aren’t enjoying the game.”

 

Napalingon ka sa paligid, ikaw ba yung kausap niya? Spokening dollars pa si ante, hayy may ate gurl kasing nakaupo sa katapat mong upuan, gusto mo lang naman maglaro ng sudoku ng tahimik dahil wala pa ang mga kaibigan mo na kakareply lang na kagigisng lang daw nila.

 

Ate don’t judge me, naglalaro lang naman yung tao dito huhuhu.

 

“Ahhmm..” 

 

Wala kang masabi kasi truu naman ang judgment nya. She just chuckled and stared at you for quite a few seconds.

 

“Consider yourself lucky dahil cute ka, I dislike it when people don’t actually watch or pay attention to the game.”

 

Pumalumbaba pa si ate mo, ano daw? She dislikes it? Aba, aba naglalaro ka lang naman ng sudoku, ano bang pake niya? Hindi mo nagustuhan ang tabas ng bibig ni ate dahil nanahimik ka lang naman dito sa tabi siya tong bigla-biglang nasulpot.

At dahil batanguena ka, aba marunong ka lumaban at di kayo tinuruang umatras.
 

“Excuse me, kaya lang naman ako di nanonood kasi wala po kong maintindihan dahil hindi ako mahilig sa volleyball, nayaya lang naman ako dito!”

 

“Cutie but feisty... Hmmm, you really look like a lost kid... sige na nga, I’ll still let you slide sa sinabi mong you don’t like volleyball. A piece of advice miss cutie kahit pa nayaya ka lang, at least pay attention. Show some appreciation or a bit of respect sa mga athletes who worked hard in training para sa laro nila tutal nandito ka na rin naman. You might as well try to enjoy the game.”

 

Napayuko ka, aba, nakascore sya dun. May point sa sya sa sinabi nya kaya medyo nahiya ka. You can feel her burning stare sa gilid mo. Nakakahiya talaga halos mapatakip ka na lang ng mukha kulang kasi yung pagyuko para matago mo yung mukha.

 

“Anyway, manoonood ka pa ba later? I suggest manood ka, baka magustuhan mo rin ang volleyball.”

 

Napabaling ka ulit sa gilid mo, nagtanggal ito ng mask at sumbrero. Nang tumayo, napansin mong nakasuot pala ng blue shirt. She’s literally towering over you dahil sa tangkad nya, napatingala ka nalang para maaninag siya.

 

“Remember this face, okay?” 

 

Kinindatan ka, makinis ang fezlak niya. Kahit saglit mo lang nakita yung mukha niya, you can feel or sense na pangartistahin ang peg ng ate gurl na yon.

 

Kaya naman natawa ka ng mahina, para namang magkikita pa kayo ulit. Hindi siya yung tipo ng tao na makikita mong pakalat-kalat sa kalsada o kaya nagcocommute, mukha kasing mayaman.

 

“Bye for now, cutie.. See you soon!”

 

You shook your head internally when she seems optimistic na magkikita talaga kayo ulit.

 

 

Finally, sa wakas, nakalabas ka rin. Natapos na yung men’s vball game at gulat na gulat ka paglabas mo biglang dumami yung mga tao?!

 

Hala ka! Anyare, paano mo naman hahanapin ang mga ulupong kaibigan? Kukunin mo palang sana selpon mo para magchat pero mukhang di na kailangan at nakita mo agad sa kabilang ang mga kaibigan mo.

 

“Psst! Win!”

 

“Winter!”

 

Pero, kunware tampo ka muna kaya sinamaan mo sila ng tingin. Mas early ka pa sa early bird yan tuloy maling game napuntahan mo.

 

“Huy, win! Wag ka na magalit, nakalimutan naming sabihing maaga pero wag mas maaga sa 10 am kasi sa hapon pa talaga ang women’s volleyball.”

 

“Hmmmp!”

 

Kung alam lang nila dinanas mong embarassment kay ate gurl na sumita sayo kanina sa loob, sakalin mo kaya sila.

 

“Hehe sorry na, winter eto oh binilhan ka na namin ng bagong tix!”

 

Proud na proud na pinakita ni Ninging yung printed ticket for the 2 games.

 

“Che! May utang pa rin kayo sa kin, napakaaga ko kanina!”

 

“Okay lang yan, pramis mageenjoy ka mamaya. Magaling pa man din ang Yeji myloves bumlock!”

 

Eto na naman si Ryujin sa mga deulsyon nya sa buhay.

 

“Ehem ehem! As if papatlo ang kalahati ng taft tower na bebe kong si Wonyoung kahit rookie palang siya di nya papalusutin mga spike ng admu!”

 

“Ay kampi ako sa Ateneo, yoko sa la salle. Mga mayayabang kasi!”

 

Hala, huy! Bat nakisali si Ningning, tsaka ang lakas pa ng boses niya eh dami yatang nakagreen. Hindi ba green ang color ng dlsu?! Baka mapahamak kayo ng de oras nyan.

 

“Istahpp– maglayo nga kayo!”

 

Pumagitna ka sa rambol nilang tatlo, kailangan nila manahimik kundi papalamon ka nalang sa lupa sa sobrang hiya kapag nagpagtinginan kayo ng mga tao.

 

 

Pagpasok mo damang-dama mo na iba ang atmosphere compared sa kanina. Grabe, ang ingay?! Daming natili kahit mga babae din maglalaro?

 

Hindi ka talaga sanay sa mataong lugar, given na napunta kayo ng mga nanang mo sa piyesta pero iba ang ingay dito at dagundong. Kulang nalang umikot ang paningin mo sa sobrang galawgaw ng mga tao, idagdag mo pa yung mga drums na grabe yung yanig tapos pati yung mga mahahabang lobo.

 

Nagsimula na lumabas ang players, di mo maiwasang mapatingin sa mga naglabasang nakablue shirt.

 

“Shutaa ka Ryujin! Plinano mo siguro ito, side pala ng ateneo to!”

 

Kahit ang lakas ng sigaw at gigil ni Yujin para bang nawalan ka ng pandinig, nakafocus lang doon sa matangkad sa gitna nung mga nakablue. 

 

Teka parang pamilyar yung suot nila, pati ang logo. May kahawig talaga yung dmait nila, saan mo ba naanininag yon?

 

Saan ka ba nakakita ng agila?

 

Napamulagat ka! Ahh yung suot nung ate gurl kanina!

 

Atleta sya? Kaya pala, volleyball player kasi siya.

 

Kaya napalunok ka kasi she seems to spot you again. She smirked at you.

 

“Uyyy, nakita nyo yon? Gagi ka Yujin! Narinig yata ni Karina yung sigaw mo, napansin tayo. Omaygad, lodicakess!!!”

 

“Huyy, ikalma mo! kala ko ba yeji ka!”

 

Napako ang tingin mo sa kanya until you didn’t know what happened sa laro. Basta lang, nahypnotize ka niya especially when she’s smiling and cheering every time nadagdagan ang puntos nila.

 

Nadadamay ka biglaang pagsigaw nitong mga katabi mo, kahit pa you mostly can’t take your eyes off dun kay ate gurl. Masasabi mong naenjoy mo. She’s right kahit hindi mo naiinitindihan yung laro, yung saya, yakap at pagcheer nila tuwing nakakascore sila ng point para bang it gives you happy vibes as well. Nakakahawa silang tingnan.

 

Inaamin mo, you had fun watching h– volleyball. The game ended and nagulat ka may ganito palang portion after ng laro.

 

“We’re here with our best player of the game, the Ateneo’s ace and reigning best blocker, Karina.”

 

“Karina, I love you!!! Ang galing-galing mo, pwede patampal ng bola sa mukha!”

 

Potek, nakakahiya talaga itong si Ryujin, balimbing kala mo si no. 7 ang crush niya. Narinig mo ang boses niya ng mas malinaw at lalo naman yung mukha nya ngayon.

 

Sure ka na, siya yung ate gurl na sumita sa iyo kanina. Napalunok ka, hindi lang pala artistahin or pangmayaman yung itsura niya! May hawig sya kay Taeyeon! At oo, kahit probinsyana ka, kpop fan ka at isa kang SONE! Oo abot nakakapaginternet ka sa inyo kahit mahina ang signal!

 

Isang malaking istahp kasi ang ganda-ganda niya, totoo ba talaga to?! Ang lalim pa ng boses which is rare kapag babae pero okay, kalma Winter! Natapos na pala yung interview niya at padaan sya sa direksyon niyo dahil near exit ito papunta sa dugout.

 

Halos hindi ka makahinga when your eyes met na para bang tandang-tanda nya kung nasaan ka simula palang ng laro.

 

“Oh so you stayed..”

 

Tinignan ka tuloy ng tatlo mong kasama, mga chismosa talaga. You nodded at yumuko ulit. At bakit ba tinatawanan ka nya ulit?

 

“Did you enjoy?”

 

Dahil nga mataas ang pride mo, dineny mo.

 

“Hindi..” 

 

“Then, you should try watching our next game. Bawi ako, I’ll make sure na meenjoy mo na yun, so please nood ka?”

 

Kahit naman di nya sabihin manonood ka kasi nga mukhang nahatak ka nya maging faney – este fan ng volleyball.

 

“Pag-isipan ko muna.”

 

Ngumiti lang siya sayo, walang paki kung pinagpipiyestahan na kayo ng mga taong nakakarinig although konti nalang naman na kasi nga nagsilabasan na nung natapos yung game.

 

“See you, cutie!”

 

You watched her walk away pati ang kasama niyang napahinto when she had to talk to you.

Kitang-kita sa likod yung surname nya, De Leon.

 

Karina De Leon, no. 14 at best blocker. 

 

Ayaw mo mang aminin but maybe, she just happened to gain a new admirer at ikaw yon.

 

===

 

New year, new shot... sori naaaaaa..
 

bubwelo lang aq bago tapusin yung MPM :'(

















 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
270 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
61 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
704 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁