Masyado Pang Maaga (III)

Katha

Turning over ng mga last year’s VP projects sayo.

 

Heto si Karina, akala mo cctv nakatutok sayo. Nagmamatiyag kung kailan ka magkakamali. 

 

Isama mo pa yung ibang officers.

 

All eyes on you, ampota.

 

Sa totoo lang alam mo naman talaga ang mga gagawin, kasi di rin lingid sayo ang SC activities dahil nga minsan palihim kang tumutulong lalo na pagsobrang hectic ng schedule nila at nakikita mong stressed na ang jowaers este ex mo / ate g0rl Karina noon.

 

Dito ka nga lang hindi naging handa, makipagsagutan. 

 

Di maiiwasan siguro ang kompetensiya at di pagkakaunawan ng mga SC officials after all, hati ang nanalo 3 mula sa partido nyo while dominated na nila Karina ang ibang posisyon. Sa totoo nga lang bago palitan yung dapat na tatakbong VP ng partido nyo, lahat sinasabi sure win na ang buong line-up ng ex mo.

 

Ganoon kasi kalakas ang impluwensya nya. Aminin na natin minsan kung sino kilala yun lang talaga ang binoboto well except for Karina na both popular at talagang maayos ang leadership. Oh sige, realtalk na rin, dahil daw sayo kaya nagbago ang ihip ng hangin.

 

Kaya nagkapwesto kayo sa SC ay dahil yun sayo, di naman sa pagmamayabang pero marami kang fans. Score mo na yung pareho kang sikat sa boys and girls. Dami kasing babae ang naiintimidate sa ex mo kahit di naman nila ito kilala personally. 

 

Between the two of you, ikaw kasi yung may outgoing at friendly image nakadagdag na rin popular ka tuwing foundation day dahil nga natugtog ka ng gitara. Hatak mo lahat, kahit hindi mo kacourse, in return, nabibiyayaan din ang mga kasama mo sa line-up pero competent naman talaga sila kaya lang team popular talaga yung kabilang side. At least nasecure nyo ang VP, Secretary at Auditor positions, may 2 representatives din ang nakuha sa inyo.

 

Inevitable na hati ang mga opinyon nyo pero hindi pwede partido lang nila ang masusunod lagi.

 

“Gaya nga nang pinupunto ko kanina pa. Hindi fair na puro programa nyo lang ang uunahin. Hindi porket dominado nyo at iilan lang kami iitsapwera ninyo ang mga suggestions namin.”

 

Nagsisitalak na naman sila pagtapos mong sabihin yon. Hindi kayo matatapos nito. Kastress!

 

“Hindi na tayo hati, isang katawan na to. Wala tayong dapat iisipin kundi what’s the best para sa mga estudyante dahil kinatawan nila tayo. Huwag muna your own interests or in this case layo sa impluwensya ng dati nyong partido! Kung anong mas nakakabuti at applicable yun dapat ang desisyon, diba Miss President?”

 

Para pang nagulat si Karina sa pagtawag mo sa kanya. Kita mong napapitlag ito kung sa bagay hindi sya sanay na naririnig kang magtaas ng boses. Malamang lagi ka kasing nagpapacute sa kanya. Syempre noon, baby ka niya.

 

“Hmmm, oo tama naman sya. She has a point, kailangan natin iconsider ang parehong panig. We can’t be biased.”

 

“Pero Karina!”

 

“Let them present their suggestions.”

 

Nagkatinginan kayo ng secretary, si Arin kapartido mo. Nakita mo tong ngumiti kaya sinuklian mo rin at kinindatan pa.

 

“Winter”

 

Naputol lang nang tawagin ka ng boses na yon. 

 

“Present your suggestions kasi kung hindi, papalabasin na kita ng council room.”

 

Nakataas ang kilay nito at handa kang palayasin anumang oras. Wala ka namang nagagawang mali ah. You’re still here to impress her kaya sorry na lang kasi walang mapapalabas.

 

 

Nagligpit ka na ng gamit dahil last class mo yung papasukan mo.

 

“Rina, you want some snacks?”

 

“Di na, Chae. Okay lang ako.”

 

Di mo sinasadyang marinig nung malapit ka na sa pinto. Masyadong subsob yung president nyo sa mga gawain nya. Ni hindi nga lumilingon sa mga nagsisilabas-pasok sa SC room.

 

Namomroblema ka habang naglalakad patungong klase. Bahala na nga’t lumiko patungong cafeteria.

 

Sa wakas, nakahagilap ka rin ng solusyon at namataan mo si Luningning.

 

“Ning!”

 

Hangos mo, ano ba naman tong bansot na to napakabilis tumakbo?!

 

“Winter?”

 

Hinahabol mo pa ang paghinga habang nakasquat ka dahil sumakit ang mga binti at tuhod mo doon.

 

“Ahmm ano kasi...kanina pa kita hinahabol.”

 

“Ayy, hindi ko napansin. Bakit ano ba yon?”

 

Nang maayos mo na ang sarili sinabi mo na ang pakay mo.

 

“Diba wala ka pa namang klase?”

 

“Oo later pa, bakit?”

 

“Sasamahan mo si President sa office diba?

 

“Ahh oo,nakakapagod maging repre tambak din gagawin ko sa office kaya magstay ako. Grabe, paano pa kaya kayong dalawa ni Pres?”

 

“Yun nga! Pwede favor? Please madali lang naman to, Ning!”

 

Kaunti na lang magagaya mo na yong emoji at mukhang effective naman. Kanina lang ay confused pa si Ningning pero kalaunan nakita naman ang effort mo kaya siguro sumang-ayon na.

 

“Okay fine..”

 

“Talaga?”

 

“Oo nga hahah kulit!”

 

Dali-dali mong iniabot sa kanya ang supot na hawak mo.

 

“Eto uhh lunch niyong dalawa... I’ll get whatever you want later, I mean kahit anong gusto mong kapalit basta ibigay mo lang to kay President at huwag na huwag mong sabihin na galing sa akin. Sabihin mo uhm galing sayo or kahit sino basta hindi ako ha...”

 

“Huh?”

 

“Oh oh pumayag ka na wala nang bawian, may next class na ko. Basta hindi sa akin galing to okay?”

 

“Apakaweird mo talaga kay ate Rina!”

 

Inuusisa ka nitong tinignan.

 

“Sige na please basta sa tin lang tong dalawa ha?”

 

“Oo na, basta ilibre mo ko ng pringles sa susunod!”

 

“Deal!”

 

Alam mo kasing hindi pa yon kumakain simula umaga. Tinitriple check yung mga pinagawa nya sayo kanina, grabe talaga yon. 

 

Umiling ka lang at least you get to spend time with her na hindi kayo nagbabangayan.

 

 

 

“WINTER!”

 

Napalingon ka sa likod mo.

 

“Tayo na yung susunod.”

 

Senyas nito sayo kaya naman mabilis kang bumaling sa kaninang kausap mo.

 

“Ate Rina, walang hindi totoo sa mga sinabi ko. Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko, mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang nagugustuhan ko. Kaya sana mapag-isipan nyo kung papayag ka o hindi.”

 

“Winter, hindi ba’t sinabi ko—“

 

“Ate, kahit eto lang muna. Please stay, nood ka ng performance namin baka sakaling mabago pa nito ang isip mo.”

 

Hindi na ito nakapagsalita pang muli nung umalis ka na. Nang tumuntong ka na sa entablado agad mong hinahanap kung saan mo sya iniwan kanina. 

 

Ngumiti ka. Wala kang nakikitang iba kundi sya lang.

 

“Hi! This is Winter at alam kong nagtataka siguro kayo bakit ako ang may hawak ng mic ngayon. Well, uhm kundi pa obvious kakanta kasi ako hahaha.”

 

Naghiyawan, ilang college weeks na ba ang nagdaan at panay gitara lang ang ganap mo. Hindi naman kasi ikaw ang main vocal ng banda talaga pero hiniram mo lang ngayon kasi nga umamin ka na.

 

“Happy Foundation Day!"

 

Umalingawngaw na ang hudyat ng drummer, nagsimula na mamayani ang tunog ng  mga gitara at keyboard ng banda nyo. Huminga ka ng malalim at hindi na nagbawi ng tingin sa kanya.

 

Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

 

Sa dami-dami ng maaari mong makilala bakit sya pa kung wala lang naman?

 

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito

 

Napakadaya naman kasi eh. Bakit hanggang ngayon sya pa rin? 

 

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas saýo

 

Hindi mo talaga sya sasaktan. Ipagkatiwala nyang minsan, hinding-hindi mo na papakawalan.

 

huwag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako at nakikinig saýo

 

Kung may pag-asa ka man, sana huwag na syang mag-alinlangan pa.

 

Ang daming tumitili at sumisigaw sa pangalan mo pero bingi ka pa rin sa dagundong ng dibdib mo. Natapos mo na yung kanta. Paano kung hindi mo naman pala nabago ang isip nya?

 

Pagbaba mo, nakita mong may kausap syang lalaki habang hawak-hawak ang bulaklak na mukhang bigay pa ng epal na yon. 

 

Lumapit ka, unti-unti ka na nyang napansin.

 

“Sorry Jaemin pero huwag na, kasabay ko naman si Winter.”

 

“Ha?”

 

Maang mong tanong kasi hanuraw??

 

“Kako magsasabay tayo pauwi.”

 

Hindi pa nakuntento at inangkla ang braso nya sayo.

 

“Rina, di ko alam na magkakilala pala kayo.”

 

“Pinsan kaya ni Giselle tong si Winter.”

 

“Ah sige, ingat kayo sa pag-uwi.”

 

Successful naman at lumayo na nga ang lalaki habang ikaw parang natuod pero hindi rin naman nagtagal ay dumistansya na ulit sayo si Karina.

 

Hindi mo alam at nakaramdam ka ng hiya parang kani kanilang ay halos tunawin mo sya sa pagtitig habang kumakanta.

 

Tahimik nyong binabaybay ang bus stop, same way naman kayo kaso medyo mas malayo nga lang ang sayo. Napansin mong napayakap ito sa bag nya.

 

Kukunin mo ba? Kaso may bitbit ka ng gitara at bag sa magkabilang balikat mo. Isabit mo kaya sa leeg mo yung bag nya?

 

Mali yata ang interpretasyon mo mukhang hindi naman nabibigatan parang she’s shielding herself. Ay shoot, nakaoff shoulder nga pala sya, ang tanga mo Winter!

 

Binigay mo yung checkered polo mo, naka t-shirt ka naman, sana amoy fresh pa rin kahit namawis ka habang tumutugtog kanina dagdag mo pa yung kaba mo habang nakanta ng tadhana para sa kanya. You draped it over her shoulder.

 

“Thank you, Winter.”

 

Di rin nagtagal nakaupo na kayo pareho sa bus. Sa sobrang pagod at antok mo dahil sa sunod sunod na practice di mo namalayang nakatulog ka.

 

Ang dyahe mo kasi paggising mo pinasalo mo pala kay Karina ang ulo mo, may panis na laway ka pa at muntik na syang lumagpas sa babaan nila.

 

“Sorry, ate Rina.”

 

Hiyang hiya ka naman kaya tahimik lang kayo habang nilalakad ang kalye papuntang bahay nila.

 

Nang makarating na kayo sa tapat nila, hindi naman nya inopen yung topic. Homaygad, ang sakit sa lungs at heart mo. Failed ang mission mong mapapayag syang pumila ka rin sa panliligaw sa kanya.

 

Laglag balikat kang nagpaalam sa kanya.

 

“Ingat ka, Winter.”

 

“Sige babye ate rina!”

 

Tinalo mo pa si Bea Alonzo sa actingan , kunwari okay ka lang.

 

“Winter!”

 

Hindi mo magawang lumingon baka kasi magmakaawa ka na ng tuluyan.

 

“Hmmm po?”

 

“I sent a song request sa messenger mo. Please chat din kung nakauwi ka na.”

 

 

Syempre di ka muna umuwi, naglaro ka muna ng PUBG sa may comp shop sa kanto. Binuhos mo lahat ng hinanakit mo kaya nasira mo yung record ng kills mo, naka 50 kills ka sa isang game.

 

Puta, iba talaga nagagawa ng Lovesick girls na kagaya mo. Naiyak ka naman dahil olats ka pa rin sa kanya. 

 

Binuksan mo naman ang messenger mo habang nasinghot kakadrama mo kasi syempre whipped ka pa rin.

 

 

Up Dharma Down - Oo

 

Winter?

 

Di ka pa nakakauwi?

 

Nasaan ka na?

 

Should I call, Gi?

 

Hey! Please reply?

 

Winter?

 

WINTER?!

 

 

 

 

 

 

 

 

*seen

 

Sineen mo lang?

 

Hehehe kanina pa ko nakauwi te, sowee nakatulog ako. Ano nga ulit yung song request?

 

Really?

 

Opo, te rina nakatulog nga lang, yung request?

 

Oo

 

Oo by UDD??

 

OO

 

Ah okay ate, pag-aralan ko muna yung chords then, we’ll practice muna tapos eto na yung iperform namin sa last day ng foundation week. Sabihin ko SC request para walang umalma. 

 

Winter...

 

Uh ano ate mukhang complex pala ito sige out muna ako para aralin ito.

 

Wait!

 

 

 

 

 

 

 

*Karina is calling you

 

“Hello?”

 

Sinubukan mong inormal ang boses mo

 

“My god, Winter pinag-alala mo ko!”

 

Wala kang maisagot kasi amputa naman, pafall masyado talaga tong si ate mo Karina. 

 

“Why aren’t you saying something?”

 

Enebeyen!

 

“, I said Oo na nga!”

 

“Ha?”

 

Oo nga yung song request nya. Nabasa mo naman. Ulit-ulit lang?

 

“Pag-aaralan na nga po yung chords—“

 

Di ka nya pinatapos at tinapos ka rin nya. Shookt ka.

 

“Ang sabi ko OO! Oo as in payag na kong ligawan mo!”

 

Ito na ba yung calling mo talaga?

 

Maging alipin ni Karina?

 

Kasi kung oo rowld, hindi ka naman tatanggi.

 

 

Ba't 'di salubungin 

Ang puso ko at kunin

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
708 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁