Burnout

Katha

Burnout

 

 

Oh wag kang tumingin

Ng ganyan sa 'kin

Wag mo akong kulitin

Wag mo akong tanungin

 

“Cute mo talaga, Winter!”

 

Narinig mong tumunog ang shutter ng phone nya, mukhang napagtripan nyang picturan ka na naman.

 

“Talaga lang ha? Kahit anong gawin mo, hindi pa ito pwede tikman kasi hindi pa luto, isang kulo pa.”

 

Itong si Karina pasweet na naman akala nya makakalusot ang modus nya.

 

“Eh! Hindi ahh... cute ka talaga sa suot mong apron...”

 

“Haynaku Rina, tamang buhat ng sariling bangko. Oo na kasi ikaw ang pumili at nagbigay nito sa akin.”

 

“Tama, alam ko kung ano ang bagay sa iyo. I know you too well.”

 

Sumang-ayon ka lang and she knows almost everything about you except sa isang bagay.

 

Hindi mo napansing nandoon pa rin pala sya likod mo. Pinapanood ang bawat kilos mo.

 

“Swerte naman ng taong mamahalin mo, perfect asawa material ka na. Matalino, future doctor, maintindihin at higit sa lahat masarap magluto. Wala nang hahanapin pa!”

 

Napalingon ka tuloy sa kanya, shuta ba’t naman kasi ang lapit nya. Literal na nasa likod mo lang pala talaga sya.

 

Kunwari dedmabels ka sa puso mong daig pa ang tambol sa UAAP kapag may game.

 

“Sira, asawa ka dyan. Jowa nga wala eh, tabi ka nga dyan.”

 

Patawa-tawa naman ito akala nya siguro hindi nakakafall yung ginagawa nyang ganyan.

 

“Matatapos na ito kaya kung okay lang sayo, pakihanda na po ang lamesa.”

 

“Oo nga, sobrang swerte non, bes! Pinakamaswerte, sa totoo lang.”

 

Gusto mo nga sana syang sagutin ng, ‘oo shunga, ang swerte-swerte mo.’ 

 

 

 

Dahil katulad mo

Ako rin ay nagbago

Di na tayo katulad ng dati

Kay bilis ng sandali

 

Nagising ka sa sinet mong alarm.

 

Ito na yung araw na pinakahihintay mo. One year is too much. Miss na miss mo na sya.

 

Masisisi ka ba nya? Masyado kaya syang nagpamiss she reprimanded you from calling her or facetiming her basta sabi nya she has to get over this heartbreak alone.

 

At the same time kahit asar ka pa rin, you hope na sana nga she’s okay na and her heart is already mended. 

 

Kinuha mo ang phone mo at tinawagan ang isa nyo pang kaibigan si Ningning.

 

“Ning! Gising ka na ba? Gising na, susunduin pa natin si Karina sa airport!”

 

“Ang aga-aga pa naman! Tsaka makaasta ka, jowa ka jowa ka?”

 

Masama talagang pinuputol ang tulog nito lagi kang sinasampal ng hollow blocks sa mukha eh.

 

“Natahimik ka dyan, joke lang. Pero kung kumilos-kilos ka kasi baka sana naging ex ka man lang.”

 

“Excuse me, huwag mong kalimutang super super super straight non ni bes tapos kung maging kami man, anong ex ka dyan?! Di ko hahayaang maghiwalay kami kahit kailan.”

 

“Sus ewan ko sayo, ano naman kung puro boyfrind ang naging jowa ni Ate Rina? Malay mo naman diba 2021 na Win! Ilang taon ko nang sinasabi sayong subukan mo pero di ka naman makaimik.”

 

Hindi nga Sunday ngayon pero para ka na ring umattend ng misa. 

 

“Kaya ayan hanggang imagination ka lang, hindi magiging totoo yang forever na pantasya mo kung matatakot ka pa rin!”

 

“Huwag mo nga iniiba ang usapan, bumangon ka na at dadaanan na kita maya-maya lang.”

 

“Bahala ka nga, niyayamot mo ko umagang-umaga!”

 

Inend mo na yung call at napatingin ka sa wallpaper mo.

 

Picture nyong dalawa when you graduated in college, nakatoga at nakakiss ito sa cheeks mo.

 

She’s older than you pero magkasabay lang kayo dahil maaga kang nag-aral, masyado ka kasing matalino at gaya rin ng sabi nila, sa pag-ibig ka nga lang tanga.

 

Napabuntong-hininga ka at nilibot ang mga mata sa buong room hanggang sa mapadpad ito sa gitarang nakasandal sa bedside table mo.

 

She gifted it to you nung 18th birthday mo at until now gamit-gamit mo sa paggawa ng kanta, hobby mo kasi. You’ve known her since elementary, you first realized that you fell in love with her nung 3rd year high school at hanggang ngayon you’re still secretly in love with your best friend. 

 

Sabi nga ni Ning, hindi yata alak ang ininom mo to survive med school, anesthesia dahil manhid na manhid at sanay na sanay ka na.

 

Napakabobo mo raw para makuntento ng ganito, na maging kaibigan lang.

 

 

Oh, kay tagal din kitang minahal

Oh, kay tagal din kitang minahal

 

“Bakit ka umiiyak?”

 

Nanonood kayo ng Frozen, kinakatok ni Ana si Elsa para tanungin kung may tinda pa itong yelo.

 

“Wala, napuwing lang ako.”

 

“Makadeny, anong akala mo sa akin timang?”

 

Inusisa mo pa ng sobra ang best friend mong nagmumukmok sa gilid. Bonding time nyo ito, yung papanoorin nyo na namang maglet it go si Elsa tulad lang ng dati.

 

“Hindi na tayo mga bata, Rina. Kaya be honest, anong nangyari?”

 

“He cheated on me.”

 

“Ano?”

 

Tangina.

 

Tangina talaga!

 

“Jaemin cheated on me, Winter.”

 

“Aba’t gago yun ha, siraulo ba sya?!”

 

“No, it’s my fault din naman. I was too busy.”

 

“Hindi yun dahilan para gaguhin ka nya!”

 

“Winter, it’s fine at saka napagisip-isip ko rin na maybe I really need this.”

 

“Huh?”

 

“I need a break from everything, from everyone including you.”

 

Napakurap ka teka nalolost ka na, bakit nadamay ka?

 

“Hindi tayo pwedeng nakadepende lagi sa isa’t isa. So I’m planning to go alone sa Japan, kailangan kong ayusin ang sarili ko ng mag-isa.”

 

Itutuloy nya pala yung napurnadang vacation plan abroad ninyong dalawa. Gusto mo sana maexperience with her ang cherry blossoms.

 

“Rina, just what did that guy tell you?”

 

Iniwas nito ang tingin nya sayo at binalik sa TV. Oo nga pala, nasa iisang unit lang kayo since college hanggang ngayong last year mo na sa med school at sya naman nagwowork sa isang firm.

 

“Basta, I need to be alone muna.”

 

Bilang most martyr understanding best friend awardee ng taon ayon kay Ningning ay sumang-ayon ka lang sa gusto nito.

 

“Kung desidido ka talaga at diyan ka sasaya, okay na rin ako sa gusto mo.”

 

Tinitigan mo pa rin ang basa nitong mukha. 

 

Nakakainis!

 

Tama talaga ang Parokya ni Edgar, hindi mo rin magets ang trip ng mundo dahil binabasura ng iba ang tanging taong pinakapangarap mo.

 

“Thank you, bes.”

 

She held your hand hanggang matapos nyo yung movie.

 

 

 

Kung iisipin mo

Di naman dati ganito

Teka muna, teka lang

Kailan tayo nailang?

 

“Para ka namang timang, ano ba yan sinindihan ba yang pwet mo?”

 

Sinamaan mo ng tingin si Ningning kanina ka pa niya tinutusta kunsabagy kung hindi mo sya pinilit ngayon baka natutulog pa rin sya. Sobrang toxic pa naman kagabi sa hospital. 

 

“Baka kasi mamaya hindi natin mapansin makalagpas yon.”

 

“Tsk matangkad naman yon si ate rina. Dami mo kasing alam Win eh, pasurprise surpise ka pa kasi!”

 

“Galet na galet? Ayan nabulol ka pa!”

 

Tinawanan mo nga, lalo naimbyerna sayo ang gaga. Sinakal ka.

 

“Shataaapppppp!”

 

“aaaccckkk Ning!”

 

Naputol ang wrestlingan nyo nang mapansin nyong may lumapit na sa inyo. Naku, baka palayasin na kayo ng guard.

 

“Winter? Ning?”

 

“Ate Rina!”

 

Hindi ka nakasagot dahil napako ang tingin sa bagong dating, sa mga bagong dating. 

 

“Hey Win...”

 

Ang tangkad naman noon at mukha ring may lahi. Nanatili ka lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

 

“Nako, Ate Rina bangag yan kasi ano sobrang busy kasi ng duty namin kahapon sa ospital.”

 

“Ah ganun ba, dapat di na kayo pumunta rito. Nagpahinga na lang muna kayo.”

 

“Nukaba ate Rina, surprise nga namin sayo to ni Win eh. Ay teh, ang ganda namna ni ate gurl na nasa likod mo.”

 

Nakita mong hinawakan ni Karina ang bewang nito para iharap lalo sa inyo.

 

“Ahh oo nga pala. This is Giselle, my girlfriend.”

 

 

Kung iisipin mo

Di naman dati ganito

Kay bilis kasi ng buhay

Pati tayo natangay

 

Hinihintay mo sya sa tapat ng classroom nila. Tapos na ang klase nila at palabas na ang mga kaklase nya. Ang layo ng nilakad mo papunta sa building nila. Excited kang ituloy yung naudlot nyong bff time last week dahil nga medyo nainis kang malaman na ibang airpod case na ang ginagamit nya. 

 

Nung mahanap mo sya, kumaway ka agad na may malaking ngiti sa labi letting her know that you have moved on sa nangyari.

 

“Win, di muna ako makakasabay ngayon sayo pauwi.”

 

Nawala agad ang ngiti mo, hindi nya ba naalala na tinext ka nyang she’ll bring you to the park na matagal mo na gustong puntahan to make it up to you? She saw how your expression changed kaya naramdaman mong hinawakan nya ang mga kamay mo.

 

“Sorry, hindi talaga pwede ngayon.”

 

“Bakit? Di ba sabi mo we’ll go sa pa—“

 

Hindi mo nakumpleto yung sasabihin mo.

 

“Rina?”

 

Narinig mong tawag sa kanya ng kaklase nyang si Taeyong na papalapit na rin sa inyo.

 

“Let’s go?”

 

She immediately withdrew her hands from yours. Pinanood mong mabalisa sya at nilipat ang atensyon sa lalaking kararating lang bago bumaling ulit sayo.

 

“Sorry, may pupuntahan kasi kami ni Taeyong. Ingat ka, okay?”

 

Kababati nyo lang from that petty fight and it looks like she’d forgotten her promise na makabawi. Pinagmasdan mo silang maglakad na dalawa, sana hindi mo na ginawa, you could’ve just turned your back as well from them para sana hindi mo na nakita. Hindi mo na sana nakita na si Karina pa mismo ang humawak sa kamay ng iba.

 

One thing you have learned from being just a best friend is that she’s always free to let go of your hand and replace it with whoever she wants.

 

Gaya lang din nung olaf case na niregalo mo sa kanya.

 

 

Oh, kay tagal din kitang minahal

Oh, kay tagal din kitang minahal

 

You’re having dinner with Karina alone today. She particularly asked you dahil daw she misses you.

 

She missed her best friend. 

 

“Winter, are you sure you’re really okay?”

 

Awkward, sobrang tahimik, hindi mo alam what to really say. Nung binagsak nya yung bomba kahapon sana naging considerate sya to at least warn you. 

 

Almost the same scenario yesterday, you’re tongue-tied until now, hindi ka naman masisisi di ba? Kasi nga itong si Karina, yung best friend mong mahal na mahal mo na hindi ka makaamin dahil kasing straight ito ng buhok nya, biglang nag-uwi ng girlfriend.

 

Hindi maprocess ng utak mo, hindi lang naglag kundi nagshut down ng tuluyan.

 

“Hmmm yes... why wouldn’t I be?”

 

“Because I’m gay and I now have Giselle?”

 

Buti na lang nagpasama ka kay Ningning na sunduin sya sa airport, hindi mo naman kasi inakalang bukod sa nagraramihang luggage nya ay may bitbit pa itong iba. 

 

“Huh? HAHAHAH Rina, sabi nga ni kween Nadine come on 2021 na kaya!”

 

Mukhang nagwork naman because she laughed at your silly antics.

 

“Sira ka talaga. Sobrang funny mo pa rin but in all honesty, I know you’re surprised. Pero sobrang thank you for accepting me and my girlfriend, alam mo namang I value you so much. Importante sa akin ang approval ng best friend ko.”

 

Her eyes are teary, damn you for being too weak and too soft for this human being.

 

God, the Winter you made in this world has Karina as her kryptonite.

 

“Don’t you remember what I always say? As long as you’re happy, I’m happy too.”

 

You wiped those tears na tuluyan nang lumabas sa mga mata nya. God, bakit nyo naman ginawang maganda pa rin kahit umiiyak na?

 

“Di ka pa rin nagbabago, Win. Ang swerte ko kasi you’re the best best friend ever! Now, I also get the best girl to be my girlfriend, I think 2021 is really my year.”

 

At thank god talaga para kay Ningning, you wouldn’t know what could have happened yesterday sayo if not for her.

 

Tinatawag kita

Sinusuyo kita

 

“Sus maliit na bagay, Rina. Of course anything para sa ikasasaya ng best friend ko.”

 

Niyakap ka nito ng mahigpit.

 

At gusto mong ibalik sa sarili mo yung sinabi mo sa kanya kanina.

 

2021 na pero bakit sya pa rin?

 

“Thank you bes, I love you Win!”

 

Di mo naman maloloko ang mundo kasi ang gusto mo talaga itanong, bakit hindi na lang kasi ikaw?

 

 

Di mo man marinig

Di mo man madama

 

 

Thank you ulit kay Ningning because you could have done something na talagang pagsisihan mo kung wala sya doon kahapon to keep you in check at paalalahana ka sa lugar mo. Yung pwesto mo sa buhay ni Karina, best friend ka lang.

 

Baka kasi hindi mo mapigilang lumuhod at magmakaawa kay Karina na ikaw na lang tutal babae ka rin naman.

 

Ikaw na lang sana.

 

Hindi ba talaga pwedeng ikaw na lang?

 

Ikaw na ang tagal-tagal nang nagmamahal sa kanya. 
 

Ano pa bang requirement ang kailangan para makapasa ka?

 

Ako na lang, mahirap ba kong mahalin ng higit sa kaibigan?

 

“Ang drama mo pero mahal na mahal din kita, Rina.”

 

Nagbalik ka ng mas mahigpit pang yakap, you’re still not ready to let her go.

 

Nakakatawa dahil naturingan kang cardiothoracic surgeon, gumagamot at nagtatahi ng puso ng iba pero ang iyo wala kang ibang ginawa kundi sirain ito ng paulit-ulit.

 

Uulit-ulitin mo para lang sa iisang tao.

 

Ning’s right, you’re really the dumbest person ever.

 

 

Oh, kay tagal din kitang mamahalin

Oh, kay tagal din kitang mamahalin

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
708 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁