Special Chapter 1 [Alamat ni Joohyun at Tzuyu]

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

Special Chapter #1 [Ang Alamat ni Joohyun at Tzuyu]

 

Di naman bago na inis na inis si Joohyun kay Tzuyu to the point na ready siyang gawing floor polisher ang mukha nito. At bakit? Well ganito kasi yun.

 

First year.

Konti pa lang ang major subjects nila Joohyun. Isa dito ang Intro. to PolSci, si dean ang prof. nila. At dahil nga first year pa lang sila, konti pa lang din ang friends ni Joohyun by konti I mean isa, si Wendy at noong mga panahong yun technically ginagamit pa lang niya si Wendy. May lahing linta kasi yang si Joohyun eh.

Medyo maarte si Dean sa klase, marami rules. Parang may sariling consti. ang subject nila. Isa sa mga rules ay dapat alphabetical ang arrangement ng mga upuan, at dito unang nagtagpo si Joohyun at Tzuyu.

Magkatabi sila sa first row *ten ten ten ten* Ok naman ang lahat ang kaso mo masyadong bida bida ang katabi ni Joohyun. Parang gustong talunin si Jollibee sa sobrang pag-kabida. Mas bibo pa sa hotdog. Sapaw kung sapaw. Yung tipong si Joohyun ang tinatanong ang opinion about something bigla ba namang sasabat. Ire-rebutt lahat ng kuda ni Joohyun.

 

Gustong busalan ni Joohyun most of the time ang kanyang katabi. Kung pwede lang talaga na sa tuwing magsasalita si Tzuyu pakainin nya to ng isang buong pakwan para manahimik gagawin niya eh. Kaso san siya kukuha ng pakwan?

At tuwing may quiz pa sila kung makatakip ng papel si Tzuyu parang Berlin Wall, well bagay naman kasi sa kanya. FLAT PWE! Akala naman ni Tzuyu kokopya si Joohyun sa kanya. TANGINA NIYA.

 

 

Exhibit A: [First Year, First Sem: Intro to PolSci, Last Quiz]

Nagsimula nang mag-distribute ng papers for quiz si Dean. Two pages lang ang quiz pero alam nila na siksik liglig ito at malamang sa malamang ay magdudugo lahat ng pwedeng duguin kapag nagsimula na nila itong basahin.

Slightly confident naman si Joohyun dahil nag-review siya kahit papaano at tinulungan din siya ni Wendy sa pagrereview. Diba sabi sa inyo magandang idea ang kaibiganin si Wendy.

Pero kahit anong gawin niyang review, kahit ibenta niya pa lamang loob at kaluluwa niya at kahit magdasal pa siya ng araw araw kay St. Jude sadyang mahirap lang talaga ang exam na binigay ni Dean.

Dahil sa sobrang hirap nang two page exam na binigay ni Dean si Joohyun ay di na mapakali sa kanyang upuan.

 

 

Nandoong hipan niya ang test paper baka sakaling may lumabas na sagot.

Minsan binubulungan na rin niya ng kung ano-anong dasal na naririning niyang nir-recite ng kanyang lola kapag madaling araw. Baka sakaling magkaroon bigla ng divine intervention at masagot niya ang exam.

Paikot-ikot na rin ang kanyang tingin, figuratively kasi nakakahilo na yung exam ni dean parang pinagsabay niyang sakyan ang space shuttle at EK extreme sa sobrang hilo niya. Pero umiikot din ang tingin niya literally kasi umiikot ang kanyang ulo para tingnan kung siya lang ba ang nahihirapan sa exam. Baka kasi shunga lang talaga siya.

 

At nakampante naman si Joohyun dahil feeling naman niya di lang siya ang nahihirapan, di naman pala siya shunga after all. Marami na rin ang nagkakamot ng ulo, kumakain na ng ballpen at may ibang natulog na lang dahil wala na talagang masagot. Sa nagbabadyang singko, WE’RE ALL IN THIS TOGETHER HUHUHU.

 

May dalawang tao lang naman na di mukhang nahihirapan sa quiz; si Wendy at Tzuyu.

 

Isinusumpa ni Joohyun that time ang seating arrangement at ang kanyanng apleyido dahil di siya malapit kay beshiekels Wendy. Pinaparusahan na ata siya dahil sa pagiging linta niya.

Lumingon si Joohyun sa kanyang katabi at nakita rin niya na dire-diretso lang ito sa pagsagot sa exam. Walang kahirap-hirap. BOSET. At ng saktong lumingon si Joohyun sa kanyang katabi dahil nga chini-check niya kung siya lang ang nahihirapan, bigla bigla ba naman itong tumalikod sa kanya at tiningnan siya ng masama.

 

AMP.

JOOHYUN IS SEEING RED *but not RED FLAVOR

 

 

Gusto niyang sapakin ang kanyang katabi. “AMPOTA BA NYA DI KO KAILANGAN NG TULONG NIYA HAYUP SIYA, KALA MO NAMAN AHHHHH! BUSET KA KALA MO SAKIN ALSHFOAHFEPHGPEHNP” yan ang nasa isip ni Joohyun. Kung hindi lang nila exam malamang sa malamang ay nalitanyahan na niya itong katabi niya. ABA di porket na-bobobo si Joohyun sa kanilang quiz ay mangongopya na siya, may prinsipyo pa rin siya noh! Well except kung kay Wendy, pero yun nga may prinsipyo pa rin siya!

 

At ang sinumang nagdu-duda sa prinsipyo ni Joohyun ay matic na nasa “most wanted” list ni Joohyun – most wanted patayin, itulak sa Ilog Pasig at ipakain sa mga pating.

 

HOW DARE TZUYU QUESTION HER PRINCIPLES!!!

 

“MANIGAS SYA DYAN! FEELINGERA HAYUP! DI SYA GANUN KATALINO” madalas na ganyan ang rant na ginagawa ni Joohyun kay Wendy noon. At eto namang si Wendy lakas din mang-gatong.

“Eh kasi naman madalas kang di makasagot sa recit, kaya ganun na lang mag-isip si Tzuyu,”

Buti na lang talaga at matalino at mabait si Wendy kung hindi first year pa lang FO na sila ni Joohyun.

 

Pinalipas na lang ni Joohyun ang pagiging bida-bida ni Tzuyu. Generally inis siya dito at lagi silang nag-aaway pero most of the time nagtitimpi na lang siya. Baka ma-expel pa siya ng di oras. Ay nako di na mabilang ni Joohyun sa isip niya kung ilang beses na niyang natulak sa Ilog Pasig at napalapa sa pating si Tzuyu.

 

 

Second Year.

Sa buhay ng isang political science student sa university ni Joohyun may isang event na dinadaanan ang lahat ng sophomores bago sila maging third year, ang annual debate cup.

 

Ang general rule kasi ni Joohyun ay: wapakels sya sa mga pa-event ng org or ng mismong college.

Sayang lang daw sa oras wala naman daw siyang makukuhang incentive. Mas pipiliin niya pang matulog or di kaya maghanap ng afam sa Omegle at syempre ang favorite niyang past time, ang mang-away ng ka-DDS.

Pero ang debate cup ay ang exception to the rule.

Papalampasin niya ba ang pagkakataon na makipagkudaan? NO! Joohyun wouldn’t let this opportunity slide, di niya ito uurungan. CHALLENGE ACCEPTED! Isa na rin sa mga dahilan ni Joohyun sa pagsali dito ay wala naman kasi talaga siyang choice, required yun para sa final grade nila.

 

Dahil na nga rin palaban si future “Atty. Bae”, sobrang handa na siya para sa mga ibabatong motions sa kanila. You name it Joohyun can defend it! Yan ang motto ng lola niyo, ganyan siya ka-confident sa debate. *cues ipaglaban mo theme song*

 

Pero bago pa man ang main event mayroon munang mga konting requirement para makasali sa annual debate cup. Una ay ang qualifiers. Lahat ng classes na kumukuha ng debate subject ay magu-undergo muna sa isang adj exam1

(1 – Adjudication exam. may magdedebate tapos yung mga nage-exam yung magdedecide kung sino mananalo by scoring them depende sa format ng debate. *aba may pa footnote ampupu)

 

Never pang nagkapag-adjudicate ng debate si Joohyun. Mas bet niya kasi mag-debate kasi mas leaning ang skill set niya sa debate kaysa sa adjudication. Di niya keri makinig ng halos one hour na debate noh! Maboborlogs lang siya! Pero dahil ang exam ang magdedetermine kung makakapasok sila sa debate cup nagsikap ang lola nyo!

 

Naging tambay siya sa library, nagpatulong at humingi ng tips sa upper classmen at imbis na mag-Omegle para humanap ng foreigner, foreign news na lang ang hinanap niya para sa matter-loading! Diba pag gusto naman ni Joohyun she’ll make a way!

 

Natapos ang adj. exams at iaanounce na ni prof kung sino ang mga nakapasa sa adj. exams. Basically yung mga makakapasa ang qualified sa debate cup at ang mga hindi ang mag magt-take ng written exam. Isa rin ang written exam kaya mas gugustuhin na ni Joohyun na mag-debate. Nakakapanget ng daliri ang pagsusulat ng 300+ word na requirement na sagot sa kada item ng finals exam. Mas ok ng mapaos kaysa kumulubot at magkakalyo ang hubog kandilang mga daliri ni Joohyuna.

 

Exhibit B: [Second Year, Second Sem: Adj. Exam Results]

Innanounce ng prof ni Joohyun na 31 lang ang pumasa sa adjudication exams. Lahat naman ng classmates niya ay nanlumo. Kahit si Wendy na alam naman ni Joohyun na papasa dahil given na yun ay nanlulumo ang itsura. Si Solar naman chill lang, mukhang confident lang naggugupit pa ng salingsing niya sa kuko. Pero si Jennie mukhang najejebs sa sobrang kaba. Paano ba naman the night before the adj. exams nagwal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)