Chapter 5

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

““WENDY??????!!!!!!!” sigaw ni Joohyun.

 

Bago pa man ma-savor at ma-ikwento ni Joohyun ang moment niya with Seulgi kanina ay napalitan naman agad nang pag-aalala ang kasiyahan niya.

Paano ba naman ang kanyang beshiekels na si Wendy mukhang nakipag-rambol sa mga batang hamog sa labas. Actually mukhang tropa na nga siya ng mga yun eh kung mangangalabit nga si Wendy ngayon at sasabihin ang “kyah kyah pimbarya” maniniwala si Joohyun na hamog siya.

 

“Wendy. HOMAYGAHD! Anong nangyari sa’yo?” tanong kaagad ni Solar pagkalapit sa kanila ni Wendy. Nabagsak naman ni Solar ang kanyang iPhone dahil sa nakita. Bago pa naman iyon at kakakuha lang sa paluwagan. Sadlyf.

 

“Solar, huhuhuhuhu, si Joohyun, huhuhuhuhu, hyuk hyuk hyuk hyuk,”

 

Di halos maintindihan ni Solar at Wendy ang gustong sabihin ni Wendy kasi halos di na ito makapagsalita sa pag-iyak. Niyakap na lang muna ni Solar si Wendy kahit madungis ito because dats what prends are for.

 

“Ohh, tahan na Wendy ano ba kasi nangyari, oh bakit may hawak ka pang placard ha? Ano ‘tong nakalagay dyan. R..Red Flavor Song of the Year?” (ehem guys. MAMA voting is on na hahaha) pagtatakang tanong ni Solar. Medyo may concern din kasi bakit may hawak na suspicious placard si Wendy?

Medyo kinakabag na si Joohyun sa kaba. Partially her fault naman kasi niya ito dahil unknowingly niyang naiwan si Wendy somewhere down the road sa mga nangyari kanina. Napalunok na lang siya sabay inantay si Wendy na pumutok sa galit.

Eto na, ano ba kasing nangyari sa trusted hamster friend ni Joohyun?


 

*flashback*

Ano nga bang nangyari kay Wendy?

Wala talagang nakakaalam sa nangyari kay Wendy, kahit si Wendy di niya alam ang nangyari sa kanya.

Di rin alam ng mga author kaya wag niyo na lang tanungin.

What happened in the rally stays in the rally. HAHAHA

*end of flashback (?)

 

“Hoy Joohyun anong nangyari dito kay Wendy?” galit na tanong ni Solar habang pinapatahan si Wendy

 

OHHHH. Masyado kasing na-caught in the moment si Joohyun dahil sa mga kaganapan involving si Seulgi kaya nakalimutan niyang kasama rin si Wendy na na-drag sa kaguluhan earlier. Nakonsensya naman si Joohyun kasi alagang alaga siya ni Wendy be it sa pagsama sa kanya pag may LBM siya with matching alcohol and tissue or kahit sa pagsama sa kanyang misadventures involving mishaps with tinderas and kulang na cheese sticks. Tapos ngayon di man lang niya na-save si Wendy from the mess she’s been dragged in to.

 

“Wendy, sorry na talaga. Di ko naman din akalain na hihilahin ako palabas ni Seulgi. Sorry talaga,” sambit ni Joohyun habang pilit na niyayakap si Wendy. Pero si Wendy patuloy pa rin sa pag-iyak or kung ano mang tawag sa ginagawa ni Wendy.

 

“Teka teka, Seulgi? Diba yun yung type mo na arki? Ay aba Joohyun inuna mo pa landi kaysa kay Wendy, hay nako nako, kukurutin ko talaga yang happy peanut mo hay nako,” gulat na sambit ni Solar habang tinitingnan ng masama si Joohyun.

 

“Ha, di ganun yun Solar. Di ko talaga alam kung paano nga nakarating si Seulgi dun. Akala ko nga masasapak pa ko kanina.”

 

Kinuwento naman ni Joohyun ang kanyang experience para naman malinawan ang lahat na hindi siya masamang kaibigan. Sinabi niya na di rin niya nabalikan agad si Wendy kasi nga diba dumating kaagad ang kanilang professor.

 

“Oh, ayun naman pala eh. Tahan ka na dyan Wendy oh baka nauuhaw ka. Ah Joohyun may iced tea ka pala dyan pai-” bago pa man tuluyang makuha ni Solar ang iced tea sa tabi ni Joohyun ay agad ng kinuha ni Joohyun ang baso.

 

“Hala ka, ano ba Joohyun painumin mo naman si Wendy! Naghihingalo na yung tao oh!” pasigaw na sabi ni Solar habang pilit na inaagaw ang baso ng iced tea ni Joohyun

 

“Ihhh… ano ba tunaw na ‘to,” pagpapalusot ni Joohyun. Ayaw niya lang talaga ibigay kasi nga diba eto ang unang something na binigay sa kanya ni beloved Seulgi kaya gusto niya i-keep.

 

Inabutan na lang ni Joohyun ang kanyang water bottle mula sa kanyang bag. Sorry na lang ulit hamster at mukhang maligamgam na ang tubig na iniabot ni Joohyun dahil parang oven toaster ang kanilang classroom.

Pinainom naman na nila si Wendy ng medyo maligamgam na tubig at mukhang kumalma naman na ito. Kinuha din ni Solar ang kanyang extra tshirt na dapat ay extra niya dahil mago-overnight siya sa dorm ng kanyang jowa pero mukhang mas need naman yun ni Wendy. At ng tuluyan ng nahimasmasan si Wendy ay muling nag-sorry si Joohyun.

 

“Uy, Wendy sorry talaga kanina ha. Di ko naman talaga ineexpect na makakaalis ako dun. Sorry talaga. Pramis di na ulit kita iiwan.”

 

“Ok lang Joohyun. Di naman talaga yun yung dahilan kung bakit ako umiiyak,” sagot ni Wendy

 

“Ha eh bakit?” sabay na tanong ni Solar at joohyun

 

 

“Eh kasi... Kasi... Kasiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii..... MAY ABSENT NA KO SA POL.ECON HUHUUHUHU” at tuluyan na namang lumungkot ang mukha ni Wendy.

 

 

“POTAAAAAAA NAMAN WENDY. AKALA KO TULOY ANG SAMA SAMA KO NG KAIBIGAN.” Banggit ni Joohyun. Tangina kinabahan talaga siya ng bongga. Kala niya iee-FO na siya ng butihing kaibigang hamtaro niya.

 

“Wag ka nang umiyak Wendy. Lam mo namang madali lang utuin si Ma’am eh. Tsaka sa tanda nun wala na yung ulirat sa kung ilan ba tayo sa klase. Ngayon nga lang ulit pumasok yun and I’m sure di niya kabisado names natin. Marami ding nag-cutting kanina at sinulat ka naman namin sa attendance.” Pang-a-assure ni Solar kay Wendy.

Kumalma naman ng bahagya si Wendy. Pero kahit ganun, medj nag-aalala pa rin si Joohyun at Solar sa kanya. Napalingon lingon siya sa paligid at napansin na wala na si Prof.

 

“Eh asan na si Ma’am? Ang aga pa ah? Kala ko nga aabot pa ako eh.”

 

“Yun nga. Bukod sa minsan na nga lang pumasok, eh maaga nang-dismiss si Ma’am. Ewan ko. May meeting daw sa kung saan. Sayang talaga units ko dito pakshet. Paghinga lang ng matanda ang natututunan ko eh,” sabay singhap ng hangin with matching uugod ugod motions.

 

Napangiti naman si Wendy. Nakahinga na ng maluwag yung dalawa. Okay na ang beybi ng tropa.

 

“Mag-antay na muna tayo dito sa room. Tutal rush hour pa naman, baka mahirapan ka lang bumiyahe.” Sabi ni Joohyun. Bibigyan na rin nila ng time ang kaibigan para makarecover.

 

“Nag-papaantay din ang gagang babaitang si Jennie,”dagdag ni Solar.

 

Last class nila ng Pol.Econ. Night shift ang klase nilang to kaya minsan nagkakataon na sila na lang ang laman ng main. Pero sa klaseng ito, mas madalas pa sa madalas na nacoconvert ito sa walwalan sesh o maagang uwi. Isa kasi sa legendary relics ng Piyups ang prof nila dito. Kung di laging nasa meeting eh walang paramdam si Ma’am. Kadalasan sila pa nag-aadjust para mag-set ng makeup class pero di pa rin sila sinisipot. Tangina. Paasa. Lahat talaga ng effort nasasayang. *sighs.

Kakarampot na lang ang tao sa room. Yung mga nagdo-dorm, nagsi-uwi na. Karamihan ng natira ay yung mga uwian or di naman kaya ayaw umuwi nang maaga kasi takot mautusan sa bahay. Yung iba naman naghahanap ng mapaglilibangan. May ibang nanonood ng k-drama sa gilid. May ibang may dalang kontrabandong baraha at nagsimulang mag tongits sa gilid. May ibang pinili na lang na umidlip.

Si Solar, abala sa pagi-inspect sa nabagsak niyang phone from earlier. Si Joohyun hinihimas himas ang likod ni Wendy habang nakayuko ito at nakapikit. Wawang beybi. Pahinga ka lang dyan. I’m so sorry for earlier. Di na yun mauuulit sambit ni Joohyun sa kanyang isip.

Medj tahimik na ang paligid. Ano bang ineexpect niyo? Eh lampas ala siyete na. Ang tanging ingay na lang sa room nila ay ang occasional na hiyawan sa mga oppa nung mga nanonood ng k-drama at mga iringan nung mga nagtotongits. Buset di maka-bahay yung isa eh.

Payapa ang gabi. After ba naman nung mga nangyari earlier, tingin niyo ba may enerhiya pa ang mga lola niyo na sayangin. Ay nako. Waley na noh. Kaya inenjoy na lang muna nila ang katahimikan at ang peaceful vibes na dala ng klaseng may prof na di nagtuturo.

 

\A peaceful end to a very wild day.

OR DATS WAT U THOUGHT.

 

 

Ten-twenty

Huh? Sino yung nagbibilang? Gabi na? Lahat ng taga-third floor nakauwi na.

Thirty-Forty

Nakng? Anoooo???? Wala namang bilangan classes CoEd ngayon ah? Tuwing umaga lang yun.

 

 

Fifty-Sixtysventyeightyninety ONE HUNDRED!!!!

 

“OHHH! Tangina mo bakla sabi ko sayo buhay ko yang si Jhemerlyn!! Manalig kayo sa akin wahaha pak!”

“Luh pakyu! Ulitan! Ginalaw niyo yung garter eh. Nanginig tuloy talon ko!

“HOY! Nag-expire na yang karapatan mong magreklamo nung kami na tumira. Letseng mother na to! Di mo lang talaga nabuhay yung baby mo. Dat nagketket ka na lang kung puros ka reklamo.”

 

 

ABA. ABA. ABA. ABA. ABA. ABA. ABA??? Sa dinami dami ng gagambala sa pananahimik ng ating mga bida, isang sesyon pa ng ten-twenty? Akala ko ba college tong pinapasukan natin? Nagising na naman ang dugong mandirigma ni Joohyun.

Isa lang ang may mga galawang ganito. Namimintig na ang tenga niya sa bawat pagbilang by tens nung mga tao sa kabilang klase. Kilala na niya ang may pakana nito. Isa lang ang pwedeng maging mastermind ng mga ganitong kalokohan. Naramdaman ni Wendy ang biglang pagbigat ng kamay na kanina lamang ay humahaplos sa likod niya. Parang medyo naalog na yung baga niya eh. Pero bago pa man siya makapag-comment ay nag fly away na si besty niya.

Parang si Flash ang bida natin sa pagtakbo papunta sa neighbouring room. Feeling na mga classmate niya na break ang sound barrier sa tulin ni Joohyun. Di tolerable ang gantong kagagahan sa book niya. Kahit naka-quota siya ng landi dis day, di siya makakapayag na masira ang araw niya ng session ng mga batang nagte-ten twenty.

 

 

“Ahm, excuse me. Pwede bang pakihi-“ di na natapos ang kuro kuro ni Joohyun dahil naghiyawan na naman ang mga SHS neighbours nila.

 

“UHM! Walawalawala!!!! Touch move wala nang ulitan!”

“Dead ka na gaga! Wa ka na say! Tsupi!”

“EXCUSE ME???? Garter ko yan kaya lagi akong may say! Echoserang bakla!”

“Osige. Ulitan na lang ulit para quits. Maiba taya maiba taya.”

 

 

 

Naechapwera si Joohyun?!!!!

T H E A U D A C I T Y (Rihanna, 2014) *proper citation is key*

 

 

At dahil medyo feel naman ni Joohyun maging mabait ng kahit papaano ngayon dahil nga she had a good day, inulit na lang nya ang pag-inquire at pagbawal sa mga maiingay na SHS. Baka rin kasi nakakaistorbo sa ibang klase. Magpapakagood-samaritan na rin siya.

 

“Ahm, excuse ulit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)