Chapter 8

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

 

(exchanging POVs 'to ehehehe)

 

 

 

Medyo badtrip si Joohyun.

 

May bago ba dun parang lagi namang may-PMS si lola.

 

Pero iba ata yung case ngayon. May certain reason kasi siya para ma-badtrip. Actually marami palang reasons.

 

Pero ang bukod tangi sa lahat ay ang pamatay na acads. Kulang na lang ay ibenta na niya ang kaluluwa niya sa kung kanino mang santo naka-under ang pamamahala sa mga estudyanteng naghihingalo na. Konti na lang din ay kino-consider na niya ang paglalakad ng nakaluhod ala Father Martin Luther mula school hanggang Quiapo church.

 

Di na kasi nila alam kung paano ib-balance lahat ng responsibilities. Mas mataas pa sa pagka-high ng mga adik ang dapat niyang ipasa this week. Nauubos na rin ata lahat ng puno sa mundo dahil sa dami ng pina-photocopy niyang readings. Dapat wala na lang readings napuputol ang mga puno, nakakadagdag sa global warming!

 

Well, on the other side, wala naman siyang karapatan magreklamo kung tambak ang school work dahil haler, ate studyante ka kaya.

 

Pero more than that, nas-stress siya kasi nauudlot na naman ang supposed progress ng kanyang not-so thriving na lablyf. Lagi lang talagang may hadlang eh.

 

“Oh Joohyun, tulala ka dyan,” sabi ni Solar na mukhang worried sa kanyang kaibigan na napapadalas ang pagiging tulala lately. Di naman nakakapagtaka yun sa panahon ngayon dahil half ng klase nila ay malapit ng matokhang dahil sa mga itsura nila. Pero iba yung kaso ni Joohyun, parang may something. (crispy patata)

 

May delay sa pagsagot ni Joohyun at lalo tuloy nag-aalala si Solar, “Wala na kasi akong maintindihan sa cases. It’s so frustrating. Ayaw ko na,” typical yung reply ni Joohyun. Yun naman madalas ireply ng mga estudyanteng stressed eh.

 

Nag-squint si Solar, alam naman niyang stressed lang si Joohyun at this fact is proven all the more kasi mismong si Wendy nga ay mas gusto na lang din tumalon sa ilog Pasig. Though, may ibang kinikilos lang talaga si Joohyun and parang alam ni Solar ang nakakadagdag sa pagkabalisa ni Joohyun. Sumpain ang mga kaibigan niyang tropa ni Gas Abelgas josko.

 

“Hay nako Joohyun, ok lang na sabihin mo sakin yan teh, ano ba yan si ano ba yan, si ano bang pangalan nun?” pagtatanong ni Solar. Nag-uulyanin na rin siya medyo tumatanda na kasi di na niya maalala yung name.

 

 

Lumingon lang si Joohyun kay Solar at agad dineny ang accusations, “Hoy…… hindi si Seulgi ah.” Pero alam niyang di convinced si Solar. What’s the use of invoking Art 3, Sec. 17 of the 1987 constitution kung ang kaibigan mo naman ay certified class A imbestigador. Di ka talaga tatantanan.

 

“Oo na sige na, pero part lang yun,” depensa ni Joohyun.

 

At nagsimula na ngang magkwento si Joohyun.

 

 

 

*flashback*

 

 

Monday.

As usual wala namang gaanong ganap sa buhay ni Joohyun.

 

Ay meron pala, member kasi siya ng dance troupe nila. Isa pa yun sa dagdag stress. Lintik naman kasi si Solar dinamay pa siya pagiging bida bida.

 

“5…6…7…8…, hay ano ba yan!” may malakas na boses na nangibabaw sa loob ng room na pinagp-practicean ng dance troupe nila.

 

“Chanyeol ano ba yan ayusin mo naman,” boses ni Solar yun. Halatang stressed na paano ba naman tatlong araw na nilang ginagawa yung routine di pa rin sila sabay sabay. Depowts.

 

“Eh ang hirap naman kasi di ko talaga magets. Nagkakabuhol-buhol paa ko eh,” sagot naman ni Chanyeol. Sa tangkad nito ay mukhang (kapre, chos lang)kayang kaya niyang manununtok dahil stressed na din siya sa pagkabisa ng dance steps. Pero good boy siya kaya tiklop na lang siya kay Solar.

 

Kaso wala talaga sa bokabularyo ni Solar ang pagiging takot lalo na kapag mainit na ang ulo, “Ayusin mo yan kung hindi leeg mo bubuholin ko.”

 

Buti na lang at hindi pikon si Chanyeol at buti na lang din ay hinila na pabalik ni Joohyun si Solar. Kahit naman wala ding inuurungan si Joohyun ay alam niya kung kelan dapat umawat na lang dahil nako day ayaw niya ma-witness ang David versus Goliath Millennial version.
 

 

Member sila Joohyun ng dance troupe ng department nila. Si Solar ang chairwoman dahil may goal siyang iahon sa burak ang reputasyon ng kanilang dance troupe. Medyo lelat kasi talaga.

 

Ang kaso walang gustong sumali. Maliban na lang kay Tzuyu na member din ng dance troupe bago pa man maging chairwoman si Solar at knowing na medyo may latak ang relasyon nila ay di naman niya kayang tiisin na si Tzuyu lang ang kasama niya.

 

So dahil nga ang motto niya ay DATS WAT PRENDS ARE POR ay hinila niya para sumali si Joohyun dahil alam niyang magaling din sumayaw ang lolang ito. Nadamay na lang din si Jennie kahit tamad na tamad pumasok pati na lang din si Wendy na member ng choir ay nahila na lang din.

 

Dahil kulang pa din sila, hinatak na lang nila si Chanyeol na sobrang sikat sa university nila. Siya kasi ang epitome ng perfect guy kaso lang di biniyayaan ng talent sa pagsayaw ang mokong. Pero kebs na pagtiyagaan. Panghakot audience na lang.

 

At ang last member ay ang choir buddy ni Wendy na si Chen. Nahatak lang din siya ni Wendy dinahilan na lang niya na sila ang kakanta habang nasayaw yung mga member ng dance troupe. Di niya knows na may pag-sayaw palang magaganap.

 

So ayun gets niyo na kung bakit ganun na lang ka-frustrated si Solar. Jusko teh di niya alam kung magsasabay-sabay pa sila ever.

 

 

“Uy Solar chill ka lang, alam mo naman yan si Chanyeol. Pagpasensyhan mo na lang matututo din yan. Di niya lang talaga forte ang pagsayaw” sabi ni Joohyun habang hinihimas ang likod ni Solar para kumalma. Nako talaga iba magalit itong si Solar she can beat the heat of the sun.

 

“Hay sana nga Joohyun, ay nako ewan,” sabi na lang ni Solar at nag-proceed na ulit sila sa practice.

 

 

Matapos ang practice ay nag-check agad ng phone si Joohyun dahil mahigit two hours niya ding hindi nagawa yun. Aba baka nag-text na ang kanyang mudra ng reference number para sa kanyang allowance.

 

Agad kumunot ang mukha niya ng makitang panay Smart at NTC na naman ang laman ng kanyang inbox, may nahalo pang message na nanalo daw siya ng 500,000 pesos, wow yayamanin.

 

Pero nang mascroll down niya ang pinakahuling message ay agad siyang napangiti. Hays. Pag-ibig nakakawala agad ng sakit ng kasu-kasuhan.

 

 

 

Seulgi ♥ (4:45 pm)

[Hey, thanks again sa pagpapahiram ng books, balik ko by Wednesday? Maybe pwede na rin kitang ma-treat ng lunch by then. Wala ka namang pasok nun right?]

 

Napakagat labi na lang si Joohyun aba’y anak ng pitompu’t pitong puting pating naman. Pag-ibig na is dis guyth. Tinry niyang i-conceal ang kilig na nadadama dahil na din sa dami ng taong nasa paligid niya pa.

 

 

Joohyun (6:47 pm)

[Hihi, ur welcome *smiley* Sure–

 

Di niya natapos ang pag-type dahil biglang nagsalita si alien classmate nila, “Guys nag-text sakin si Sir and nag-send daw siya ng new set ng cases and may recit next meeting. Then, may pa-term paper din si Ma’am tapos yung deadline daw ng research papers ay by next week, post ko na lang sa group yung ibang details.”

 

Napalitan agad ang ekspresyon ng mukha ni Joohyun. Hays, lagi talagang may hadlang. Pero kahit na mas makati pa siya sa amorseco ay mas nangingibabaw pa din ang acads. Acads before landi. Tutal estudyante siya and mas mahalaga ang magmartsa sa March.

 

Joohyun (6:47 pm)

[Hihi, ur welcome :) Sure– *delete delete*

 

Joohyun (6:49 pm)

[Ur Welcome, sorry di ako pwede]

 

end of flashback

 

“So ayun na-turn down ko siya,” disappointed na sabi ni Joohyun. More than her urges ayaw niya kasi yung nakakadis-appoint ng tao and feeling niya kasi yun ang nagawa niya, unknowingly. Pero may part din naman na ang ikinalulungkot niya ay ang thought na wala namang pake si Seulgi kung matuloy ang lunch or whatever na ino-offer niya kay Joohyun. Baka nga masaya pa si Seulgi dahil wala siyang ililibre.

 

Masyado na ata kasi siyang umaasa at baka good thing na lang din na natambakan sila ng school work para naman mabalik yung paa niya sa lupa.

 

(uhm bakit may angst dito)

 

“Ah yun ba Joohyun? Ano ka ba! I’m sure maiintindihan niya yun. Mahaba pa ang taon I’m sure marami pang pagkakataon. Besides, estudyante ka priorites natin lagi ang mag-aral.”

 

 

Tumango na lang si Joohyun. Di na lang niya sinabi kay Solar yung isa niya pang concern. Pero sure naman siya na implied na yun at ramdam ni Solar yun dahil bigla na lang siyang inakap ni beshie.

 

 

 

Sabi nga ng EX B wag mong gawing mundo yung alam mong tao lang. So for the mean time sa school work na lang siya magf-focus.

 

 

------

Monday.

 

“And one, two, three, POSE!” umalingawngaw yung malakas na pagbibigay ng direksyon ni Lisa sa mga kagrupo niya. Super attentive naman at grabe ka-precise yung formation nila. Mabilis din nilang na-master yung choreo nila. Kaya medyo sikat din talaga sa buong university ang Arki Department at ang kanilang elite dance troupe.

 

“Sige take five muna tayo. Inom muna kayo-“

 

“YASSSSSSS. LAKLAKAN NA. BIBILI NA ME NG PANG SHOT!!!! DID U SEE MY BAG, DID U SEE MY BAG?” biglang sigaw ni Hoseok na kukunin sana yung pitaka niya sa bag niya. Akmang susukbitin na niya yung bag niya nang kotongan siya ni Lisa.

 

“Ungas! Di pa tayo tapos! Take five nga lang eh!”

 

Napahimas naman sa batok si Hoseok saka bumelat kay Lisa. Inakay niya palabas si Jimin para bumili ng maiinom na di pang-laklakan.

 

“Hoy Jimin! Siguraduhin mong babalik yang kaibigan mo ah! Kung di, parehas kayong tatamaan sa akin!” pahabol ni Lisa

 

“Kay Seulgi lang daw siya may tama! Wag ka daw feelingera-“ at bago pa man ulit matapos ni Hoseok ang sasabihin niya eh isang kotong na naman ang sumalubong sa ulo niya. Agad tinakpan ni Jimin yung maingay na bunganga ng kaibigan at agad napadpad ang tingin kay Seulgi. Nahuli naman yun ni Lisa at tinaboy muna yung dalawa.

 

“Kangina bumili nga muna kayo!” suway niya.

 

Parang wa care naman si dancing bear kasi nakaupo lang siya at nakatulala. Wala naman siyang specific na iniisip pero di niya ma-explain yung pagkabalisang nararamdaman nya. Ilang beses na niyang tinititigan yung phone niya, particularly yung inbox niya. Nakailang refresh na siya pero alaws pa rin.

 

Napabuntonghininga na lang siya.

 

Ano ba tong nararamdaman niya? Parang may part niya na nagsasabing may mali pero di naman niya matukoy kung ano yun. May nagawa ba siyang mali? Baka naman masyado na siyang nagiging burden. Ngayon niya lang na-experience yung ganito. Mag-aala “The Thinker” pa sana siya sa lalim ng iniisip nang biglang ma-interrupt siya nung isa pa nilang miyembro.

 

“BB CREAM PA PA PA, LIPSTICK MAM MAM MA” biglang singit ni Momo. Hawak niya yung imaginary foundation at lipstick niya. Umiikot ikot pa si loka. Napatingin siya kay Seulgi. Kinabahan naman yung isa kasi malay niya ba kung ano na namang topak ni Momo.

 

“Camera? Camera? Yeppeuge!” tanong niya kay Seulgi.

 

WTH.

 

“Oy Momo! Dun ka nga muna mag-ala Avon Lady. Kakausapin ko muna tong si Seulgi,” taboy ni Lisa. Akmang mangungulit pa sana yung haponesang parang laging nakatira kaya pinanlisikan na siya ng mata ni Lisa, edi natakot na siya.

 

“Me no likey,” sabi niya habang naka-TT yung mga kamay sa tapat ng mukha niya. (ano ba talaga? isa isang kanta lang haha)

 

Naupo naman sa tabi ni Seulgi si Lisa. Nahalata talaga nito na parang may something wrong kay Arki Bear.

 

“May problema ba Seul? Kanina ko pa kasi feel na may iba eh,” panimula ni Lisa. “Najejebs ka ba?”

 

Aba pota. Seryoso na eh!

 

Napangiti naman si Seulgi at umiling.

 

“Di noh.”

 

“Eh ano? Halata na kasi sa galaw mo, kahit sa steps at movements nung routine kanina.”

 

Napalingon naman si Seulgi kay Lisa. Nakita ni Lisa na may pag-aalala sa mata nung Dancing Bear.

 

“E-eh? G-ga-ganun ba?” medyo mahina na pagkakasabi niya. “So-sorry ah?”

 

Nagulat naman si Lisa kasi di naman niya akalain na ganung klase ng panghihina yung maririnig niya sa boses ng kaibigang oso niya. Panic mode is on! Nag-play ka kasi with fire eh! (pilit haha)

 

“Ewan ko ba kung bat medyo down ako and di makapagfocus these past few days” patuloy niya pa. “I’m sorry kung nagiging pabigat ako. Parang sa lahat na lang ganun ata ako....”

 

“Luh! Eto naman! Lahat tayo may off days,” agad niyang explain. Hinimas din niya yung likod ni Seulgi. Nanatili itong tahimik at mahigpit ang hawak sa cellphone niya. “Pero kung kailangan mo naman ng kausap, lagi lang naman akong nandito.”

 

Tumango-tango naman si Seulgi. Medyo nakahinga ng maluwag si Lisa. Aba pota dehins niyang alam ang gagawin kung nag-open up talaga ng todo todo tong isa. Malay niya ba sa mga heart to heart talks?! Peace talks pwede pa! (char)

 

Maya maya naman eh biglang lumiwanag yung mukha ni Seulgi kasi nag-vibrate yung cellphone niya. Dali dali niyang binuksan ang inbox niya at binasa ang message na natanggap niya.

 

Kung gaano kabilis nag-light up yung mukha niya eh siya ring bilis ng pagdilim nito. Napatayo siya.

 

“Uhmmm. Lisa, excuse me muna, maghihilamos muna ako” bago pa man makasagot si Lisa eh nakalabas na ng room nila si Seulgi. Naiwan niya yung cellphone niya na nakabukas pa.

 

 

Isang text ang nareceive ni Seulgi.

 

Joohyun (6:49 pm)

[Ur Welcome, sorry di ako pwede]

 

 

 

Habang naglalakad si Seulgi. Di niya maexplain yung bigat ng loob niya.

 

 

Seulgi (7:30 pm)

[Ay ganun ba? Busy sa acads? Good luck :) ]

 

 

-------

 

May mga bagay pa rin talaga na dadagdag sa constantly increasing stress levels ni Joohyun. Feel nya tuloy ang sama niyang tao nung past life niya. Binully niya ba si Jose Rizal dati?! Mayghad.

 

 

“Hay Solar naman bakit ganito? Mukha akong Dora!!!!” sigaw ni Joohyun habang papalabas siya ng CR.

 

Tiningnan lang siya ni Solar na para bang iniinspect yung ginawa niya sa buhok ni Joohyun, “Ha? Okay lang naman ha. Bagay nga eh.”

 

Tumingin ulit sa maliit na salamin na hawak niya si Joohyun para inspeksyunin ang kanyang buhok, “Anong bagay Solar? Pwedeng pwede ko ng palitan si Dora tingnan mo naka-violet pa ko,” sabi ni Joohyun habang tinuturo ang kanyang violet shirt. Buti na lang di siya nag-orange na short.

 

 

Bilang part ng kanilang routine para sa nala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)