Chapter 6

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

DEFINE MASAYA. DEFINE KILIG. DEFINE YUNG FEELING NA PARA KANG NASA CLOUD NINE.

Para kasi kay Joohyun, walang makakapag-explain ng tuwang kanyang nararamdaman dahil sa wakas ay mukhang umuusad nang todo todo ang kanyang tigang pa sa lupang nakakaranas ng El Niño na lablyf. Paano ba naman, simula nung last text sa kanya ni Seulgi, hindi na nagpatumpik tumpik pa si Joohyun. Ayaw niyang magpaka-weak.

Mag-iisang linggo ng magka-text mate si Seulgi at Joohyun. Si Joohyun na galit na galit sa mga kapitalistang mobile carriers ay binalewala muna ang pride at nagpakain sa kapitalistang sistema. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa kanyang idol na si Karl Marx dahil ni-lelet down niya ito. Pero landi comes first. Ngayon lang naman. For sure maiintindihan siya ng kanyang idolo.

Kung dati dati’y mga advisory ng NDRRMC, MERALCO, chain messages at siyempre, si beloved SMART lang ang bumubuhay sa phone niya, ay nako day! Lumevel up na ng todo si Lola Rabbit! Di na siya lumalabas ng bahay ng walang load. Basta makita niyang mag-light up ang screen niya indicating a new message from her beloved Adorable Arki Girl eh flylalu agad siya sa nearest sari-sari store para magpaload. Gagang babaita! Samantalang pag nagtetext ang pamilya niya di man lang makapagreply tapos laging idadahilan na wala siyang load! T H E H Y P O C R I S Y. Pero in her defense, eto namang instance na to ay all for the name of, you already know it:

CAPITAL

L

O

V

E

 

!!!!!!!!!!!

(Joohyun di mo ba mahal pamilya mo?!?!)

 

Pero bakit nga ba todo kilig naman ‘tong si Joohyun. Ganun na ba kalandi ang palitan ng mensaheng nagaganap? May mga uhm t- este sentimental messages na bang nagaganap?

 

Subaybayan ang textserye ni Joohyun at Seulgi

 

 

 

 

*flashback/s*

- after ng naudlot na laro ng 10 20-

Joohyun (8:15 pm)

[Ay, slr Seulgi. Nakauwi na me. Thanks sa concern :) ]

 

Seulgi ♥ (8:16 pm) *matapos malaman ni Joohyun na si Seulgi ang number na iyon ay agad agad niyang pinalitan ang name niya ng Seulgi with heart. Dun din naman daw papunta yun kaya mas mabuti na ang handa*

[Ow, haha. sige dinner ka na tapos pahinga ka na.]

 

Pakingteyp. Sa isip isip ni Joohyun ganito ba dapat ang text sa taong kakakilala mo lang? Potek parang jowa ah. Di sa nagrereklamo siya pero…ok kinikilig lang talaga pempem niya.

 

Joohyun (8:16 pm)

[Wow nanay lang? Haha. Ikaw rin!]

 

Potek. Napa-facepalm si Joohyun sa kanyang reply. Pero naisip niya na sige tama lang ang mag-joke. Itago muna natin ang mga motibo. Kalmahan lang muna Joohyun.

 

Seulgi ♥ (8:17 pm)

[Haha. Masama kasi magpalipas ng gutom ;) Nagd-dorm ka lang ba?]

 

Shet naman this bear is so sweet. Naiisip na ni Joohyun ang kanyang future with Seulgi dahil sobrang sweet at caring neto. Also, bakit kaya tinatanong ni Seulgi ang kanyang address? hmmm?

 

Joohyun (8:17 pm)

[Pag sinabi ko ba address ko dadalhan mo ko dinner?] *sent*

 

Shet. Napafacepalm na naman si Joohyun. Tanginerts. Ang landi naman ng datingan. Potek potek. Ngayon niya lang hinihiling na sana walang signal. Na sana matumba mga poste ng Smart at baka sakaling di matanggap ni Seulgi ang text. HUHU

 

Seulgi ♥ (8:18 pm)

[Hahaha. Kung malapit ka lang, walang problema.]

 

OHHHHHHHHHH. Sinasakyan ba ni Seulgi ang kalandian ni Joohyun, are they in the same boat. Kinilig ulit si Joohyun ng may matanggap na isang pa ulit na text. Shet sure ba talaga si Seulgi sa sinasabi niya?

 

SMART (8:19 pm)

[The following inclusions are about to expire…..]

 

POTAAAAAAAAAAAAAAAAA! Ngayon pa talaga siya nawalan ng load. At knowing the area around their dorm wala na siya mapapaloadan. Huhubels. Paano na!

Nagtangka pa rin siyang lumabas at mangatok sa ibang tao sa building ng kanyang dorm. Baka sakaling may nagp-part-time na nagloload sa mga tao dito. Pero to her dismay wala talaga. Naramdaman na niya ang kalam ng kanyang sikmura. Napagdesisyunan na lang muna niyang kumain at ng matapos siya ay pasado alas-nuebe na.

Tiningnan niya ulit ang kanyang phone at sumimangot. Hays potek, nandun na eh. Konti na lang eh. Andun na.

 

 

 

Bzzzzzt. Bzzzzzt.

Seulgi ♥ (10:00 pm)

[Mukhang nakatulog ka na. Sana di mo nalimutan kumain. Good night :) ]

Deputs. Mula noon sinigurado ni Joohyun na magpapaload siya ng pang-isang buwan bukas mismo.

 

 

 

-kinabukasan-

Joohyun (8:00 am) kinatok niya ang tindahan sa tapat ng kanyang dorm para magbukas na at makapag-paload na siya. Balak na nga niyang mag-camp out sa labas pero syempre malamok so naghintay na lang siya.

[Hi Seulgi! Yep nakatulog ako kagabi sorry.] Nagsinungaling si Joohyun. Duh alangan namang sabihin niyang nawalan siya ng load. Well pwede naman talaga pero ya know, ma-pride siya.

 

Seulgi ♥ (8:30 am)

[Hi Joohyun! Good Morning, hehe oks lang. Buti na lang tinext mo ko muntik na kong di magising eh. haha.]

 

Joohyun (8:35 am)

[Ay may pasok ka? Sige ingat ka ah.]

Josko naman ang kupad lagi magreply ni Seulgi. Iniisip tuloy ni Joohyun kung sa bundok ba ng Taralala nakatira ‘tong babe niya.

 

Seulgi ♥ (9:00 am)

[Hehe, thanks. Wala ka pasok?]

 

Joohyun (9:02 am)

[Wala po haha.]

Bakita ba pagnagt-text kahit di nakakatawa kailangang may haha, required ba yun o sadyang may saltik lang ang mga bida?

 

Seulgi ♥ (9:10 am)

[Oki. May class na ko ng PolGov ngayon, sabihin ko kay sir ikaw na contact ko ha.]

 

Joohyun (9:12 am)

[Oki. po. Good luck sa’yo. If need mo ng help sa PolGov class mo I’m one text away. :) ]

 

Seulgi ♥ (9:15 am)

[Oki. Sige alis na me.]

 

Joohyun (9:18 am)

[Ingat ka ha. :) ]

 

Baka naman talaga may lihim na ring pagtingin tong isa sa kanya? (ASSUMERA) Well Joohyun would like to keep things on the bright side. Alam niyang di magiging madali ang pagsuyo niya sa magandang binibini, dahil na rin sa maraming outside factors including acads at yung fact na limited lang ang opportunities para magkausap sila ng personal dahil sa pagkakaiba ng course nila, pero Joohyun can manage.

Pero eto ka, di naman talaga talkative sa text si Seulgi. Yang exhibit sa taas? Nangyari yan after nung first day na magkatext sila. Likas na maalalahanin si Seulgi kaya yung pangangamusta via text comes naturally na lang. Pero ang karaniwang topic nila kapag nagtetext ay about acads stuff: panghihingi ng tips about sa prof; panghihingi ng advice regarding plans for papers; past assignments na pwede ding ibigay sa kanya at kung ano ano pang pwede mong lagyan ng grade. Medyo paranoid kasi si Bearlalu kasi ayaw na niyang bumagsak ulit, mahirap na.

EXAMPLE:

Seulgi ♥ (4:37 pm)

[Magandang hapon po! Busy ka?]

Mas mabilis pa sa internet speed ng Pilipinas na nangungulelat worldwide ang pagtextback ni Joohyun. (ISANG MALAKING EHERM INTERNET SERVICE PROVIDERS!!!) Walang moment na afford niyang masayang. Willing siyang idrop ang current streak niya na 134 sa Flappy Bird as long as si Seulgi ang makikita niyang notification sa phone niya.

 

Joohyun (4:37 pm)

[Hi! Di naman haha. Drop the po tho.]

 

Seulgi ♥ (4:44 pm)

[Ay sorry :P Need a favor. Nakakahiya.. >///<]

Napatayo si Joohyun mula sa pagkakahiga. Magrerequest ba ng private tutorial si Seulgi?!?! Mangyayari na ba ang pinapangarap niyang one on one study sesh with Seulgi? ONE NIGHT STA-ESTE STUDY WITH KANG SEULGI?!!? Kailangan niyang magready! Pero bago paman makapag-react si Joohyun eh nakatanggap siya ng isa pang text mula kay Seulgi.

 

Seulgi ♥ (4:45pm)

[Pwede ba akong manghingi ng past notes? Di ko talaga kasi forte tong Pol.Gov >///<]

Medj na si Joohyun. Pero agad-recover agad ang gaga at agad nagreply.

 

Joohyun (4:46 pm)

[Sure sure! Parang yun lang! Pero pano mo kukunin? Kita tayo somewhere?]

Eyyyyy. May balak pa atang umiskor ng date si Lola Rabbit natin. Pero isa na namang ang natamo niya.

 

Seulgi (4:50 pm)

[Nakakahiya naman na abalahin ka pa tho. Ako na lang kukuha?]

Haixzt. Mahirap magpapunta sa dorm nila. Bukod sa parang naturukan ng steroids yung landlady nilang lola eh mga dakila ring usisera ang mga dorm mates niya. Baka madulas pa yung mga yun o di naman kaya eh mandaya na i-unveil ang secrets niya. Di pwede yun noh! Wala pang progress!

 

Joohyun (4:51 pm)

[Nakakahiya naman kung papauntahin pa kita sa dorm lols. Sa school na lang? Tuesday and Friday pasok ko :) ]

 

Seulgi (5:01 pm)

[Thank you Joohyun! I’ll text na lang ulit. Daan na lang ako sa room niyo if ever. Thank you ulit!! :) ]

 

 

Pero Baechu doesn’t mind. Kahit acads yan, oks na oks lang. Kahit nakalilimutan na niya yung mga lesson na yun, willing siyang aralin ulit. It takes time. Pero naniniwala siya na sooner or later, makakaramdam na rin yung isa sa ulterior motives niya. Besides, MAS may mao-offer siyang di kayang ibigay ng acads. (ISANG MALAKING EHERM!!!MAGHUNOS DILI KA) At iyon any ang buong pusong pagmamahal. (WEEEHHH??)

 

At ngayon nga, magkaka-encounter na naman sila sa school. Yizzzzzzzz. Kahit kukunin lang naman talaga ni Seulgi yung notes niya eh abot tenga pa rin yung ngiti ng bida. Okay, dito muna ang simula. Pero di pa rin niya bibitawan yung possibility ng private tutoring session. Sana talaga mangyari yun~~

 

Kaya naman nung araw ng pasok ng Tuesday eh very looking forward si Joohyun sa magiging araw niya. Nasa good mood siya at wa care kahit yung subjects niya nung araw na yun ay terror kung terror. Iniisip na lang niya na she has Seulgi to save her day from any kind of misery that she may encounter. Pak ganire!

 

“O. Bakit mukha ka namang nanalo ng lotto dyan Joohyun?” tanong ni Solar.

 

As usual kasi, di magkamayaw sa pagrereview yung mga kaklase niya. May recitation na naman sila at si Joohyun ay busy lang sa pagpapantasya. Si Solar at Jennie eh napilitang magreview habang si Wendy naman ay halos bunutin na lahat ng buhok niya sa ulo sa kakastress kung paano na naman itatawid ang isang recitation para sa araw na to. Idagdag mo pa na nagpapaturo sila Solar at Jennie na kahit siguro ipakain na ni Wendy yung notes niya ay di pa rin mag-gets ang mga tinuturo niya.

 

“Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyy. Pag-ibig is in d air guys,” sagot niya with matching twirling of the strands of her hair and fluttering of the eyes. Saltikin mode is on na. Nang marinig ito, siyempre natigilan agad sa pretend review nila si Solar at Jennie.

 

“NANI??” bulalas ni Jennie. “Meron ka nang labulyf?”

 

“Sinosinosinosinosinosino?” dagdag naman ni Solar.

 

Napangiti naman si Joohyun sabay ikinuwento ang textserye nila ni Seulgi. Medyo binend niya yung truth ng kaunti para mas may effect ang storytelling schemes niya. Nagsitaasan naman yung kilay nung dalawang loka.

 

“Wuuuuuuuuussss!” panimula ni Jennie. “Mamaya naman eh ginagamit ka lang niyan para makapasa! Maraming ganyang instance ngayong college gerl!”

 

“Haynako Jennie! Bitter ka lang kasi lagi kang nac-catfish ng mga ka-Omegle mo. Don’t spread your negativity nga!” ani naman ni Solar. “Palibhasa kasi wala ka dito nung nagka-eksena yang si Joohyun sa rally dun sa may Charlie! Parang teleserye yung nangyari dun!”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)