Chapter 7

I'll (Pur)Sue You
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

“IKAW????” sabay na bulalas ni Joohyun at Yeri.

Alam niyo yung meme na may dalawang Spider-Man na magkaharap at nagduduruan? Well yung eksena nung dalawa nang magkaalaman sila na may connection pala sila with the same person is a very spitting image of that meme. Di kinaya ni Joohyun ang mga revelations! HOW COULD THIS HAPPEN TO HER? *cues Untitled by Simple Plan*

Sa inner monologue ng lola niyo eh tinatanong niya ang sarili niya ng paulit-ulit?

 

“BAKIT NAMAN SA DINAMI DAMI NG ASUNGOT SA MUNDO ‘TONG BLONDIENA PA NA ‘TO?!?!”

“BAKIT NAMAN SI SEULGI PA ANG NAGING ATE NIYA???”

“PAANO SILA NAGING MAGKAPATID EH SINGKIT YUNG ISA TAPOS ITO NAMANG KAHARAP KO NGAYON EH MAY PAGKA MULAGAT???”

“BAKIT SIYA BLONDE?? SI SEULGI NAMAN HINDE AH??” (di pwedeng nagpakulay lang????)

AT HIGIT SA LAHAT....

“BAKIT KAILANGANG SHS PA ANG MAGING KAPATID NIYA??????”

 

Joohyun was shookedt to the highest level. Mabagal na nga ang pag-usad ng lovelife niya eh meron na namang isa pang balakid na kailangan ata niyang malagpasan! Pero siyempre wa care siya. Anything! Kahit ano talaga eh lalampasan niya para lang makamit ang affections ni Seulgi. BRING IT ON!!

 

“So, ikaw pala ang kapatid ni Seulgi. What a surprise,” matipid na sinabi ni Joohyun.

“Yes,” sagot naman ni Yeri. “I guess we’re both surprised kasi I didn’t know that you had the capability of helping another student.”

 

OMAHLORD. Medyo spicy ang bibig ng batang to! Agad namang nairita si Jooyun. Yung tropa naman niya eh halos bumagsak ang bibig sa lapag dahil sa narinig. Who does this kid think she is? Di naman nagpa-affect si Joohyun ka naman bumanat din siya. Di siya papayag na lumampas na lang yun noh! Nahurt kaya siya!

 

“Well, hanggang ngayon nga eh nagtataka pa rin ako kung kapatid ka ni Seulgi.”

“Huh? Anong nakakapagtaka eh parehas kaming maganda,” sagot naman ni Yeri with matching pag-flip ng hair. (Pero legit guys tangina ang gaganda nila sa PeekABoo; gay for red velvet)

“Yep. She’s pretty. Ikaw? Pretty din, pretty pathetic,” sarkastikong sagot ni Joohyun. BARS BEYBEH BARS! YO GERL JOOHYUN GOT BARS!

 

Sinagot naman siya ni Yeri ng isang tumitirik at nagii-stay sa loob na mata na irap.

 

“Hoy. Wala akong oras para magtagal at makipagkumustahan sayo,” nakapamewang niyang sinabi. “Ibigay mo na lang yung pakay ko ng makaalis na ako dito.”

“Wala din naman akong balak na makipag-session sayo ng One on One with Boy Abunda noh,”

 

NAKOWPO. Medyo lumalala na ang tension. Akmang papalapit na sila Jennie, Solar, at Wendy nang biglang may tumapik sa balikat ni Yeri.

 

“Pwede ba? Between sa aming dalawa to kaya kung-“ pero di natapos ni Yeri ang kanyang sinasabi dahil binati siya ng mukha ng diyosa ng Marketing Department and friendship ni Joohyun na si Joy. Agad namang tumiklop ang kaninang mahaderang bunganga nung bata. Na wa say siya sa kagandahang bumungad sa kanya! Napansin naman agad ni Joohyun ang tinginan nung isa. Could it be?

“Joyyiiiie~ hayaan mo na, ako na bahala,” tawag ni Joohyun. Agad napalingon si Yeri sa kanya. Naintindihan na niya siguro ang setup. Agad namula ang mukha nung bata at napayuko. Iniabot nito ang kanyang kamay.

 

“Kukunin ko na lang yung notes na pinangako mo sa ate ko,” tahimik na sinabi ni Yeri. Nakayuko pa rin siya at namumula ang mukha. Iniabot naman ni Joohyun yung notebook niya. Agad itong kinuha ni Yeri. Sisibat na sana siya palabas nang saglit siyang tumigil sa doorway. Lumingon siya pabalik kina Joohyun.

 

“Sa-salamat,” parang hirap pa niyang sinabi. Tumango lang naman si Joohyun pero syempre dahil alam niyang wagi siya sa round na itech, may kasama yun na condescending looks at smug smile. Napakunot naman ng noo si Yeri.

 

“Pero walang mababago. I still don’t like you. At wag ka masyadong pakampanteng lumapit sa ate ko,” sabay belat ni Yeri at tuluyan na siyang umalis.

 

Napailing na lang si Joohyun sa nangyari. Inaamin niya, medyo nanghina siya (Tumatanda na kasi eherm). Di niya kasi talaga forte ang mga bata. As in never talaga! Kulang na nga lang eh ilaglag niya yung mga nakababata niyang pinsan sa balon tuwing nauutusan siya dati na magbabysit nung bata pa siya. Isang beses pa nga eh literal na itinali niya gamit ng duct tape sa upuan yung kaaway ng pamangkin niya dahil lang sinabihan siya nito na parang wig yung buhok niya at mukha daw siyang bakla.

 

Lalo na kung asungot at esa yung mga yun gaya nung kaso ngayon! And to think na she has to deal with Yeri-the –SHS-Student-na-lil-sister-pala-ni-Hubby-Seulgi; makes her head hurt a lot. Need mag sit down ng lola niyo. Baka atakihin siya ng wala sa oras. Hanggang ngayon di pa rin maarok ng isip niya kung paanong si Yeri: kampon ng kadiliman na parang home grown sa garden ni Satanas; ay ang baby sister ni Seulgi: ang clumsy but caring and oh so yummy (ehem) future hubby niya! Walang sense!

 

“May mga kaibigan ka na pala na SHS ngayon?” surpresang pagtatanong ni Joy.

 

“Long story pero josko! Maniwala ka sa akin day. Di kami magkaibigan ni katiting!” agad na sagot ni Joohyun. “Mag lay down na lang me to die imbes na kaibiganin yung lukaret na babaeng yun!”

 

“Teka, bakit ka bumalik dito? Nakalimutan ba kitang bayaran?” pagtatakang tanong ni Joohyun. Oo nga naman parang mushroom na lang na sumulpot ang kaibigan niyang diyosa.

 

“Nakalimutan ko kasi yung isang container ko ng paninda, binalikan ko kaso nakita kitang nakikipag-sagutan kaya ayun,” pagkukuwento ni Joy. Di man madalas mahiya si Joohyun ay ngayon nafeel niya ng kaunti dahil minsan na nga lang sila magkita ni Joy maabutan pa siyang nakikipag-away. At note sa mas batang SHS pa. Masisisi niyo ba naman kasi si Joohyun eh kampon ng kadiliman yung Yeri na yun.

 

“Pero, you know what Joohyun? Pwedeng avenue yun for me,”mapaglarong sabi ni Joy.

 

NAKO inatake na naman ng espiritu ng networking tong kaibigan niya. Yung tipong mangungulet ng todo todo para kumita.

 

 

“Ano na naman yang naiiisip mo Joy?”

 

“Kasi alam mo naman ako. Kahit na biniyayaan ako ng cutie-y attributes eh medyo nahihiya pa rin ako mag door-to-door pag sa mga SHS.”

 

“Tapos?”

 

“Eh tutal, may established image ka na naman sa kanila, baka naman pwede mo akong samahan? Pwease Joohyun~~~?”

 

“No way! Majijirits (jirit jirit jirit) lang ako pag nakita ko pa ulit yung Yeri na yun.”

 

“Ehhhhhhhhhh! Sige naaaaaaaaa~” patuloy na pilit ni Joy. “Besides, kapag nag join forces tayo eh mas lalong lalaki ang kita! Kahit this day lang. Need ko ang beauty mo.”

 

“Ayo-“ sagot sana ni Joohyun pero natigilan siya kasi may light bulb na umilaw sa kokote niya.

 

Maraming point si Joy. Una, maganda talaga si Joohyun kaya marami talagang maeengganyong bumili sa kanila (yun talaga yung unang valid point eh noh?). Pangalawa, pwede niyang i-confrim yung kinikilos kanina ni Yeri. And pangatlo, kung tama nga yung hula niya, edi isang malaking AHA! Pwede siyang may magawa to improve the situation with Seulgi.

 

“Sige. Payag na ako,” sagot ni Joohyun with matching eyes na may hidden agenda.

 

“BOOYAH!” masayang hiyaw ni Joy.

 

“Pero hindi ngayon, may klase ako besh. Sa Thursday ba may benta ka?”

 

“Naman! Talo ko pa seven eleven besh. Text kita. Salamat talaga Joohyunieeee~”

 

 

-----------

Isa sa mga iniidolo ni Joohyun ay si Hans Morgenthau. Si Papa Hans ay isa lamang sa mga kilalang figures sa theory ng realism sa International Politics. Ano nga ba ang realism? Lesson muna tayo hmmmm.

Realism is a theory in international politics which views that states act in pursuance of their self-interest. Meaning basta gusto go, walang pake sa kung anong way yan basta makuha ang gusto by any means necessary. *emphasis supplied

Kaya naman ngayon iniinternalize ni Joohyun muli ang kanyang inner realist self para naman maforward niya ang kanyang interest na alam naman nating lahat by now. Kailangan pa bang sabihin kung ano yun? Alam na alam niyo na yun. Umaamoy lagi yung motibo ni Joohyun eh.

Nawa’y sapian siya ng espiritu ni Morgenthau.

 

Thursday.

 

Eto na. Ginawa nang maaga ni Joohyun ang kanyang mga coursework na due ng Friday para lang makasama sa trippings ni Joy, by trippings she means pagbebenta ng coffe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
primafacie
So yun po, yung bold na J's po sa texts nila ay mga smiley yun (ayaw basahin ni aff). Edited na siya. Sorry for the confusion.

Comments

You must be logged in to comment
yulliseek #1
Miss ko na ‘to omg huhu miss you, author 😭
svblimehysterix
#2
Chapter 1: namiss ko bigla yung sintang paaralan, buti di pa ako naka-encounter ng upuan na may surot tuwing may klase kami sa main huhu
svblimehysterix
#3
Chapter 1: BAT NGAYON KO LANG TO NADISCOVER PAKENING SHET FAMI KONG TAWA HAHAHAHA
Wintojiman
#4
Binabalik-balikan ko to. Otor beke nemen heheh
Wintojiman
#5
Update? Heheh
heesica10 #6
Chapter 9: author baka naman
LiNiLalisa1502
#7
Chapter 10: Dami kong tawa dito. Salamat author! Nawala stress ko :)
yulliseek #8
Chapter 10: Na-miss ko ‘to :((( anygay, congrats mga authornim!
penguminari_
#9
Chapter 10: I've missed this
milliebobeleven
#10
Chapter 1: tangina PUP ba 'to mga tol yung atmosphere kasi e ramdam na ramdam ko (ay waw daming alam ni ate gurl)